TANIELLA
Habang nasa loob ng elevator paakyat sa third floor, palakas naman nang palakas ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay haharap ako sa pinakamataas na tao sa mundo. Kahit ilang beses ko pakalmahin ang sarili ko ay hindi ko magawa. Gaano ba kahalagang tao si Boss Rock at ganito na lang ako kabahan? Parang hindi ako pwede pumalpak kahit hindi pa naman nangyayari sa akin sa mga nakalipas na araw dito sa club.
"Kinakabahan ka?" pukaw sa pananahimik ko ni Binggo. Si Binggo ay isa sa mga bouncer sa loob ng club kaya ang laki ng katawan nito. Kulang na nga lang ay maukopa ng katawan nito ang loob ng elevator.
"Medyo," tipid kong tugon na nanatiling nakatuon sa repleksyon ko sa harap ng elevator.
Gusto ko ibaba ang suot kong satin na palda na hapit na hapit sa hita ko dahil kulang na lang ay makitaan na ako kapag tumuwad pero hindi pwede dahil baka isipin ni Mamu Luz na nag-iinarte ako. Pinili ko ito kaya dapat ay magtiis ako.
At kung dati ay ingat ako na hindi magpakita ng balikat dahil puro may manggas ang damit ko, ngayon ay halos lumuwa na ang dibdib ko dahil sa suot kong tube. Pati mukha ko na liptint nga lang ang tanging kolorete ko, ngayon ay walang kasing kapal ang makeup ko. Kaya kapag uuwi na ako, nagtatanggal muna ako ng makeup at nagbibihis dahil kapag nakita ako ni Renz sa ganitong postura, tiyak akong hindi na niya ako pababalikin dito sa club kahit mag-away pa kaming dalawa.
Sobrang protective na kaibigan ni Renz sa 'kin. Kilala kasi niya ako na conservative na babae kaya nga labis ang pagtutol niya na pumasok ako rito. Magkagayon man ay supportive pa rin siya lalo na kung iyon ang makakapagpagaan ng loob ko.
"Kahit sino ay kakabahan kay Boss Rock," seryosong saad Binggo.
Mula sa repleksyon ko ay binalingan ko siya. Mas lalo pa yata ako kinabahan dahil sa sinabi niya.
"Sino ba si Boss Rock?" lakas loob kong tanong.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang ngisi nito. Ilang sandali lang ay bumukas na ang lift. Pinindot niya ang hold bottom at binalingan ako.
"Hindi mo gugustuhin makilala si Boss Rock, Taniella. Kaya kung ako sa 'yo, magpakabait ka sa kanya. Kung ano ang nais niyang ipagawa sa 'yo ay gawin mo. Masuwerte ka, sa mga babae rito sa club, ikaw pa lang ang namumukod tanging haharap sa kanya. Lahat ng babae rito gusto siya makita at makaharap, pero ikaw, ilang linggo ka pa lang ay nakuha na niya ang atensyon mo," litanya nito bago lumabas na ng lift.
Pasimple akong napangiwi. Paano ako naging masuwerte kung sa mga salita pa lang niya ay parang nakakatakot na ang Boss Rock na iyon? Parang pinaparating niya sa 'kin na haharap ako kay kamatayan.
Dito sa third floor ang mga silid. Ayon kay Ariane, kapag may customer na gusto maligayahan, dito dinadala ang mga babae. Ngayon ko lang napagtanto kung bakit ako narito. Dapat na ba akong kabahan? Hindi sumagi sa isip ko na aabot ako sa ganito. Akala ko ay waitress lang ako.
Tinungo namin ang pinakadulo ng palapag. Mas lalong rumagasa ang kabog sa dibdib ko ng nasa harap na kami ng isang pintuan. Kumatok ng tatlong beses si Binggo na tila ito ang signal na narito na kami. Pinihit nito ang seradora ng pintuan at nilakihan ang awang.
Biglang nangatog ang tuhod ko ng bumulaga ang malimlim na ilaw na nanggagaling sa lampshade ng silid. Wala akong makita sa loob dahil madilim ang ibang bahagi ng silid.
"Tanie." Napaigtad ako ng magsalita si Binggo. Nang balingan ko siya ay inabot niya sa akin ang tray na may alak ni Boss Rock. "Pumasok ka na. Ayaw ni Boss Rock ng makupad."
"S-Sige." Inabot ko ang tray at kahit nanginginig ay pumasok na ako sa loob. Napaigtad pa ako ng marinig ko ang pagsara ng pintuan.
Nilibot ko ang paningin sa loob ng silid pero walang Boss Rock akong makita.
"Nasaan kaya siya?" tanong ng bahagi ng utak ko.
"Are you looking for me?"
Bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan at muntik ko ng mabitawan ang hawak kong tray ng marinig ko ang malalim at baritonong boses na iyon sa kung saan. Nang muli kong ilibot ang paningin sa loob ng silid ay hindi ko pa rin makita kung saan nagmula ang boses na iyon.
