Chapter 6

2884 Words
TANIELLA Ilang beses ko ng pinasadahan ang sarili sa salamin pero kahit ano ang gawin ko ay hindi pa rin maganda sa paningin ko ang nakikita ko. Para akong maiiyak dahil sa kapiranggot na suot ko sa katawan. Ibang-iba ito sa suot ko nitong mga nakalipas na araw. Nakatali sa leeg ko ang strap ng maliit na tela na nakatakip sa dibdib ko na kapag hinila ay tatambad agad sa harap ng maraming tao. Habang ang suot ko naman sa ibabang bahagi ng aking mâsêlâng katawan ay manipis na tela na nakatali sa magkabilang bahagi ng aking balakang. Lace underwear din ang suot ko na kulang na lang ay makita na ang kâsêlânân ko. Ganito ang nakikita ko sa tuwing may nagsasayaw sa gitna ng entablado at sigurado akong maghihiyawan ang mga customers na gusto makakita ng hûbâd na katawan lalo na sa tulad ko na bago lang sa kanilang paningin. "Okay ka lang, bakla?" nag-aalalang tanong ni Ariane sa aking likuran. Nakatingin din ito sa suot ko. Maging ito ay hindi sang-ayon sa gustong ipagawa sa akin ni Mara. "Wala na akong magagawa, Ariane. Baka magalit si Mamu Luz kapag hindi ako sumayaw. Isa pa, kasama sa trabaho ito kaya dapat ay sumunod ako." Bagamat wala na akong magagawa ay labis pa rin ang tutol ng kalooban ko. Hindi ko lubos maisip na aabot ako sa ganito, na sasayaw ako sa harap ng mga kalalakihan. "Wala pa si Mamu Luz at tiyak akong hindi niya ito alam. Bwesit kasing Mara na 'yan, kung makaasta akala mo ay siya ang may-ari nitong club. Kung makapag-desisyon sa gagawin natin ay daig pa si Mamu Luz kung makautos. Gusto ko na talaga ipa-sâlvâgê iyang babaeng iyan dahil kontrabida sa atin dito. Nagtitimpi lang talaga ako, e," reklamo ni Ariane. Hindi naitago ang inis nito para sa kasamahan namin. Halos murahin na namin si Mara sa aming isipan para kahit paano ay mabawasan ang inis namin sa kanya. Pero kahit pagtulong-tulungan namin siya ay hindi mababago na gano'n talaga ang ugali niya. Siguro isa si Mara sa naghahanap ng atensyon kaya dinadaan na lang sa pagiging maldita nito para makakuha ng atensyon ng iba. Alam niyang hindi ako lumalaban kaya kinakaya lang niya ako. Bago lang ako kaya kung tratuhin niya ako ay para niya akong pinapakain. Pasalamat siya dahil bago lang ako dito. Kapag nagtagal ako rito at wala pa akong sapat na impormasyon sa talagang pakay ko rito, hindi ako mangingiming patulan siya. Sa ngayon, hahayaan ko muna siyang tapak-tapakan ako. Pero oras na sumagad na siya sa limitasyon, kapag sumobra na ang pangtatapak niya sa 'kin, lalaban na ako. Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko muna mag-ipon ng lakas ng loob. Tinuruan na ako ng makakasama ko sa entablado kung paanong steps ang gagawin ko. Nakikita ko na rin naman ang ginagawa nila kaya may ideya na ako kung paano sumayaw sa harap ng mga kalalakihan. Sana lang ay kayanin ko. "Kung narito kaya si Boss Rock, papayagan kaya niya akong magsayaw?" tanong ng bahagi ng utak ko. I shook my head. why did that man come to my mind? Hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya ng nagdaang gabi. Naiinis pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang pagbato niya sa phone ko. Nang dahil sa kanya ay wala na akong ginagamit ngayon. "Kinausap ko na ang mga kasama mo. Ang sabi ko ay gumawa sila ng paraan para tagalan nila sa stage bago ang cue mo habang hinihintay si Mamu Luz na dumating. Baka sakaling kapag nalaman na sasayaw ka ay hindi pumayag. Isa pa, dapat alam ni Mara na hindi ka pwede sumayaw. Kinausap na kami ni Mamu Luz tungkol sa dapat na gawin mo lang dito sa loob ng club. Mukhang inatake na naman ng kamalditahan ang babaeng iyon. Ang sarap gawing pulutan sa mga mânyâkîs na customer. Kapag nalaman ito ni–" "Hindi ka pa ba tapos mag-inarte, Taniella?" putol ni Mara sa sinasabi ni Ariane. Salubong ang kilay nito at hindi na maipinta ang mukha nang pumasok sa dressing room. "Pinasok mo ang trabahong ito kaya dapat handa ka sa posible mong gawin. Sa lahat ng nagtatrabaho dito, ikaw ang maarte. Bilisan mo na!" asik nito sa akin. She looked at me from head to toe. Pagkatapos ay sumilay ang ngisi sa labi nito. Hindi nakatiis si Ariana ay malalaki ang hakbang na nilapitan si Mara. "Hoy, babaeng pinaglihi sa sama ng loob, nakalimutan mo na ba ang bilin ni Mamu Luz sa atin na bawal gumawa ng ibang bagay si Tanie. Hindi porke wala rito si Mamu ay gagawin mo na ang gusto mo? Para sabihin ko sa 'yo, hindi ikaw ang may-ari dito!" duro ni Ariane kay Mara na tinaasan lang siya ng kilay. Mabuti na lang ay may tagapag-tanggol ako. Kung wala si Ariane, baka hindi na ako tumuloy pumasok dito. "Ang kaso nga, wala si Mamu Luz. Kung gusto mo magreklamo, hintayin mong dumating ang may-ari!" Binalingan ako ni Mara. "At ikaw, lumabas ka na dahil naghihintay na ang customer sa 'yo. Napaka-arte, akala mo kagandahan. Huwag mong ipagmalaki na pagmamay-ari ka ni Boss Rock. Itatapon ka rin niya kapag pinagsawaan ka na niya!" nakangisi niyang wika bago lumabas ng dressing room. I was hurt by the last thing she said. But what else can I expect, in this kind of work, no man takes people like us seriously. "Huwag mo intindihin ang sinabi ng babaeng iyon, Tanie. Masama lang ang loob niya dahil isa rin siya sa mga babae dito na gusto makaharap si Boss Rock. Naiinggit lang iyon sa 'yo dahil sa tagal niya rito, ikaw pang bago ang napili ni Boss Rock." Kung alam lang ni Mara na hindi ko talaga gusto ang trabahong ito. Na hindi ko gusto makaharap si Boss Rock. Isa pa, bakit sinabi niya na pag-aari ako ng lalaking iyon? Ano ako, laruan na binili? Sinamahan ako ni Ariane sa likod ng stage. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang sayaw. Pero bago ako isalang, mauuna muna ang mga back up dancers. Kung baga sa pagkain, ako ang main course. Ilang beses ako nagbuga ng hangin. Nanginginig ang buong katawan ko at nanlalamig ang kamay ko. Kung hindi lang napapatungan ng makapal na makeup ang mukha ko ay kitang-kita na ang pamumutla ko. Huwag lang akong himatayin sa gitna ng stage dahil mapapahiya si Mamu Luz sa mga customers niya. Isa pa, pagtatawanan ako ni Mara at ayaw ko mangyari iyon. Gagalingan ko na lang para ipamukha sa kanya na hindi dapat niya ako minamaliit. Ilang minuto lang ay nagsimula ng magsayaw ang mga kasama ko. Napalingon ako ng may kumalabit sa aking balikat. Si Ariane, nakangiti itong pinatalikod ako at may nilagay siyang takip sa kalahati ng mukha ko. Isang maliit na satin ang tela at tinali sa likod ng ulo ko. Natatakpan ang bibig at ilong ko at tanging mata ko lang ang nakikita. "Kapag gusto mo ipakita ang mukha mo, tanggalin mo na lang ito," nakangiti niyang bilin sa akin. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag. Guardian angel ko talaga itong si Ariane. At tiyak akong u-usok na naman ang ilong ni Mara nito. Hindi bale nang katawan ko lang ang pagpiyestahan ng mga mata nila, 'wag lang makita ang mukha ko. Hudyat na para isalang ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Mamu Luz. Mukhang hindi ko na nga yata ito matatakasan. Tinapik ni Ariane ng dalawang beses ang pang-upo ko. Paraan niya iyon para palakasin ang loob ko. "Go, bakla. Ipakita mo kay Mara na hindi ka dapat niya tinatapakan. Ipamukha mo sa kanya na nagkamali siya na hinamon ka niya," pagpapalakas niya ng loob sa akin. Lumawak ang ngiti ko. Unti-unti nawala ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Ariane. Ilang sandali lang ay kinalma ko na ang sarili ko. Nagbuga ako ng hangin bago dahan-dahang nakatalikod na lumabas at tinungo ang gitna ng entablado. Sumabay ang aking katawan sa bawat ritmo ng musika. Tahimik ang lahat at tanging nakaka-akit na tugtugin lamang ang maririnig. Nagsimulang umindayog ang aking balakang. Pumilantik ang aking mga daliri habang dahan-dahang ginagalaw ang aking kamay sa ere. Sana lang ay tama ang ginagawa ko dahil ayaw ko pagtawanan lalo na ni Mara. Pasimple akong nagbuga ng hangin bago dahan-dahang humarap sa mga customers. Napalunok ako ng makita ko silang tutok na tutok ang atensyon sa akin. Para bang bawat galaw ko ay hindi nakakaligtas sa mga mata nila. Bawat pag-indayog ng balakang ko ay nakatutok sila. Ang iba ay nakaawang ang bibig. Sa totoo lang ay unang beses kong sumayaw lalo na para akong nang-aakit kaya hindi ko alam kung bakit parang nagugustuhan nila ang pagsayaw ko. Mapang-akit akong tumitig sa bawat madapuan ng aking paningin. Lahat sila ay parang naglalaway at sabik sa laman. Sabagay, kaya sila pumunta rito ay para maligayahan. "Maghubad ka na!" Muntik na akong mapahinto sa pagsasayaw ng umalingawngaw ang sigaw na iyon sa loob ng club. Nang dumako ang tingin ko ay napangiwi ako ng makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Si Mr. Salazar! Hanggang sa narinig ko na lang ang sunod-sunod na hiyawan nang ibang customer. Ilang sandali lang ay napuno na ng hiyawan ang loob ng club at isa lang ang naririnig kong sigaw nila. Katulad ni Mr. Salazar ay gusto na rin nilang maghubad na ako. "Hubad na!" "Huhubarin mo 'yang suot mo o ako ang maghububad sa 'yo?!" Iilan lang iyan sa mga naririnig ko, pero hindi ako tumigil sa pagsayaw. Hindi ko pinansin ang request nila. I will never undress in front of them. Tumalikod ako at muling nagpatuloy. Ilang segundo pa lang akong nakatalikod ay napatili ako ng biglang may humaklit ng suot ko sa aking likuran dahilan para ang kapiranggot na tela na suot ko ay matanggal. Niyakap ko ang sarili dahil lumuwa ang dibdib ko. Napaatras ako at mabilis na lumayo sa lalaking pumunit ng suot ko. Kung hindi ako nakalayo ay baka pati ang suot ko sa ibaba ay napunit na rin nito. Mabuti na lang din ay inawat ito ng dalawang bouncers na lumapit at nilayo sa akin. Nang dumako ang tingin ko sa bar counter ay nakita ko si Mamu Luz na tila nagulat ng makita ako. Bakas ang pagkabahala nito habang hindi alam kung ano ang gagawin. Kasabay ng pagpasok ng ibang dancers dahil biglang nawala ang mga ito sa likuran ko ay ang pag-alalay naman sa akin ni Ariane paalis ng stage. Dinala niya ako sa dressing room at mabilis na binihisan. Saktong pagkatapos ko magbihis ay siya namang pasok ni Mamu Luz. Hindi na lang pagkabahala ang nabanaag ko sa mukha nito kundi takot. "Sino nagpasayaw sa 'yo?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin bagamat nasa mukha pa rin niya ang pagkabahala. Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko ay hindi pa rin ako nakaka-recover sa nangyari sa akin kanina sa stage. "Si Mara po, Mamu Luz," sagot ni Ariane. "Putcha talagang babaeng iyan. Ipapahamak pa ako." Binalingan ni Mamu Luz si Binggo. "Tawagin mo nga ang babaeng iyon ng maturuan ng leksyon." Halata sa boses ni Mamu Luz ang inis kay Mara. Para bang nakagawa ito ng malaking kasalanan. Habang hinihintay si Mara ay nagsindi ito ng sigarilyo at nagpabalik-balik sa harapan namin ni Ariane. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ka-tensyonado. Bakit? Bakit takot ang nakikita ko sa mga mata niya? Huminto si Mamu Luz nang pumasok si Binggo kasama si Mara. "Mamu, pinapatawag n'yo raw ako?" nakangiting bungad ni Mara na tumingin pa sa akin. Tumigil sa paghithit si Mamu Luz at binitawan ito saka tinapakan ang upos ng sigarilyo sa sahig. Kasabay ng pag-angat ng mukha nito ay ang malalaking hakbang patungo sa kinaroroonan ni Mara. Napasinghap kami pareho ni Ariane ng mag-asawang sampal ang natanggap ni Mara mula kay Mamu Luz. "Tarantada ka, ipapahamak mo pa ako. Gusto mo bang mamatay ng wala sa oras? Hindi ba sinabi ko na sa inyo na 'wag n'yong pakikialaman si Taniella dahil ako ang mananagot?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mamu Luz. Bakit parang pinaparating ng salita niya na kapag may nakialam sa akin ay buhay niya ang kapalit? Parang napakahalaga ko namang tao sa club na ito. Naguguluhan ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Hawak ang pisngi ay matapang na sinalubong ni Mara ng tingin si Mamu Luz. "Kung ayaw n'yong pakialaman s'ya dito, bakit hindi n'yo na lang paalisin ang babaeng iyan, Mamu? Nabili naman na–" "Tumahimik ka! Punyeta ka!" Muling sinampal niya si Mara dahilan para mapa-igik ito sa lakas ng sampal na pinakawalan ni Mamu Luz. "Wala akong pakialam sa sasabihin mo. Hindi ikaw ang magde-desisyon dito. Huwag mo akong pangunahan sa dapat at hindi dapat gawin. Gusto mo yata masampulan ka dahil sa kagagahan mong iyan, Mara. Hindi mo kilala kung sino kinakalaban mo. Kung gusto mo magtagal ang buhay mo, 'wag mo pakialaman si Taniella!" Masama akong tinapunan ng tingin ni Mara bago umiiyak na lumabas ng dressing room. Huminga ng malalim si Mamu Luz bago ako binalingan. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay. Nakikiusap ang tingin na pinukol niya sa akin. "Huwag na sanang makarating kay Boss Rock ang nangyaring ito, darling. Maasahan ko ba ang kooperasyon mo?" nakangiti niyang sabi bagamat bakas pa rin ang takot sa mata niya. Kahit nagtataka ay tumango na lang ako bilang pagsang-ayon dahilan para lumawak pa ang ngiti niya. "Huwag ka munang lumabas. Dito ka na lang muna. Pangako, hindi na ito mauulit." Binalingan niya si Ariane na nasa tabi ko. "Samahan mo muna rito si Tanie," utos nito kay Ariane na agad tumango. Dalawa na lang kami ni Ariane sa loob ng dressing room ay nanatili pa rin akong tahimik. Hindi maproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Mamu Luz kanina. Isa pa, ano naman kung makarating kay Boss Rock na nagsayaw ako? Big deal ba iyon sa kanya? Hindi ko alam kung ano ang mayroon kay Boss Rock dahil ganito na lang ang takot ni Mamu Luz sa kanya. Sabagay, maramdaman ko lang ang presensya ng lalaking iyon ay nagtatayuan na ang balahibo ko. May kakaiba sa pagkatao niya na hindi ko maipaliwanag. Nabagot ako sa loob ng dressing room. Ilang oras na ako rito sa loob. Iniwan na rin ako ni Ariane dahil marami na ang tao sa club at kailangan na niyang tulungan ang mga kasamahan namin. Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya lumabas ako at tinungo ang banyo. Hindi rin ako nagtagal dahil baka hanapin ako ni Mamu Luz kapag nakitang wala ako sa loob ng dressing room. Nakakailang hakbang pa lang ako ay may naulinigan akong boses. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko dahil sinundan ko ang lalaki papunta sa parking area. Nagkubli ako sa isang itim na sasakyan at pinakinggan ang pakikipag-usap ng lalaki sa phone na hawak nito. "Boss, wala rito ang hinahanap natin. Baka nakatunog kaya hindi nagpakita." Huminto ang lalaki sa pakikipag-usap. May sinasabi yata ang kausap nito sa kabilang linya. "Sige, aalis na kami." Kami? Ibig sabihin ay hindi lang siya nag-iisa rito? At sino kaya ang hinahanap nila? "Sino ka?" Napaigtad ako ng may nagsalita sa likuran ko. At pagharap ko ay natakot ako ng tumambad sa harap ko ang malaking bulto ng isang lalaki. "Pare, may pulutan na tayo!" nakangising tawag niya sa kasama habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "B-balik na po ako sa loob," patay malisyang sabi ko at nakayukong nilampasan ito ngunit agad din itong humarang sa daan ko. "Mamaya na. Sumama ka muna sa amin." Kinilabutan ako sa sinabi nito. Napaatras ako dahil sa paraan ng tingin na pinupukol ng lalaki sa akin. Ngunit nagkamali ako dahil may matigas na bagay naman akong naramdaman sa aking likuran. "Saan ka pupunta, miss? Pasayahin mo muna ka–" Sa takot ko ay hindi ko na pinatapos magsalita ang lalaki dahil pwersahan kong inapakan ang paa nito dahilan para mapa-igik ito sa sakit. Nakaalis ako pero mabilis akong nahabol ng isang lalaki at hinablot ang buhok ko. "Tatakas ka pa, ha. Ano'ng narinig mo? Espiya ka, ano?" Mabilis akong umiling. "H-hindi po. W-wala naman po akong narinig. P-parang awa n'yo na. Pakawalan n'yo na po ako." Nakakaloko itong tumawa. "Ano ako, uto-uto? Gagawin ka naming pulutan–" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil bumagsak ito sa sahig. May pumalo sa ulo nito kaya nabitawan ako. Base sa tunog na narinig ko, tubo ang tumama sa ulo nito. Napatutop na lang ako sa bibig at nanlalaki ang mata ng makita ko ang umaagos na dûgô sa sahig galing sa ulo nito. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko man lang nakita kung sino ang pumalo sa ulo nito. "B-Boss, maawa ka," narinig kong pakiusap ng isang lalaki. Nang balingan ko ito ay may nakatayong matangkad na lalaki sa harap nito at nakasuot ng itim na sumbrero. May hawak itong baseball bat na nakapatong sa balikat nito. "Wala sa bokabularyo ko ang awa." Napasinghap ako ng mabilis kumilos ang matangkad na lalaki at sa isang iglap lang ay dumapo ang baseball bat na hawak nito sa katawan ng kaharap dahilan para humandusay sa sahig ang lalaki. Nang gumalaw ang lalaki ay akma nitong hahatawin muli ngunit sumigaw ako para pigilan ito. "Huwag!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD