“Bakit ganiyan ang suot mo?” Salubong ang mga kilay na nakatingin sa kaniya si Brayden nang makita nito ang itsura niya. Hindi naman luma ang bestida niyang suot pero balot na balot ang buong katawan niya at halata ring mumurahin lang iyon. “I-ito lang ang maayos na damit na mayroon ako,” kiming tugon niya. Bigla siyang nakadama ng panliliit. Alam naman niyang hindi siya nababagay sa lalaki, pero kapag ganoong hantaran ang pamumuna nito, mas lalo siyang nawawalan ng kumpyansa sa sarili. Huminga ito nang malalim. “I ordered my mom to buy you clothes. Hindi ba dala mo naman ang lahat ng iyon?” Kagat ang labing tumango siya. “Then don’t say to me na iyan na ang pinakamaayos mong damit. I bought that for you kaya sa iyo na iyon. Pag-aari mo na.” “P-pero. . .” “Julienne. . .” may himig pa

