CHAPTER 12

1516 Words
“Tao po! Tao po!” “Mang Ramon! Aling Lily!” Malakas na sigaw sa labas ng bahay ang narinig ni Mang Ramon. Kasalukuyan silang nag hapunan ng mga oras na ‘yon. Napatigil si Mang Ramon sa pag subo ng marinig ang pangalan niya. Nagtataka si Mang Ramon, alas siete medya na ng gabi, wala naman silang bisita na inaasahang darating. “Parang may tao sa labas Ramon. Parang may tumatawag sa iyo, labasan mo nga kong sino ang mga iyon,” ani naman ni Aling Lily, sa asawang si Mang Ramon. Tumayo si Mang Ramon sa kina uupuan nito, nag hugas ng kamay bago lumabas. “Magandang gabi ho. Mang Ramon,” “Oh? Kayo pala ‘yan Kapitan Atong! Magandang gabi rin ho, ay bakit ho, kayo naparito?” nag tatakang tanong ni Mang Ramon sa Kapitan ng kanilang barangay na si Kapitan Atong. May kasama itong tatlong barangay tanod. Na kapwa rin naman niya mga kilala. Binuksan ni Mang Ramon ang kanilang gate na Kawayan, saka pinatuloy sina Kapitan. “Tuloy kayo! Upo ho muna kayo Kap.” Paanyaya naman ni Mang Ramon. Habang itinuturo ang mahaba nilang sofa. "Kapitan, kayo pala iyan, magandang gabi ho! Tuloy ho kayo!” Maya maya sabi ni aling lily ng makita ang mga panauhin. Lumabas rin ito galing sa kusina. “Salamat sa inyong mag asawa, kami ay naparito, may sadya sana kami sa inyong mag asawa.” sabi naman ni kapitan na medyo nag aalinlangan pang magsalita. Naupo ang mga ito sa mahabang sofa. “Ay sige ho, ano ho, ang inyong sadya Kap?” “Hindi na ako mag paligoy ligoy pa. Ramon, Lily. Para sana ito sa nalalapit, nating ka fiestahan, alam mo naman ang unica iha ninyo, ang ating laging panlaban noon, ng ating barangay, pero hindi na wari si Cristel ngayong maari pang lumaban eh. Nabalitaan ko, na may maganda ka raw na pamangkin. Kung papayag kayong mag asawa, ay baka pwede natin siyang maimbitahan na ilahok sa gaganaping labanan ng ating Miss barangay Malaya.” Mahabang pahayag ni Kapitan Atong, nakakagulat naman ng mag sawang Ramon at Lily. Nag aalinlangan nagkatinginan ang dalawang matanda. Napahinto naman sa pagkain si Harold ng marinig ang tinuran ng kanilang punong barangay. Napa Tiim bagang ito, at napadiin ang pagkakahawak sa tinidor nitong ginagamit. Saan naman nakuha ng mga ito, ang balibalitang may magandang pamangkin ang kanilang mga magulang? Nagkatinginan pa ang magkapatid na Miko at Cristel, hindi nakaligtas sa mga ito ang reaksyon ng kanilang kuya Harold. Mabilis tinapos ni Harold ang pagkain, uminom ito ng tubig saka lumabas sa sala para daluhan ang mga magulang sa pakikipag usap kay Kapitan Atong. “Stay here!” Madiin at pabulong na sabi ni Harold sa gilid ni Joan, bago ito lumabas. Nanlaki naman ang mga mata ni Joan sa biglang mapahinto si Harold sa gilid niya, at mariin at pasimple itong bumulong sa kanya. Bakit parang mainit nanaman ang dugo nito, parang galit nanaman sa kanya. Kahit wala naman siyang ginagawang masama. Daig pa nito ang babaeng laging may regla. Pasimpleng iningosan lang niya si Harold ng nakatalikod na ito at habang naglalakad palabas ng kusina. “Gwapo sana, suplado lang! Tse!” bulong ni Joan sa kanyang sarili. Matapos silang kumain, naiwan si Joan at Miko sa Kusina para magligpit. Si Cristel naman ay agad nilinisan ang kambal at hinanda na sa pagtulog. Hindi parin tapos sa pag uusap ang kanyang mga magulang at si Kapitan. Hindi niya alam kong ano na ang napag usapan ng mga ito, ang kuya Harold na niya ang nakikipag usap duon. Sa hula niya, ay hindi ito pumapayag na mapabilang si Joan bilang kandidata ng kanilang barangay. Hindi pa man, ay matinding pagbabakod na ang ginagawa ng kuya Harold niya kay Joan. Tandang tanda pa niya noon, taon taon siya ang laging panlaban ng kanilang barangay. Lagi siyang nanalo sa kanilang barangay ng Miss Maligaya. Kahit noon pa man ay over protective na ang kanyang kuya Harold sa kanya. Pero iba ito kay Joan ngayon, hindi man aminin ng kuya Harold niya, ay halatang halata naman ito na malaki ang pag kakagusto nito kay Joan. Nang maka alis sila Kapitan, agad din naman lumabas ng kwarto si Cristel, makikibalita siya sa kanyang inang. Tulog narin ang kambal, nilapitan niya ang mga magulang sala at tinanong, “Inang, nakaalis na pala sila Kapitan ano ho? Ano po ang mga napag usapan n’yo inang?” “Ay, iyon nga! Ayaw naman pumayag ng kuya Harold mo. Ipinaliwanag niya kay Kapitan, na hindi naman daw pwede makilahok si Joan, labanan ng barangay. Dahil hindi naman daw si Joan, tubong Puerto Galera.” mahabang turan ng kanyang inang na si aling Lily. “Ay ano ho, Ang sagot ni Kapitan?” “Pumayag naman, tama naman ang sinabi ng kuya Harold mo. Ang kaso nga lamang, ay ang sabi pa ng kuya mo. Ay, nobya raw niya si Joan!” Sabat naman ng tatang ni Cristel na si Mang Ramon. Na ibuga ni Harold ang iniinom na tubig, sa sinabi ng ama. Galing itong kusina at kumuha ng tubig para uminon. Totoong sinabi niya iyon kanina kay Kapitan. Para ipabatid sa mga ito, napag mamay ari na niya si Jaon. Kahit walang ka alam alam ang dalaga. At isa pa, ay nasa pa mamahay na niya ito. Maraming mga kabataan sa kanilang lugar, at ayaw niyang may aaligid aligid sa dalaga. “Tatang! Ang bibig nyo naman!” Pabulong na saway ni Harold, kay Mang Ramon ng makalapit sa mga ito. Sinulyapan pa ang kwartong tinutulugan ni Jaon. Mabuti na lamang at nasa loob na ang dalaga. “Naku! Harold, ay ang lakas ng loob mong sabihing nobya mo, iyang si Joan, tapos sa tanda mo ng iyan ay torpe torpe ka!” mapang asar na wika ni Mang Ramon sa anak na si Harold. Napa kamot naman ng ulo si Harold. At natameme ito, oo, lagi niyang sinungitan si Joan, dahil iyon ang way niya para hindi siya nito mahalata. Dahil tuwing malapit siya kay Joan, hindi niya mapigil ang paghanga sa dalaga, lalo na pag tinitigan niya ang maganda nitong mukha. Pero hindi nakaligtas sa mga magulang at kapatid ang mga kinikilos niya. “Anak, hindi kami tutol ng tatang mo sa mga binabalak mo, matanda kana, at dapat nga mag asawa kana rin. Gusto naman ng tatang mo si Joan para sayo, napakabait na bata niyon, kahit saglit palang natin siyang nakakasama, pero anak, huwag mo naman pakakahigpitan.” “Inang, hayaan mo na ho. ‘yang si kuya Harold ay parang bago palang na ibig,” ani Cristel na tatawa tawa pa. Inaasar nito ang kuya Harold niya. “Hoy, ikaw Cristel, aba! Iharap mo sakin ang tatay ng mga pamangkin ko, at makikita niya ang hinahanap niya. Napaka iresponsable!” sagot naman ni Harold. “Ewan ko sayo kuya!” Inis na sagot ni Cristel. Saka nag martsa papasok sa kwarto nito. Pagpasok niya sa loob, tulog na tulog na ang mga anak, hinalikan niya ang mga ito sa noo. Bakit na siya naiinis? Masakit ba marinig na iresponsable si Arniel? Eh, sa totoo lang siya ang may kasalanan. Lumapit siya sa lumang aparador. Kinuha niya ang isang lumang box ng sapatos. Ang box ng sapatos na iniregalo pa sa kanya noon ni Arniel noong siya ay mag birthday, limang taon na ang nakalipas. Pinaka ingat ingatan niya iyon, sa loob ng limang taon ay buhay na buhay pa rin ang box, kahit na may kalumaan na. Pero ang sapatos, kung may importante siyang pupuntahan ay iyon ang lagi niyang suot. Dahil doon, pakiramdam ni Cristel ay lagi niyang kasama si Arniel. Binuksan niya ang box. Naroon pa rin iyong mga ilang piraso ng balat ng candy at chocolate at ilang balat ng mga sitsirya na binibigay sa kanya ni Arniel noon. Ganoon siya ka ingat sa mga bagay na binibigay sa kanya ni Arniel, ganoon niya ito pinahahalagahan. Kinuha ni Cristel ang isang maliit na plastic at binuksan, inilabas niya mula doon ang ilang mga litrato, kuha iyon nila ni Arniel noon. Iyon ay ang birthday pa siya, na sobrang pinaghandaan ni Arniel. Magkadikit ang kanilang noo, at ang isa naman ay noong hinalikan siya ni Arniel sa labi, at pangatlo naman ay, nakaakbay sa kanya si Arniel, close up, ang pagkakuha nuon, at kapwa sila naka ngiti sa camera at masayang masaya. Binigay sa kanya ni Arniel ang mga larawan na iyon. Dahil iyon daw ay pinakamasayang kaarawan niya, at pag sila daw ay nagkaanak ipapakita daw nila iyo, tanda ng kanilang masayang pagsasama. Parihas silang maytag iisang copy ng mga iyon. Pinakamasayang kaarawan, at pinaka importanteng tao, na nagdaan sa kanyang buhay, kaya pinaka ingat ingatan n'ya ang mga larawang iyon. "I love you Arniel, miss na miss na kita! Patawarin mo ako. Mahal ko!” Umiiyak na kausap ni Cristel sa larawan nila ni Arniel. Pinakatitigan niya iyon at dinala niya sa kanyang labi at hinalikan niya si Arniel, napapikit siya ng mariin kasabay ng pagtulo ng kanyang masaganang luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD