Mabigat ang katawan ni Vangie noong magising siya. Gabi na kasi noong matapos sila, kaya naman ay sa farm na lang sila dumeretso ni Bert. Kailangan pa kasi nitong ibenta bukas ang pinaglukaran nila. Iniwan na muna nila ang mga sako-sakong mga lukba sa tapat ng bahay nila. Wala na sa tabi niya si Bert kaya naman ay tumayo na siya mula sa higaan. Hindi niya maiwasang mapangiti habang inaalala ang nangyari sa kanila kagabi. Ni minsan ay hindi niya inakala na mararanasan niya iyon. Matapos sa dagat ay sa pisak naman. Kakaiba talaga si Bert. Inayos na niya ang suot niyang malaking t-shirt ni Bert. Halos matakpan na ang maiksi niyang shorts dahil sa haba niyon. Sinuklay niya lang gamit ang kanyang mga daliri ang kanyang buhok at saka bumaba na sa unang palapag. “Be–” Natigilan si Vangie noo

