CHAPTER 10

1583 Words
CHAPTER 10     “Cassy, pinapatawag ka na naman ni Sir Dylan.” Hindi pinansin ni Cassy ang sinabi ni Mang Fernand at pinikit pa rin ang kanyang mga mata. Pagkatapos nilang mag-usap ni Dylan nong nakaraan ay parang hindi na huminto ang puso niya sa tuwa. Wala naman masyadong matatamis na binitawan si Dylan sa kanya pero pakiramdam niya ay parang naaapektohan na ang binata sa kanya. Ayaw niyang maging assuming pero nang sabihin ni Dylan na ‘wag siyang iwasan ay talagang kinilig ang dalaga.   ‘Ang ibig sabihin ba non, hayaan na lang na ‘min ang isa’t isa at mag multiply?’ biglang naisip ni Cassy saka kinilig sa ilalim ng kanyang kumot.   ‘Para akong sira at kinikilig mag isa. Paano kung iba pala ang ibig niyang sabihin?’ napaisip naman ang dalaga. Bakit kaya siya pinapahinto sa pag iwas sa kanya? Namimiss niya kaya ako? Kyaaaaaa!   “Hoy, Cassy!” tawag ulit sa kanya ni Mang Fernand kaya napabalikwas siya sa kanyang higaan. “Hinahanap ka na ni Sir at mukhang aalis daw tayo!” napakunot ang noo ni Cassy.   “Saan daw kami pupunta?” tiningnan siya ni Mang Fernand.   “Kasama ako. Tayo nga ang sabi ko.” Napahiga ulit si Cassy. Ang akala niya ay magdedate sila pero may asungot pala silang kasama. “Once a month ang check up ni Sir sa hospital kaya pupunta daw tayo mamaya.” Agad na napaupo si Cassy.   “Tama nga pala!” dali dali itong pumasok sa loob ng banyo at naligo.   *   “Good morning, Sir.” Hindi na kumatok si Cassy ng pinto at pumasok sa kwarto.   “Can you just knock?” tanong ni Dylan saka sinuot ang puting tshirt niya. Napangiti naman si Cassy dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin sa kanya ang binata dahil halatang umiiwas si Cassy. Minsan kasi akala ni Dylan ay iniiwan iwan lang siya ni Cassy pero ang totoo ay nakasunod at nakatingin lang sa malayo si Cassy habang binabantayan siya. Hindi to alam ni Dylan kaya naiinis siya sa pagiging ilag ni Cassy sa kanya.   “Sir, wala namang masama kung makita ko kayong nagbibihis eh nakita ko na rin namang kayong hubad.” Walang ganang sagot ni Cassy saka kunwaring naiinis. Narinig niyang napabuntong hininga si Dylan. Talagang naninibago ang binata sa inaakto ni Cassy sa kanya. Kung dati ay halos bukang bibig nito ang kanyang lumpia at ang kanyang bingka, ngayon naman ay parang pagod na pagod ang dalagang kausap siya. Nasanay na kasi si Dylan sa kakulitan ng bibig ni Cassy kaya ngayon ay naninibago siya sa madalas na pagiging tahimik nito. Hindi naman sa ayaw niya ang pagbabago nito pero pakiramdam niya ay merong kulang.   Naunang lumabas ang binata at sumunod naman agad si Cassy. Sa loob ng dalaga ay talagang kinikilig dahil ramdam niya ang pagkainis sa kanya ni Dylan pero hindi man lang siya nagawa nitong pagalitan. Kahit minsan hindi nagalit sa kanya ang binata. Oo, naiinis ito sa kanya pero ni minsan hindi siya nito pinagalitan. Napangiti siya dahil pakiramdam niya ay under na under niya ngayon ang binata.   “Cassy, ayosin mo nga ‘tong seatbelt ko.”   “Okay, Sir.”   “Kunin mo nga ang cellphone ko.”   “Yes, Sir.”   “Nasaan ang earpods ko?”   “Nandito, Sir.”   “Andito na ba tayo?”   “Wala pa, Sir.”   “Cassy,” napabuntong hininga si Dylan sa tabi ni Cassy. Pigil sa tawa naman ang ginawa ng dalaga. Ang totoo niyan ay natatawa na siya dahil sa pagpapapansin ni Dylan sa kanya. Pinipigilan niya lang ang sarili. Malakas ang kutob niyang nahulog na rin ang binata sa kanya pero pilit pa rin itong tinatanggi sa sarili niya.   “Yes, Sir?”   “Stop it, Cassy.” Bulong ni Dylan saka humarap sa labas kahit wala naman itong nakikita. Mas lumapad ang ngiti ni Cassy.   “Stop? Anong e stop sir? ‘Yung kotse po ba? Mang Fernand –“   “Stop it! You’re acting like a teenage sh*t!” natawa si Cassy sa kanyang isipan.     “Bakit po sir?” pinigilan niya ang kanyang sarili at mas ininis pa ang binata. ‘Ganti ko ‘yan sa ‘yo sa pagtanggi mo sa ‘kin. Oh, ano ka ngayon?’ “Stop it, okay? ‘Yang pag-iwas mo sa ‘kin at ang pagiging . .”   “Ano, Sir?”   “Dull mo.” Tuloy nito.   “Ano po bang gusto niyong gawin ko, Sir? ‘Di ba tinanggihan niyo na ako?” nakita kong sumulyap si Mang Fernand sa rear mirror pero wala akong pakialam kung may makarinig sa ‘min. “Ayaw mo sa ‘kin ‘di ba? ‘Yun kasi ang naintindihan ko sa mga pag-uusap na ‘tin. Ilang beses na akong umamin at humingi ng pagkakataon pero tinanggihan mo ko. Ano bang gusto niyong gawin ko, Sir?” sabay diin ng salitang Sir ni Cassy.   “I don’t . .” tiningnang muli ni Cassy ang reaksyon ni Dylan, “I don’t mean that way, Cassy. What I’m trying to say is . .”   “Is what Sir?” naiinip na tanong nito.   “Try to understand –“   “I’m trying, Sir. Pero gaya nga ng sinasabi ko, hindi ka makakamove on kung nakatali ka pa rin sa nakaraan mo. Isipin mo muna ang sarili mo kesa mag isip ka sa iba. Given na mahal mo nga ang dating girlfriend mo pero matagal na siyang wala. Naka move on na ang lahat, ikaw na lang ang wala.” Naiinis na sagot ni Cassy. Nababadingan talaga siya sa tuwing nagdadrama ang amo niya. Hindi siya sanay kaya minsan naiinis siya sa kabadingan ng katawan nito.   “Can you just wait?” inis rin na sagot ni Dylan saka nilingon ang dereksyon ni Cassy. “Hindi ko naman sinabi na hindi ko kaya kundi susubukan ko. Bigyan mo lang ako ng panahon dahil –“ pinigilan niya ang sarili niya dahil sa sasabihin niya. Hindi niya pa kayang sabihing kalimutan niya si Kyra pero susubukan niya. Hindi man ngayon pero gusto niyang dahan-dahanin muna ang sarili niya. “Susubukan kong kalimutan si Kyra.” Seryosong sabi ni Dylan at napayuko. Hindi niya maintindihan ang sarili niya dahil kahit sinabi niya ang bagay na ‘yun ay alam niyang matatagalan pa bago mangyari ‘yun.   Natahimik silang pareho dahil kahit si Cassy ay hindi alam ang isasagot niya. Alam niyang magiging mahirap na desisyon ang paglimot nito sa kanyang dating girlfriend pero lumabas na ‘to mismo sa bibig ni Dylan. Halos natameme siya dahil sa sinabi nito kaya mas pinili niyang wag na lang magsalita. Ayaw niya rin namang mahirapan at pilitin ang binatang gawin ang gusto niya pero ito lang ang nakitang paraan ni Cassy para matulungan si Dylan. Totoo ngang nahulog na siya sa binata dahil ramdam niya sa sarili niyang may pakialam siya sa binata kahit pa sabihing may gusto itong iba. Mas nagiging rason pa nga ito para mas magustohan ni Cassy si Dylan. Si Kyra ang nagbigay ng daan para magkalapit sila. Napangiti si Cassy. Hindi niya inaasahang pasasalamatan niya pa si Kyra dahil ngayon ay nakuha niya na ang loob ni Dylan.   *   “When was your schedule for the eye transplant?” napahinto si Cassy sa pagta-take down notes sa mga sinabi ng doctor ng tinanong niya ang linyang ‘yun. ‘Kung ganon, pwede pang magamot ang mga mata nito?’ Nagtataka si Cassy bakit hindi man lang nag abala ang pamilya ni Dylan na ipagamot siya gayon mayaman naman ang pamilya nito.   “Mr. Montemayor, it is a surgical procedure to replace part of your cornea with corneal tissue from a donor. Your cornea is the transparent, dome-shaped surface of your eye. Kung may nahanap ka na ay pwede mon ang e schedule ang surgery. A cornea transplant can restore vision, reduce pain, and improve the appearance of a damaged.” Napaisip naman si Cassy dahil sa sabi ng doctor. Bakit tatanggihan ni Dylan ang ganitong offer? It could be perfect kung nakakakita na ang binata para mas ma appreciates nito ang ganda ng mundo. Nanatiling tahimik si Cassy at nakinig lang sa kanila.   “Don’t be afraid, Mr. Montemayor. Most cornea transplant procedures are successful. But cornea transplant carries a small risk of complications, such as rejection of the donor cornea. Kaya dapat sigurado. Sa narinig ko sa mga magulang mo ay may nahanap na kayo. Why not try it?” mas lumaki ang mat ani Cassy sa kanyang narinig. Kung ganon, bakit niya pa ito tinanggihan?   “I’ll think about it, doc. Thank you.” Nagpaalam na sila at agad na lumabas ng hospital. Dumaan pa sila kanina sa pharmacy para mabili ang mga kailangang inumin ni Dylan. Tahimik lang si Dylan sa kotse habang iniisip ang sinabi ng doctor. Ilang beses na siyang sinabihan ng mga magulang niya at ng doctor na may pag asa pang makakita siya pero siya lang ang may ayaw.   “Sir,” napahinto sap ag-iisip si Dylan ng marinig niyang tinawag siya ni Cassy. “Bakit ayaw niyong magpa opera?” tanong nito.   Matagal bago nakasagot si Dylan pero alam n ani Cassy ang sagot kahit hindi pa sabihin ng binata. “This was my punishment for killing my girlfriend.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD