TANIELLA
Tulala na nakatayo ako sa harap ng salamin dito sa aming maliit na sala. Ilang minuto ko na nga ito ginagawa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapag-desisyon kung tutuloy pa ba ako o hindi.
"Ate, baka mabasag na ang salamin natin dahil kanina ka pa nakatitig sa mukha mo. Nag-iisa na nga lang iyan e, sisirain mo pa," sita sa akin ni Tamie dahilan bumalik ako sa huwisyo.
I took a deep breath at umupo sa tabi niya. "Tamie, kapag nalaman mo na may ginagawa akong mali, magagalit ka ba sa 'kin?" seryosong tanong ko.
Hindi agad ito nakasagot sa naging tanong ko. Base sa pananahimik niya, marahil ay hindi niya inaasahan na lalabas sa bibig ko ang tanong na iyon. Kilala niya akong nag-iisip ng tama at alam niyang hindi ko pa nagawang gumawa ng mali dahil pinalaki kami ng magulang namin na may takot sa Diyos. Tiyak akong hindi niya magugustuhan kapag nalaman niyang pumapasok ako sa club. Pero masisisi ba niya ako kung nagawa ko ang bagay na sa hinagap ko ay hindi ko kayang gawin? Ginagawa ko ito para sa magulang namin na hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay dahil walang gustong tumulong sa amin.
Alam ko, mayroon isa sa mga tao sa lugar namin ang nakakita ayaw lang magsalita dahil ayaw madamay. Kung hihintayin ko pa na usigin ng konsensya kung sino man ang saksi, baka uugod-ugod na ako ay wala pa rin akong napapala. Mas mabuti nang gumalaw ako ng nag-iisa. Kaya ko. Alam kong kaya ko.
"Kilala kita, ate. Alam ko naman na pag-iisipan mo ang bagay-bagay bago mo muna gawin," sagot nito.
Niyakap ko siya dahil sa naging sagot niya.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ng kapatid ko, nakapagpasya akong ituloy. Nasimulan ko na, bakit hindi ko pa ituloy at tapusin?
Hinintay kong dumating si Ate Lanie bago ako nagpaalam sa dalawa kong kapatid. Naghihintay na rin sa labas si Renz na nakasimangot at walang imik.
"Ano'ng problema ng kaibigan ko?" Inakbayan ko ito at pinisil ang pisngi habang naglalakad sa makipot na daan palabas ng eskinita.
"Itigil mo na ito, Tanie." Tinanggal niya ang braso ko sa balikat niya at mataman akong tinitigan. "Kahit hindi ka nagkukwento sa 'kin, alam kong may nangyayari sa 'yo sa loob. Tama ako, hindi ba?"
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Sinasabi ko na nga ba, ang pagpasok ko pa rin sa club ang inaalala niya. "Club iyon, Renz. Ano pa ba inaasahan mo?"
Malutong itong nagmura. "Nakita mo na. Nakikiusap ako sa 'yo, bilang matalik mong kaibigan, sige na, itigil mo na itong kalokohan mo. Hihintayin mo pa ba na may makaalam na nagtatrabaho ka sa lugar na iyon?"
Sinaway ko siya dahil medyo malakas ang boses niya. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid dahil baka may makarinig sa sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala namang tao malapit sa amin.
"Walang makakaalam kung walang magsasabi, Renz. Maliban na lang kung sasabihin mo." Tinaasan ko siya ng kilay. Nagulat naman siya sa huli kong sinabi.
"Kilala mo ako, Tanie. Magkaibigan tayo kaya hindi kita ipapahamak."
"E, 'di mabuti kung gano'n. Isa pa, hindi kalokohan ang ginagawa ko. Para ito sa magulang ko," pagtatama ko.
Pairap ko siyang tinalikuran at mabilis na naglakad.
"Sa tingin mo ba ay matutuwa ang magulang mo sa ginagawa mong iyan, ha, Taniella? At saka, kaya pa ba ng katawan mo? Baka magkasakit ka sa ginagawa mong iyan, Tanie. May trabaho ka naman pagkatapos ng klase, bakit hindi ka na lang doon mag-focus?"
Napahinto ako sa paglalakad. Nagbuga ako ng hangin at mariing pumikit. Hangga't maaari ay gusto ko habaan ang pasensya ko kay Renz. Alam kong concern siya pero hindi naman lingid sa kaalaman niya kung bakit ko ito ginagawa.
"Tanie–"
"Renz, ikaw ang nakakaalam kung bakit ko ito ginagawa. Hindi ba dapat ay suportahan mo ako?" sabi ko ng pumihit ako paharap sa kanya.
"Pero, mali–"
"Tama na, Renz," putol ko sa sasabihin niya. "Kung parati natin ito pagtatalunan, 'wag mo na lang ako kausapin." Pagtatapos ko sa usapan.
Magsasalita pa sana siya pero tumalikod na ako. Ayoko na makipagtalo. Baka masira lang ang gabi ko at baka ang customer pa ang mapagbuntunan ko ng inis ko sa kaibigan ko.
Habang nasa jeep ay pigil ang ngiti ko. Bagamat hindi maganda ang huli naming pag-uusap ni Renz ay hindi niya ako hinayaan pumasok mag-isa. Nakasunod siya sa akin pero wala siyang imik. Alam kong masama ang loob niya dahil hindi ako nakikinig sa kanya pero umiral pa rin ang pagiging maalalahanin niyang kaibigan.
Habang naglalakad ay pinapakiramdaman ko siya sa likuran ko. Palagi namin ito ginagawa dahil walang ibang sasakyan ang pumapasok sa lugar kung nasaan ang club maliban na lang kung sasakyan ng mga customer. Kaya hindi rin hinahayaan ni Renz na maglakad ako mag-isa dahil madalang lang ang nakakapasok sa lugar na ito.
Bago ko tunguhin ang likod ng club kung saan pumapasok ang mga empleyado ay binalingan ko si Renz na ngayon ay naglalakad na palayo sa 'kin. Bigla tuloy ako nakonsensya sa sinabi ko rito. Hindi ako sanay na may tampuhan kaming dalawa kaya bago pa man siya makalayo ay hinabol ko siya.
"Renz!" Napahinto siya sa paghakbang. "Sunduin mo ako mamaya, ha."
Pumihit siya paharap sa akin. Unti-unti naglaho ang malungkot niyang mukha at napalitan ng saya ng makita niya akong nakangiti.
"Yes, ma'am!" Sumaludo pa siya sa harap ko kaya natawa ako sa ginawa niya.
"Sige na. Ingat ka."
Malawak ang ngiti na naglakad ako pabalik ng club. Ganito naman kami palagi ni Renz, magkakatampuhan pero hindi pwede maghiwalay na may sama ng loob sa isa't isa.
Pagdating sa loob ng club ay dumiretso ako sa dressing room para magbihis. Hindi pa man ako nakakapag-ayos ay pumasok si Mamu Luz.
"Magandang gabi, darling." Malawak ang ngiti na nilapitan niya ako.
"Magandang gabi rin po, Mamu Luz," nakangiti na sagot ko. Parang may kakaiba sa ngiti nito. Daig pa nito ang nanalo sa lotto dahil sa nakapaskil na ngiti sa labi nito. Pati mata nito ay kumikislap.
Pinaalis niya ang isang kasama ko na nakaupo at ito ang pumalit. Pinatong niya ang siko sa patungan ng mga makeup at sinapo ang baba saka tinitigan ako sa salamin.
"Hindi ako nagkamaling tinanggap kita rito, Taniella. Ikaw yata ang swerte dito sa club ko. Ngayon lang ako naging swerte ng ganito simula ng tinayo ang club na ito," kumikislap ang mata na sabi niya at halos mapunit na ang labi dahil sa ngiti nito.
Bigla akong nahiya sa mga kasama ko sa loob. Baka isipin nila ay sumisipsip ako kay Mamu Luz. Baka hindi na lang si Mara ang pag-initan ako kundi maging ang mga ito.
"H-hindi naman ho, Mamu. Bago lang ho ako kaya imposibleng ako ho ang swerte. Malakas na po siguro talaga ang club bago pa man ako dumating," dipensa ko.
Umiling siya ng ilang beses at mula sa salamin ay humarap siya sa akin.
"You have no idea, darling. Basta ang masasabi ko lang, mas lalo pa ako yumaman ng dahil sa 'yo," makahulugan niyang sabi bago tumayo. "Ang mahal mo pala."
Kunot ang noo na nakatitig lamang ako sa pintuan kung saan lumabas si Mamu Luz. Napaisip ako sa huli niyang sinabi na mahal ako.
"Mukhang maswerte ka nga, girl," pukaw sa akin ni Ariane at tila excited na umupo sa inalisan ni Mamu Luz. Kami na lang dalawa ang naiwan sa loob dahil sumunod nang lumabas ang iba naming kasama kay Mamu Luz. "So, ano? Ano'ng balita?"
Nagsalubong ang kilay ko sa tanong nito. "Ano'ng balita?" ulit ko.
She rolled her eyeballs. "Balita kay Boss Rock, hello." Pumitik pa ito sa harap ko. "Pogi ba? Macho ba? Ano? Mabango ba? Magaling ba?" sunod-sunod niyang tanong dahilan para matawa ako.
Kailangan ko ba isa-isahin mga tanong niya? Kung pogi, oo. Pogi talaga si Boss Rock kaya nga hindi ko naiwasan matulala ng makaharap siya. At kahit titigan ng matagal ang mukha niya ay hindi nakakasawang pagmasdan. Macho? Oo, dahil kahit nakasuot siya ng damit ay hindi nakaligtas sa mata ko ang pamumutok ng biceps niya. Naramdaman ko rin ang tigas ng katawan niya ng magkalapit ang katawan naming dalawa. Mabango? Yes, sobra. Parang ang sarap dumikit sa katawan niya ng mahabang taon. At magaling? Teka, bakit nito tinanong kung magaling?
"Okay lang," tipid kong tugon kahit nasagot ko ang mga tanong niya sa isip ko.
Kita sa mukha nito ang disappointment. Tila hindi ang sagot ko ang gusto niya marinig.
"Ano'ng okay lang? Paki-explain nga ng maayos, darling." Ginaya niya ang pagpilantik ng daliri ni Mamu Luz pati ang tinawag sa akin kanina.
Natatawa na muli kong binalik ang atensyon sa pag-aayos. Mabuti na lang ay maaga ako dumating kaya kahit kulitin ako ni Ariane ay ayos lang.
"Bakit kasi hindi na lang ikaw ang kumilatis para masagot na ang mga tanong mo.
"E, bawal nga pumunta sa taas kapag hindi naman kailangan. Kaya nga maswerte ka dahil ikaw pa lang ang nakakita sa kanya simula ng maging suki siya dito ni Mamu Luz," paliwanag nito.
"Hindi ko masasabing maswerte ako, Ariane."
Halatang natigilan ito sa sinabi ko kaya pinaharap niya ako sa kanya. "Umamin ka nga, virgin ka pa, ano?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa walang preno nitong bibig. Mabuti na lang ay dalawa na lang kami sa dressing room kaya walang ibang nakarinig sa sinabi niya.
Siya naman ang nanlaki ang mata at napasinghap sabay tutop sa bibig. "Ano'ng ginagawa ng virgin na katulad mo sa ganitong lugar, darling?" exaggerated na tanong niya at nilapit pa ang mukha sa akin. "Hindi ka nagpunta rito dahil sa trabaho, ano? Tama ba ako, darling?" Tinaas baba niya ang dalawang kilay at pinaningkitan ako ng mata.
"Tigilan mo na nga iyang kaka-darling mo," saway ko saka inayos na ang upuan ko.
