Parang dinudurog ang puso ni Vangie habang nakasilip sa bintana ng kwarto ni Sheila. Natatanaw niya si Bert na kumakatok sa pinto. Sapo-sapo niya ang kanyang bibig at pilit na pinigilan ang sarili na mapaiyak nang malakas. Gusto niya itong babain, gusto niya itong yakapin, pero hindi magawang kumilos ng kanyang mga paa. Natulala lamang siya hanggang sa makaalis ito ng bahay ni Sheila. Nagtatalo ang isip niya at puso kung hahabulin niya ba ito. Kitang-kita niya ang hirap sa mukha nito. Akala niya ay wala na itong pakealam sa kanya dahil hinintay niya ito kagabi, pero hindi ito dumating. Ilang sandali pa siyang humagulhol sa itaas bago siya nag-asikaso na sa kanyang sarili. Medical na niya bukas at kailangan na niyang makarating doon. Pinilit niya ang sarili na maligo. Basta na lang siya

