"May nakapag sabi na ba sa iyo na ang ganda-ganda mo Maxinne?" wika ni Dryxx matapos nguyain ang ang sugpo. "Andami na Dryxx!" nakatawang saad ni Maxinne. "Wow! Yabang ha!" natatawa namang saad ni Dryxx. Dinadaan niya na lang sa tawa dahil sa totoo lang ay kinakabahan na siya. Hindi niya kasi alam kung saan ba magsisimula upang umamin kay Maxinne at magsimulang manligaw. Tuloy naman ang subo ni Maxinne dahil sarap na sarap siya sa mga pagkain na nakahain sa harap niya. Sa buong buhay niya kasi ay ngayon lang siya nakakain ng ganoong mga pagkain. Pagkaing pang mayaman kasi ang mga iyon. Ni hindi niya man lang napapansin na hindi na mapakali ai Dryxx sa upuan. "Ahm! Ehem!" tila nauubong ani Dryxx. "Napapano ka ba Dryxx? Masama ba pakiramdam mo at paubo-ubo ka diyan?" tila inosenteng