"Invisible man ba si Boss Rock?" anang malikot na bahagi ng utak ko.
"O-opo. S-saan ko po ilalagay itong alak n'yo?" Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ko naitago ang panginginig ng boses ko.
Nahagip ng mata ko ang tila anino sa bandang bintana.
Si Boss Rock!
Minuwestra niya ang kamay na ilagay sa gitna kung saan naroon ang glass table. Pasimple akong nagbuga ng hangin at humakbang kahit parang gusto na bumigay ng tuhod ko sa sobrang kaba. Pinatong ko ang alak at umatras ng bahagya saka tumuwid ng tayo.
"M-may ipapagawa po kayo?" Muntik ko ng matampal ang noo ko sa tanong ko. Huli na para bawiin dahil sigurado ako na malinaw niyang narinig iyon.
"You're shaking? Are you nervous?"
Hindi ako nakahuma sa tanong nito dahil totoong nanginginig ako base na rin sa walang humpay na paggalaw ng tray na hawak ko na kahit pigilan ko ay ayaw naman magpapigil. Sobrang obvious talaga na kabado ako. Ganito kalakas ang presensya niya sa loob ng silid.
"P-pasensya na po," nakayuko ko ng sagot. Hindi ko na kaya tumingin sa direksyon niya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong nakatingin siya sa akin. Baka mahalata pa niya na first time ko sa ganitong trabaho.
"What's your name again?"
"T-Taniella po."
"How old are you, Taniella?"
Nalintikan na. Ano nga ba iyong edad na sinabi ko kay Mamu Luz? Ganito ako kapag kinakabahan. Kahit no'ng high school na kahit alam ko ang sagot, naba-block ako kaya nawawala sa isip ko ang tamang sagot kapag tinawag na ako.
"Is it hard to answer my question, Taniella?" Hindi naman siya galit. Mahinahon talaga siya magsalita pero kakaiba ang dating ng bawat pagbitaw niya ng salita. Maawtoridad. Walang emosyon. Sobrang lamig ng dating niya para sa 'kin.
Taniella, gising!
"'Twenty four po." Tama ba ako? Ito ba ang edad na sinabi ko kay Mamu Luz? Bahala na.
Hindi ko na narinig na nagsalita ito kaya napuno ng nakabibinging katahimikan sa loob ng apat na sulok ng silid.
"Come closer, Taniella," kalmado ngunit maawtoridad na basag nito sa katahimikan.
Malinaw ko namang narinig pero bakit hindi man lang humakbang ang mga paa ko? Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ilang segundo na siguro ang nakalipas pero hindi ko pa rin magawang kumilos sa kinaroroonan ko.
Ilang sandali lang ay kumilos ito. Nang tumayo ito ay saka lang ako gumalaw. Ngunit ng humakbang siya ay napaatras ako. Pigil ang hininga ko habang papalapit ito sa kinaroroonan ko. Saka lang din nagiging malinaw sa akin ang pigura nito. Matangkad at malaking tao si Boss Rock. Mas lalo akong kinabahan lalo na at malapit na siya sa 'kin.
Nang wala na siya sa madilim na bahagi ng silid, naging malinaw sa akin ang mukha niya at muntik pang umawang ang labi ko. Kaya ba gusto siya makaharap ng mga kasama ko dito dahil sa itsura niya? Aaminin ko, natulala ako sa taglay niyang kaguwapuhan at kahit sino ang makaharap siya, ganito rin ang magiging reaksyon ng katulad sa akin. At hindi ko maintidihan ang sarili dahil habang palapit siya ay hindi ko naman inaalis ang mga mata ko sa kanya kahit nababalutan ng yelo ang mga titig niya sa akin. Muntik pa ako mapapikit dahil nanuot sa ilong ko ang mabango niyang amoy na halatang imported ang gamit niyang perfume.
"You seem startled to see me, Taniella?"
Saka lang ako bumalik sa katinuan dahil sa sinabi niya. At saka ko lang din napagtanto kung gaano na lang ang layo niya sa harap ko. At sa tangkad niya, namalayan ko na lang na nakatingala na pala ako.
"S-sorry po." Yumuko akong muli. Kasabay nito ang pang-iinit ng buong mukha ko. Nakakahiya dahil hindi ko naitago ang paghanga sa harap niya.
"Is this your first time in this kind of work?"
Hindi agad ako nakasagot. Halata ba na bago lang ako sa ganitong trabaho? Ano'ng isasagot ko?
Biglang umalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Mamu Luz na 'wag ko siyang ipapahiya. Dapat kong itatak sa kukote ko na si Boss Rock ang pinakamahalagang customer dito sa club kaya dapat ay pagbutihin ko. Hindi dapat ako madala sa sitwasyon lalo na at wala pa rin akong nakukuhang impormasyon sa totoong sadya ko pagpasok ko rito. Kailangan ko lakasan ang loob ko. Kailangan isantabi ko muna ang dating Taniella.
