“Please, Ma’am Rachel, Ram… maawa kayo kay daddy. Kunin ni’yo na lang lahat ng mayroon kami. Huwag ni’yo lang siyang ipakulong please. Please!” halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa. “Talagang mase-sequester din ang lahat ng assets ng daddy mo dahil kulang pa ang mga iyon na pambayad sa lahat ng pagkakautang niya sa bangko,” taas ang kilay na sabi ni Ma’am Rachel sa akin. Natulala ako at napahagulgol na lang nang umpisahan na ng mga pulis na kunin si daddy. “Please! Please! Parang awa ni’yo na. Ramvince, please!” umiiyak akong lumapit kay Ram pero tinalikuran na niya ako at umalis na siya. Mabilis lang ding sumunod sa kaniya si Ma’am Rachel at ang mga bodyguards nila. Nagtayuan na rin ang lahat at nilisan na ang conference room. Dinaluhan naman agad ako nina Erlyn at ng secretary ni dad

