“Kapag may makakita sa atin talagang susuntukin kita, Bert. Kita mo,” ani Vangie. Unti-unti siyang bumaba sa lawa. Agad na nakaramdam ng kilabot si Vangie noong madikit ang kanyang balat sa tubig. Tirik pa rin ang araw ngunit malamig ang tubig. “Hindi nga ‘yan,” paninigurado ni Bert. Kinuha niya ang kamay ng nobya at inalalayan ito palusong. May mga bato siyang natatapakan habang pababa. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalusong at lumutang sa tubig. Napakapit agad si Vangie sa kanyang nobyo noong walang maramdaman ang kanyang mga paa. “Ang lalim naman!” gulat na sabi ni Vangie. Natatawang kinabig pa siya papalapit ni Bert. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa batok nito. “Akong bahala sa ‘yo,” ani Bert. Ipinulupot niya ang dalawang kamay sa baywang ni Vangie at bahagya itong hi

