CHAPTER 8
Nakatitig lang si Cassy kay Dylan habang umiinum ang binata. Kulang na lang ay paulanan niya ito ng bala dahil sa inis niya kanina. Pagkatapos ng nangyari ay ibang pangalan pa rin ang binanggit ng binata. Inaamin niyang nagugustuhan niya na si Dylan. Hindi naman mahirap mahalin ang binata dahil bukod sa may itsura ito ay hindi rin ito nakakasawang kasama. Kahit tahimik lang ito sa gilid ay hindi magsasawa si Cassy na titigan ang binata buong gabi.
Sinuot ni Cassy ang damit niya saka siya muling tumabi sa binata at sinabayan ito sap ag-inum. Hindi na nila namalayan ang oras at tanging ingay lang mula sa ibaba ang naririnig nila sa itaas. Tumingin siya sa paligid kung meron ba siyang pwedeng maging biktima ngayong gabi. ‘May nakakita kaya sa ‘min kanina?’ tanong ni Cassy sa kanyang isipan saka binalik ang paningin niya kay Dylan. ‘Ano namang masama kung may nakakita sa ‘min? Gwapo rin naman ang lalaking ‘to at hindi ko kinakahiyang may nangyari sa ‘min.’
Mas lumapit pa siya kay Dylan kaya napahinto si Dylan sa pag inum at nilagay ang baso niya sa lamesa. Napataas ang kilay ni Cassy dahil kung umakto si Dylan ay akala mo ay hindi bulag. Unang pagkikita nila ng binata ay akala niya talaga ay wala itong kapansanan. Hindi mo mahahalata na may kulang sa binatang ‘to lalo pa at kung umakto ito ay parang alam na alam nito ang ginagawa niya. Malakas ang pakiramdam ni Dylan at mabilis siyang makaalala sa mga nasa paligid niya. Isa rin na rason kung bakit hindi umalis si Cassy sa pagbabantay sa binata dahil hindi ito tulad ng mga pasyenteng nakakasalamuha niya. Dylan is different.
“What is it?” tanong ni Dylan at saka huminto sa pag-inum. Kung titingnan mo siya ay para bang hindi siya tulad ng mga bulag na nakikita niya. Para bang normal na normal kay Dylan na makipag-usap at sa tuwing nakikipag-usap pa ito kay Cassy ay aakalain mo talagang nakatitig rin ito sa dalaga pero hindi pala.
“Can we cuddle?” natigilan si Dylan sa sinabi ni Cassy.
“Look, Cassy. I’m your patient, and you are my nurse.” Para bang bata ang kausap niya habang pinapaintindi kay Cassy ang limitasyon nilang dalawa. Hangga’t sa maaari ay ayaw na ayaw ni Dylan na magkasala sa girlfriend niya. Kahit sabihin pang wala na ito ay para sa binata ay nasa paligid lang ang dalaga at nakatingin sa kanya. He feels guilty lalo pa at nagiging malapit sila ng kanyang nurse. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya kung bakit hinahayaan niyang may mangyari sa kanila ng kanyang nurse, tapos magsisisi siya pag tapos na ang lahat. Napailing na lamang siya. Sigurado siya sa puso at isip niya kung sino ang mahal niya pero dahil sa ginagawa ng kanyang nurse ay naguguguluhan na siya. Ang dating tahimik at dilim niyang mundo ay pilit kinukulayan ng babaeng ‘to.
“Sir, off duty na po ako. Ano to? Over time? Hello?” masungit na sagot ni Cassy saka tiningnan si Dylan na hindi man lang umimik. “Isa pa, can we enjoy the night without thinking the others?” pagtutukoy niya sa namayapang girlfriend ng amo niya. “Pagpahingahin mo naman ang tenga ko sa kakabanggit mo sa girlfriend mo. Kahit mag mok-mok ka magdamag ay hindi mo pa rin maibabalik ang buhay ng babaeng tinatawag mo,” napahinto si Cassy sa pagsasalita ng tumayo si Dylan. Agad niyang hinila ang kamay nito saka muling pinaupo. “Okay, okay. Hindi na ko makikialam sa pagiging broken hearted mo but please kahit ngayon lang, just live how you used to be. I can be your fake ‘girlfriend’ para lang mag enjoy ka. Com’on! Sayang ang lugar kung mag eemote ka lang.”
