Chapter 8

2135 Words
TANIELLA Sinipat niya ang kanyang wristwatch. Mula sa relo ay nag-angat siya ng mukha at salubong ang kilay na tinitigan ako. "The time is running, tatlim. You won't want me to wait longer," pukaw niya sa akin dahil ilang segundo na akong hindi pa kumikilos sa kinatatayuan ko. "K-kailangan ko ng umuwi, Boss Rock. B-baka nag-aalala na ang kaibigan ko," sa halip ay sabi ko. Suddenly his face darkened and my eyes couldn't escape his gaping jaw. Hindi ko ininda ang pagbabago ng ekspresyon niya. Hindi lang kaibigan ko ang naghihintay sa 'kin maging ang dalawang kapatid ko. "Naghihintay rin po ang kapatid ko sa 'kin. Alam ho nila ang oras ng uwi–" I was terrified when he hit the wooden table so hard that the noise echoed in the four corners of the cabin. Wala man lang akong nakitang emosyon na nasaktan siya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko ng makita ko ang natuyong dugo sa kamay niya. Ang kamay na iyon ang ginamit niya ng basagin ang baso kanina sa club. Wala ba siyang pakiramdam? Hindi ba siya nasasaktan? "When I'm with you, I don't want to hear the name of another man in your mouth, even if it's your friend. Do you understand me, Taniella Quejor?" Para akong tinulos na kandila sa aking kinatatayuan ng marinig ko mismo sa bibig niya ang buong pangalan ko. Kilala na niya ako? Wala akong matandaan na sinabi ko ang buong pangalan ko kay Mamu Luz. Wala akong pinagsasabihan isa sa mga kasama ko sa club maging si Ariane. "You seem surprised? Why? Because I already know you so well, huh?" Tumuwid siya ng upo. Niluwangan niya ang necktie at tinanggal ang ilang butones ng kanyang long sleeve polo. Base sa suot niya ay para siyang galing sa opisina. Nagtataka tuloy ako kung bakit kailangan pa niyang pumunta sa club ng alanganing oras gayong galing pa siya sa trabaho. "Tamielina, 14 years old and currently in 2nd year high school. Tristan, 5 years old, your younger brother. And you… currently studying at vocational school. You're about to graduate. And if you want to finish your studies, you have to obey everything I ask you to do." May halo na ng babala ang boses niya. I raised my eyebrows at the last thing he said. Tatanggalan niya ako ng karapatan na makapagtapos ng pag-aaral dahil lang sa hindi ko siya sinunod? Ano siya, Diyos? Batas? I was about to speak when he put his index finger to his lips. Ayaw na niya ako magsalita kaya hindi ko na tinangka. "I'm running out of patience, tatlim. Start now or I will force you to dance?" Again, he sat like a king and waited to obey his command. Wala akong nagawa kundi tumalikod sa kanya. Pumuwesto ako at sinimulang igalaw ang aking katawan. Ayos lang kahit walang musika basta sasayaw na lang ako para wala ng problema. Kahit ano'ng gawin kong pagtanggi ay tiyak akong hindi niya ako pakikinggan. Unti-unti ko siyang nakikilala sa tuwing magkasama kaming dalawa. Siya ang tipo ng tao na hindi pinapakinggan ang panig ng iba. Kapag ginusto niya ay dapat masunod. Inisip ko na lang na isa siya sa mga lalaking nanonood sa 'kin sumayaw sa club. Kung ano ang ginawa ko kanina sa club ay iyon din ang ginawa ko ngayon. Nagsimula ng umindayog ang aking balakang. Mayamaya lang ay marahan akong pumihit paharap sa kanya at nang-aakit siyang tinitigan. My eyes clearly saw how many times he swallowed based on the movement of his Adams apple. Tinaas ko ang dalawang kamay at dinala sa likod ng ulo ko at dahan-dahang tinanggal ang tali sa buhok ko. Kasabay ng pagbagsak ng buhok ko ay ang pagkagat ko sa aking ibabang labi at malagkit ang tingin ipinukol sa kanya. Pinapungay ko ang mata ko sa paraang inaakit ko siya. Kumilos siya at dinala ang kamay sa necktie niya saka tuluyan na itong tinanggal dahil parang nahihirapan siyang huminga. He let out a deep breath before bringing his hand between his thighs. Bigla akong kinabahan. Muli akong tumalikod dahil may kakaiba na akong nakikita sa mga mata niya. Kinakabahan ako lalo na at dalawa lang kami dito sa cabin. "Stop. Face me, tatlim." Sumunod naman ako. Napaisip tuloy ako kung hindi ba niya nagustuhan ang sayaw ko. "Tell me, is that the dance you did in front of many men?" tiim ang bagang niyang tanong. His face became dark and there was something strange in his eyes that was scary to look at. "O-opo–" "f**k!" mariing mura niya sabay sipa sa kahoy na mesa. Kagat ang ibabang labi na napayuko ako dahil hindi ko na kayang salubungin ang mga titig niya. Galit siya. Galit na galit. "I won't ask who made you dance. But I'll make sure I don't disregard it." Napa-angat ako ng mukha sa huli niyang sinabi. Alam na rin kaya niya na si Mara ang nagpasayaw sa 'kin? Pero bakit galit na galit siya? Kung madalas siya sa club, may ideya na siya kung paano sumayaw ang mga kasama ko sa club. I didn't move immediately when he raised his hand and gave a sign for me to come closer. Parang gusto ko na lang magsayaw kaysa lumapit sa kanya. Pero dahil hindi ako pwede tumanggi, kahit nagsimula na naman akong kabahan ay dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nang nasa harap na niya ako ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Napasinghap na lang ako ng pinaupo niya ako sa kanyang kandungan at pinulupot ang braso sa manipis kong katawan saka binaon ang mukha sa leeg ko. Tumaas ang balahibo ko at nakiliti ng maramdaman ko ang mainit na buga ng kanyang hininga sa aking leeg. "I have to stop you from dancing because I might not be able to stop myself from dancing you on top of me." Medyo hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero hindi na ako nagtanong. Bigla kong naalala ang kamay niyang may sugat kaya pasimple ko itong tinapunan ng tingin. Pakiramdam ko ay dumadaloy pa rin ang dugo dahil may ilan pa akong nakikita na hindi pa tuyo. "K-kailangan natin gamutin ang sugat n'yo, Boss Rock. Baka ma-impeksyon kapag hindi nalinisan agad," pukaw ko sa katahimikan. Napaungol siya at binaon pa ang mukha sa leeg ko. Para siyang batang tamad na tamad na ayaw sumunod sa utos ng magulang. "I'm tired, tatlim." Ramdam ko ang pagod sa boses niya. Naawa tuloy ako sa kalagayan niya. Kung galing nga siya sa trabaho at dumayo pa siya sa club, mapapagod talaga siya. Hindi ba siya marunong magpahinga at nagagawa pa niyang pumunta sa club? "Magpahinga ka na. Lilinisin ko lang ang sugat mo." Akma akong tatayo ngunit pinigilan niya ako. "B–Boss Rock," utal kong wika ng hawakan niya ang baba ko at hinarap sa kanya ang mukha ko. "Your lips are my rest." I was unable to speak as he kissed me again on the lips. Napapikit na lang ako at tinugon ang halik niya. Kailangan ko ng masanay dahil sa tuwing nagkikita kaming dalawa ay palagi niya akong hinahalikan. Gusto ko mang kiligin sa sinabi niya pero hindi pwede dahil si Boss Rock ang kasama ko at hindi basta kung sino lang. He has exactly the same as a tiger, always prepared to take advantage of a chance to eat. His personality is scary. Natatakot ako sa kanya. Gusto ko batukan ang sarili dahil parang hinabol ko pa ang labi niya ng siya ang kusang tumigil. Nang magmulat ako ng mata ay titig na titig na naman siya sa akin. Napapaisip tuloy ako kung bakit palagi na lang ganito siya tumingin. Dahil ba simpleng mukha lang ang mayroon ako at hindi katulad ng mga nakilala niyang mga babaeng na may class? Kahit hindi ako magtanong kung ano'ng estado mayroon siya sa buhay, tiyak akong galing siya sa angkan ng mayayaman. Halata naman sa pananamit at pananalita niya. Iyon nga lang, bakit nagtitiis siya na ako ang kasama niya? Dahil ba wala akong laban? Dahil ba inosente ako? "When are you going to graduate again?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Bakit kaya niya tinatanong? "Malapit–" "When?" "D-dalawang buwan pa po." "Damn it. Why is it taking so long?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Big deal ba sa kanya na matagal pa ako magtatapos? Kasalanan ko ba kung 2 months pa bago ako magtapos? "I-iyon po kasi ang–" "I don't need your explanation," putol niya sa sasabihin ko at tila hirap na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "I can wait. I'll just use my hand." Natigilan na naman ako. Ano ba mga pinagsasabi niya? Ang weird niya minsan. "P-po?" Pumalatak siya at umiling-iling. "You're so innocent." Inalalayan niya akong maupo sa sofa bago tumayo. "Don't try to run away, tatlim. My men is just around. One wrong move, I won't hesitate to order them to shoot you." Awang ang labi na sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Kung tutuusin ay pwede na nga ako umalis at takasan siya pero hindi ko ginawa. Nakokonsensya ako dahil kasalanan ko kung bakit nagkaroon ng sugat ang kamay niya. Isa pa, mukhang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya kaya nanatili lamang akong nakaupo. Ilang minuto rin siyang nawala. Habang naghihintay ay nakakaramdam na ako ng antok. Para na akong namimingwit ng isda dahil maya't maya ang paglaylay ng ulo ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya ay tumuwid ako ng upo at kinurap-kurap ang mata ko. Nang balingan ko siya ay may dala na siyang medicine kit. Agad kong kinuha sa kamay niya ang dala at nilabas ang panglinis ng sugat. Muntik na akong mapapikit dahil nanuot sa ilong ko ang bango ng amoy niya. Saka ko lang napagtanto na naligo na pala siya base na rin sa namamasa niyang buhok. T-shirt na white na lang ang suot niya. Bagay na bagay ang white sa kanya. Para siyang modelo ng mamahaling damit. Nakasuot na lang din siya ng short at kitang-kita ko ang kahabaan ng biyas niya. Mabalahibo ang binti pero hindi pangit tingnan. Nakadagdag pa nga iyon sa ganda niyang lalaki. Pasimple kong pinilig ang ulo ko. Kung saan-saan na nakarating ang utak ko. Lumapit pa ako ng upo sa kanya para abutin ang kamay niya. Natigilan ako ng makita ko ang sugat at dugo sa palad niya. May bakas pa rin ng dugo ang sugat niya kahit nalinisan na ito ng tubig. "Are you afraid of blood?" walang emosyon niyang tanong. Parang natural na lang sa kanya na makakita ng dugo. Magtataka pa ba ako, e, parang hindi siya nagdalawang-isip kanina na lagyan ng sugat sa mukha ang intsik na 'yon? "Sa ganitong kaunting dugo, hindi naman po," sagot ko habang naglilinis na ng sugat niya. Napuno na ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos ko lagyan ng bandage ang kamay niya ay nag-angat ako ng mukha. Nakatulog na pala siya. Nakasandal ang ulo niya sa headrest ng sofa at bahagya pang nakaawang ang labi niya. Hindi na niya nagawang umayos ng higa dahil sa pagod at antok. Mabuti pa siya, nakatulog na. Biglang may ilaw na nagliwanag sa aking isipan. Base sa pagtaas baba ng dibdib niya ay mahimbing na siyang natutulog. Sa ganitong oras, tiyak akong tulog na rin ang sinasabi nitong tauhan. Pagkakataon ko ng tumakas. Hindi ko na pinagkaabalahan ibalik sa medicine kit ang mga ginamit ko. Wala dapat akong aksayahing pagkakaton. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito kahit imposible. At least, may ginawa pa rin ako at hindi basta tumunganga lang dito. Dahan-dahan akong tumayo. Kailangan hindi ako makagawa ng ingay dahil oras na marinig niya ako, tapos na ang araw ko. Kagat ang ibabang labi ay wala ng lingon likod na humakbang ako ng dahan-dahan hanggang sa marating ko ang pintuan. Napangiti ako dahil nagawa kong buksan ang pintuan na hindi nakakagawa ng ingay. Ngunit napatili ako ng marinig ko ang umalingawngaw na putok ng baril sa loob ng cabin. Isang putok pa ang narinig ko kaya nagtakip na ako ng tainga. "Where do you think you're going, young lady? Do you think you can run away with me? Come back here if you don't want me to end your life right there where you are standing." Puno ng pagbabanta ang timbre ng boses niya. Tumulo na lang ang luha ko ng marinig ko ang malamig niyang boses. Bukod pa sa hindi ako makakatakas sa kanya, bumalik sa ala-ala ko ang nangyari sa magulang ko. Ngayon na lang ulit ako nakarinig ng putok ng baril. Para akong na-trauma sa putok ng baril kaya ngayon ay humahagulgol na ako ng iyak habang sapo ng dalawang palad ko ang pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD