Chapter 2

2079 Words
TANIELLA Hinarap ko ang dalawang lalaki na akma akong haharangin. Bago pa man ako magsalita ay bumukas ang nakasaradong pintuan at niluwa ang isang babae na natatakpan ng makapal na makeup ang mukha. Pero base sa itsura nito ay tiyak akong naglalaro ang edad nito sa kwarenta anyos. Malawak ang ngiti na pinasadahan nito ako ng tingin. "May kailangan ka, ineng?" tanong nito sa akin. "Mag-a-apply po sana ako," lakas loob kong sagot. Muli niya akong pinasadahan ng tingin. Para bang kinikilatis niya ako. Mayamaya lang ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa loob. Nang nasa loob na kami ay para akong nabingi sa lakas ng tugtog. Hindi ito katulad ng ibang club na rinig ang ingay ng tugtugin sa labas. Nang nilibot ko ang tingin sa loob ay may mga ilang customers na halatang may mga sinasabi sa buhay. May mga babae rin na katabi ang mga ito. Kaunti pa lang ang tao sa loob. Masyado pa kasing maaga kaya iilan pa lang ang tao sa loob ng club. Dinala ako ng babae sa isang maliit na silid. Muntik na akong mapahinto dahil may mga babaeng nagbibihis sa loob na hindi alintana kahit may taong pumasok dahil patuloy pa rin sila sa pagbibihis. "'Wag mo na lang sila pansinin, hija. Ganito talaga rito, harapan kung magbihis." Pinaupo niya ako sa bakanteng upuan. "Call me, Mamu Luz," pakilala nito at nilahad ang kamay sa harap ko. "Taniella, po," sagot ko. "Ilang taon ka na?" "Ei– twenty four po," agad na pagtatama ko. Tumango-tango ito. Mukha namang napaniwala ko siya sa edad ko. Ilang sandali lang ay pinatayo niya ako at minuwestra ang kamay na umikot ako na ginawa ko naman. "Waitress o dancer?" "Waitress po." Muli niya akong pinaupo. "Pwede kang waitress pero once na matipuhan ka ng customer, pwede ka niyang i-table. Okay lang ba iyon sa 'yo?" Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko inaasahan na kasama sa pagiging waitress ang magpa-table. Sabagay, hindi nawawala sa club ang ganon. Pero ang buong akala ko ay hiwalay ang tini-table na babae sa waitress. "Ah, Mamu Luz, pwede ho bang, waitress na lang ho ako?" alanganin ang ngiti na sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Sige, pagbibigyan kita ngayon. Pero uunahan na kita, dito sa loob, bawal ang maarte. Kapag pinilit ng customer na i-table ka, wala kang magagawa kundi magpa-table. Ayaw mo naman sigurong mawalan agad ng trabaho, ano?" Umiling ako bilang sagot. Muli niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Pero duda ako, hija, baka unang gabi mo pa lang dito ay may customer ng makakapansin sa 'yo. Maganda ka, matangkad, at kapag naayusan ka, tiyak na mangingibabaw ang ganda mo rito sa loob ng club. Fresh ka pa naman sa paningin ng mga suki kong customer dito," prangkang sabi nito. Napabuntong-hininga ako. Kapag hindi ko nilakasan ang loob ko, wala akong mapapala. Kaya kahit alam ko na ang posibleng mangyayari sa akin dito sa loob ay kailangan ko tibayan ang loob ko. "Sigurado ka ba na papasok ka rito?" pukaw niya sa atensyon ko ng hindi ko magawang magsalita. "Ayoko mamilit kung napipilitan ka lang, hija. Pwede ka ng umatras. Kailangan dito ay malakas ang loob mo. Dahil dito, masuwerte na lang kung may customer na hindi bastos. Hindi sa tinatakot kita pero lahat ng customer dito ay hayok sa laman. Mababastos ka kahit ayaw mong bastusin ka. Ang tanong, handa ka bang magpahipo?" nakangisi niyang tanong. Sino ba ang gugustuhin magpahipo? Sa tulad kong walang karanasan at iniingatan ang p********e, mahirap para sa 'kin na basta na lang ako hihipuan. Pero pinasok ko ito at kailangan ko harapin ang mga consequences. Hangga't wala akong impormasyon sa mga taong bumaril sa magulang ko, hindi ako aalis sa lugar na ito. "Gagawin ko po." "Good. Tanggap ka na," mabilis na sagot ni Mamu Luz. Sumilay ang matagumpay na ngiti sa labi ko at tumayo. "Maraming salamat po, Mamu Luz. Hindi ko po kayo bibiguin." Nakangiting tumayo si Mamu Luz. "Aasahan kita bukas ng gabi. Before 7 ay dapat narito ka na dahil dumarating ang mga customers ng 8. Oo nga pala." Muli niya ako pinasadahan ng tingin. "'Wag mo asahan na ganyan ang isusuot mo, hija. Kung ano ang ibigay sa 'yo, iyon dapat ang isuot mo. Remember, ayaw ko ng maarte sa club ko," paalala niya pa sa 'kin. "Kahit ano po ang ipasuot n'yo sa 'kin, mamu, isusuot ko," excited na sabi ko. Hindi ako excited na pumasok at para magpabastos, excited akong mag-ala agent spy sa loob ng club. "Ops, wait," pigil niya sa akin ng lalabas na ako ng silid. "Expect the unexpected," may ngisi sa labi na sabi nito. Hindi ko man alam kung ano ang ibig niyang sabihin ay hindi ko na masyado pinagtuunan ng pansin. Ang importante sa akin ngayon ay magsisimula na ako sa misyon ko. Paglabas ko ay sinugod ko kaagad ng yakap si Renz. Bagamat ramdam kong nagulat ito sa ginawa ko ay wala itong nagawa kundi tumugon ng yakap sa 'kin. "Tanggap na ako, Renz. Magsisimula na ako bukas," puno ng excitement na balita ko rito. Hindi siya umimik. Alam kong hindi siya sang-ayon sa plano ko pero wala na siyang magagawa dahil magsisimula na ako bukas ng gabi. "Sana hindi mo ito pagsisihan, Tanie. Kinakabahan ako sa gagawin mo." Bakas sa boses niya ang pag-aalala para sa 'kin. Hindi ko siya masisisi dahil kaibigan niya ako. Pero wala siyang magawa kundi suportahan na lang ako sa gusto ko mangyari. Pero hindi pala ganon kadali ang trabahong pinasok ko. Para lang ako kumuha ng bato na ipinukpok sa ulo ko. Ilang araw pa lang akong pumapasok sa club ay sangkatutak ng pambabastos na ang naranasan ko. Tiniis ko ang lahat ng iyon kahit diring-diri na ako sa sarili ko. Gustuhin ko mang umiyak ay hindi ko magawa dahil ginusto ko ito. Isa pa, laging nakamasid si Mamu Luz sa bawat galaw ko. Kaya 'pag-uwi ko, sa bahay ko nilalabas ang lahat ng emosyon ko. At kung dati ay ilang minuto lang tapos na akong maligo, ngayon ay inaabot na ng isang oras dahil kinukuskos ko ng mabuti ang katawan ko. Ilang beses ako magsabon sa katawan na animo'y sa pamamagitan nito ay mawawala ang dumi ko sa katawan. Pero kahit ano ang gawin ko, hindi ito mawawala dahil hangga't nagtatrabaho ako sa gano'ng lugar, paulit-paulit lang madudumihan ang pagkatao ko. Hindi rin madali na pagsabayin ang pag-aaral ko at ang trabaho ko pagkatapos ng klase. Pinatos ko rin kasi ang in-offer sa 'kin na trabaho sa isang convenience store. Kahit may tip akong natatanggap sa club galing sa mga customer, hindi ko iyon ginagamit dahil ayoko pakainin ang mga kapatid ko na galing sa gano'ng trabaho. Dahil alam ng manager ko na pumapasok ako sa umaga, binigyan niya ako ng 5 hours duty. Depende na lang daw sa 'kin kung gusto ko mag-over time. Pabor naman sa 'kin dahil may oras pa ako para umidlip at mag-aral dahil sa gabi ay papasok naman ako sa club. Hindi ko na nga alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko. Pakiramdam ko nga ay napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Hindi na ako makapag-concentrate dahil lagi akong inaantok. Kaya kapag may hindi ako naintindihan, si Renz ang nilalapitan ko. Nagpapasalamat talaga ako na naging kaibigan ko ito. Dahil bukod sa tinutulungan ako sa pag-aaral, wala rin palya ang paghatid at pagsundo nito sa akin sa club. Ibig sabihin ay puyat din ito. Pero may oras pa siyang matulog kaysa sa 'kin dahil tinatawagan ko lang siya kapag pauwi na ako. Ayaw ko nga ng set up dahil pati siya ay nadadamay. Ang dahilan naman niya, mas mabuti na raw na may kasama ako palagi para safe akong nakakapasok at nakakauwi. "Tanie, dalhin mo nga ito sa table 7," utos sa akin ni Mara. Sa mga kasama ko rito sa loob ng club, mapa-waitress man o dancers, si Mara ang hindi ko makapalagayan ng loob. Palautos kasi ang babaeng ito bagay na hindi rin gusto ng mga kasama namin. Pero dahil bago lang ako at mag-iisang linggo pa lang ako, kailangan ko makisama. "Sige." Kinuha ko sa kanya ang bucket na may lamang alak. Nang hanapin ng mata ko ang table 7 ay gayon na lang ang rumagasang kaba sa dibdib ko dahil ang iniiwasan