Chapter 9

2338 Words
TANIELLA Takot na takot ako. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot. Walang humpay ang pagtulo ng luha ko. Umiyak ako nang umiyak. Pakiramdam ko ay dito ko na lang nailabas ang takot ko kay Boss Rock. Ilang beses rin niya akong sinaway pero sa pagkakataong ito ay hindi ko siya sinunod. Ang bigat ng loob ko. Wala akong matakbuhan para humingi ng saklolo. Kung buhay ang magulang ko, hindi nila ako hahayaan na magkaganito ako. "God damn it. Stop crying, Taniella!" Sinaway niya akong muli pero nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak. He was standing in front of me. I could clearly see the gun he was holding. Parang gusto ko ito agawin sa kanya pero hindi iyon gano'n kadali. Bukod sa nanginginig ang katawan ko, nanlalabo rin ang mata ko dahil sa luha. Isa pa, sa laki niyang tao, isang balya lang niya sa akin ay baka tumilapon na lang ako bigla. "I said, stop crying!" angil niya sa akin. Halata na ang iritable sa boses niya. Naiinis ako sa ugali niya. Paano ako titigil kung sinisigawan niya ako? Ganito ba siya magpatahan ng babaeng umiiyak? "Fuck." Ilang beses ko narinig ang malulutong niyang mura. Tila natuliro siya at hindi malaman ang gagawin pagpapatahan sa akin. Hindi pa ba siya nakakakita ng umiiyak at kung mataranta siya ay daig pa ang walang alam. He knelt in front of me and hugged me. I just felt his gentle rubbing on my back. Pero kahit ginawa niya iyon ay hindi naibsan ang takot ko sa kanya. Iba ang bangis na pinakita niya ngayon. Nagpaputok siya ng baril kaya natatakot ako na baka tuluyan na niya ako. "Stop crying, Taniella, for pete's sake!" "G-ganyan ka ba magpatahan ng umiiyak? S-sumisigaw? P-paano ako titigil kung sinisigawan mo ako at galit ka?!" sabi ko sa gitna ng paghikbi. Hindi ko alam kung naintindihan niya ang sinabi ko dahil utal-utal ang bawat pagbigkas ko gawa ng paghikbi ko. But… seriously? I said that thing to him? For the first time I answered him without hesitation. Siguro dahil hindi ko na napigilan ang emosyon ko kaya wala na akong pakialam kung ano ang lalabas sa bibig ko. "Okay, okay. Hindi na ako sisigaw. J-just… just stop crying." Tila hirap pa niyang ibigkas ang huling sinabi. "G-gusto ko ng umuwi," umiiyak na sabi ko. "No!" Sumigaw na naman siya kaya para akong bata na umatungal ng iyak. "f**k. Fine." Lihim akong napangiti pero nagpatuloy ako sa pag-iyak. Effective pala ang pag-iyak ko. I just have to go through crying so that somehow his stony heart that is surrounded by ice will soften. "S-stop crying, tatlim. Ipahahatid na kita sa tauhan ko." His voice became calm. Tagumpay! Pero kailangan ko pa rin umarte sa harap niya at baka magbago ang isip ng tigreng ito. "T-talaga?" parang batang sumisinghot na tanong ko. "Yes." Parang pumalakpak ang tainga ko sa sinabi niya. Hindi ko na kailangan kumpirmahin dahil mukhang siya naman ang tao na may isang salita. He helped me stand up and slowly brought me to the sofa. He dried my tears with his hand. It's amusing that Boss Rock has this soft side. In just an instant, I saw the softening of his expression. Ibang-iba sa nakita kong matigas na reaksyon niya sa mga nakalipas na araw. May kapilyahan tuloy na sumagi sa isip ko. Ano kaya kung iyakan ko na lang siya kapag hindi niya sinunod ang gusto ko? "Your eyes are swollen. Baka isipin ng mga kapatid mo may nagpaiyak sa 'yo," salubong ang kilay niyang sabi. "Totoo naman. Hindi lang 'yon, pinaputukan pa ako ng baril. Sana tinuluyan mo na lang ako–" "Stop, tatlim. I won't do that. Isa pa, bago ko gawin 'yon, aangkinin muna kita." Awang ang labi na tinitigan ko siya habang tinutuyo ang luha ko. Pero dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya, tumulo na naman ang luha ko. Nagkamali pala ako sa nakita ko. Nagpakitang tao lang siya. Balak talaga niya akong patayin. "I-I'm just kidding," bawi niya sa sinabi. Para na naman akong bata na umatungal ng iyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kailan siya magbibiro. Ilang minuto pa bago ako tumigil sa pag-iyak. Ilang sandali lang ay may tinawagan siya. Isa siguro sa tauhan niya na maghahatid sa akin. Mabuti naman at hindi siya ang makakasama ko. Nerbyos ang inaabot ko sa kanya. Aatakihin ako sa puso kapag siya ang kasama ko. "Ipahahatid na kita." Baling niya sa akin pagkatapos makipag-usap. "Paalalahanan lang kita, pagkatapos ng nangyari sa club, hindi ka na pwede bumalik." Natigilan ako sa huli niyang sinabi. Pati pagpasok ko sa club ay siya na rin ang magde-desisyon? Paano na ang plano ko? "Kung may reklamo ka, 'wag mo na sabihin dahil hindi kita pakikinggan. If I find out that you're back at the club, you won't like the punishment I'm going to give you. Naiintindihan mo ba ako, benim güzel kadınım?" Napabuntong-hininga ako. Namalayan ko na lang ang sarili na tumatango. "Stay. May kukunin lang ako." Tumayo siya at muling pumasok sa silid na pinasukan niya kanina. Pagbalik ay may bitbit siyang maliit na paper bag at jacket. Hindi ko na kailangan itanong kung ano ang laman ng maliit na paper bag dahil obvious naman na cellphone ang nasa loob dahil sa larawan na nasa labas. Inabot niya sa akin ang dala. "Here. Huwag mo subukan na 'wag gamitin iyan. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin kapag sinuway mo ako, Taniella," may babala niyang sabi. Ngumuso ako. Lagi na lang siya nagbabanta. Lagi na lang niya akong tinatakot? Hindi pa siguro niya naranasan ma-reject kaya kung utusan niya ako ay daig pa niya ang presidente ng Pilipinas. "May sim card na rin iyan. My number is also saved there. You don't have any other number to put there but only my number. When I find out that you put another number there even if it's your friend, I assure you, you won't like what I'm going to do." Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? "I'm serious, young lady." Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. "Kapag naihatid ka na ng tauhan ko, tatawagan kita. Sagutin mo or else…" Umikot ang mata ko. "Mahal ko pa ang buhay ko, Boss Rock." Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagguhit ng tipid na ngiti sa labi niya. Parang nagpipigil siya ngumiti pero dahil nakatingin ako ay hindi na niya tinuloy. Ano ba masama sa pag-ngiti? Akala mo naman ay mababawasan ang kaguwapuhan niya kapag ngumiti siya. "Call me, Ralphie." Hindi ako nakahuma sa pagbanggit niya ng kanyang pangalan. Pakiramdam ko tuloy ay binigyan niya ako ng pagkakataon na makilala ko siya. Matamis na ngiti ang pinakawalan ko. Makikilala ko rin siya. Sa ngayon, paunti-unti lang muna. Sumunod ako sa kanya nang tinungo niya ang pintuan. Sinuot niya ang hoodie jacket sa akin bago binuksan ang pintuan. Pero ilang segundo na ang nakalipas ay nanatili pa rin siyang nakaharang sa pintuan. Parang ayaw niya ako bigyan ng daan lumabas. Mayamaya lang ay sinara niya itong muli na ipinagtaka ko. Hinarap niya ako at nagulat na lang ako ng hapitin niya ako sa baywang. "B-Boss– Ralphie…" usal ko. "Ralphie Shawn Zaxton, Taniella. That's my real name. Kailangan mo na masanay na tawagin ako sa pangalan ko. Kapag narinig ko pa ang Boss Rock sa bibig mo, I swear, gagawin ko na ang dapat na matagal ko ng ginawa sa 'yo. Do you understand me, hmm?" malamlam ang mata niyang wika. Wala man akong ideya kung ano ang balak niyang gawin sa akin ay tumango na lang ako. Susundin ko na lang lahat ng ipagagawa niya para wala ng problema. "Good. Now, before I say goodbye, I want to do this…" Bago ko pa man mapagtanto kung ano ang nais niyang gawin ay sakop na niya ang labi ko. At muli na naman akong natangay sa halik niya. Parang may kung anong spell siyang ginawa para tugunin ko ang bawat halik na ginagawad niya sa akin. Hindi na kumukontra ang katawan ko maging ang isip ko dahil kusa na itong sumasabay sa kanya. Diyos ko, ginayuma yata ako ng lalaking ito. "s**t. Ayaw pa kitang pakawalan," reklamo niya ng pakawalan ang labi ko. "Mawawala ako ng ilang araw. Sa mga araw na wala ako, sana sinunod mo lahat ng utos ko. Hindi ko na dapat pang ulitin ang mga bilin ko sa 'yo. You're smart lady, my innocent, Taniella. Alam kong susunod ko." Nakahinga man ako ng maluwag dahil ilang araw ko siyang hindi makikita, may bahagi ng pagkatao ko na parang hahanapin siya. Tsk! Ano ba nangyayari sa 'kin? Isa pa, hindi na talaga kami magkikita dahil hindi na niya ako pinapapasok sa club. Hindi rin naman ako umaasa na dadayo pa siya sa bahay para lang magpakita sa 'kin. Ayoko maging tampulan ng tsismis kapag pumunta siya roon. Tuluyan na niya akong pinakawalan. Paglabas ng cabin ay naghihintay na ang tauhan niya. Nakabukas na ang pintuan sa pagpasok ko. May inabot ang lalaki kay Boss Rock. Facemask ulit at siya na ang naglagay sa akin. Mataman muna niya akong tinitigan bago inalalayan pumasok sa sasakyan. Yumukod siya at sinuot ang sumbrero sa ulo ko. "Bakit kailangan ko magsuot nito?" curious kong tanong. "Don't ask, tatlim. It's for your own safety." Hindi na ako sumagot at tumuwid na lang ako ng upo. "Hey." Humarap ako sa kanya ngunit hindi na naman ako nakagalaw ng mabilis niyang hinagkan ang labi ko. "Behave. I'll be back soon." Sarado na ang pintuan ng sasakyan ay tulala pa rin ako. Parang sinabi na rin niya na magkikita pa kaming muli. Habang papalayo ay hindi ko napigilan ang sarili na lingunin siya. Nakapamulsang nakatayo pa rin siya sa labas ng cabin. I felt something strange when he entered the cabin. I just shook my head because of my strange feelings. Nakatulog ako sa sasakyan. Nagising na lang ako ng gisingin ako ng tauhan ni Boss Rock. Hindi na ako magtataka kung alam nito kung saan ako nakatira. Alam na ni Boss Rock ang background ko, ito pa kayang bahay namin. Mabuti na lang ay may suot akong facemask at sumbrero. Malaking tulong din itong hoodie jacket na pinagamit sa akin kaya kahit lumabas ako ay walang makakakilala sa akin. Isa pa, hindi pa naman ganon karami ang tao sa labas ng eskinita dahil nagsisimula pa lang sumilip ang araw. Mabuti na lang ay weekends kaya makakatulog ako bago pumasok sa convenience store. Tinago ko sa loob