"Huwag mo ibahin ang usapan, Taniella. So, ano? Tama–" Muli siyang napatutop sa kaniyang bibig. "Undercover ka ba? Agent? Spy?"
Tinapat ko ang hintuturo ko sa gitna ng aking labi para patahimikin siya ngunit muli lang siyang napasinghap at nanlaki ang mata. Baka nga iniisip niya na isa ako sa mga nabanggit niya.
"Wala sa nabanggit kaya 'wag kang over react."
Magsasalita na sana ito ng bumukas naman ang pintuan at niluwa ang nakataas na kilay na si Mara.
"Ano kayong dalawa, magtsitsismisan na lang ba kayo buong magdamag? Dumarami na ang customers sa labas. Bilisan n'yong kumilos!"
Pasimple kaming nagkatinginan ni Ariane at tahimik na nagpatuloy sa pag-aayos. Hangga't maaari ay ayaw namin patulan ang katulad ni Mara na parang lagi na lang mainit ang ulo sa tuwing nakikita ako.
"Kabago-bago, tatamad-tamad!" dinig ko pang sabi nito ng lumabas at pabalibag na sinara ang pintuan.
"Ang yabang ng babaeng 'yon. Akala mo siya ang may-ari ng club kung makautos. Naiinis talaga ako sa babaeng iyon," hinaing ni Ariane na hindi ko na sinagot.
Pagkatapos mag-ayos ay lumabas na kami. Magsisimula na sana ako mag-serve sa mga customers ng pigilan ako ni Mamu Luz. Mag-assist na lang daw ako kay Nico, ang bartender. Nag-assist naman ako pero parang wala rin ako ginawa dahil halos ayaw naman ako pakilusin ni Nico. Wala tuloy ako ginawa sa club kundi magmasid lang sa mga kasama ko na abala sa kanya-kanya nilang ginagawa.
Pabor naman sa akin dahil kahit paano ay makakaiwas na ako sa mga manyakis na customer lalo na si Mr. Salazar na kahit may ka-tabla ng babae ay hindi pa rin maiwasan tumingin sa gawi ko sa tuwing hindi sinasadyang napapatingin ako sa pwesto nito. Ayoko talaga ang hilatsa ng pagmumukha niya. Parang gagawa ng hindi maganda. Ang problema ko lang ay baka lalo ako pag-initan ni Mara na buong magdamag yata masama ang tingin sa akin.
Abala na ako sa pag-aayos ng gamit ko dahil pauwi na ako at naghihintay na rin si Renz sa labas. Nakapagpalit na ako ng damit at nakapagtanggal na rin ng makeup. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang wala si Boss Rock sa club. Dahil kung nandito siya ay dapat kanina pa niya ako pinatawag.
Simula ng araw na nagkaharap kami, paulit-ulit na lang na bumabalik sa balintataw ko ang ginawa niya sa 'kin na kahit puyat ako ay hindi ko naman magawang makatulog dahil sumisiksik sa utak ko ang nangyari. Pakiramdam ko ay ramdam ko pa rin ang labi niya. Mabuti na lang, pagkatapos kong dalhin ang inumin niya ay hindi na ako nagtagal sa kwarto dahil hindi ko kayang tumagal kasama siya.
Palabas na ako ng dressing room ng pumasok naman si Mamu Luz. Malawak ang ngiti nito ng lumapit sa akin.
"Pauwi ka na, darling?"
"Opo."
Hinawakan niya ako sa kamay at marahang hinila palabas. Sumenyas ito kay Binggo. Nakangisi namang lumapit si Binggo sa amin.
"Ihatid mo si Taniella."
Natigilan ako sa sinabi nito. "P-po? May kasama naman po ako, Mamu. Nasa labas–"
"Hindi ka pa uuwi, darling. Pinapatawag ka ni Boss Rock," putol ni Mamu Luz sa sasabihin ko.
Bigla akong binalot ng kaba ng banggitin nito si Boss Rock. Akala ko ay makakaligtas ako ngayon pero hindi pala.