kong tao ang pagdadalhan ko ng alak. Paanong hindi ko ito iiwasan, maraming babae ang nakaupo sa tabi nito at walang pakundangan na hinahahalikan at hinahawakan ang dibdib at nilalamas na akala mo ay harina. Ang sabi ng mga kasama ko, kahit sila ay ilag sa lalaking iyon dahil bukod sa manyak, sadista raw. At kapag natipuhan ka, tiyak na wala kang kawala. Pansin ko rin, simula ng pumasok ako sa club na ito, may ilang mga grupo ng kalalakihan, bawat table ang tila nag-uusap ng seryoso at panay ang tingin sa gawi ko sa tuwing hindi sinasadyang mapapatingin ako sa kanila. Ang iba ay may nilalabas na mahaba pero maliit na papel at may kung anong sinusulat. Kinakabahan ako lalo na kapag sumisilay ang ngisi sa labi nila kapag napapatingin sa 'kin. "Naku naman talaga itong si Mara, mukhang sinadya pa na ikaw ang magdala niyan sa manyak na lalaking iyon," bulong sa akin ni Ariane ng lumapit ito sa 'kin. Si Ariane ang una kong naging kaibigan dito sa club. Ito rin ang nagbigay babala sa mga posibleng mangyari sa 'kin dito sa loob. "Hayaan mo na. Sa ating lahat dito, ako na lang yata ang hindi nakakapag-serve sa kanya," kalmado kong sagot. Pero sa loob ko, sana 'wag ako matipuhan ng manyak na lalaking iyon. Pero duda ako dahil lahat yata ng babae na lumalapit sa kanya, hinihipuan niya. Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hangin bago naglakad palapit sa table 7. Habang papalapit dito ay walang tigil ang dasal ko na sana sapian ng kabutihan ang lalaking ito na ngayon ay nakatingin na sa akin kahit nakikipaghalikan ito sa babaeng ka-table nito. Nang nasa mesa na niya ako, sa gilid ng mata ko habang nilalapag ang alak ay tumigil ito sa pakikipaghalikan at alam ko, ramdam ko ang malalim na titig niya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala itong ginawa kahit tapos na ako sa paglagay ng alak sa mesa niya. Bilang paggalang ay nakangiti ko itong hinarap katulad ng nakagawian naming mga waitress. Titig na titig pa rin ito sa akin. Kinabahan na ako dahil hinagod niya ako ng tingin. Mga tingin na para akong hinuhubaran. "Enjoy your night, Mr. Salazar," nakangiti ko pang sabi. Dahil hindi ko na kaya magtagal sa harap nito ay tumalikod na ako. Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ng may pumalo sa pang-upo ko na ikinagulat ko. Hindi pa 'yon, pinisil-pisil pa nito na tila tuwang-tuwa sa ginagawa nito. "I like your butt." Kagat ang ibabang labi ay mariin akong pumikit. Pinigilan kong 'wag umiyak dahil nasa bar counter si Mamu Luz. Hindi naman nakaligtas sa mata ko ang ngisi ni Mara. Ito talaga ang gusto niya, ang bastusin ako. Simula pa lang talaga ng pagpasok ko ay pinag-iinitan na niya ako. Pinakalma ko ang aking sarili. Kahit ayaw ko na makita ang pagmumukha ni Mr. Salazar ay pumihit ako paharap at binigyan ito ng pilit na ngiti. "Thank you, Mr. Salazar." Iyon lang ay tinalikuran ko na ito. "You'll going to be mine, b***h!" pahabol pa nito sa akin. Nag-aalalang sinalubong ako ni Ariane. "Okay ka lang, bakla?" Dahil hindi ko kaya magsalita ay tumango na lamang ako bilang tugon. Nang balingan ko si Mamu Luz ay may kausap ito sa phone nito at maya't maya ang tingin sa akin. Bakas din sa mukha nito ang tila pagkabahala. Halata ring kinakabahan ito. Nang tapos na ito makipag-usap ay binalingan nito ang bartender. "Kay Boss Rock," sabi nito. Agad na nagtimpla ang bartender ng alak na tila kabisado na nito kung ano ang alak na gusto ng Boss Rock na tinutukoy ni Mamu. Ilang sandali lang ay tapos na ito at binigay kay Mamu Luz. Lumapit si Mamu Luz sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Ibigay mo itong alak kay Boss Rock. Sasamahan ka ni Binggo sa third floor." Inayos niya ang damit ko. "Give your best, Taniella. 'Wag mo akong ipapahiya. Si Boss Rock ang pinakamahalagang customer ko dito sa Royale Club." Kumunot ang noo ko. Bakit niya iyon sinasabi sa 'kin? Bakit parang bigla na lang ako kinabahan sa Boss Rock na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD