TANIELLA
Hindi ko maintindihan ang sarili dahil para akong naghihintay sa gagawin niya. At parang may magnet ang mga titig niya dahil hindi ko na naman inaalis ang mga mata ko sa kanya. At kahit ano ang gawin ko ay hindi ko mabasa kung ano ekspresyon mayroon siya. Hindi rin nagbabago ang mga titig niya, malamig pa rin siya kung tumitig katulad ng una naming paghaharap.
"P-please, 'wag n'yo po ako sasaktan," nanginginig ang boses na pakiusap ko. Natatakot ako sa maaari niyang gawin. Sa laki niyang tao ay pwede niya akong ihagis anumang oras. Hindi ako handa lalo na at hindi naman talaga ito ang dahilan ng pagpasok ko rito. Kaya nga mas pinili ko na maging waitress kaysa magpa-table dahil wala sa hinagap ko na may gagalaw sa akin. Hindi ko naman akalain na may ganito pala rito. Basta lang ako pumasok at hindi na nagtanong kung ano ang kalakaran mayroon sa loob ng club na ito.
Kumunot ang noo niya. Sa pagkakataong ito ay nagtatanong ang tingin na ipinukol niya sa akin. His eyes seem to say why am I afraid? Why am I nervous if this is the job I entered?
"I probably won't need to ask how afraid you are of what I am capable of. Am I right, tatlim?" seryoso ang mukha niyang tanong.
Nagbaba ako ng tingin. Kapag sinabi kong wala pa talaga akong karanasan at virgin pa ako, itutuloy pa rin kaya niya? Baka kapag sinabi ko ay magbago ang isip niya at maawa sa akin. Kung magtatanong siya na bakit pumasok ako rito ay may sapat akong dahilan para paniwalain siya. Sa ganitong sitwasyon, kahit nanginginig na ako sa sobrang kaba dahil sa posible niyang gawin ay mabilis pa ako nakapag-isip ng valid reason kung sakali man na magtanong siya.
"A-ang totoo po niyan ay ngayon pa lang po ako pumasok sa ganitong trabaho, s-sir. H-hindi rin ho ako 24 years old."
"So, how old are you then?" He grabbed my chin and lifted my face so our eyes met.
"E-eighteen po."
Lumuwag ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko hanggang sa binitawan na niya ito. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang naawa siya sa 'kin. May soft side naman pala si Boss Rock. That's what I thought, because I was so stunned when he grabbed me around the waist causing me to gasp.
"I don't like people fooling me around, my innocent, Taniella. I'm not the type of person you think. Hindi ako marunong maawa katulad ngayon kung iyan ang inaasahan mo. Do you know what I do to people who lie?" He brought his mouth close to my ear, causing the hair on my neck to rise, especially when the hot breath of his breath touched my skin. "I'll make sure they will receive my punishment."
My chest started to tremble at the last thing he said. What punishment will he give me?
"M-maawa po kayo–"
"Hindi ako nakikinig sa pakiusap, young lady. I will do whatever I want and you can't stop me anymore."
Hindi ko na nagawang sumagot ng unti-unti na niyang nilapit ang mukha sa akin. Mukha ngang wala na akong magagawa dahil kahit magpumiglas ako ay hindi niya ako pakakawalan dahil sa higpit ng pagkakahapit niya sa baywang ko. Isa pa, sobrang dikit na ng katawan ko sa kanya na kulang na lang ay kapusan na ako sa paghinga.
Wala akong nagawa kundi mariing ipikit ang aking mga mata. Ilang sandali lang ay nanuot na sa ilong ko ang minty scent ng kanyang hininga. Nararamdaman ko na ang paglapit niya sa akin base sa buga ng hininga niya sa mukha ko. Hanggang sa tuluyan na ngang lumapat ang malambot niyang labi sa labi ko.
Pigil ang aking hininga habang dinadama ang lambot ng labi niya. Marahan at puno ng ingat bagamat nasa galaw ng labi niya ang kasabikan.
Nakakahibang. Nakakalasing. Nadadala ako sa halik niya kahit hindi gumagalaw ang labi ko. May kung anong mainit na hangin ang biglang bumalot sa katawan ko. Ito ba ang parusa na sinasabi niya? Ang kakaibang pakiramdam sa bawat dantay ng labi niya sa labi ko?