"P-pero, Mamu, naghihintay po ang kaibigan ko sa labas–"
"Ako na ang bahala sa kanya. Sige na, ayaw ni Boss Rock nang naghihintay ng matagal."
Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Binggo. Inisip ko na lang na hindi magtatagal ang pagkausap sa 'kin ni Boss Rock dahil pauwi na rin ako.
Nasa ikatlong palapag na kami ng ako na lang ang lumabas ng elevator dahil naiwan si Binggo sa loob. Nagtatanong naman ang tingin na pinukol ko rito.
"Diretso ka lang. Gayahin mo na lang ang katok na ginawa ko at tawagin mo si Boss Rock bago ka pumasok," bilin nito sa akin. Puno ng makahulugang ngiti ang binigay ni Binggo bago nagsara ang lift.
Naiwan akong ilang segundo pang nakatulala sa harap ng elevator at nakatingin lang sa aking repleksyon. Nanginginig na naman ang katawan ko sa tuwing iisipin ko na makakaharap kong muli si Boss Rock. Ito ba ang maswerte na sinasabi nila? Kulang na lang ay gusto ko maglaho sa kinatatayuan ko para lang hindi kami magkaharap na dalawa dahil sa lakas ng presensya niya. Para akong laging haharap kay kamatayan kapag siya ang pinag-uusapan.
Huminga ako ng malalim at ilang beses nagbuga ng hangin. Kahit nangangatog ang tuhod at nagsimula na naman magtakbuhan ang tila mga kabayo sa akinng dibdib ay humakbang ako. Ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng may naulinigan akong nag-uusap sa exit door malapit sa elevator.
Dahil umiral na naman ang pagiging imbestigador ko ay marahan akong humakbang at bahagyang sumilip sa salamin ng exit door kung saan nakikita ang tao sa loob. May dalawang lalaki ang nag-uusap at mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Na-curious ako kaya mas lalo ko pang dinikit ang tainga ko. Baka dalawa ito sa mga sangkot sa engkwentro sa lugar namin.
"Paano natin makikilala kung hindi pa natin nakikita? Paano tayo kikilos kung wala man lang binigay na ideya kung ano ang itsura ng gusto ipapatay sa atin?"
Nanlaki ang mata at napatutop ako sa aking bibig. Biglang nanindig ang balahibo ko sa narinig ko. Kasabay nito ay ang hindi sinasadyang pagdulas ng shoulder bag sa balikat ko na kung hindi ko agad naagapan na hawakan ay babagsak sa sahig. Pero kahit hindi bumagsak ang bag ko ay nakagawa pa rin ako ng ingay.
"Tangina, may tao!"
Bigla akong nataranta at hindi malaman ang gagawin. Paalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng may humawak sa kamay ko at hinila ako kung saan. Saka lang ako bumalik sa katinuan ng sinandal ako ng malaking bulto sa isang pader na tiyak akong hindi dinadaanan ng tao. Tinukod nito ang dalawang kamay sa pagitan ng ulo ko. Nang mag-angat ako ng mukha para tingnan kung sino ang nagligtas sa akin ay napakunot ang noo ko. Nakasuot ito ng itim na sumbrero at itim na facemask. Ngunit kahit mata lang nito ang nakikita ko, kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari ng malamig nitong mga titig. Si Boss Rock!
"B-Boss Rock." Hindi naitago ang panginginig sa boses ko.
"I'm glad you recognize me," malalim ang boses na sabi niya. Salubong ang kilay na tinitigan niya ako. "What do you think you're doing? Why are you spying on them? What are you, an agent?" sunod-sunod niyang tanong.
"H-hindi. A-ano kasi–" Natigil ako sa pagsasalita ng tumunog ang phone ko na labis kong ikinagulat.
"Fuck." Bahagyang sumilip si Boss Rock sa pinagtataguan namin na agad ding binalik ang tingin sa akin. Binaba nito hanggang baba ang facemask kaya nakita ko na naman ng kabuuan ang gwapo niyang mukha. "Kiss me back, tatlim," may awtoridad niyang sabi.
"Ano–" I was unable to speak as he quickly covered my lips.
Bigla na naman nanigas ang katawan ko. Hanggang sa hinapit niya ako sa baywang kaya impit akong napatili kahit magkalapat pa rin ang labi naming dalawa. Gamit ang bakanteng kamay ay nilagay niya ito sa likod ng batok ko. Sa laki ng palad niya ay sinakop pati ang leeg ko at nasa pagitan ng mga daliri niya ang tainga ko.
Nag-iisip pa rin ako kung paano ang pagtugon ba ang gagawin ko dahil para akong tuod na hindi ginagalaw ang labi ko habang siya ay eksperto ng hinahagkan ako. Hindi ko naranasan mahalikan at humalik. Ngayon pa lang.
Nag-iba siya ng pwesto. Hinarang niya ang kanyang ulo sa paraang hindi makikita ang mga mukha namin.
"Anak ng tokwa." Narinig kong boses ng isa sa lalaki sa exit door. Ngayon alam ko na kung bakit ako hinalikan ng basta ni Boss Rock. "Hindi na nakatiis." Hanggang sa narinig ko ang tawanan ng dalawa palayo sa amin.
Kaagad kong tinulak si Boss Rock dahil wala na ang dalawa. Bigla akong naghabol ng paghinga dahil kulang na lang ay maubusan na ako ng hangin sa baga dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin.
"W-wala na sila. S-salamat." Nag-iwas ako ng tingin sa mapanuri niyang tingin.
"Thank you is not enough, tatlim. You didn't even do what I told you. And as I remember, when we meet again, I said I will teach you to kiss. Now, if you don't mind, let me take you to heaven." Walang bakas ng pagbibiro ang mukha niya.
Napalunok ako dahil sa mga binitawan niyang salita. Mas lalo pang dumoble ang kaba sa dibdib ko.
"H-hindi ko kasi inaasahan. At saka, h-hindi talaga ako marunong," nahihiyang sagot ko at nagbaba ng tingin pero sa mapupulang labi naman niya dumapo ang mata ko kaya binaling ko na lang sa ibang direksyon ang paningin ko.
"So let me teach you, tatlim. I'm not just going to teach you how to kiss, tatlim, because you'll learn something from me that you'll definitely like and look for." He looked at me seductively.
Lagot na. Sino nga naman ang maniniwala na 24 na ako pero walang alam at hindi marunong. At higit na mas nagpanginig ng laman ko ay ang huli niyang sinabi.
Napasinghap ako ng nilapit niya ang katawan sa akin. Muli niya tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang ngisi sa labi niya. Saka ko lang napagtanto kung saan naka-focus ang mata niya. His eyes landed on my lips.
"I like your lips now. Marunong ka naman palang sumunod. Hindi naman halatang gusto mo ring halikan kita, ano?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang yabang niya. Kahit kailan hindi ko gusto magpahalik lalo na sa kanya. Pauwi na ako kaya nagtanggal ako ng lipstick. Hindi ko naman inaasahan na patatawagin pa niya ako. At hindi ko inaasahan na narito pa pala siya ng ganitong oras.
"Mali ka ng–"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pagkatapos takpan ang bibig niya ng facemask ay hinila niya ako at naglakad patungo sa kwartong inuukopa. Pagkasara pa lang ng pintuan ay agad niya akong sinandal sa hamba ng pintuan. Pigil ang aking hininga ng hapitin niya ako sa baywang. Kinuha niya ang dalawang kamay ko saka nilagay sa taas ng ulo ko at hinawakan ang palapulsuhan at diniin sa pintuan.
"A-anong gagawin mo?"
"I'll start by teaching the basic steps of kissing, benim güzel kadınım."
Nanlaki na naman ang mata ko. Diyos ko, anong basic ang ituturo niya sa 'kin? At ano ba ang mga pinagsasabi niya? Saang planeta ba siya galing?