ng jacket ang dalang paper bag. Nagpasalamat ako sa naghatid sa akin bago lumabas ng sasakyan. Niyakap ko ang sarili saka diretso naglakad. Sa gilid ng mata ko ay may ilan ang nakatingin sa akin. Marahil ay nagtataka sila dahil may bumaba sa lugar na ito na nakasakay sa kotse. Dahil nakayuko ako maglakad para walang makakilala sa 'kin, hindi ko napansin ang makakasalubong ko. May nabangga akong tiyak akong lalaki. Humingi ako ng paumanhin pero nagpatuloy lang sa paglalakad ang lalaki na nakasuot din ng hoodie jacket at bonnet cap nang lingunin ko ito. Maglalakad na sana ako ng napansin ko ang thickler sa daan. Baka sa lalaki ito at mahalaga ang laman kaya agad ko itong dinampot. Tatawagin ko sana ang lalaki ngunit mabilis lang ito nawala sa paligid. Muli kong binalingan ang hawak na thickler. Baka may numero siya rito kaya binuklat ko ito ngunit may nakasulat dahilan para magsalubong ang kilay ko. "Stay away from him, Ivory." Ito ang nakasulat sa thickler. "Ivory?" sambit ko. Bakit parang narinig ko na ang pangalang ito? Binuklat ko pa ang ilang pahina ngunit wala na akong nakitang nakasulat. Nakakapagtaka naman. Ang weird dahil ito lang ang nakasulat dito. Napapailing na nilagay ko na lang ang napulot sa jacket at muling naglakad. Malapit na ako sa bahay ng makita ko si Renz na tumatakbo palapit sa akin. "Saan ka ba galing, Tanie? Kanina pa kita hinihintay?" Bigla akong nakonsensya. Mabuti naman dahil narito na siya at hindi na niya ako hinintay sa lumabas ng club. Siguro ay may nagsabi rin sa kanya na umuwi na siya. "Pasensya ka na, Renz–" "Mamaya ka na magpaliwanag. Nariyan ang tiyahin mo. Kanina ka pa hinihintay. Mukhang kukunin si Tamie at Tristan sa pangangalaga mo," natatarantang sabi nito. Dahil sa narinig ko ay nagmamadali akong naglakad palapit sa bahay. At tama nga, naghihintay sa sala ang kapatid ni nanay na si Tita Rema na halos magdikit na ang kilay dahil sa pagkakasalubong. "Uuwi na ako, Tanie," paalam ni Renz. Tumango lang ako bilang tugon. Nang balingan ko si Tita Rema ay nakatayo na ito at madilim ang mukha na tumingin sa akin. "Tita, kumusta po?" Lumapit ako at akmang kukunin ang kamay nito para magmano sana ngunit hindi ko na nagawa dahil dumapo ang palad niya sa pisngi ko. Natanggal ang sumbrero na suot ko dahil sa lakas ng sampal niya sa akin. Parang naalog ang utak ko dahil lahat yata ng pwersa niya sa katawan ay inipon niya sa kanyang kamay. Sapo ang pisngi ay nag-angat ako ng mukha at tiningnan siya. "T-tita…" "Walanghiya ka, idadamay mo pa si Tamielina at Tristan sa kahihiyan." Halos magdikitan ang ngipin nito sa sobrang gigil sa akin. Namumula na ang pisngi nito sa galit. "A-ano po ang ibig ninyong sabi–" "Akala mo ba ay hindi ko alam ang pinaggagawa mong babae ka? Ang kapal ng mukha mong dungisan ang pagkatao ng kapatid ko. Sinasabi ko na nga ba, wala kang maidudulot na maganda sa pamilyang ito!" duro niya sa 'kin. Namalayan ko na lang ang sarili na muling umiiyak. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanya dahil mukhang alam na niya na pumapasok ako sa club pero sigurado akong hindi si Renz iyon. Kilala ko ang kaibigan ko, hindi niya ako ipapahamak. Pero kinakabahan ako sa pagdating ng tiyahin ko dahil tulad nga ng sinabi ni Renz kanina, mukhang kukunin niya sa akin ang dalawang kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD