Napa hilot si Arniel sa kanyang sintido, sumakit ang ulo niya sa daming isipin, dagdagan pa ng araw araw niyang panaginip kay Cristel. Kahit anong gawin niya ay hindi ito nawawala sa kanyang isip at puso. Gusto na niyang bumalik sa normal ang lahat, mula ng iwan siya nito, madalas na niyang napapabayaan ang kanilang negosyo.
Mabuti nalang at napakabait ng kanyang Uncle Manolo. Inu unawa siya nito parati, Tinuring talaga siya nitong parang isang tunay na anak. Mula ng mamatay ang kanyang mga magulang noon, inampon na siya nito, at tinuring na parang isang tunay na anak, magkapatid ang mama niya at Uncle Manolo niya, bata palang siya ng mamatay ang kanyang mga magulang sa plane crash, mula noon kinupkop na siya ng Matanda at pinalaki na parang isang tunay na anak. Kaya mahal na mahal niya ang Uncle Manolo niya.
Napag isip isip niya, siguro nga, dapat na n'yang kalimutan si Cristel. Siguro nga ay hindi ganoon katibay ang pagmamahal nito sa para kanya. Bigla nalang itong nawala ng parang bula, sa paglipas ng mga araw, ay hindi man lang ito nagparamdam sa kanya kahit anino nito ay wala.
At nag sisi din siya, kong bakit, hinayaan niya noon si Cristel, na hindi man lang ipaalam sa kanya kung saan ito nakatira, oh, kahit isa man lang sa miyembro ng pamilya nito ay wala siyang nakilala.
Di sana, matagal na niyang nahanap ito. Nag tanong tanong din naman siya sa mga kakilala niyang mga katrabaho nito noon, at kaklase ay wala din mga alam. Dahil bigla nalang din daw itong hindi na pumasok, at nagpakita. Kaya palaisipan sa kanya ang pagkawala ni Cristel.
Hindi na niya aasahan pa na magbabalik ito. Si Cristel ang ng iwan sa kanya, at hindi siya, kaya dapat lang na kalimutan na niya ito.
Hindi naman masama kung susubukan niya ang magmahal ng iba. Hindi naman masama kung susubukan niyang tanggapin si Sally. Tama! Mag so-sorry siya kay Sally, total, siya naman ang may kasalanan.
Mabait rin naman si Sally, hindi lang niya nakikita iyon, dahil si Cristel ang laging nasa isip niya. Pero ngayong napag isip isip niya tutoldukan na niya kung ano man ang meron sa kanila noon ni Cristel.
Mabilis na tumayo si Arniel, niligpit ang mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Nagmamadali ito na lumabas, susundan niya si Sally. Kailangan nilang magkausap.
"Jun. Aalis muna ako, ikaw na muna ang bahala dito.”
“Saan ang punta mo sir Arniel? May meeting ka pa mamaya mga 2pm kay Mr. Kors.”
“Cansel it!
“But sir! Mr. Kors is a big client natin, hindi natin 'yan pwede na palalampasin!” katwiran naman ni Jun.
Napatigil si Arniel sa tangkang paglabas ng pinto, na iirita ito na humarap sa secretary nitong si Jun, at saka nag salita,
“Ok! Then, call Uncle Manolo, sabihin mo kay Uncle, siya muna ang pumalit sakin sa meeting kay Mr. Kors.”
“What? Sir—”
"Do it. now!”
Hindi na tuloy ni Jun ang sasabihin niya, ng malakas na sumigaw si Arniel, at tuloy tuloy ng lumabas ng opisina nito. Napa iling na lang naman si Jun at walang na rin nagawa, saka tinawagan si Don Manolo.
Palaging ganoon ang routine nila, pag hindi naka attend ng mga meetings si Arniel, ay si Don Manolo ang humahalili dito. Mabuti na lang at hindi rin naman nagrereklamo ang matanda, kahit may katandaan na ito.
Napaka bait kasi ng matandang iyon.
Bukod sa magaling na magpatakbo ng sariling kompanya, ay magaling din itong mag handle ng mga empleyado niya. Kaya halos lahat ng mga tauhan nito ay matagal na sa kompanya nito, katulad na lang niya.
Matagal na siyang sekretarya ni Don Manolo, hindi pa ito nag reresign ay sekretarya na siya nito. Hanggang ngayon na si Arniel na ang CEO, ay nanatili pa rin siya sa trabaho.
Nang marating ni Arniel ang parking lot, ay agad itong pumasok sa sasakyan nito, at pinaharurot iyon. Pupuntahan niya si Sally sa condo nito, kailangan nilang magkausap, hihingi siya ng tawad sa dalaga sa inasal niya kanina.
Wala pang isang oras ay nasa condo na ni Sally si Arniel, naka ilang doorbell siya, pero wala naman nagbubukas ng pinto. Tinawagan nito ang phone ni Sally, wala rin sumasagot. Nakaramdam siya ng pagkabahala, muli niya pinidot ang doorbell at sa pagkakataong iyon ay bumukas na din ang pinto.
Pero nanlaki ang mga mata ni Arniel, ng makita ang ayos ni Sally, nakatapis lang ito ng maikling tuwalya at basa pa ang buhok, tumutulo pa sa sahig ang basa nitong buhok.
Napalunok si Arniel ng sabay sabay, hinagod ng paningin niya ang katawan nito. Naliligo pala si Sally, kaya hindi siya napag buksan nito agad ng pinto.
“So? Why are you here?”
mataray na tanong ni Sally kay Arniel. Napa tungo naman ang binata, tila nakaramdam ng pagka pahiya sa sarili si Arniel. Hindi siya umimik, ni luwangan ni Sally ang bukas ng pinto, at muling nagsalita,
“Come here! Pumasok ka, maupo ka muna magbibihis lang ako.”
Pagkasabi noon ni Sally ay tumalikod na ito, at nag tuloy tuloy sa kwarto nito. Habol lang naman ang tingin ni Arniel sa papalayong si Sally. Hindi nag tagal ay lumabas na din ang dalaga ng makapag bihis na ito. Naupo ito sa sofa na katapat ng inuupan ni Arniel, pinag krus nito ang mga hita at humalukipkip.
Matamang nakatitig lang kay Arniel, hinihintay nitong magsalita ang binata. Tila na pipi naman si Arniel, hindi agad makapag isip ng mga sasabihin nito.
“Anong kailangan mo Arniel? Bilisan mo at may gagawin pa ako!”
“Ahm. S-sally, s-sorry p)ala kanina,”
“So. ‘yon lang pala ang pinunta mo dito? Kung wala ka na sasabihin pwede ka ng umalis!”
Galit na turan ni Sally, sabay tayo nito. At tangkang tumalikod na, mabilis din naman tumayo si Arniel, hinawakan sa kaliwang braso si Sally para pigilan ito.
“Sally, naparito ako, para magkaayos tayo, pasensya kana sa inasal ko, pero Sally, sana pagbigyan mo ako, gusto ko rin na ipakita sa’yo na, mahalaga ka rin sakin.”
Humarap si Sally kay Arniel, biglang nag liwanag ang mukha nito ng marinig ang mga sinabi ni Arniel. Kanina eh parang hindi maipinta ang kanyang mukha ng makita si Arniel.
“Talaga? So, ibig sabihin pwede na maging tayo? I mean, your my boyfriend now?” nakangiting tanong ni Sally kay Arniel.
Kakamot kamot naman sa ulo si Arniel na tumango, “Pwede.” Ani ni Arniel.
Mabilis naman itong niyakap ni Sally. Sabay halik sa labi ni Arniel. Gumanti rin naman si Arniel ng halik kay Sally. Sa ngayon hahayaan niya ang sarili niyang magmahal ng iba, hahayaan niyang maibaling kay Sally buong attention niya para makalimutan si Cristel.
Masayang masaya naman si Sally, matagal na niyang pangarap na mahalin siya ni Arniel. Pero lagi siyang binabalewala nito, hindi niya alam kong ano ang masamang hangin ang nag tulak dito para suyuin siya ng ganito.
Nag luto siya ng masarap na pananghalian, kahit paano may alam naman siya sa pagluluto. Masaya nilang pinagsaluhan ni Arniel ang niluto niyang pininyahang manok, at sinigang na hipon. Ganadong ganado ang binata sa pagkain ng niluto niya.
"Masarap ba ang luto ko darling?”
“Yes, Darling, hindi ko alam na magaling ka palang magluto, mapaparami lagi ang kain ko pag ganito.”
“Syempre, para sayo gagalingan ko pa! Hindi lang sa pagluluto!" napakagat labi pang sagot ni Sally.
Alam naman ni Arniel na may iba pang ibig sabihin ang sinabi nito. Hindi siya manhid para hindi ‘yon ma unawaan. Ng matapos silang pananghalian. Si Sally naman ang kinain ni Arniel, syempre lalaki siya, at may pangangailangan kaya nauwi sila ni Sally sa mainit na pagtatalik.