"f**k. Move your lips, tatlim," tila kinakapos ang hininga na utos niya. Bahagya siyang pumantay sa akin sabay abot ng dalawang hita ko at mabilis akong napahawak sa balikat niya ng walang kahirap-hirap niya akong binuhat. Pumagitna ang katawan niya sa dalawang hita ko. He pressed his body to me even more so that I could hardly breathe.
"B-Boss Rock…" Nakayuko na ako sa kanya habang nakatingala naman siya sa akin. Kitang-kita ko ang pamumungay ng mata niya habang nakatitig sa akin. I see fire and desire in his eyes.
Bakit ganito? Bakit nakakaramdam ako ng pag-init ng katawan? Nararamdaman ko ang init na kumakalat hindi lang sa aking pisngi maging sa buo kong katawan. Ano itong nararamdaman ko?
"Don't make this hard for me, young lady. I want you now." Nasa boses niya ang kasabikan base sa kung paano siya naghahabol ng hininga.
Oh, no! Mawawala na ba ang iniingatan ko? Hindi ko siya kilala. Isa lamang siyang estranghero para sa akin. Parang hindi ko matanggap na siya ang unang makakakuha ng pagkābābāe ko.
"Kiss me," may awtoridad niyang utos. "Or maybe you want me to force you to do what I want, tatlim. I don't like to be kept waiting, young lady. Waiting until I force you to do something is not a good idea. Baka hindi mo magustuhan kapag binigla kita."
Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Wala na akong magagawa, nakakulong na ako sa mga bisig niya na parang mga bakal na ayaw na akong pakawalan. Siguro ay kailangan ko ng tanggapin na kasama sa trabaho na pinasok ko ay magpaligaya ng customer na katulad niya.
Gumalaw ang kamay ko at pinaikot ito sa leeg niya. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagsilay ng matagumpay na ngiti sa labi niya. Mas lalo lang siya gumwapo sa paningin ko dahil sa ginawa niya. Ngunit hindi mababago nito na isa lang ako sa mga babae na dadaan sa mga kamay niya.
Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Nakatingala siya at naghihintay sa paglapat ng labi ko sa labi niya. Hindi ako marunong pero matutunan ko rin siguro. Mukha namang magaling siya. Sabagay, nang unang beses niya akong hinalikan ay ramdam ko ang pagiging eksperto niya.
Pinikit ko ang mga mata ko ng tuluyan ng lumapat ang labi ko sa labi niya. No'ng una ay hindi ko pa ginagalaw ang labi ko dahil pinakiramdaman ko muna ang bawat galaw ng labi niya. Hanggang sa nagawa ko ng tumugon at sumabay sa bawat galaw ng labi niya. May narinig pa akong mahinang ungol pero hindi ko alam kung saan nanggaling. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil tila nagugustuhan ko na kung paano niya ako halikan.
"f**k. You're so innocent, benim güzel kadınım," aniya nang bitiwan ang labi ko. "You're a fast learner either. Don't worry, dadahan-dahanin lang natin."
Alaganin akong ngumiti. Kahit gusto ko magtanong dahil sa mga salitang hindi ko maintindihan ay hindi ko na ginawa.
"I-ibaba n'yo na po ako," nahihiya na sabi ko.
"No." Isang salita ngunit puno ng awtoridad. "Hindi pa tayo tapos."
Magsasalita na sana ako ng muli na naman tumunog ang phone ko dahilan para magsalubong ang kilay niya. Kasabay ng marahang pagbaba niya sa akin ay ang malutong niyang mura.
Kitang-kita ko ang aburido sa mukha niya habang ang kamay ay abala nang kinakapa ang phone sa bag ko na patuloy sa pagtunog. Sigurado akong si Renz na ang tumatawag. Kanina pa siya naghihintay sa akin sa labas.
Nang nilabas niya ang phone ko mula sa bag ay pinakatitigan niya ang screen. At mula sa liwanag na nanggagaling sa screen ng phone ko ay kitang-kita ko ang pagdilim ng mukha niya.
"Who's this?" Tinapat niya ang phone sa mukha ko na halos ikaduling ko. Si Renz nga ang tumatawag. Duda ako na sinabihan siya ni Mamu Luz.
"Kaibigan–" I hadn't finished speaking when he answered the call.
"Stop calling, you idiot!" singhal niya sa kaibigan ko. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya dahil pagkatapos niyang sagutin si Renz ay binato niya ang phone ko na tumama pa sa pader dahilan para magkahiwa-hiwalay ang piyesa nito.
"B-bakit n'yo po hinagis?" maluha-luha ang mata na tanong ko habang nakatitig sa phone ko na nasa sahig na sa tingin ko ay hindi na gumagana. Sa lakas ba naman ng pagkakabato niya, milagro na lang kung gagana pa ito. Ang kaso, malabo mangyari dahil ilang taon ko na rin gamit ang phone ko. Iniingatan ko rin ito dahil bukod sa second hand ay bigay pa ng yumao kong magulang. "W-wala akong pambili ng bago, Boss Rock." Nabasag na ang boses ko. Ramdam ko na ang pang-iinit ng mata ko.
"I will buy you a new one," walang emosyon niyang sagot.
Hindi ko napigilan na samaan siya ng tingin ng balingan ko siya. Wala na akong pakialam kung mahalagang customer siya dito sa club. Gusto ko ilabas ang sama ng loob ko dahil sa ginawa niya. Kahit bumili siya ng bago, hindi mapapalitan ang halaga ng phone na sinira niya. Isa pa, hindi ko tatanggapin ang ibibigay niya.
"Marami akong memories sa phone na sinira ninyo. Nariyan ang picture ng mga magulang ko ng kasama ko pa sila. Mapapalitan ba ng bagong phone ang memories ng magulang ko?" Tuluyan ng dumaloy ang luha ko dahil sa inis ko sa kaharap. Wala siyang ideya kung gaano kahalaga sa akin ang phone na basta lang niya sinira. "Hindi ko rin tatanggapin ang phone na ibibigay n'yo. Kaya ko pag-ipunan kaysa tanggapin ang bagay na galing sa inyo!" Wala na nga akong pakialam dahil tumaas na ang boses ko. Kung matatanggal ako dahil sa ginawa ko, ayos lang. May iba pa naman akong trabaho. Isa pa, may iba pa naman sigurong paraan para ipagpatuloy ang pakay ko talaga dito sa club. Basta, gagawa ako ng paraan.
"Hindi mo kilala kung sino ang kinakausap mo, young lady. I am f*****g own you kaya wala kang karapatan na sigawan ako." Nag-iigtingan ang bagang na nilapit niya ang katawan sa akin sabay hapit muli sa baywang ko. "Don't you dare to yell at me, lady. Hindi mo ako kilala–"
"Kilala kita, Boss Rock!" Tila natigilan siya sa sinabi ko. Bahagyang lumuwag ang braso niya sa baywang ko at napaatras siya kaya ginawa ko itong pagkakataon para maitulak ko siya na matagumpay kong nagawa. "Importante ka sa club ni Mamu Luz. Alam kong mayaman ka at kaya mong bilhin ang lahat. Pero 'yung tinapon mo, memories ng magulang ko. Kaya mo ba bilhin ang memories ng magulang ko? Ha?"
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. Tumaas ang sulok ng labi niya ngunit walang lumabas na salita mula rito. Muli kong binaling ang tingin sa basag kong phone. Biting my lower lip, I walked and picked up my phone. While picking up the scattered pieces, my tears continued to flow. Pakiramdam ko ay tinapon ko na rin ang mga ala-ala ng magulang ko dahil sa pagkasira ng phone ko. Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana pala paunti-unti kong pina-print ang mga larawan namin kasama sila.
Tinuyo ko ang luha sa aking pisngi at mahinang suminghot. Kapagdakay tumayo at marahang nagbuga ng hangin bago siya hinarap. Nakatingin lang siya sa akin ngunit wala akong mabanaag na emosyon. Siguro ganito talaga siya katigas. Siguro ganito talaga kalamig ang pagkatao niya kaya wala siyang pakialam kahit mahalagang bagay ang nasira niya.
"May kailangan pa ho ba kayo?" walang emosyon kong tanong.
Ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa rin akong narinig na salita mula sa kanya kaya humakbang na ako palapit sa pintuan. Bago ako lumabas ay nagpasalamat pa rin ako dahil sa pagligtas niya sa akin.
Bago ako nagpakita sa kaibigan ko ay nakapaskil na ang ngiti sa labi ko. Alam kong magtatanong siya sa boses na narinig niya kaya nag-isip na ako ng dahilan ko.
Nag-aalala akong nilapitan ni Renz ng makita ako. "Okay ka lang, Tanie?" Hinawakan niya ako sa kamay at umikot. "Ano'ng ginawa sa 'yo ng lalaking iyon, ha?"
Umiling na lang ako bilang sagot at niyaya na itong umuwi. Sinikap kong maging normal sa harap niya kahit may kaunti pa ring panginginig sa katawan ko dahil sa inis. Ayoko nang pag-usapan kung ano ang nangyari.
Bago kami naghiwalay ni Renz ng gabing hinatid niya ako ay nag-suggest siya na kung pwede ay makiusap ako sa may-ari ng club na pumasok na lang ako ng weekends. Kinausap raw siya ng mga professors namin na kausapin ako dahil napapabayaan ko na raw ang pag-aaral ko. Kilala nila akong masipag mag-aral kaya marahil nagtataka sila kung bakit hindi na ako active sa klase.
Sinabi ko rin dito na nasira ang phone ko kaya baka hindi ko na siya matawagan para sunduin ako. Maaga na lang daw siya pupunta para masundo ako. Hindi raw niya hahayaan na umuwi ako mag-isa.
Maaga akong pumasok sa club para kausapin si Mamu Luz. Agad ko itong hinanap pero hindi ko naman ito makita sa loob ng club. Dalangin ko na sana hindi pa niya alam ang tungkol sa pagsagot ko kay Boss Rock. Sana hindi pa ako tanggalin dahil balewala ang pagpayag kong magpahalik sa lalaking iyon kung matatanggal din naman ako. At sana hindi muna siya magpakita sa akin ngayong araw.
"Ano'ng mayroon?" tanong ko kay Ariane habang nakatingin sa mga kasama namin sa loob ng dressing room. Natataranta ang mga ito at hindi malaman ang gagawin.
"Kulang ang dancers natin. Hindi na pumasok 'yung isa. Ewan ko ba kung ano nangyari sa babaeng iyon. Wala man lang pasabi na hindi na papasok," napapailing na sagot nito.
"Si Mamu Luz?"
"Hindi ko alam. Kanina pa nga namin hinahanap para ipaalam ang tungkol dito."
Umupo ako sa bakanteng upuan. Saka ko na lang kakausapin si Mamu Luz kapag nakita ko na siya.
Mula sa salamin ay nakita kong pumasok si Mara. Nagpalinga-linga ito na parang may hinahanap. Hanggang sa huminto ang tingin niya sa akin. Lumapit siya sa isa sa mga dancers at kinuha ang hawak na damit na gagamitin sa pagsayaw.
"Wala pa ba papalit kay Isabel?" tukoy nito sa dancer na hindi pumasok. Umiling ang kaharap nito. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagsilay ng ngisi nito sa labi. "Huwag na kayong mamroblema, may kapalit na si Isabel."
Nagliwanag ang mukha ng mga dancers dahil sa sinabi ni Mara.
"Naku, bakla, ihanda mo na ang sarili mo," bulong ni Ariane sa akin.
Bago pa man ako makapag-react dahil sa sinabi ni Arian ay may naghagis ng damit sa mukha ko. Nagtatanong ang tingin na pinukol ko kay Mara mula sa salamin dahil ito ang hawak niya kanina.
"Hindi ka pa nagsasayaw, hindi ba? Subukan mo para may pakinabang ka naman dito sa club. Ikaw lang yata ang walang ginagawa rito kaya dapat ay sayawan mo ang mga customer. Ako na ang bahala magpaliwanag kay Mamu Luz."
"P-pero–" Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko ng umalis na siya sa harap ko at mabilis na lumabas ng dressing room. Binalingan ko si Ariane. "A-Ariane, hindi ako pwede. A-ayoko magsayaw," protesta ko.
"Pasensya ka na, bakla. Kilala ko si Mara, kapag hindi mo sinunod ang utos niya, tiyak akong mas lalo ka niya pag-iinitan."
Kagat ang ibabang labi na binaba ko ang tingin sa kapirasong damit na nasa harap ko. Parang hindi ko kayang isuot ang ganitong damit dahil kitang-kita na ang kaluluwa ko kapag sinuot ko ito.