CHAPTER 13

1173 Words
“Hi! Darling!” nakangiting bati ni Sally. Nakasilip ito sa pinto ng opisina ni Arniel. Nakatago sa likod nito, ang mga dala niyang nilutong pagkain para kay Arniel. Gusto niya itong surprisahin at pagsilbihan. Nagtataka naman na patunghay si Arniel, natigil ito sa kanyang ginawang pag peperma sa mga nakatambak na mga papeles sa kanyang lamesa. Dahan dahan naman pumasok si Sally, na may nakakaakit na ngiti. Dala dala ang mga niluto nitong pagkain para kay Arniel. “Why are you here?” Nakangiting tanong ni Arniel. “I brought for your delicious lunch Darling ipinagluto kita, gusto ko kasi pinagsisilbihan ko, ang pinakamamahal kong lalaki.” Tugon ni Sally, na may malawak na ngiti sa labi. Ipinatong nito ang mga dala dalang pagkain sa lamesa. Lumapit ito kay Arniel at humalik sa labi ng binata, saka umupo sa ibabaw ng lamesa nito at bahagya pang inayos ang kuwelyo ng suot nitong pulo kahit hindi naman gusot. Matamang nakatitig lamang naman si Arniel sa mga mata ni Sally. Ramdam niya ang mga pag aasikaso nito sa kanya, aminado siyang malambing at maasikaso si Sally, pero pakiramdam niya ay parang may kulang pa rin sa sarili niya. Parang may hinahanap siya, na hindi niya malaman kung ano ba iyon. Oh, baka naman, naninibago lang siya na si Sally na ang kasa kasama niya sa araw araw. Pasasaan ba at masasanay din siya. “Hey! Darling.” Untag ni Sally kay Arniel at ipinitik pa sa eri ang dalawang daliri nito. Baka naman matunaw ako niyan?” pabirong tanong ni Sally kay Arniel. “Ahhm. Hindi pa naman ako nagugutom,” pag iwas ni Arniel, saka ibinalik ang tingin sa mga papeles na nasa harapan niya saka ito muling pinagpepermahan. “No. Kailangan mo munang kumain, it’s late already Darling, sa sobrang busy mo sa trabaho hindi mo na pansin fast twelve na.” Malambing na sagot naman ni Sally. Tumayo ito at naglakad patungo sa lamesa. Binuksan ang mga toperware na naglalaman ng mga dalang pagkain at isa isang inihain sa lamesa. Mainit init pa ang mga iyon, maya maya ay napalingon si Arniel sa gawi ni Sally ng maamoy ang bango ng masasarap na mga dalang pagkain nito. “Lets eat Darling com’n, habang mainit init pa ang pagkain.” Muling tawag ni Sally sa binata. Hindi na nakatiis pa si Arniel, binitawan na rin nito ang hawak na ballpen at tumayo. Saka lumapit kay Sally. Ayaw rin naman niyang mag tampo si Sally sa kanya. masayang ang effort nito na ipag luto siya. Mukhang tuwang tuwa pa naman ang babae. Bahagyang inamoy niya ang mga dalang pagkain. Sinigang at pininyahang manok iyon, at may steam na broccoli at may ilang piraso ng mga hiwa ng prutas. Bigla nakaramdam siya ng gutom. “Wow! Mukhang masarap ito a?” aniya, saka nag simula na itong kumain. Hindi niya maipagkakaila nga na masarap ang mga luto ng dalaga. “Yes. Of Course Darling. Kasing sarap ko ang mga iyan at alam kong gustong gusto mo iyon. Lalo na pag bed time.” Bahagya pang nabilaukan si Arniel sa tinuran ni Sally. Wala sa sariling nadampot agad nito ang isang basong tubig nasa kanyang tabi. Mabilis na tinapos nito ang pagkain at kumuha ng tissue at pinunasan ang kanyang labi saka tumayo, pumunta sa toilet at nag hugas ng kamay. Mabilis naman niligpit agad ni Sally ang kanilang pinag kainan, kinuha ang kanyang dalang bag at may inilabas na ilang piraso ng