Tumingin sa akin ang kuya ni Tiara habang nagda-drive ito. "Are you also drunk?" "No," sagot ko at tumingin sa kan'ya. "That's good. Huwag mong tularan si Tiara." "Naririnig kita!" bulalas ni Tiara sa kuya niya. Napailing si lamang si Travis sa lakas ng boses ni Tiara at after no'n muling natahimik ang byahe namin. Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa aking maliit na bag. Nakita ko ang pangalan ni Tiara at siya ang nag-text sa akin. Agad ko naman iyon binasa. Ang hina mo naman! Dapat sinabi mong lasing ka para idiretso ka na lang niya sa bahay. Hindi mo ba naiisip na maaari ka niyang buhatin papunta sa guest room? Hays! From: Tiara To: Tiara Sa tingin mo ba maniniwala siya kung sinabi kong oo? E ang ayos kong maglakad kanina at saka as if naman

