“Ano ba ang nangyari, Bert?” tanong ni Lucia sa anak. Umuwe muna sila sa bahay nila dahil hindi mapakalma si June. Minabuti na lamang nila na ilayo si Bert sa tatlo. Nakaupo si Bert sa sofa. Sapo-sapo niya ang kanyang ulo at nakatitig lamang sa sahig. Naririnig niya ang mga sinasabi ng kanyang ina ngunit hindi niya iyon maunawaan. Andito ang katawang lupa niya pero na kay Vangie ang kanyang isipan. Katapat niya ang kanyang mga magulang na puno nang pag-aalala ang mukha. Bumuntonghininga si Boyong. “Sinaktan mo ba si Shane?” Agad na nag-angat ng paningin si Bert at mabilis na umiling. “Alam mong hindi ko magagawa ‘yon, pa. Ni minsan ay hindi ko nakitang ginawa mo ‘yon kay mama.” “Eh ano nga ang nangyari? Bakit na ospital na naman si Shane?” tanong ulit ni Lucia. Bumuntonghininga s

