It's already 6:30 pm at nandito kami sa labas ni Tiara. Nakaupo kami sa isang curved na upuan nila na pang-outdoor. Nakaharap ito sa malaking swimming pool nila at nakakadagdag pa lalo ang magandang view dahil sa kanilang garden. Nag-decide kami ni Tiara na dito na lamang kumain ng dinner. Nagluto ako ng Pesto Penne Pasta at habang si Tiara naman ay gumawa ng vegetable salad at ng garlic bread. Bonding din talaga namin ni Tiara ang magluto at manood ng movie. Paubos na ang niluto kong pasta kaya naman kumuha pa muli si Tiara sa loob. Sarap na sarap ako sa pagkain ko nang nagmamadaling naglalakad si Tiara papunta sa akin habang hawak-hawak ang isang malaking plato na may laman na ulit na pasta. Hindi ko siya pinansin at kumagat ako muli ng garlic bread at napangiti pa habang sumasayaw ng k