tabletang gamot. Bahagya pa nitong sinulyapan si Arniel, na hindi pa lumalabas ng toilet bago mabilis na nilunok ang mga tabletang gamot, saka dinampot ang isang basong tubig. Siya naman paglabas ni Arniel ng toilet. Tumuloy ito sa kanyang lamesa hinila ang swevile chair at muling naupo, binalikan ang kanyang mga naiwang trabaho. Maya maya pay nag paalam na rin si Sally na uuwi na raw siya. Nang makaalis si Sally, bahagyang napahinto si Arniel sa mga ginagawa. Isinandal ang likod at bahagyang pumikit. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya sa araw na ‘yon. Napamulat siya ng mata ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. “Yes Raya baby, why are you calling?” “Kuya Arniel ko, Kailan ka po dadalaw sa akin? Hindi mo na po ba ako bati?” malungkot na turan ni Raya sa kabilang linya. Napa buntong hininga siya, nakalimutan na nga niyang dalawin ang kanyang pinakamamahal na pinsan. Dahil sa sobrang busy niya sa trabaho. “Im sorry baby. Medyo na busy kasi ang kuya sa work eh. But don't worry. Pag medyo hindi na ako busy work, mamasyal ulit tayo.” “Wow talaga po? Sana tagal tayo pasyal para kita ko ulit po, ung twins ko na new friends bago lalaro po kami.” Napa kunot si Arniel ng noo. New friends? Paano nagkaroon ng bagong kaibigan si Raya ay hindi naman ito lumalabas ng bahay, dahil madalas itong nabubully. “Who’s new friends?” tanong niya kay Raya. “Lucas and Lyca po ang name nila kuya ko. Dati kain tayo doon sa malayo po, bati kami. Hindi nila ako away po. Laro po sana kami, pero alis tayo agad.” Malungkot na saad ni Raya. Napaisip siya. Pero wala talaga siyang malala na may bagong kalaro si Raya dalawang linggo na ang nakalipas mula ng ilabas niya ang pinsan para mamasyal at kumain. “Pero hindi natin sila kilala, at saka hindi natin alam kung saan sila hahanapin baby.” “Doon po kuya Arniel dati po tayo kain, baka hindi pa sila alis doon.” mabilis na sagot naman ni Raya. Napapikit ng mariin si Arniel. Sumakit ang ulo niya kakaisip sa sinasabing bagong kaibigan ni Raya. Sa lawak ng pilipinas saang lupalop niya makikita ang mga batang iyon. “Raya Baby. Listening. Hindi natin basta makikita ang mga bago mong kaibigan. Malawak ang pilipinas baby, saka isa pa, hindi natin alam kung ano ang buong pangalan nila at kung saan sila nakatira.” mahabang paliwanag niya kay Raya. “Diba po? Meron ka po cellphone tapus po, dami ka po duon mga friends, Hanap po sila natin duon kuya ko! sige na po.” Pangungulit sa kanya ni Raya sa kabilang linya. “Raya, Baby please! Huwag makulit ok?” Sagot ni Arniel kay Raya, medyo tinigasan na niya ang boses para iparating kay Raya na na naiinis na siyasa kakulitan nito. Alam ni Raya na pag ganun na ang tono ng boses niya ay takot na ito, at hindi na daw siya kabati ni Arniel. Hindi naman na ngulit pa si Raya malungkot itong nag paalam sa kanya sa kabilang linya. Alam niya na nagtatampo sa kanya ito, for pete's sake! Hindi niya kilala ang mga batang tinutukoy nito. Nang matapos ang usapan nila ni Raya muling napasandal siya at mariing napapikit. Napahilot siya ng kanyang sintido sumakit lalo ang kanyang ulo sa dami ng mga isipin. Dagdag pa ang mga batang gustong ipahanap sa kanya ni Raya. Ni hindi nga niya nakita ang itsura ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD