CHAPTER 7

1369 Words
Naguguluhan si Lhianna sa tinuran ni Maxinne. Hindi niya maunawaan ang sinabi nito kung paano nila matutulungan ang mga batang kalye na walang kakainin dahil rin naman sa kagagawan nito. "Lahat ng kinuha natin na galing sa sako ni Dryxx ay ibabalik mo sa kaniya," saad ni Maxinne. "Ako? Bakit ako? Nakakahiya kaya! Ikaw may kasalanan diyan eh!" pag rereklamo ni Lhianna sa naisip ng kaniyang ate. "Ibibigay mo o wala kang baon bukas?" pang bablack mail ni Maxinne. "Ate naman eh!" pag rereklamo ni Lhianna sa kapatid. Ngunit wala siyang magawa kaysa wala siyang baon bukas pag pasok ay nilakasan niya na lamang ang loob niya na lumapit kay Dryxx na halatang problemado dahil wala siyang maibigay sa mga bata. Nag isip na lamang ng idadahilan si Lhianna upang hindi siya mapahiya. "Ahm... kuya Dryxx, nakita ko itong mga ito kanina na nahulog mula diyan sa sako mong bitbit kaya sumunod ako sa iyo para ibigay baka kako kailangan mo ng pera na pinag bilhan ng mya iyan," may himig na hiyang sabi ni Lhianna. Nag liwanag naman ang mukha ni Dryxx na tila ba nagkaroon siya ng pag-asa. "Naku! Maraming salamat Lhianna! Hindi ko napansin na butas pala ang sako na dala ko. Mabuti napansin mo at ikaw ang nakakita kung iba-iba siguro ang nakakita niyan ibebenta na agad nila iyan para sa kanila. Kawawa sana ang mga batang ito kagabi pa raw sila walang kain eh. Kung mayaman lang sana ako aampunin ko silang lahat," malungkot na wika ni Dryxx. Awang-awa naman si Lhianna sa mga bata dahil sa nakakaawang kalagayan ng mga ito sa buhay. Tama si Dryxx kung sila ay mayaman din sana aampunin din niya ang mga bata para hindi na ito makaranas pa ng gutom. "Oh! Mga bata, may kakainin na tayo! Tara ibenta na natin ang mga iyan, marami-rami rin ang mga iyan at tiyak na mabubusog kayo sa pagkain na mabibili natin. Tara!" masiglang yaya ni Dryxx sa mga bata. "Sige po kuya Dryxx alis na din ako kasi nag hihintay si ate doon," paalam na din ni Lhianna at bumalik na ulit sa kinaroroonan ni Maxinne. Naabutan niya si Maxinne na tila ba tulala at malayo ang tingin at napakalalim ng iniisip. "Ate!" untag ni Lhianna sa kapatid. "Oh! Lhianna nakabalik ka na pala, naibigay mo na ba?" tila nabibiglang tanong nito kay Lhianna. "Oo ate no probs na, papunta na sila doon sa bumibili ng mga basura," masayang sabi ni Lhianna. "Alam mo ate may ginintuang puso din pala iyang si kuya Dryxx nuh? Isipin mo ha, nag papakapagod siyang manguha ng mga basura pero ang perang pinag bilhan pala nito ay ipinamimigay niya lamang sa mga kapos-palad na kagaya ng mga batang kalye na iyon. Napakabuti niyang tao ate!" namamanghang wika ni Lhianna. Halos hindi naman makapaniwala si Maxinne, iyong lalaki na kinaiinisan niya ay may kabutihan palang taglay. Hindi siya makapaniwala. Sa maghapon na pangunguha nila ng basura ay tila hindi nakikita ni Maxinne si Dryxx kahit na ito'y nasa kalapit lamang ng puwesto nila at nangunguha rin ng mga basura at bakal, dapagkat siya ay nakakadama ng hiya kahit batid niyang hindi naman alam ni Dryxx na siya ang may kagagawan kung bakit nabutas ang sakong dala nito kanina. Tahimik din si Dryxx na nagmamasid sa dalawang magkapatid. Nagtataka siya kung bakit hindi siya inaaway ni Maxinne. Napatawad na kaya siya nito sa paghalik niya dito nung huli nilang pagkikita? Nagtataka man ay hinayaan na lamang niya ito dahil baka kung may mali na naman siyang magawa eh simulan na naman nila ng away. Hanggang sa may isang grupo ng mga kabataan na tila mga siga ang pumasok sa gusali na kung saan sila nangangalap ng mga bakal. Pare-pareho silang napatigil sa kani-kanilang ginagawa dahil sa pag dating ng mga ito. Hindi ito kilala nila Maxinne, kaya nagtataka sila kung bakit naroon ang mga ito. "Hoy! Kayo!" Sabay turo kina Maxinne at Lhianna. "Kami? magkasabay na sabi naman ng magkakapatid na nagtataka kung bakit sila itinuturo ng mga lalaki. "Oo, kayo nga! Itong dalawa kong kaibigan ay gusto raw kayong isama na makipag date ngayon din!" tila haring nag uutos na wika ng isa sa mga ito. "Aba't, bakit kami sasama sa inyo eh hindi naman namin kayo kilala? Ang kapal naman ng mga mukha niyo!" galit na sagot ni Maxinne na medyo kinakabahan na sa nangyayari. "Ate natatakot ako!" saad naman ni Lhianna na napasiksik pa sa a likod ng kapatid "Huwag kang mag alala hindi kita pababayaan, ako ang bahala!" sagot naman ni Maxinne "Dahil kapag sinabi ko na sasama kayo sasama kayo dahil ako ang batas sa lugar na ito!" maangas na sigaw ng lalaki. Sabay hablot naman ng mga kasamahan nito sa mga braso nina Maxinne at Lhianna. "Huwag! Bitawan niyo kami! Hindi kami sasama sa inyo parang awa niyo na!" sigaw naman ni Maxinne na nag mamakaawa sa mga kalalakihan. "Oooohhh! Kawawa naman! Pero alam mo ang ganda-ganda mo pala. Puwede akin ka na lang?" tila manyakis na saad ng lalaki. "Huwag maaw..." Hindi na natapos ni Maxinne ang sasabihin dahil tumalsik na ang lalaki na nang babastos sa kaniya dahil sa sipa ni Dryxx. Kitang-kita niya kung paanong suntukin at bugbugin ni Dryxx ang apat na magkakasama. Halos hindi man lang makaporma ang mga ito dahil sa galing ni Dryxx makipaglaban. Tila ba may aral ito sa martial arts. "Ano kakasa pa kayo ha?" galit na sigaw ni Dryxx sa apat na kalalakihan. "Hindi na boss! Suko na po kami! Hindi na po mauulit! Patawad po!" halos magkakasabay na sabi ng apat na lalaki habang nakayuko sa pag hingi ng tawad kay Dryxx. "Sa sunod na bastusin niyo pa iyang dalawang magkapatid ay hindi lang iyan ang aabutin ninyo! Naintindihan?" pagbabanta pa ni Dryxx. "Opo boss! Hindi na po! Pangako po hindi na po kami babalik dito! Sige po aalis na po kami!" nanginginig na wika ng mga ito. "Tatandaan ko iyan, sige na alis at huwag na kayong magpapakita sa akin o sa kanila kahit kailan. Sige alis!" matapang pang wika ni Dryxx. Sabay-sabay naman na tumakbo ang apat na halos magkandadapa-dapa pa na tila ba nag papaunahan sa pag takbo. Nilapitan naman ni Dryxx sina Maxinne at Lhianna na makikita mo pa ang takot sa mga mukha ng mga ito. "Ok lang ba kayo! Hindi ba kayo nas..." Hindi na natapos ni Dryxx ang sasabihin dahil bigla siyang niyakap ni Maxinne na nanginginig ang katawan sa takot at umiiyak. "Maraming salamat!" humihikbing wika ni Maxinne. "Sshhh! Ok na wala na sila, ligtas na kayo, tahan na," saad naman ni Dryxx na halata ang pag-alala kay Maxinne. Tila naman nakaramdam ng hiya si Maxinne kaya kumalas na siya mula sa pagkakayakap kay Dryxx at binalingan si Lhianna na medyo nakabawi na mula sa takot dahil sa nangyari kanina. "Maraming salamat uli..." "Dryxx. Dryxx ang pangalan ko," salo ni Dryxx sa sasabihin ni Maxinne. "Dryxx ,salamat. Maraming salamat sa pag tatanggol sa amin ni Lhianna. Kung wala ka... siguro napahamak na kami. Salamat dahil sa kabila ng nangyari sa atin noong nakaraan ay iniligtas mo pa rin kami," nahihiyang saad ni Maxinne. "Walang anuman iyon. Kahit kanino pa mangyari iyon ay ganoon pa rin ang gagawin ko dahil sabi nga ni Darna, ang isang malaking pagkakamali mo ay iyong may kakayahan kang tumulong pero hindi mo ginawa," natatawa pang sabi ni Dryxx. "Fan ka rin pala ni Darna!" Natatawang sabi ni Maxinne na tila sandaling nakalimutan ang takot na naramdaman niya kani-kanina lamang dahil sa sinabi ni Dryxx. "Hindi naman nagkataon lang ng napadaan ako sa tv habang nanonood sila yay.. ibig kong sabihin habang may nanonood dun sa tindahan eh yung dialogue na iyon ni Darna ang narinig ko at tumatak sa isip ko," paliwanag naman ni Dryxx na madudulas pa ang bibig. "Ah ganun ba? Mabuti naman at may nakuha kang magandang aral mula kay Darna. Oh! sige uwi na kami ni Lhianna dahil medyo hindi maganda ang araw na ito. Maraming salamat ulit ha!" paalam ni Maxinne. Tumango na lamang si Dryxx at kumaway sa dalawa. "Ingat!" pahabol na sigaw ni Dryxx. Pagkaalis nina Maxinne ay dali-daling lumakad si Dryxx at pinuntahan iyong apat na lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD