Chapter 6 Feel my lips

1669 Words
Nandito lang kami sa gilid ni Tiara habang ang nasa mahabang table ay nagsisiyahan na at tanging ingay lang nila ang maririnig sa buong kwarto, at saka ano ba ang laban namin ni Tiara e dadalawa lang kami. Everytime na mapapatingin ako sa kanila ay mapapasabi na lang ako sa isip ko na... ang expensive talaga nila! Naunang tumayo ang mga babae at pumunta sa may gilid ng table nila kung saan may malaking space at kung saan din ang party light. Sumunod naman ang ilang lalaki, kasama na si Calvin at Lucas. Hindi pa rin nila kami napapansin dahil busy sila sa pag-party. As in nasa gilid lang talaga kami ni Tiara at pinapanood sila. Si Travis at Andrew ay nakaupo lang habang masayang pinapanood sila. Ilang sandali lang, ang babaeng umakbay kay Travis ay patuloy pa rin sa pagsayaw habang naglalakad papunta kay Travis at halata ang ngiti niya na abot tenga. Kinuha niya ang kamay ni Travis at sa tingin ko ay tinatawag niya ito para samahan sila sa pagsayaw. Todo iling naman si Travis pero sa huli ay napapayag din siya. Siniko ako ni Tiara kaya dahan-dahan akong lumingon sa kan'ya pero ang tingin ko na kay Travis pa rin. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Oh, baka magselos ka ah?" pang-aasar niya. Sa pagkakataon na 'yon, siya na ang tinitingnan ko. Nakita ko ang ngiti niya na may halong pang-aasar at tinataas-baba niya pa ang kan'yang dalawang kilay. "What if... Oo?" confident kong sagot sa kan'ya. Nanlaki ang mga mata niya. "Seryoso? Agad?!" "Joke!" Tumawa ako dahilan para tingnan niya ako ng masama. Iniba ko ang usapan. "Mukhang hindi pa nila tayo napapansin." Tumingin siya sa mga sumasayaw at sa mga nakaupo pa sa may mahabang upuan. "You're right. Sa saya nila hindi na nila napapansin ang mga nasa paligid nila." "Or baka napansin na nila tayo pero pinili na lang nilang hindi isipin?" nakangiti kong sabi. "Naloloka ka na ba? Imposible 'yan ano! Hindi puwedeng hindi nila intindihin na may nakapasok na dalawang bruha sa vip room na kinuha nila." Tiningnan ko siya ng masama dahil sa pagkakasabi niya ng bruha. "What if... Makisayaw din tayo?" "Gusto mo ba?" tanong niya. "Oo naman!" masigla kong sagot. "Alright, let's go!" Masaya kaming tumayo at aming mga ngiti au umaabot na tenga. Nagsimula nang sumayaw si Tiara habang papalapit kami sa iba na nandidito. Nasa isang side lang kami at dahil madami na rin ang nakikisayaw ay hindi na nila napapansin kung sino ang nakakasayaw nila. "Punta lang ako saglit sa restroom," sabi ni Tiara. "Iiwan mo ako dito?" "Saglit lang ako, o baka gusto mong dito na lang ako umihi?" Tinaas niya ang isa niyang kilay. "Fine. Sige na bilisan mo ah!" "Kung kanina ka pa sana umoo edi sana tapos na ako ngayon." Binigyan niya ako ng masamang tingin kaya tiningnan ko rin siya ng masama. Hindi ako papatalo 'no! Tuluyan na nga siyang pumunta sa restroom pero kahit wala siya sa tabi ko ay tuloy pa rin ang sayaw ko dahil ang ganda ng beat na talagang mapapasayaw ka. Sa sobrang energetic ko ay naramdaman ko na may natamaan ako sa likod ko kaya napatingin ako para humingi ng paumanhin. Likod palang alam ko na kung sino ito. Humarap din siya sa akin at gulat niya akong tiningnan. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako. "Hey." Ngumiti ako. "What are you doing here?" nagtataka niyang tanong. "Are you with Tiara?" "Yes. Pumunta lang siya sa restroom," sagot ko. "So, bakit nandito kayo?" "Andrew invited us here." Nilapit niya ang kan'yang ulo sa akin at napakunot ng noo. Mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko. "W-what?" Napangiti ako ng konti. Dahil sa side view niya ang nakaharap sa akin humakbang ako ng isa at nilapit ko ang ulo ko sa kan'ya. Pinadaan ko ang labi ko sa pisngi niya papunta sa kan'yang tenga. Iyong pasimpleng padaan lang na medyo nararamdaman niya ang labi ko sa pisngi niya. Hindi ko nakita ang reaction niya sa ginawa ko. Bumulong ako with my sexy voice. "It's Andrew. He invited us here." Pagkatapos non ay nilayo ko na ang labi ko sa bibig niya at habang dahan-dahan kong nilalayo ang mukha ko sa kan'ya ay napatingin siya sa akin. Nakatingin lang talaga siya sa akin na para bang hindi niya ine-expect 'yong ginawa ko. Ngumiti ako sa kan'ya sabay taas ng dalawang kilay ko bago tumalikod sa kan'ya. Napalingon ako sa kaliwang gilid ko at nakita si Tiara na lumabas na ng restroom. Nang nasa harap ko na siya at tumingin siya sa direksyon ni Travis na sa tingin ko ay nasa likuran ko pa. Tumingin ako muli sa likod ko at nakita ko rin si Travis na nakatingin kay Tiara. Ngumiti siya ng malapad at tuluyan na humarap kay Travis. "Hi! Nagulat ka ba?" "Bakit naman ako magugulat?" "Nakakita ka na naman ng maganda," nakangiti ng malawak si Tiara habang sinasabi niya iyon. Hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Tiara sabay iling niya. Napatingin ako sa babaeng papalapit sa kan'ya at iyon ang kasama niya lagi. Hinawakan niya ang kamay ni Travis habang nakangiti ng malapad. "Why are you here?" tanong niya. Tumingin siya sa direksyon namin ni Tiara. "Oh, Tiara! Nandito ka pala." Tumingin naman ako kay Tiara at halata ang peke niyang ngiti at tumango. Parang ang itsura niya ay napipilitan makiharap sa babaeng katabi ng kuya niya. "Yes." "Are you busy tomorrow?" tanong ng babae habang nakangiti pa rin at todo hawak sa kamay ni Travis. "Why are you asking?" balik na tanong ni Tiara. "Let's have lunch tomorrow." "For what?" "Gusto ko lang maka-bonding 'yong soon to be sister in law ko," aniya habang nakangiti at sabay tingin kay Travis at tinaas ang dalawang kilay. Napa-smirk si Tiara habang tumingin saglit sa direksyon ko. Hindi naman sumagot si Travis at ngumiti lang pero hindi ko masabi kong totoo ba ang ngiti niya. Tiningnan naman ako ng babae ng taas baba kaya masungit ko siyang tiningnan. Muli siyang tumingin kay Tiara na nakangiti na ng malawak. "So, ano? Tara?" "Sorry to say... ayaw kitang kasabay kumain, mapa-breakfast, lunch or dinner man 'yan. Never." Matamis na ngumiti si Tiara. Nag-pout siya. "But why?" Nag-pout pa akala mo naman cute, pwe! "Simple lang, ayaw ko sa plastic kaya better na tigilan mo na 'yang paglapit-lapit mo sa akin dahil baka masampal kita. Alam ko naman na gustong-gusto mo talagang makuha si kuya ko at huwag mo na akong idamay dahil kahit kailan, hindi kita gusto para sa kan'ya... even Samantha." Ngumiti siya muli. "Oh," mahina kong sabi dahil sa sinabi ni Tiara. Namangha ako. Hindi na siya makasagot at