Chapter 7 At the bar

1501 Words
Pagka-order palang namin ni Tiara ng maiinom namin sa bartender ay bigla na lang may umupo sa tabi namin. Dalawang lalaki. Napatingin ako sa left side kung saan ang lalaki. Hindi ko pa makita ang buong hitsura niya dahil nakatingin siya sa bartender. "I'll pay for it," aniya sabay bigay niya ng card sa bartender. Gulat ko siyang tiningnan. "You don't have to, I should be the one to pay for it." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Hoy teka lang! Killer smile! Singkit ang mga mata niya. Sa hitsura niya ay mukha siyang sikat na actor. Argh! Nagtinginan kami ni Tiara. Halo-halo ang nararamdaman namin ngayon, gulat at kilig. Hindi namin ine-expect na may tatabi sa amin ngayong gabi lalo na't tanging focus namin ay magsaya para mabawasan ang stress na nararamdaman namin ngayon. "Take mine too, I'll also pay for what this beautiful girl took," sabi naman ng katabi niyang lalaki. Sabay kaming napatingin ni Tiara sa katabi niyang lalaki. Pogi rin siya katulad ng katabi kong lalaki. Lapitin kami ng mga pogi ngayong gabi. Oh my gosh! Busog na naman ang aming mga mata. "T-thank you." Ngumiti ng malawak si Tiara. Nagkunwari pa itong mahiyain. "No problem," sabi ng lalaki sabay wink sa kan'ya. Napa-fold ako ng labi sa kilig dahil sa kanila. Mukhang tinamaan na siya kay Tiara! At sino naman kasi ang hindi? Ang ganda kaya ng bestfriend ko, mabait, sweet at hardworking! Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko, tinaas niya ang hawak-hawak niyang isang baso ng whiskey sabay ngiti. Gano'n din ang ginawa ko. "Thank you," sabi ko habang binibigyan siya ng matamis na ngiti. "Don't mention it." Killer smile talaga e. Nagtalikuran muna kami ni Tiara para makipag-entertain sa mga lalaking katabi namin. Parehas na pogi itong kasama namin. Ang kausap na lalaki ni Tiara ay nakasuot ng plain white t-shirt habang nakapatong ang leather jacket niya at habang ang katabi ko naman ay nakasuot ng polo na kulay maroon na kasing kulay talaga ng damit ko. "May nakapagsabi kasi sa akin na kung sino 'yong una kong nakita at same kami kulay ng damit dapat daw lapitan ko at alamin ang pangalan niya," sabi niya habang nakangiti. "Totoo ba 'yan o sabi-sabi mo lang?" natatawa kong tanong. "It's true." Nagkibitbalikat ako habang nakangiti ng matamis at inilahad ang kamay ko. "Alright. I'm Letisha Halston." Inilahad din niya ang kan'yang kamay. "Jaycee Fernandez, nice meeting you." "Nice meeting you too." Ilang segundo na ang lumipas after namin magpakilala sa isa't isa pero ayaw niya pa rin bitawan ang kamay ko. Malakas na rin yata ang tama nito sa akin. Ilang sandali lang ay binitawan na rin niya. Nagkuwentuhan pa kami at masaya siyang kausap kaya panay tawa ako at wala na akong pakealam sa mga makakakita sa akin at makakarinig kung gaano kalakas ang tawa ko basta ang mahalaga masaya ako ngayong gabi na kausap siya. Napatingin din ako kila Tiara at masaya rin siya na kausap niya ang lalaking katabi niya. Sinabi rin sa akin ni Jaycee na ang katabi ni Tiara na lalaki na si Marcus ay kaibigan niya. Ilang minuto pa ang lumipas sabay kaming napatingin ni Tiara sa likod namin nang may magsalita sa likod namin at alam namin na si Sabrina 'yon dahil sa boses niya. "Hey!" Nakangiti siya sa amin. "What do you what?" inis na tanong ni Tiara. Kasama ni Sabrina si Travis at nakahawak na naman ang kamay niya sa kan'ya. Nagmumukha siyang tuko, masyado siyang madikit sa kan'ya. "Uuwi na kami ni kuya mo, see you again sister in law!" Ngumiti siya ng nakakaasar. "Bakit nagsasabi ka pa?" Tinaas ni Tiara ang isa niyang kilay. "Para alam mo." Napa-smirk si Tiara. "Just go." Tumingin si Tiara kay kuya niya. "Iuwi mo na 'yang alaga mo." Tinupi ko ang labi ko para pigilan na matawa. Napansin ko naman na masamang nakatingin sa amin si Sabrina. Bigla kong naalala na hindi dala ni Tiara ang kan'yang kotse kaya bumulong ako sa kan'ya. "Paano tayo uuwi?" tanong ko. "Huwag mo muna isipin 'yan kung paano tayo makakauwi," sabi ni Tiara. Ang lakas pa ng boses niya na parang pinaparinig pa kay Travis. "Kami na ni Marcus ang maghahatid sa inyo ng kaibigan mo," singit na sabi ni Jaycee. "Oh, ayon pala! Ihahatid pala nila tayo, kaya don't worry, Letisha." Ngumiti si Tiara. "Let's enjoy this moments!" Ngumiti naman ako. Napansin ko si Travis na napatingin kay Marcus at kay Jaycee bago namin sila tinalikuran at ituloy ang aming kuwentuhan. "Ako na ang maghahatid sa inyo, Tiara kaya tumayo na kayo diyan," sambit ni Travis. "W-wait... what? Ihahatid mo sila? So, how about me?" inis na tanong ni Sabrina kay Travis. Pasimple akong ngumiti habang nakatalikod pa rin kami ni Tiara sa kanila. "I'll tell Lucas to take you home." "We have plan tonight, right?" Sabay kaming tumingin sa kanila ni Tiara para makita ang inis na hitsura ni Sabrina. "Let's just reschedule that next week," seryosong sagot ni Travis. Tumingin naman siya sa amin. "Let's go." Tumingin ako kay Jaycee at ngumiti. "Uwi na kami, I'll see you again soon." "I'll take you home," aniya at akmang tatayo na siya pero agad na nilagay ni Travis ang kamay niya sa front bar dahilan para harangin si Jaycee. Nagtataka siyang tiningnan nito. "Hindi mo ba narinig? I'll be the one who will take them home," madiin na sagot ni Travis. "You can take Tiara, your sister, and I will take Letisha home," pagpupumilit ni Jaycee. "Hindi na kailangan, Jaycee. Sasabay na ako kila Tiara," sambit ko. "Bye!" Nagkibitbalikat siya. "Okay." Muli niya akong binigyan ng nakakamatay na ngiti kahit na may pahid ito ng pagkadismaya. Nagpaalam na rin si Tiara kay Marcus bago tumayo. Si Sabrina ay nakatayo pa rin at nakatingin kay Travis na hindi makapaniwala. Mukhang may mahalaga silang plano ngunit hindi natuloy kaya siguro ganito ang reaction niya. Well, sorry. Mas importante ang kapatid niya. Hindi naman na siya pinansin ni Travis at nagsimula na maglakad at may tinawagan sa kan'yang cellphone. Binigyan ng nakakaasar na ngiti ni Tiara si Sabrina nang dumaan ito sa kan'ya. "Bye! Kawawa ka naman hindi natuloy ang plano mo. I'm sure nagsisisi ka kung bakit ka pa kasi pumunta sa amin para mang-inis." Inilabas ni Tiara ang dila niya para asarin pa si Sabrina na parang bata. Tiningnan ko rin si Sabrina at ngumiti rin ng nakakaasar sabay nag-wave. "Bye." "Argh!" Pumadyak siya sa inis. Natawa naman kami ni Tiara habang naglalakad palabas ng bar. Habang naglalakad naman kami ay biglang bumulong si Tiara at amoy na amoy ko ang hininga niya na amoy alak. "Ikaw na sumakay sa passenger seat," aniya. "Bakit ako?" "Pagkakataon mo na 'yan, kaya grab mo na!" Ngumiti ako. "Okay. Hindi ko aatrasan 'yan!" Nang lumingon si Travis sa amin ay biglang naglasing-lasingan si Tiara. Gulat ko siyang inalalayan. Anong nangyayari dito? Okay lang naman siya kanina. "Hoy! Anong ginagawa mo?" Nag-aalala kong tanong sa kan'ya. Pasimple niyang nilagay ang hintuturo niya sa labi niya. "Shhh." Lumapit sa amin ni Travis at tinulungan akong alalayan si Tiara. "Lasing ba 'to? Okay lang naman siya kanina." "Hin— Aray!" "Are you okay?" tanong ni Travis sa akin. "Y-yes." Tiningnan ko si Tiara at nilakihan niya ako ng mata habang hindi nakatingin sa kan'ya si Travis. "Hindi ko siya maawat, ang dami niyang nainom kaya 'yan nalasing." Napailing naman si Travis at huminga ng malalim. Binuksan ni Travis ang passenger seat pero biglang hinila ni Tiara ang sleeve ni Travis dahilan para tingnan siya nito ng masama. "Gusto ko sumakay sa likod para makahiga ako," sabi ni Tiara. "Puwede naman ibaba itong upuan." "Mas komportable akong humiga sa likod kaya bilisan mo kung ayaw mong masukaan kita." Nagkukunwari pa si Tiara na nasusuka. Napailing ako. So, ito pala ang paandar ni Tiara para mapaupo ako sa passenger seat. Now I know. Mabilis naman sinakay ni Travis si Tiara sa likod. "Doon ka sumakay sa harap, Letisha." Nagtinginan kami ni Travis. "Yeah, you should seat in front." "O-okay," nauutal kong sagot. Bago ko pa isara ang pinto sa likod ng kotse ay mahina akong sinipa ni Tiara. Pasimpleng tinaas ni Tiara ang kamay niya para mag-thumbs up at nakangiti ng malawak dahilan para mapangiti rin ako ng pasimple. Ibang klase rin itong si Tiara! Ang galing! Gumagawa talaga ng paraan. Supportive! Naupo na ako sa passenger seat. Tumingin ako kay Tiara at talagang umaarte talaga siya na lasing. Pinipigilan ko na lang hindi tumawa. Tumingin naman ako kay Travis at busy na siya sa pagda-drive. Naisip ko bigla ang kasama niyang babae na parang tuko, si Sabrina. Alam ko masama loob niya dahil hindi tuloy ang plano nila ngayong gabi pero syempre, mas pipiliin ni Travis si Tiara dahil kapatid niya ito at sure naman ako na hindi siya magiging kampante kapag may ibang tao ang hahatid sa kapatid niya kahit sabihin natin na mabait pero syempre kakakilala palang naman sa kanila kaya meron pa rin pag-aalinlangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD