Habang nanonood ako at kumakain ng strawberry nakita ko sa aking peripheral vision si Travis na tumingin sa akin kaya habang dahan-dahan kong kinakagat ang strawberry, sinadya kong siyang tiningnan habang ginagawa iyon. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Ngumunguya ako habang hawak ang kalahati ng strawberry. "What's wrong? May dumi ba sa labi ko?" Tinaas ko ang dalawang kilay ko. Ngumisi siya. "Do you want me to wipe it for you? Using my lips?" He's really good at this. Naalala ko ang gabing napunta ako sa kan'yang bahay. Ngumiti ako at nagkunwaring hindi rinig ang kan'yang sinabi. "Hmm? What did you just say?" Ngumiti lang siya at tinaas ang dalawang niyang kilay. Iniwas ko ang tingin ko at para bang may sinasabi ang kan'yang mga mata sa tingin niya sa akin. Napagdesisyunan kong kum

