Matapos magpa-medical ni Vangie ay sinamahan muna siya nila Sheila. Kung saan-saan siya dinala ng kanyang kaibigan. Hindi naman siya tumanggi dahil wala na siyang ibang pupuntahan. Kung uuwe naman siya ay hindi niya alam kung paano niya kakausapin si Bert. Kasalukuyan silang kumakain sa isang restaurant sa loob ng mall noong mag-vibrate ang kanyang cellphone. Noong tingnan ito ni Vangie ay mayroong tumatawag sa kanya. Natulala siya noong mabasa niya ang pangalan, si Bert. Nakaramdam siya agad na parang may tumarak sa kanyang dibdib na matalas na bagay. Napansin naman ni Sheila ang ekspresyon ng kanyang kaibigan. Tumigil siya sa pagsubo at sinilip ang cellphone ni Vangie. Agad na nangasim ang mukha niya nang makita niyang si Bert ang tumatawag. Pabagsak niyang binitawan ang kutsara niya

