Wala naman kaming masyadong ginawa ni Tiara ngayong araw. Nasa loob lang kami ng kuwarto at pinanood ulit 'yong movie na hindi namin napatapos kagabi. 3:30 pm na at hindi pa ako naliligo kaya napagdesisyunan kong maligo muna bago umuwi. Pumunta ako sa cr nila sa itaas. Ayaw ko nang bumaba kaya dito na lang ako maliligo. Agad kong nilagay ang tuwalya ko sa towel holder. Humuhuni pa ako habang tinatanggal ko ang kulay violet na t-shirt ko. Nakasuot na lang ako ng bra at kulay puti ito. Tatanggalin ko na rin sana ang shorts ko nang biglang bumukas ang shower door at bumungad sa akin si Travis na nakasuot na ng tuwalya sa kan'ya ibaba at mukhang tapos na rin siyang maligo dahil basang-basa siya at ang buhok niya ay nakataas pa na akala mo'y nakaayos ng brush up. Nanlaki ang mga mata ko at sab