“Ano bang gusto mong gawin ko, Cassy? You want me to dance on the dance floor?” lumingon si Cassy sa dance floor saka binalik ang paningin niya kay Dylan. Of course, she will not let him to dance on the floor. That would be tiring at ayaw niyang maging nanny for the rest of the night kakasunod sa lalaking ‘to. Umiling siya bilang sagot. “I can’t dance, I won’t dance. You want me to sing? I can’t because I’ m f*ckin’ blind! Can’t you see?!”
Napaatras si Cassy dahil ngayon niya lang nakitang nagalit si Dylan. Minsan nakikita niya itong naiinis pero hindi ito nagalit sa kanya. Siguro epekto na rin ng alak kaya nasabi ito ng binata. Buong buhay niya ay si Kyra ra ang nakakasama niya at nakakaintindi sa kanya at ngayon biglang susulpot si Cassy para guluhin ang nararamdaman niya.
“Sino bang bulag sa ‘ting dalawa ha?” inis na tanong ni Dylan.
“Hindi ko kasalanang bulag ka. What I’m trying to say is we should enjoy the night.” Mahinahong sagot ni Cassy kahit sa kaloob-looban niya ay gusto niyang talakan ang binata dahil sa pagiging emosyonal nito. She really hates drama at ngayon ay nasa sitwasyon niya na kailangan niyang intindihin ang nararamdamang kadramahan ni Dylan.
“Go, enjoy your self.” Mahinang bulong ni Dylan kaya mas lalong nainis si Cassy at kinuha ang dala niyang pouch saka tumayo.
“Of course, I can enjoy the night without you, Dylan!” diin niya sa pangalan nito. “Oo, ikaw nga ang bulag sa ‘ting dalawa pero nasa ‘yo rin naman ‘yun kung magpapaapekto ka sa kapansanan. Can you just be thankful dahil buhay ka pa? Can you just see the brightest way kaisa mag mok-mok ka dyan?” inis na tanong ni Cassy. “You know what? Let’s talk about this tomorrow. I’m leaving!” inis na umalis si Cassy sa VIP room at hindi na hinintay pa na sumagot si Dylan.
Naiinis siya dahil gusto lang naman nito na pasiyahin si Dylan kahit na sobrang lungkot ng mata nito. Oo, nandon na sila na nawalan nga siya pero hindi ibig sabihin non habang buhay na lang siyang magmomok-mok. Kaya nga buhay siya dahil binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para itama ang mga maling nagawa niya sa nakaraan at magsimula ulit pero dahil sa mga nangyari sa kanya ay mas nawalan pa tuloy ito ng ganang mabuhay.
“Gggrrrr! Nakakainis!” sigaw ni Cassy habang nakatayo sa hagdan. Tumingin siya sa taas at umaasang sinundan siya ni Dylan pero sino ba ang niloloko niya. Alam niya namang hindi siya susundang nito. Napapikit na lamang siya sa mga mata niya at dahan-dahang huminga. “Lunukin mo lahat nang dapat ilunok, Cassy, at balikan mo ang lalaking ‘yun.” Sabi niya sa kanyang sarili. Naghintay pa siya ng limang minuto sa labas ng pinto bago muling pumasok.
Hindi yata siya napansin ni Dylan dahil nakayuko ito na para bang natutulog. ‘Nakatulog na yata siya.’ Lalapitan na sana ito ni Cassy ng bigla itong tumayo at sinabunotan ang sarili niyang buhok. Agad na napaatras si Cassy dahil sa gulat. Tiningnan niya ang mukha ng binata at napahinto siya ng makitang umiiyak pala ito.
“Kyra,” halos isampal n ani Cassy ang baso sa mukha ng binata dahil sa binanggit na naman nito ang pangalan ng dati nitong girlfriend. “Kyra, mahal ko,” tawag niyang muli. Napailing na lang si Kyra at umupo sa kabilang upuan at binantayan ang amo niya. Hindi niya na lang ito kakausapin at babantayan niya na lamang ito hanggang sa makauwi sila. “I’m so sorry, Kyra.” Saka ito muling yumuko at umiyak.
Hindi na napigilan ni Cassy ang kanyang sarili at nilapitan ang binata saka ito niyakap. Naramdaman niyang nagulat si Dylan sa ginawa niya pero ng mapansin nito kung sino ang yumakap sa kanya ay agad itong huminahon at niyakap rin siya.
“How can I f*ckin’ move on? Tell me, Cassy.” Pilit niyang pinapatahan ang binata at hinayaan niya na lamang itong ilabas ang nararamdaman niya. Siguro dahil na rin sa epekto ng alak kaya nailalabas ng binata ang nararamdaman niya. Napangiti si Cassy dahil hindi maitatangging nagiging malapit na rin sila ni Dylan.
‘Someday you will be mine, Dylan. At pag nangyari ‘yun ay hindi na kita pakakawalan. I will not waste your tears anymore. I will treasure and love you.’ Hinalikan niya ang noo ng binata.
“Just let it go, Sir.” Bulong niya.
**
Kinabukasan
Tinitigan niya ang mukha ng binata habang natutulog. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay sabay silang umuwi. Lasing na lasing si Dylan at halos hindi na ito makalakad ng maayos. Siya ang nang-alaga sa binata habang wala itong malay. Ngayong mas natitigan niya ang mukha nito ay napapangiti siya dahil sa kalooblooban niya ay gusto niya na makasama ng habang buhay si Dylan. Masyado siyang nadadala sa emosyon niya. Sa tuwing nakikita niya na inlove na inlove si Dylan ay pakiramdam niya minsan ay siya ang babaeng tinatawag ni Dylan. Minsan naiisip niya paano kaya kung siya na lang si Kyra? Napahinto siya. ‘Ano ba tong iniisip ko?’
Gumalaw si Dylan kaya umayos siya ng tayo. Kahit hindi siya nakikita ng binata ay sinubukan niya pang ayosin ang itsura niya saka ngumiti. Hindi siya nakita ni Dylan kaya napasimangot siya bago ito binate.
“Good morning, Sir.”
“Cassy, kanina ka pa ba dyan?” tanong ni Dylan saka tumayo at dahan dahang naglakad papunta sa CR. Agad namang sumunod si Cassy.
“Yes, Sir. Tulungan na kita, Sir.” Napahinto si Dylan saka sinirado ang pinto ng CR nang maramdaman niyang sumunod pala sa kanya ang dalaga. Napasimangot na lang si Cassy dahil sa inakto ni Dylan. ‘Kala mo naman hindi ko nakita ‘yung lumpia niya.’ Biro niya saka bumalik sa kama ni Dylan at humiga ron. Nilibot niya ang paningin niya sa loob ng kwarto at iniisip na paano kaya kung sa kanya lahat ng bagay na ‘to, paano kaya kung mahalin rin siya ni Dylan, ano kayang pakiramdam na maging isang Cassy Montemayor? Iniisip niya pa lang ay kinikilig na siya.
*
“Sir, kakain na po tayo.” Pang-aakit nito kay Dylan habang nakikinig ang binata ng musika sa kanyang cellphone. Hindi niya narinig ang sinabi ni Cassy kaya nainis na lang si Cassy at tinanggal ang headset ng binata. “Sir, kakain na o kakainin kita?” napangiti si Cassy sa naging reaksyon ni Dylan dahil agad itong pumunta sa hapagkainan. ‘Ang sarap mo talagang biruin, Sir. Pero pwede na ring totohanin.’ Napaisip si Cassy saka umupo sa gilid nito.
Madalas na rin silang sabay kumain para mas maalalayan niya ang binata lalo na sa mga ginagawa o hinahawakan nito. Minsan rin sinasadya ni Cassy na mas ilapit ang dibdib niya sa tuwing nangangapa si Dylan kaya madalas ay nahahawakan ni Dylan ang dibdib nito. Nasasanay na rin si Cassy na pagkatuwaan ang nagiging reaksyon ni Dylan dahil halatang nagpipigil ito ngunit hinahayaan niya naman si Cassy sa ginagawa niya.
“Sir,” tawag niya kay Dylan at umupo sa tabi nito. Nandito sila sa harap ng dagat at nakaupo habang hinihintay na bumaba ang araw. It’s so good to have a simple life. Tinignan niya si Dylan agad kinagatan ang apple. “Sir, gusto ko ring kagatin mo ‘yun akin. .” malanding bulong ni Cassy saka ito natawa sa reaksyon ni Dylan.
“Cassy!”
“Hahhahaahaha! Biro lang naman kasi sir, masyado ka naman kasing seryoso.” Hindi sumagot si Dylan at pinagpatuloy ang pagkain ng mansanas nito. Lalong tumatagal ay nagiging malapit na ang dalawa. Mas nagiging komportable na sila sa isa’t isa hanggang sa hindi na namamalayan ni Cassy na unti-unti na siyang nasasanay rito at unti-unti na siyang nahuhulog sa lalaking ‘to ng hindi niya namamalayan. Siguro dahil na rin sa pagiging malapit nila at sa mga kulitan nila kaya masasabi niyang nakatawid na sila sa getting to know each other stage.
Ilang buwan na ba? Napaisip si Cassy kung ilang buwan na silang magkasama ni Dylan pero masyadong magaan ang loob niya rito. Tiningnan niya ang binata at halos matunaw na siya dahil sa kagwapohan nito. Ang maamo at inosente nitong mukha ang mas nagpatibok ng puso niya. Alam niya may pagiging bad boy si Dylan pero pinipigilan lang ito ng binata dahil sa pangakong magbabago ito. ‘Yun ang pinangako niya sa sarili niya ng mawala si Kyra.
Hindi na rin namamalayan ni Cassy na nasasanay na siya na siyang natatawag minsan ni Dylan na Kyra. Kadalasan ay sa kalagitnaan pa ng pagtatalik nila ito binabanggit hanggang sa nasanay na nga lang si Cassy at minsan naiisip niya na lang na siya si Kyra. ‘Yung pakiramdam na mahal ka ng taong kasama mo ang pinaka masarap na pakiramdam sa lahat.
“Sir,” tawag niya rito. Nilagay ni Dylan ang cellphone niya sa bulsa niya habang nilalagay sa lalagyan ang earphones niya.
“What is it, Cassy?” tatayo sana si Dylan ng hawakan ni Cassy ang kamay niya. Agad na bumalik si Dylan sa kinauupuan niya at hinintay na magsalita ang dalaga na para bang seryoso ang pag-uusapan nila.
“Sir, gusto kong maranasang magsex dito sa dagat.” Agad naman siyang binatukan ni Dylan. Lumaki pa ang mata niya nang tumama talaga ang kamay nito sa kanyang ulo. “Hoy! Masakit ‘yun ha!”
“Puro ka na lang sex.”
“Hindi na. Seryoso na ‘to!” hinila niya ulit paupo si Dylan sa tabi niya. “May sasabihin nga ako, Sir.”
“Ano ba ‘yun, Cassy?” Napapangiti ang dalaga sa tuwing binabanggit ng binata ang kanyang pangalan na para bang kinakanta nito ang bawat letra.
“Nasabi ko na bas a ‘yo kung gano ka kagwapo?” tanong nito.
“Kahit hindi mo sabihin, alam ko.”
“Hangin!” natawa sila pareho, “Seryoso na nga!”
“Ano nga kasi.”
“Sir, nasabi ko ba sa inyo nong bago pa lang po ako rito at nung una ko pa lang kayong nakita, sinabi ko na sa sarili ko na gusto ko ring magkaroon ng isang Dylan sa buhay ko.” Hindi sumagot si Dylan at hinayaang magsalita ang dalaga. “Dati kasi hindi ko alam kung pagmamahal ba ang nararamdaman ko sa iba dahil magkaibang magkaiba ang nararamdaman ko sa kanila kesa sa nararamdaman ko sa ‘yo.”
“Ano bang nararamdaman mo, Cassy?” seryosong tanong ni Dylan. Nakakaramdam na ang binata na unti-unti nang nahuhulog ang dalaga sa kanya pero hinahayaan niya lamang ito dahil sa isip niya ay hindi niya pwedeng lokohin ang sarili niya. Alam niya kung sino ang mahal niya at kung sino ang nasa puso at isip niya. Siguro ito na ang tamang panahon para sa kanila para magkaliwanagan.
“Sir, gusto kong malaman mon a gustong-gusto kitang nakakasex.” Panimula ni Cassy kaya natawa si Dylan pero pinagpatuloy pa rin ng dalaga ang pagsasalita, “Gustong ko ang malaking alaga mo, gusto ko ang amoy mo, ang itsura mo, ang tindig mo, ang pananamit mo, ang pagiging bulag mo. Lahat, sir, gustong gusto ko.” Seryosong tuloy ni Cassy. “Gusto kita, Sir Dylan. Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, alam ko. .” napayuko ito. “Alam kong hindi ko siya kayang palitan sa puso mo pero kung gusto mong maging si Kyra ako ay gagawin ko, Sir. Gusto kita, gustong gusto kita sir Dylan.”