Nagising ako na masakit ang balakang ko. Grabe sobrang napasubo ang katawan ko sa nangyari kagabi. Ang wild niya at ang laki pa ng kan'yang alaga. Dito ako sa kuwarto ni Tiara natulog. Tumingin ako sa kan'ya at tulog pa siya. Bumangon na ako habang nakahawak sa balakang ko at naglakad na para lumabas. Parang hindi pa ako gano'n kaayos maglakad. "Pst..." Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko at nakita si Tiara nakaupo na sa kan'yang kama. Naka-cross arm pa ito at nakataas ang isa niyang kilay. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Bakit ganito ang reaksyon niya? May alam kaya siya sa nangyari kagabi? Nakita niya kaya? Narinig niya? OMG! Hindi puwede! Ngumiti ako at inosente siyang tiningnan. "Gising ka na pala. Tara sabay na tayong bumaba." Nakataas pa rin ang kilay niya at madiin ang tingi

