Nang makarating na sila sa Farm, sandaling iniwan ni Bert si Vangie sa sala. Iniupo niya ito roon at muling lumabas para kuhain ang mga gamit nila. Pilit namang pinakiramdaman ni Vangie ang kanyang sarili kung makatatayo na siya. Napapangiwi pa rin siya sa tuwing na ididiin niya ang kanyang paa. “Vangie!” gulat na tawag ni Bert sa nobya nang makita niya itong pilit na tumatayo. Binitawan niya sa gilid ng pinto ang mga dala nila at nilapitan ito. “Ano ba ang ginagawa mo? Bakit ka tumatayo?” “E-Eh, gusto ko tumulong.” Bumuntonghininga si Bert at tinulungan paupo si Vangie. “Umupo ka na riyan. Ako na ang bahala sa ‘yo. Sandali lang at aayusin ko lang ang mga gamit natin. Tapos maliligo tayo.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Vangie. Pinamulahan siya agad ng pisngi dahil sa sinabi ng