Mula sa sahig ay awtomatiko akong nagtaas ng mukha at matapang na tinitigan siya. Ngunit nagtaasan bigla ang balahibo ko dahil sa malamig na titig niya sa akin.
"Hindi, Boss Rock. Matagal kasi akong huminto sa ganitong trabaho kaya parang naninibago ulit ako," nakapaskil ang matamis na ngiti na sabi ko.
Gusto ko mapangiwi dahil wala man lang siyang reaksyon. Kaya ba Boss Rock ang tawag sa kanya dahil parang ang tigas ng aura niya?
Muli akong napaatras ng humakbang ulit siya palapit ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko na magawang huminga dahil gahibla na lang ang layo ng katawan niya sa akin. Magkagayon man ay matapang pa rin akong nakipagtitigan sa kanya.
Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Umikot ang kamay nito sa baywang ko at hinapit ako dahilan para mapasinghap ako. Pigil ang hininga ko ng nilapit niya ang mukha sa akin at tinitigan ako.
"B-Boss Rock," sambit ko na hindi naitago ang panginginig sa boses ko.
Mayamaya lang ay dinala niya ang mukha sa gilid ng pisngi ko at tinapat ang labi sa tainga ko. Ramdam ko ang buga ng mainit na hangin na nagmumula sa ilong niya kaya nagtaasan ang balahibo ko sa batok.
"You're not good in lying, honey. Kailangan mo pa galingan sa susunod," bulong niya dahilan para hindi ko na nagawang kumilos. Napaisip tuloy ako kung alin sa mga sinabi ko ang hindi niya pinaniniwalaan.
Muli niyang binalik ang tingin sa akin. Ako naman itong gaga, nakipagtitigan din kahit wala man lang akong mabasang reaksyon sa mukha niya.
"From now on, ikaw na ang magsisilbi sa tuwing narito ako. No excuses, Taniella. But when I find out that you have served someone else, I will f*****g kill him whoever he is. Do you understand me, Taniella?" Kalmado lang naman siya magsalita pero bakit nanginginig ang buong katawan ko? Dahil ba nasa boses niya ang determinasyon at sa bawat binitawan niyang salita, hindi malabong gawin nga niyang pumatay? Diyos ko, kasalanan ko pa pala kapag may pinatay itong tao dahil nagsilbi ako sa iba.
"P-pero, Boss Rock, waitress po ako at trabaho ko po ang mag-serve sa mga customers dito sa club."
Nagsalubong ang kilay niya dahil sa naging sagot ko. "Who told you to f*****g answer me? No one dared to answer me, Taniella. I don't need your f*****g explanation. Kapag sinabi kong ako lang ang pagsisilbihan mo, ako lang. You get it, hmm, Taniella?"
Awang ang labi na tinitigan ko siya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang bilang pagsang-ayon.
"Do you know what I do with those who people answer me?" Libo-libong kabayo ang tila nagtatakbuhan sa dibdib ko sa sobrang kaba ko sa maaari niyang sabihin. "Pinapatahimik ko sa paraang wala ng maaaring makarinig."
Napalunok ako. Siya ang tipo ng tao na hindi marunong magbiro kaya kahit gusto ko pa sumagot ay hindi ko na ginawa. Sino ba ang dapat kong iwasan, ito o si Mr. Salazar?
Lumuwag ang pagkakahapit niya sa baywang ko. Ang buong akala ko ay bibitawan na niya ako pero nagkamali ako dahil napasinghap ako ng mas lalo pa niya akong hapitin at kulang na lang ay tumingkayad na ako. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mata at labi ko. Hanggang sa unti-unti niyang nilapit ang mukha sa mukha ko. Bago ko pa man mapagtanto ang gagawin niya ay nanlaki na ang mata ko at nanigas ang katawan ko ng lumapat ang labi niya sa gilid ng labi ko at para siyang batang uhaw na sinipsip ito. Sa isang iglap lang ay ninakaw niya ang unang halik ko.
Mayamaya lang ay lumuwag ang pagkakahapit niya sa akin at muntik na akong mawala sa balanse ng bitawan niya ako. "The next time we face each other, I will teach you how to kiss. And don't apply that f*****g red on your lips, hindi ko malasahan ang labi mo."
Ngayon alam ko na kung bakit Boss Rock ang tawag sa kanya. Presensya pa lang niya ay wala ng kasing tigas. Base na rin kung paano siya makipag-usap, siya ang tipo ng tao na hindi nakikinig sa sasabihin ng iba. Kapag sinabi niya ay hindi dapat kontrahin. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung itutuloy ko pa ang paghahanap. May isang trabaho pa naman ako. Siguro nga tama si Renz, ipapahamak ko lang ang sarili ko dahil sa pagpasok ko sa lugar na ito.