"Sige, pasok na ako Dryxx. Ingat ka ha," tila nahihiyang ani Maxinne matapos siyang ihatid ni Dryxx pagkatapos nilang maglakad-lakad. "Sige, maraming salamat sa pagpayag mo na sumama sa akin Maxinne ang saya-saya ko," saad naman ni Dryxx. "Wala yun, ako nga nahihiya eh kasi napadami ata ang gastos mo sa akin kanina," nakangiti namang ani Maxinne. "Hindi huwag mong alalahanin iyon. Napasaya mo naman ako eh. Sige na pumasok ka na at baka mapagalitan ka na ng nanay mo. Bye! Alis na rin ako," saad naman ni Dryxx na halos ayaw pang umalis dahil gusto niya pang makasama si Maxinne ngunit alam niyang hindi maaari. "Sige, bye ingat ka," sagot naman ni Maxinne bago pumasok sa bahay nila. Nang maisara ni Maxinne ay saka umalis si Dryxx. Napapasuntok o5a sa hangin si Dryxx sa sobrang saya. Sa w

