CHAPTER 11

1451 Words
Hating gabi na, pero hindi pa rin dalawin ng antok si Cristel. Tulog na tulog na ang kanyang dalawang anak, pero siya at hito, gising na gising pa. Napagod sa pamamasyal sa buong maghapon. Ang dalawang bata, hindi nga magkamayaw ng kung ano anong kwento sa kanya pag uwi ng mga ito. Lalong lalo na si Lyca na napaka daldal, may pasalubong pa ito sa kanya na siopao. Napangiti siya sa kawalan. Manang mana talaga ang mga anak niya sa ama ng mga ito. alam na alam ang mga paborito niya. lLumabas siya ng kwarto, pumunta sa kusina kumuha ng baso at uminom ng tubig, naglakad siya papunta sa beranda at naupo duon, dala ang isang basong tubig. Pinagmasdan niya ang kalangitan, maraming bituin, at huni ng mga kuliglig, ang kanyang naririnig, ganoon naman talaga sa probinsya tahimik na tahimik ang lugar lalo na pag gabi na, maagang natutulog ang mga tao. Napahimas si Cristel sa kanyang mga braso, ng dumampi sa balat niya ang malamig na simoy ng hangin. Buntong hininga siya, at matamang nag iisip. Ano nga bang nangyari sa buhay niya? Hindi naman ganito ang pangarap niya noon. Gusto niyang makapag tapos ng pag aaral, at matupad ang mga pangarap ng kanyang mga magulang. Pangarap niya noon, na mabigyan ito ng maginhawang buhay. Pero naglaho na ang lahat ng magandang pangarap ng mga magulang para sa kanya. Wala naman siyang pinagsisihan, dahil kagustuhan niya naman ang lahat. At hindi siya nag sisi kung binigay niya ang sarili sa lalaking kanyang pinakamamahal, ang mga pinagsisisihan niya ay ang mga desisyon niyang padalos dalos, at ang paglayo sa mga ito noon. Natakot siyang harapin ang nagawa niyang pagkakamali. Tumingala ulit siya sa kalangitan. Kamusta na kaya si Aniel ngayon? Kamusta na kaya ang nag iisa niyang lalaking pinaka iibig? Miss na miss na niya ito, matutuwa kaya ito kung sakaling magkita silang muli? Matutuwa kaya ito kung sakaling magkita rin sila ng mga anak nito? Syempre hindi biba? Sino ang natutuwa sa ginawa niya. Kung sakaling muli silang magkita. Handa naman siyang tanggapin ang lahat ng galit nito para sa kanya. Dahil kasalanan na man niya iyon. Sana lang mapatawad mo pa ako! Mahal ko! Tanging mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Pinahid niya ang ilang butil ng luha na pumatak sa kanyang pisngi. “Anak. Hating gabi na, bakit nandito ka pa sa labas? Hindi ka pa ba inaantok?” Napalingon si Cristel sa nag salita. Ang kanyang tatang iyon, naupo ito sa tabi niya at tinapik tapik ang kanyang balikat. Lalong nag pigil si Cristel na mapa iyak. Napaka swerte niya sa kanyang mga magulang na kahit ganun ang ginawa niya, ay hindi parin siya nito itinakwil ng mga ito. Buong puso at walang halong panunumbat na muling tinanggap sila ng kanyang mga anak, kahit na gaano kasakit, ang ginawa niya sa kanyang mga magulang. Inihilig niya ang kanyang ulo, sa balikat ng kanyang tatang. “T-tatang. M-maraming salamat po, sa inyo ni Inang. Hindi ninyo ako itinakwil, at muli ninyo akong tinanggap, alam ko po, na napakasakit ng ginawa ko sa inyo ni inang.” Hindi na napigilan ni Cristel ang kanyang sarili, kusa ng gumagaralgal ang kanyang boses, kasabay ng pag agos ng kanyang mga luha. Niyakap naman siya ng kanyang ama. “Anak. Tayo ay tao lamang na nagkakamali rin, walang perpektong tao sa mundo. Mga anak ko kayo. Kami ng inang mo, ay matanda na, hangad namin kayo ay mapabuti. kahit ano pa ang pagdaanan n’yo sa buhay, ay narito kami ng inang ninyo, at nakagabay. Kami ang unang kakampi ninyong magkakapatid. Dahil kami ang mga magulang ninyo, samin kayo nanggaling walang iba na mag dadamayan kundi tayo tayo rin lamang.” Lalong napahagulgul si Cristel. Sa tinuran ng ama. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang mga magulang. Babawi siya sa mga ito hindi pa naman huli ang lahat. Napahinto si Harold sa paghakbang, lalabas sana siya para umihi, ng mamataan ang dalawang tao na nag uusap sa labas ng beranda. Nakatalikod ang mga ito sa kanya, marahan siyang naglakad papalapit sa mga ito. Ang kanyang tatang at ang kapatid na si Cristel, nag uusap ang mga ito, nakasandal ang ulo ng kapatid sa balikat ng kanyang tatang at umiiyak. Hindi naman naramdaman ng mga ito ang paglapit niya, marahan siyang sumandal sa pinto at humalukipkip doon, at matamang nakikinig sa pinag uusapan ng mga ito. Nakaramdam siya ng awa para sa kapatid, at buong paghanga naman para sa tatang nila, ang lahat ng mga pangaral nito ay dinig na dinig niya, at tagos sa kanyang puso. “Teka nga muna anak? Eh, sino ba, ang ama ng mga apo ko? At taga saan siya? Bakit bigla ka nalang iniwan sa ganyany kalagayan?” narinig ni Harold na tanong ng ama niya. Aalis na sana ito ng magtanong ang kanyang ama. Pinakinggan niyang muli ang isasagot ng kapatid, gusto niyang malaman kung sino ang lalaking iyon. Sa tingin niya ay hindi ito tunay na lalaki, kailangan niyang maturaan ng leksyon ang lalaking iyon. Hahanapin niya ito, kahit saang sulok pa ng mundo ito magtago. Duwag itong harapin ang katotohanan, walang bayag, ang gusto lang ay mag pasarap. “Mayaman at kilalang tao siya tatang, at hindi siya taga rito sa atin. Taga Manila po siya, nakilala ko po siya doon, noong nag aaral pa ako sa Manila, aksidenti po ang aming pagkakakilala sa isang party ball, na pinag extrahan ko sama sina Sol.” “Anak, bakit hindi mo pinakilala samin ng iyong inang ang lalaking iyon? Anong naisipan mo at pinag lihiman mo kami.” Hindi naka imik si Cristel sa tanong ng kanyang ama. Bakit nga ba hindi niya pinakilala si Arniel sa kanyang mga magulang? Una, dahil nahihiya siya sa kalagayan nila sa buhay. Mahirap lang sila at napakayaman ni Arniel, natakot siya, na baka pag nakita nito ang sira sira nilang bahay, at sitwasyon nila sa buhay, ay biglang iwan nalang siya nito. Kaya nanatiling inilihim niya iyon kay Arniel, kahit pa noon eh nagpupumilit talaga itong sumama sa kanya, sa tuwing sila ay walang pasok sa school, at uuwi ng probinsya para magbakasyon. Ayaw niyang ikahiya siya ni Arniel balang araw. Ayaw niyang masira ang magandang repotasyon nito sa buhay, ng dahil sa kanya. Dahil sa mahirap lang sila. At ayaw niyang pagtawanan ng mga tao si Arniel, ng dahil lang sa kanya, at siya? Ayaw niyang malathala sa mga pahayagan ang pangalan nito, na ang isang mayaman at sikat na businessman, na si Arniel Lucas Lee, ay pumatol sa isang mahirap na tao, na tulad niya, para lang umangat sa buhay. Kaya ng malaman niyang buntis siya, ay hindi siya nag dalawang isip na magpakalayo layo. Kahit napakahirap niyon para sa kanya ay tiniis niya. Pinilit niyang takasan ang lahat. At napakasakit para sa kanya na habang lumalaki ang mga anak niya na walang kinikilalang ama. Kahit ang pa ang sariling mga magulang niya noon ay natiis din niya. “Ehemm!” Sasagot pa sana si Cristel, ng may narinig silang tumikhim sa likod nila. Sabay pa silang napalingon ng tatang niya, si Harold ito, naglalakad na papalapit sa kina uupuan nila. “Gabing gabi na, bakit nandito pa kayo sa labas? Hindi pa ba kayo ina antok?” patay malisya na tanong ni Harold. Nag kunwari ito na hindi narinig ang lahat ng pinag usapan ng kanyang ama at kapatid. “Ay, inaantok na nga ako! Siya ay papasok na ako, Cristel anak, matulog ka na rin, hating gabi na, malamig na dito sa labas. Ikaw din Harold!” sabi ni Mang Ramon sa mga anak, at ito ay tumayo na at pumasok na sa loob ng bahay. “A-ahmm. S-sige kuya, papasok na din ako matutulog na din ako. Matulog ka na din ha? Goodnight kuya!” nauutal pa na sabi ni Cristel. Nagmadali ito sa pagtayo, iniwasan niyang magtatanong din ang kuya Harold niya. Ayaw na din niya pang pag usapan ang kanyang mga nakaraan. Sa ngayon ay masaya na siya dahil muli siyang tinanggap ng kanyang pamilya. Saka na niya haharapin pa kung ano ang sunod na mangyayari sa kanyang buhay. Pagpasok niya sa kwarto, hinalikan ni Cristel ang noo ng mga anak. Habang lumalaki ang mga ito, ay nagiging kahawig ng mga ito ang kanilang ama. Lalong lalo na si Lucas, sa ilong nitong matangos, at ang mga kilay nito na may ka kapalan. Ang mga kilos nito na kuhang kuha sa ama. Humikab si Cristel, nag antanda ng krus at nanalangin siya, nagpapasalamat siya sa panginoon, na kahit napakarami niyang napagdaanan na hirap sa buhay ay hindi siya nito pinabayaan. Nang matapos siya sa pagdadasal ay saka ito pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD