"Boss! Ok ba acting namin?" bungad agad ng isa sa mga lalaki.
"Oo! Excellent performance!" tuwang-tuwa at pumapalakpak pang sagot ni Dryxx.
"Mukha nga boss eh kasi hanggang ngayon masasakit pa rin mga panga namin dahil sa suntok mo eh! Masyado mo naman ginalingan boss na dislocate ata panga ko!" reklamo naman nung isa pa.
"Ganoon talaga! Paano maniniwala iyong dalawa kung hindi ko gagawing makatotohanan ang pag suntok sa inyo?" natatawang saad ni Dryxx.
"Iyon na nga eh, wala na kaming magagaw!" natatawa na lamang na saad noong isa.
"Oh! siya, bumawi na lamang kayo dito sa premyo ninyo. Mag inuman kayo hangga't gusto niyo, magsaya kayo mag damag. Oh! ayan sapat na ba ang fifty thousand pesos?" pambawing saad ni Dryxx sa apat na halatang nasaktan nga sa pambubugbog niya.
"Tsaka ipagamot niyo na rin iyang mga sugat ninyo, mag pacheck-up kayo. Sabihan niyo nalang ako kung kailangan ninyo ng dagdag na pera para diyan sa pag papagamot niyo. Ako bahala sa ospital bills masiguro lang na ok lang kayo ah," dagdag pa nito dahil nag aalala din siya at baka nga may masamang mangyari sa apat dahil sa mga suntok at sipa na ginawa niya kanina. Kargo de konsensya niya rin yun.
Halos manlaki naman ang mga mata ng apat ng makita ang fifty thousand bilang kabayaran sa pag acting na ginawa nila kanina.
"Ok boss! Didiretso po kami sa ospital ngayon para maipa check up itong mga tama ng suntok at sipa niyo," patawa-tawang saad ng isa sa mga lalaki.
"Iba ka talaga boss! Tamang-tama na ito boss, may maibibigay pa kami sa aming pamilya nito! Maraming salamat!" tuwang-tuwang sambit naman ng isa.
"Oo nga boss! Medyo malaki-laki rin ito." dagdag ng isa pa.
"Gusto mo bawasan ko? Nalalakihan ka ata eh!" pagbibiro naman ni Dryxx
"Hindi boss! Ibig kong sabihin sapat lang pala ito boss!" natatawa namang sagot nito na napapakamot pa sa ulo.
" Ah! Akala ko sobra eh madali naman ako kausap!" natatawang biro pa ni Dryxx.
"Ikaw naman boss, di ka na mabiro!" Sabay-sabay na nagtawanan ang lahat sa kanilang pag-uusap na tila walang patutunguhan.
"Oh! siya, tama na iyan at baka may makakita pa sa atin. Salamat sa ginawa ninyo ha. Sige na makakaalis na kayo!"
nawika na lamang ni Dryxx sa pag alalang baka may makakita sa kanilang pag uusap.
Tumango na lamang ang apat saka luminga-linga sa paligid upang siguraduhin na walang sinuman ang nakakita sa kanila. Nang masiguradong wala ngang tao ay saka sila umalis at iniwan si Dryxx na patingin-tingin din sa paligid kung may tao saka dahan-dahang lumapit at sumakay sa kaniyang kotse.
Habang nag dadrive ay nakita niya ang apat na lalaking binayaran niya na nag kakasayahang naglalakad. Mababait naman ang apat. Sa katunayan sila ay kabilang sa mga scholars ni Dryxx. Mayroon kasi si Dryxx na itinayong foundation para sa mga kabataang gustong mag-aral ngunit kapos sa buhay. Ang apat na iyon ay napalapit kay Dryxx dahil na rin sa kabaitan ng mga ito. Kapag may gustong ipagawa si Dryxx personal man o hindi ay sila ang pinagtatrabaho niya upang kahit papaano ay may kitain ang apat dahil masyadong hirap sa buhay ang pamilya ng mga ito. Kaya ng mabuo iyong plano na ginawa nga nila kanina ay silang apat agad ang naisip ni Dryxx na pag panggapin na mga barumbado na babastos kina Maxinne.
Oo, planadong lahat iyon ni Dryxx. Dahil nga nauubusan na siya ng oras dahil dalawang buwan lamang ang ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama na makatagpo ng babaeng iibigin at pakakasalan. Kaya nag isip siya ng plano kung paano babango ang pangalan niya kay Maxinne, iyon nga ang naisip niya ang mag mukhang superhero sa mata ni Maxinne. Kaya naman tuwang-tuwa si Dryxx ng mag tagumpay siya sa kaniyang plano.
Oo, si Maxinne na ang gusto niyang mapangasawa dahil sa ikli ng panahon ng pagkakilala niya dito hindi man maganda ang nangyayari bawat pagkikita nila, tila ba hulog na hulog na ang damdamin niya sa dalaga. Kaya gagawin niya ang lahat para mapaibig niya ito sa lalong madaling panahon. At ito ay sisimulan niya ngayon, dadalawin niya si Maxinne sa bahay ng mga ito. Kaya pagkauwi pa lamang ay diretso na siya sa banyo upang maligo at babalik siya sa lugar nina Maxinne upang simulan ang kaniyang panunuyo sa dalaga.
Mabilis niyang tinapos ang pag ligo at dali-daling umalis patungo kina Maxinne.
Samantala sa bahay nina Maxinne ay masayang nag kukuwentuhan ang mag iina habang kumakain ng hapunan.
"Alam niyo inay ang galing-galing pala ni kuya Dryxx makipag-laban. Biruin niyo hindi man lamang nakaporma iyong apat!" bilib na bilib na kuwento ni Lhianna.
"Talaga?" sagot ni aleng Teresita.
"Opo! inay, mabuting tao din pala si Dryxx. Biruin mo iyong taong pinakitaan ko ng hindi maganda ay iyon pa pala ang tutulong at mag liligtas sa amin?" saad naman ni Maxinne.
"Mabuti naman Maxinne naisip mo iyan. Sa mga kuwento mo pa lamang noon ay nababatid ko nang mabuti siyang tao. Ikaw lang naman ang mainitin ang ulo at pakikibasag-ulo lagi ang laman ng utak mo kababae mong tao," wika ni aleng Teresita na halatang magaan ang loob kay Dryxx kahit na hindi niya pa man lamang ito nakikita.
Maya-maya ay nagulat na lamang sila sa pag tuktok ng kung sino mula sa labas.
"Tao po!" saad ng nasa labas.
"Aba'y sino kaya iyon? Tingnan mo nga Lhianna kung sino nasa labas," utos ni aleng Teresita
"Opo inay!" sagot naman ni Lhianna.
Tatayo na lamang si Lhianna ng pigilan siya ni Maxinne.
"Ako na lang Lhianna ang magbubukas." Sabay lakad papunta sa pinto. Kaya napakibit-balikat na lamang si Lhianna.
"Sino iyan?" tanong ni Maxinne sa kumakatok. Sabay bukas ng pinto. Nagulat siya ng makilala kung sino ang nasa labas ng pinto.
"Dryxx? Ikaw? Paanong? Bakit?" sunod-sunod na tanong ni Maxinne kay Dryxx na natatawa na sa hitsura ni Maxinne dahil tila ba bigla itong nataranta at namumula ang mukha dahil sa hiya. Paano ba naman iyong punit-punit na bestida ni aleng Teresita ang kaniyang suot tapos makikita siya ni Dryxx na ganoon ang itsura. Ang buhok ay nakataas at sabog-sabog sa kaniyang mukha. Samantalang si Dryxx ay tila modelo ang itsura kahit na simpleng t-shirt, maong na shorts at naka rubber shoes lamang ang suot ay napaka guwapo nitong tingnan na hindi mo aakalain na isa itong pulubi. Kaya naman sa sobrang hiya ni Maxinne ay hindi na ito nakakibo at tila ba na estatwa sa kaniyang kinatatayuan at nakatitig na lamang kay Dryxx at naninigas ang katawan. Nang mapansin naman ito ni Lhianna ay bigla niyang sinigawan ang kaniyang ate.
"Ate, hoy! Napaano ka na diyan?" natatawang anito. "Pahiya ka nuh?" pangangantiyaw pa ni Lhianna sabay yugyog sa balikat ng kapatid na siyang nag pagising sa diwa nito.
Kaya naman ng makabawi si Maxinne ay mabilis itong tumakbo sa banyo at mabilis na naligo at nag bihis ng maayos para makaharap at maging maganda sa harap ni Dryxx. Ngunit habang nag-aayos sa sarili ay biglang napaisip si Maxinne.
"Sandali! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nataranta ng ganoon eh si Dryxx lang naman iyon? Sino ba siya para pag handaan ko ng ganito? Sino siya para mahiya ako sa ayos ko kanina? Sino siya para.... No! Hindi! Hindi ako maaaring magkagusto sa lalaking iyon! Hindi!" Ngunit tila ba hindi umaayon ang kaniyang puso sa sinasabi ng kaniyang isip.
"Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko pa ito nararamdaman kahit kailan! Hindi ko maintindihan ang pintig ng puso ko. Bakit kakaiba? Bakit ang sarap sa pakiramdam? Ito na ba iyong tinatawag nilang pag-ibig?" naguguluhang tanong ni Maxinne sa sarili.