TANIELLA Sana nga kaya kong gawin. Pero bumalik ako sa reyalidad na hawak pa rin ang patalim habang titig na titig siya sa 'kin. "Do it, tatlim. Gawin mo kung iyan ang magpapasaya sa 'yo." Parang may kung ano'ng nagpabalik sa aking katinuan ng marinig ko ang mahinahon niyang boses. Para bang kahit may nakatutok ng patalim sa kanya ay wala man lang siyang ginawang kilos para pigilan ako na kung tutuusin ay kaya naman niyang gawin. Na para bang hahayaan niya ako sa gusto kong gawin maging masaya lang ako. Nahimasmasan ako. Unti-unti bumalik sa isipan ko kung paano niya ako pinapahalagahan. Kung paano niya pinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal na alam kong walang halong pagpapanggap. "I-I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry." These are the words that repeatedly came out of my mout

