“Uuwe ka na talaga? Sama ka na lang kaya sa amin?” ani Sheila. Nasa airport na silang tatlo. Papunta sila ni Anton sa Palawan, at si Vangie naman ay uuwe na sa Samar. Bumuntonghininga si Vangie at umiling. “Ayaw ko naman makagulo sa bakasyon niyo, ‘no? At isa pa, baka makasira lang ako sa gabi niyo,” makahulugang tiningnan ni Vangie ang kaibigan at si Anton. Napangiti naman si Sheila. “Hindi ka istorbo. Gusto mo samahan na kita umuwe?” “H’wag na nga. Kaya ko na ‘to.” “Sure ka? Patatawarin mo ba si Bert?” Natigilan si Vangie sa tanong ng kaibigan. Sa totoo lang ay hindi pa niya alam. Napagtanto niya kagabi na dapat pala ay pinakinggan niya ang paliwanag nito. Pero hindi pa naman huli ang lahat eh. Pupuntahan na lamang niya ito sa farm. Doon siya bababa. “Pag-iisipan ko pa. Sige

