Ilang araw din ang itinagal nila Vangie sa Palawan. Walang pagsidlan ang kanyang galak habang sila ay naroroon. Naligo sila sa beach at sinubukan ang mga water activities doon. Panay ang tawa ni Joseph dahil iyon ang unang beses nitong maranasan na maligo sa dagat. Nakaupo sa isang beach chair si Vangie habang tinatanaw si Joseph na humahabol kay Boyong. Nasa likod nito si Lucia na umaalalay sa bata. Sa tabi ni Vangie ay andoon naman si Bert na kanina pa panay ang lingon sa kanya. Nakasuot siya ng one piece swimsuit na kulay pula. Mayroon iyon takip sa may ibabang parte na manipis na tela. Natatakpan ang kanyang katawan mula sa sinag ng araw ng malaking payong na nakakabit sa kanyang inuupuang beach chair. “Tuwang-tuwa si Joseph,” nakangiting sabi ni Vangie. “Sigurado akong mami-miss n

