“O? Kumusta ka na? Ang hirap mo na maka-date ngayon, ah? Pinapahirapan ka ba ng boss mo?” pabirong tanong ni Raiza sa akin. Sa isang Korean restaurant kami nagpunta at parating pa lang daw si Stan dahil ngayon lang sinabi ni Raiza na magkikita sila. “Okay lang naman ang trabaho ko. Marami lang talagang ginagawa ngayon pero kaya pa naman,” sagot ko. “Alam mo mayayaman na businessmen din ang mga kaibigan ni Stan, gusto mo bang sabihin kong tulungan ka niyang makalipat ng trabaho?” alok niya sa akin pero mabilis akong umiling. “Okay lang ako. Nasanay na rin ako sa mga trabaho ko sa opisina saka–” Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa mapaglarong ngiting namutawi sa mga labi niya. “Bakit?” kunot-noong tanong ko. “Iyon ba talaga ang dahilan o ayaw mo lang malayo riyan sa ex mo? Naku sina