nakatingin lang siya kay Tiara ng masama habang si Tiara naman ay binibigyan siya ng nakakaasar na ngiti. Mabuti nga sa'yo na prangka ka ni Tiara. Sobrang hawak niya kay Travis at sobrang dikit na wala na akong makitang space sa pagitan nila. "Tiara, stop." Seryosong nakatingin si Travis sa kapatid niya. "Bakit? Totoo naman ah. Napaka-plastic ka niyan! Akala mo napakaganda," inis niyang sambit. "I said, stop." Tumahimik na rin si Tiara dahil sa tono at madiin na tingin sa kan'ya ng kuya niya. Masama ang tingin ng babae sa kan'ya at gano'n din si Tiara. Para bang sumasali sila sa contest na pasamaan ng tingin. Hinila ko na lamang siya pabalik sa upuan namin at pinainom siya ng cocktail niya para naman mabawasan ang inis niya. "Sino ba kasi 'yong babae na 'yon? Girlfriend ba ni kuya mo?" tanong ko bago ininom ang margarita. "Of course, not. Feeling girlfriend lang siya pero ka-fling lang siya ni kuya ko and I'm sure hindi siya sineseryoso kasi si kuya ko ay isang womanizer, I already told you that, right?" paliwanag niya. "Siya si Sabrina the feelingera and plastic." "Sabrina?" sambit ko habang nakatingin ng diretso. Nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang pangalan na 'yan dahil iyan ang pangalan na sinabi ni Calvin kay Travis no'ng time na nasa parking lot sila. So, siya pala 'yon. "Inuwi na ba ni Travis si Sabrina?" nagtataka kong tanong. Tiningnan niya ako. "I'm not sure, pero sa kinikilos ng babaeng 'yon, maaari ngang naiuwi na siya ni kuya ko." "How about Samantha?" Kumunot ang noo niya. "Kilala mo si Samantha?" "No, narinig ko lang kasi kay Calvin na tinanong niya si kuya mo kung iuuwi niya ba si Samantha, narinig ko 'yan no'ng time na may humabol sa akin. Sino ba 'yon? Ka-fling din niya?" "Yeah, ka-fling din siya ni kuya ko. Hindi rin ako sure kung naiuwi na rin niya or dinala na ba sa hotel." Ang daming babae. Womanizer nga talaga. "Tatawa nga ako dahil si Sabrina at Samantha ay magkaibigan and alam nila na pinagsasabay sila ni kuya ko. Ka-fling lang naman silang pareho kaya no need to demand," natatawa niyang sabi, "Nag-aagawan pa sila. Mabuti na lamang wala si Samantha ngayon dito dahil kung nangyari iyon mahahati si kuya ko sa dalawa." Sabay kaming napatawa ni Tiara ng malakas. Hindi na siya naiinis ngayon. Nagkuwentuhan lang kami habang inuubos ang mga pagkain na nasa table namin. Nang maubos na namin iyon ay nag-decide kami ni Tiara na bumaba na at doon ituloy ang pagsasaya namin. "Let's go?" tanong ko. Tumango siya habang nakangiti at sabay naman kaming tumayo. Hindi na kami nag-abala pang magpaalam kay kuya niya at kahit na rin kay Andrew dahil busy din sila sa pag-party. Habang naglalakad kami, napatingin ako sa direksyon ni Travis na nakaupo sa isang upuan na hindi gano'n kahaba at nakaharap sa isang malaking tv at sa tingin ko ay lima lang ang kasya doon. Nag-iisa lang siyang nakaupo doon habang hawak-hawak niya ang kan'yang cellphone at nasa may labi niya ang dulo ng cellphone niya. Napansin niya kami kaya lumingon siya at muling nagtama ang kaming mga mata. Bakit ang hot niya? Iyong tingin niya grabe! Nakakalusaw! Iniwas ko na lamang ang tingin ko at tuluyan nang lumabas ng vip room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD