Chapter 60

2399 Words

TANIELLA "Masyadong marami ang binili mong laruan, Ralphie. Baka hindi rin malaro ni Tristan ang iba riyan," sabi ko habang pinagmamasdan ang bunso kong kapatid na abala sa mga bago nitong laruan. Kaya pala hindi ko nakita ang mga laruan dahil nasa isang sasakyan na minamaneho ng tauhan niya na halos kulang na lang ay mapuno ang trunk dahil sa dami ng laruan na pinamili ni Ralphie. Tuwang-tuwa si Tristan habang isa-isa binubuksan ang mga laruan. Nakaalalay naman dito si Tamie. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa kapatid kong babae dahil nakikita nitong masaya ang bunso naming kapatid. Ma-e-enjoy na ni Tristan ang pagkabata nito. Hindi na nito mararanasan na gumawa ng mabigat na gawain na hindi angkop para sa edad nito. Hindi na ito magugutom. Makakain na ito ng tama sa oras. "Hayaan m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD