Napakislot ako sa kinauupuan nang biglang sigawan ni Ram, si Renz. Kasalukuyang iniisa-isang ipakita ni Renz ang mga inventory reports kay Ram nang bigla na lang itong magalit. “Bakit ang gulo-gulo nang pagkakagawa ng mga ito? Ganito lang ba ang klase ng trabaho na kaya ni’yo? Wala bang mas maayos at systematic na paraan para mas mabilis ang pagpe-present mo? Sinasayang mo lang ang oras ko!” singhal ni Ram sa kausap. Maging ako ay napapangiwi sa naririnig. Wala naman akong nakikitang mali sa mga reports dahil maayos naman iyon. Sadyang mainit lang talaga ang ulo nitong boss namin kaya lahat na lang kami rito pinag-iinitan. Dinaig pa ang babaeng may regla sa kasungitan. “Sorry, Sir. I will make sure to do it better next time,” nagtataka man ay humingi na lang ng pasensiya si Renz. Ako man

