Chapter 5

2593 Words
*** [AKIKO] Naglalakad kami ni Bea sa floor ng 4th year nang makita namin si Lincoln at si Aya sa 'di kalayuan. Hinigit ako ni Bea para magtago sa malaking halaman na nasa harapan ng faculty ng mga teacher para masilip namin ang dalawa na mukhang nag-uusap sa hallway.  Nakatayo si Lincoln sa tapat ng pintuan ng classroom ng 4-B at si Aya na nasa tapat ng pintuan ng 4-C. "A-Aya, bukas ang zipper mo." malakas na sabi ni Lincoln. Pinanood namin ni Bea ang gagawin ni Aya at bigla itong humawak sa bahagi ng private part niya. Natawa  kami ni Bea dahil wala naman suot na pantalon si Aya at naka-jogging pants ito. "G-GAGO!" sigaw ni Aya kaya't tumawa ng malakas ang magaling kong kapatid. Napailing ako sa kalokohan ni Link samantala si Bea naman ay hindi napigilan na tumawa. Bumalik si Link sa loob ng classroom nila na tumatawa samantalang si Aya ay nakasimangot na pumasok sa classroom ng 4D. "Make-over lang talaga katapat ni Aya para mapatino  si Lincoln.." sabi ko at napatingin sa akin si Bea na nakakunot naman ang noo. "Ayaw nga ako samahan sa Watsons eh, ang magpa-make over pa kaya?" natatawang sabi ni Bea at umiling-iling. Nagpaalam si Bea sa akin na mauuna na siya dahil malapit na ang next subject nila after ng lunch break. Pumasok na din ako sa classroom ko at nakita ko sina Hanna na nakatingin sa akin. Napahinga ako ng malalim at walang gana na umupo sa pwesto ko. Kaklase ko ang rumored nililigawan ni Link at pati na rin sina Grace na kaibigan niya.  "Hi Akiko." bati ni Grace at hindi ko siya pinansin. "Kaibigan mo na pala ang dalawang losers ng 4D." sabi ni Faye at tiningnan ko siya ng masama. "Instead of calling them losers, ask yourselves kung bakit nasa 4A kayo? Do you really deserve the spot?" bawi ko at sinamaan nila ako ng tingin. Bumalik sila sa pwesto nila at hindi na ipinagpatuloy ang balak na paglapit sa akin. 4A has the reputation as the top section among our batch.. 4D ang pinakahuling section na nakapasok sa 85 rating grade and the sections letter E below aren't.  Kaya ako naiinis lalo dahil ang ilan sa mga nakapasok sa 4A ay hindi dahil matalino talaga, ang iba ay anak ng kung sinong opisyal na taga-school o kaya naman ay may back-up tulad nalang nina Grace. In all of them, Hanna is the only one who's studious and smart pero minsan nakakaduda din talaga kung totoong matalino siya at mahilig mag-aral. "A-Akiko, sorry sa ginawa ng mga kaibigan ko kay Aya."  Lumingon ako kay Hanna na kinulbit ako at nagsalita sa likod ko. Ka-rowmate ko si Hanna at ako ang nasa unahan niya. Nagkibit-balikat ako sa kaniya at ngumuso sabay tingin sa kaniya ng seryoso. "I don't know what's in your mind but you should not ask for an apology," sabi ko at napanganga ang bibig niya dahil sa sinabi ko. "What's wrong with what I said? Tama ako diba? Hindi ikaw ang dapat humihingi ng sorry." sabi ko pa at tiningnan ng masama sina Grace na nasa kabilang row, alam kong nakikinig sila. "P-Pero t-they did that because Link was-"  "No. They did that because they were a bunch of freaks who're full of insecurities." seryosong sabi ko without hesitations and not letting Hanna to finish her sentence. "Akiko!" sigaw ni Grace at tinaasan ko siya ng kilay. "What? Do you have any complaints? Kaya mo na ba ‘ko?" masungit na sabi ko at pinigilan ni Faye si Grace na magsasalita pa sana kaya ngumisi ako. "Why stop her? Friends shouldn't let their friend keep to themselves what bothers them," sabi ko at tiningnan ko si Hanna nakatungo.  "You know what Hanna? I used to like you."  Nagulat silang lahat sa sinabi ko pati na rin ang mga kaklase ko na hindi naman kasali kanina ay nanonood na sa amin. Kilala na nila ako na matapang at matabil ang dila. They knew me too well that they didn't want to interfere anymore. "A-Akiko ano bang sinasabi mo kay Hanna?!" inis na sabi ni Faye at lumapit sa akin.  Sinamaan ko siya ng tingin dahil isa si Faye sa mga nakisali na magbuhos ng malamig na tubig at magbasag ng itlog kay Aya. "We're not kids anymore to interfere with lives of anyone. Dinudugo na nga kayo at tinatagusan na rin sa uniporme. What's wrong if Aya is living in our house? Kayo ba ang nagbabayad ng tuition niya?!" galit na sabi ko at tiningnan ko sa mata si Faye. "Akiko, hindi ko alam kung bakit mo pinagtatanggol ang babaeng 'yon but I will say this just for the sake of us, being classmates," seryosong sabi ni Grace at tiningnan ko siya. "Hindi ka dapat nakikisali sa problema ng estudyanteng taga-ibang section." Napangisi ako sa sinabi ni Grace at kinuha ko ang water tumbler ko sa bag. Binuksan ko 'yon at lumapit ako sa kaniya sabay buhos sa ulo niya ng tubig. "Mabuti nalang hindi kita kaibigan, nagawa ko 'to sa 'yo. Thank you for reminding me that we aren’t friends." seryosong sabi ko at inirapan ako ni Grace samantalang si Hanna at si Faye ay dali-daling nilapitan ang kaibigan nila at pinunasan ito. "You don't mess with my friends and,." sabi ko at huminga ako ng malalim bago magpatuloy. "Don't let Lincoln release the beast in him." ***  Biglang dumating ang teacher namin sa kasunod na asignatura kaya nagsibalikan sa kaniya-kaniyang pwesto ang mga kaklase ko. Samantala, sina Grace ay nagpaalam kay Ma'am Pasumbal na pupunta sila sa comfort room. Dahan-dahan akong umupo sa upuan ko at nakinig sa lecture niya sa English IV. Hindi ko na namalayan kung ano nangyari sa mga kaklase ko. I'm  too tired watching Aya suffering from their bullshits. Mas lumala pa lalo ang pambu-bully nila kay Aya when they knew that she lives with us, she doesn't deserve any bad deeds. She has a good heart, one of the things that Link can't see. Natapos ang tatlong asignatura na mayroon kami at sa wakas ay malapit na mag-dismissal. Hinihintay ko nalang na tumunog ang school bell para makalabas ako ng classroom. Bawal kasi kami lumabas ng building if the school bell is not yet ringing. For the meantime, I opened my phone and I saw a few text messages from my siblings. Napailing ako dahil mukhang may emergency na naman sa mga kapatid ko. Ate Aki, you should meet us here at guidance.. Something happened. Napailing ako nang mabasa ang text message sa akin ni Lincoln. Nang mag-ring ang bell ay dali-dali akong tumakbo papunta sa guidance center dahil mukhang maipapatawag na naman si Mommy.  Pumasok ako sa loob at nakita ko si Alexander na wasak ang butones ng uniform at nakaupo ito sa couch habang nakayuko. Tiningnan ko naman ang katabi niyang babae na sira ang ribbon kaya napailing ako. Pati ba naman babae pinapatulan ni Alex? Nakakainis naman! "Finally, Miss Gonzales!"  Napalingon ako sa disciplinarian ng school nang magsalita siya at kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang pagkadismaya dahil hindi na naman si Mommy ang nakita niyang sumundo kina Alexander.  "Kailan ko ba makikita uli ang magulang ninyo? This is the fifth time already!" inis na sabi niya at may ibinigay sa akin na papel. "Sorry po, Mom can’t make it here since she has a lot of businesses to look after." mahinang sabi ko at nakita ko si Lincoln na kakalabas lang sa extension door ng faculty room. "I suggest to hire a tutor for the both of them para maiwasan ang pag-tambay nila ng matagal dito sa school premises and to avoid also ang abala sa inyong dalawa." payo niya at umiling naman si Lincoln. "We'll wait for you in the parking, Seth Alexander, tara na." seryosong sabi ni Lincoln at hinigit si Alexander na walang imik. Nagpaalam ako sa disciplinarian pagkatapos ko pirmahan ang papel na ibinigay niya para sa record na muling na-guidance ang kapatid ko.. Sanay na ang school staff sa amin na kami ni Lincoln ang sumusundo kay Alexander o kay Arjo kapag may mga ginagawang kalokohan ang kapatid namin. Minsan lang naman pumunta si Mommy dito sa school kahit na stockholder siya ng Phoenix na isa din sa mga palagay kong rason kung bakit galit si Lincoln kay Mommy.  Nakita ko ang SUV namin na sasakyan na nakapark sa loob ng parking at nakatayo sa likod nito si Lincoln habang nakasandal at nakatingin sa akin ng walang gana. Yari na naman sina Arjo pag-uwi..  "Nakasakay na ba si Arjo at si Alexander sa loob?" tanong ko at binuksan naman ni Lincoln ang compartment nang makalapit ako sa kaniya. Inilagay ko ang bag ko sa compartment at sumakay sa sasakyan. Sumakay din si Lincoln sa unahan kung saan katabi niya ang family driver namin. Samantala, si Arjo at si Alexander naman ay tahimik na nakaupo sa tabi ko. "Si Aya?" tanong ko at lumingon sa likod namin, wala siya. "Huwag na hintayin at hindi dapat sumabay sa ‘tin." sabi ni Lincoln at kumunot ang noo ko. "Ha? Sa iisang bahay lang tayo uuwi, bakit hindi siya sasabay sa atin?!" naguguluhan na tanong ko at nakita kong nagkabit ng seatbelt si Lincoln. "She is our housemaid. Simple as that." sabi ni Lincoln at napanganga ako dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nakipagtalo pa kay Link dahil mahaba-habang diskusyon ang mangyayari kung makikipagtalo ako sa kaniya. Ano bang bago sa sinabi niya? Palagi naman masama ang ugali ng kapatid ko. Wala pa nga ako nakikitang babae na naging mabait si Lincoln. Kahit magsindi ako ng kandila sa iba't-ibang simbahan, malayo sa isang porsyento na bumait si Link sa mga babaeng nasa paligid niya. Nakarating kami sa bahay at pagod na pagod akong inilapag ang bag ko sa center table na nasa salas. Nakita ko si Alexander at si Arjo na dahan-dahan umaakyat ng hagdan kaya sinigawan ko sila. "Seth Alexander!" asar na tawag ko at napatigil naman sila sabay baba ng hagdan. "Bumalik kayo dito!" sigaw ko at agad na sumunod  ang dalawa. Walang ganang nakatingin sa akin si Lincoln habang nakasandal sa railings ng hagdan. Umiiling ito sa sakin sabay cross-arms. Kahit na isang taon lang ang gap namin dalawa e takot sa akin si Link at ang dalawa pa. "Ano na naman bang problema niyo?!" inis na sabi ko at yumuko naman si Alexander dahil alam niyang siya ang tinatanong ko. "Alexander! Bakit pinatawag na naman kami sa guidance?!" tanong ko. "N-Nainis kasi ako. Kinakausap ko siya pero hindi niya ako pinapansin." sabi ni Alexander at napakunot ang noo ko. Tinandaan ko ang mukha ng babae na inaway ni Alexander at maganda ang babae. "Ha?! Anong katangahan 'yon Alex?!"  "May gusto ako sa kaniya!" napipilitang umamin si Alexander sa akin at napasampal ako sa noo ko. "Ano ka ba?! Kung may gusto ka edi maging mabait ka! Bakit kailangan mo gupitin ang ribbon niya?!" asar na sabi ko kay Alexander. Second year high school si Alexander samantalang first year high school naman si Arjo. Kahit na magkakalapit ang baitang namin, malaki ang gap ng age namin sa kanila.  "Sorry Ate." sabi ni Alexander at tiningnan ko siya ng masama. "Pwede ba? Kung magkaka-crush kayo sa isang tao pwede ayosin niyo naman? Huwag 'yun aabot sa punto na kamuhian na kayo!" galit na sabi ko at nag-walk out ako sa kanilang tatlo. Padabog akong pumasok ng kwarto ko at agad na nagpalit ng damit para mailagay na sa laundry ang uniform namin. Hihiga sana ako nang maalala ko na wala pa si Aya at hindi ko pa siya nakikita. Bumalik ako sa baba at nakita ko si Link na nakaupo sa sofa habang nagtotono ng gitara niya. "Nasa kwarto na sina Arjo, huwag mo na guluhin." seryosong sabi niya at umiling ako. "Si Aya ang hinahanap ko, dumating na ba siya?" tanong ko at tumango siya. "Nasa kusina." tipid na sabi niya at naglakad naman ako papunta sa kusina. Nakita ko si Aya na nagluluto ng pagkain at nakasuot pa ito ng uniform. "Kanina ka pa ba?" tanong ko at umupo ako sa bar stool namin na nasa may kitchen counter. "Dumating ako nung nakita kitang nag-walk out sa mga kapatid mo. Hindi na ako nakabati sa 'yo, sorry ah?" nakangiting sabi niya habang hinahalo ang ulam na niluluto niya. "Okay lang, stress lang talaga ako lately." kwento ko at pinagmasdan si Aya. Mabuti pa si Aya, kahit kapos sa pera sobrang galing naman sa gawaing bahay. Samantalang ako, nagagawa ko nga lahat ng gusto ko pero makapagluto ay hindi ko magawa. "Aya, kanino ka natuto magluto?" tanong ko at tiningnan niya ako. "Kay Tita Gemma." sabi niya at napakunot ako ng noo. "Inampon niya ako." dagdag pa niya at napanganga ako. "E diba pamangkin ka niya?" tanong ko at umiling siya. "Pamangkin lang ang pakilala namin pero parang anak na niya ako." sabi niya at lalo akong naguluhan. "Kaibigan niya kasi ang Mama ko pero nung namatay si Mama, napunta na ako sa kaniya dahil ayaw sa akin ng tatay ko." sabi niya at bigla ako nakaramdam ng lungkot. Mayroon pa rin palang mga magulang na ayaw sa anak. Sabagay, sina Link nga ayaw na nakikita si Mommy. "Sorry ha." paghingi ko ng paumanhin at umiling sa akin si Aya. "Ano ka ba? Wala ka naman dapat ika-sorry." sabi ni Aya at ngumiti lang ako. "Wala ka talaga dapat ika-sorry, hindi mo naman kasalanan na naging ulila ang babaeng 'yan." Napalingon ako kay Lincoln na biglang pumasok sa kusina at dumeretso sa harapan ng ref. Wala talagang magandang salita na lumalabas sa mga bibig ni Lincoln sa tuwing bubuksan niya ito sa harap ni Aya. "Boomer." bulong ni Aya at sinamaan siya ng tingin ni Lincoln. "Bakit ka ba naging housemaid? Ang pangit mo na nga naging katulong ka pa dito." inis na sabi ni Link at gusto ko na siya kurutin para tumigil dahil mukhang naaasar na si Aya. "Nagbabayad ako ng utang na loob okay?" asar na sabi ni Aya at padabog na inilagay ang kawali sa sink nang maihango niya ang ulam sa plato. "Kanino? Sa nanay ko?" pag-usisa ni Lincoln at hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Link! Ang sensitive na ng mga tinatanong mo! Tumigil ka na nga!" asar na sabi ko at umiling si Link sa akin sabay balik ang atensyon kay Aya. "Pwede ka naman magbayad ng utang na loob sa ibang paraan, ito pa ang napili mo." kumento ni Lincoln at natigilan si Aya pati na rin ako dahil sa sinabi ni Link. Ano ba kasing gusto ng kapatid kong 'to? Nakakastress na talaga dito sa bahay. "Sige nga. Kung may iba pang paraan bakit ako nandito?" tanong ni Aya at ngumisi naman si Lincoln. "Magpaka-alipin ka sa 'kin." seryosong sabi ni Link at nasamid ako kahit na wala akong ininom o nilunok na kahit anong bagay. "Ano ba 'yan Link?! Doon ka nga!!" sabi ko at hinigit ko si Link palabas ng kusina. Nakita kong namula si Aya sa sinabi ni Lincoln. Kahit na hindi naman talaga romantic ang purpose ni Lincoln ay nagmumukhang nakakakilig ang sinasabi ng kapatid ko. Nakakaasar talaga 'to si Link! Isa ito sa mga charms na mayroon si Link, kahit na hindi nakakakilig ang sinasabi niya ay bigla kang makakaramdam ng kilig dahil sa pagkaka-deliver ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. Kaya siguro ang dami din nagkakagusto sa kapatid ko lalo na nang sumikat ang ensemble o nsum. "Nakikipag-usap ako kay Aya bakit bigla mo ako hinigit?" asar na sabi ni Lincoln at inayos ang sleeves ng damit niya dahil hinigit ko ito. "Pakikipag-usap ba 'yon? Binabalasubas mo si Aya." reklamo ko at umiling siya. "Inaalam ko lang kung bakit nakatira sa atin ang pangit na 'yon." kwento niya at sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi nga sabi pangit si Aya!" pagtatanggol ko. "Maniniwala akong maganda 'yan kung magiging katulad mo 'yan pero aasa ka pa ba?" sabi ni Lincoln at umalis sa harapan ko. Maniniwala akong maganda 'yan kung magiging katulad mo 'yan. Minsan talaga mapapaisip ka nalang kung pinupuri ba ako ng kapatid ko o hindi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD