Hindi ako kaagad nakaimik. Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin ng lola. Hindi maproseso ng maayos ng isipan ko yung mga sinabi niya, eh. Dadalhin niya ako sa mansion ng mga Portano at doon kami titira... p-para ano? para maging kasambahay rin ako? Alam na alam naman niya... ang taas ng pangarap ko para sa amin na dalawa. Hindi kasama ang tatay o ang nanay, kundi kami lang talagang dalawa. Natakot ba siya dahil biglang sumulpot ang tatay ko? may isip naman na ako, hindi ko siya iiwan. Pero itong mga sinabi niya at pagdedesisyon sa akin, a-ang hirap naman. Nanginginig ang mga kamay ko habang magkasalikop, naiyuko ko ang aking ulo nang hindi ko makayanan ang seryosong tingin ng lola. Walang bakas ng pagbibiro doon, at hindi rin ako makakita ng pag-asa na kung sasalungatin ko ang sinabi

