Chapter 6

3054 Words
***  Araw ng Biyernes. Lahat ng high school student ng Phoenix ay nakasuot ng PE Uniform dahil ito ang nakatakdang araw para sa asignatura na PE.  Hindi ako sumabay kina Akiko para pumasok dahil sumasama ang timpla ko sa tuwing makikita ko si Lincoln na bwisit na bwisit din sa akin kapag nakikita niya ako. Akala naman niya ay siya lamang ang nabibwisit kapag nagkikita kami. Mutual kaya. Bumaba ako sa jeep nang makita kong nasa tapat na ako ng school at naglakad ako papasok sa gate nang makita ko si Bea na kakababa lang sa sasakyan nilang puti. Inihatid siya ng Daddy niya kaya siguro hindi siya late ngayon. Lumapit ako kay Bea at agad na inakbayan ang kaibigan ko sabay tingin sa mukha niya na hindi maipinta. "Anong meron? Ang aga-aga ang pangit ng mukha mo dyan." sabi ko at umiling naman si Bea. "Aalis sina Mama dahil mag-aout of the country sila kaya solo na naman ako sa bahay." sabi niya at nauna na maglakad papasok kaya sumunod ako. "Ayaw mo nun? Pwede mo gawin lahat ng gusto mo." sabi ko at umiling siya. "Mas gusto ko na nandito sila kasama ko kaysa lagi nila ako inihahabilin kay Tita Jennie."  "Kung ako lang siguro kasama mo sa bahay at housemaid niyo, baka masaya ka pa ngayon." nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok ni Bea. Kung pwede lang talaga na kina Bea nalang sana ako naging kasambahay, matutuwa pa ako. "Hoy!" sigaw ni Bea at hinampas ako ng malakas. Napaatras ako sa kaniya dahil papaluin niya sana uli ako sa braso nang lumayo na ako. Ano na naman kayang naisipan niya at sobrang tuwang-tuwa siya? "Binigyan mo ako ng idea! Ang brilliant mo talaga!" masayang sabi niya at nagmamadaling umakyat ng hagdan. Sumunod ako sa kaniya dahil sa pagmamadali niya.. Nang makarating kami sa ika-apat na palapag ng building namin,, nakita ko si Bea na nakahinto sa harap ng pintuan ng Section 4A. Anong problema nito? "Anong ginagawa mo dito? Mamaya ikaw ang mabasagan ng itlog eh." bulong ko at kinurot ako ni Bea sabay taboy sa akin. "Good morning! Si Akiko Gonzales po, nasaan?" tanong ni Bea at napatingin naman ako sa paligid dahil pinagtinginan ng schoolmates namin si Bea. Ang lakas kasi ng boses niya. "Anong gagawin mo? Tara na sa room baka nandoon na si Ma'am!" aya ko kay Bea dahil kinakabahan ako sa gagawin niya. "Mauna ka na kaya! Ang kulit mo e!" naaasar na sabi niya at sumisilip sa bintana. Hinahanap si Akiko na kanina ko pa din hinahanap dahil wala siya sa loob ng classroom. "Tabi nga pangit!" May tumulak sa akin at sasamaan ko sana ng tingin nang makita ko si Lincoln na dere-deretsong pumasok sa classroom nila na katabi ng classroom nina Akiko. Wala talagang modo ang lalaking 'to. "Bea, tara na. Mukhang wala si Akiko sa room nila." aya ko kay Bea at nakasimangot siya na sumama sa akin papasok sa classroom namin. Nagtataka akong naupo sa pwesto ko at napatingin sa labas. Katabi ko ang bintana ng room namin at mula sa pwesto ko ay tanaw mo ang open field pati na rin ang school premises ng college na nasa kabilang bahagi. Napahinga ako ng malalim dahil mukhang patatakbuhin na naman kami sa oval mamaya. Nakasimangot akong nakinig sa discussion ng teachers namin habang nagja-jot down ng notes hanggang sa tumunog ang school bell. Takda na kailangan na namin pumunta sa oval. " Bakit kasi kailangan pa magkakasama lahat ng section per level?" reklamo ni Bea habang inaayos ang pony tail niya. "Apat na taon mo na inirereklamo 'yan." kumento ko at ngumisi naman ang kaibigan ko. Nakita namin si Akiko na kausap ang isang teacher namin at kinawayan namin siya ni Bea. Lumapit siya sa amin agad nang makita niya kami at niyakap naman siya ni Bea na ikinagulat namin dalawa. "Ang clingy mo nakakadiri ka." reklamo ko at natawa si Akiko. "Anong meron?" tanong niya.  "Akiko, gusto mo mag-sleep over sa bahay?!" masayang tanong ni Bea at nagulat kami parehas sa sobrang energetic ng pagkakatanong ni Bea. "H-Ha? P-Pwede naman pero hindi makakasama si Aya kapag hindi ako pinayagan ng Mommy ko." sabi ni Akiko at hindi nawala ang ngiti sa mukha ni Bea. "Okay lang, ang mahalaga ay makapagsleepover kayong dalawa sa bahay." masayang sabi niya at umiling ako bilang pagtutol. "Exam na natin next week kaya huwag muna." sabi ko at sumimangot naman si Bea. "Hindi ko alam na grade conscious ka pala Aya." sabi ni Akiko at umiling ako. "Hindi, inaalagaan ko lang na huwag bumaba sa 85 ang grade ko." sabi ko at tumawa naman si Bea. "Grabeng pag-aalaga 'yan ha!" sabi ni Bea at sinamaan ko siya ng tingin. "Phoenix! Fall in line according to your section now!" Naghiwa-hiwalay na kaming tatlo at pumila ng ayon sa section namin. Nainis ako dahil binago ng coach ang line up ng sections. Imbis na A, B, C, D, E, hanggang G. Ginawa niya itong A, C, B at D. Edi naging katabi ng section namin sina Lincoln na pinakaayaw ko. Nakasimangot akong lumipat ng pwesto sa likod ni Bea at hindi ako lumilingon sa kanan ko dahil katabi ng linya ko ang linya nina Lincoln na sobrang gugulo. Ang ingay nila sa likod kaya nakakainis. "Sino ba ang maingay dyan sa likod? Please be quiet!" sigaw ni Coach at tumahimik naman sila pero tumawa uli sina Lincoln. 50-meter run ang ipapagawa sa amin ngayong araw kaya pinapila lahat batay sa apelyido at sa height. Hindi ako umalis sa pwesto ko dahil hindi pinagalaw ang B at D. Section A at Section C muna ang pinauna ni Coach at nagsimula na sa linya nina Akiko. Hindi pa rin tumitigil sa kwentohan sina Lincoln kaya hindi ko na napigilan na mag-eavesdrop sa pinag-uusapan nila. "Kakaiba talaga ang Ate mo, biruin mo inaway sina Hanna!." natatawang sabi ng kaklase niya at ngumisi si Lincoln. "Don’t mess with Akiko or else-" natatawang sabi naman ni Calvin. "Stop talking about her. IOnce marinig kayo ni Ate malalagot kayo." natatawang sabi ni Lincoln at napatingin sa akin si Calvin kaya umiwas ako ng tingin. Nahuli ba niya ako? Ang bobo mo talaga Aya! Sabi kasing makinig lang, huwag tumingin! "Link, is Aya the reason why you stopped courting Hanna?" narinig ko ang boses ni Calvin at parang nananadya dahil alam niyang nakikinig ako. "Stop joking around Calvin. Suntok sa buwan kung si Aya ang magiging reason ko. That face? Insane!" seryosong sabi ni Lincoln at napakagat ako sa labi ko dahil pinipigilan ko na sumabat sa usapan nila. Ang yabang talaga ng lalaking 'to! "Diba pinagpipilitan ni Akiko na maganda si Aya. Bakit ayaw mo?" natatawang sabi naman ni Mikko. "Maganda? That face? Don’t joke around, we’re talking seriously!" hindi makapaniwalang sabi ni Lincoln at napatingin ako sa kanila na masama ang titig sa lalaking nagsalita. "Jerk!" mahinang sabi ko at napatingin sa akin ang tatlo. "K-Kanina ka pa dyan?" gulat na tanong ni Mikko at hindi ko siya pinansin, mas sinamaan ko ang tingin ko nang tumingin sa akin si Lincoln na nang-aasar. "Kupal mo." sabi ko pa at natawa siya ng malakas kaya narinig nina Coach at dali-daling sumipol sabay lapit sa amin. "Sino ba 'yun maingay dyan? Kanina pa pinagsasabihan diba?" galit na sabi ni Coach nang makalapit siya ng sakto sa ‘min. "Mendoza!" sigaw niya at napatayo ako dahil sa akin talaga siya nakatingin. Tumingin ako kina Lincoln at lahat sila nakaturo ang daliri sa akin. Mga hayop! "A-Ah? H-Hindi po ako! Sina Lincoln po 'yun!" pagtatanggol ko sa sarili ko at umiling si Coach. "Nangsisisi ka pa ng iba. Tumakbo ka ng dalawang beses!" galit na sabi ni Coach at bigla akong hinigit sa unahan para makapagsimula ako sa track. Tumakbo ako sa buong oval ng dalawang beses dahil nasermonan pa ako ng isa pang coach na kasama namin. Tiningnan ko naman ng masama sina Lincoln na tumatawa habang pinapanood ako na nagpapaikot-ikot sa oval. Nakakaasar talaga ang mga hayop na 'to. Nakita ko pa na vinivideohan ako ni Lincoln habang tumatawa kaya napailing ako lalo sa inis. Mababawian din kita! Hingal na hingal ako na tumigil sa may gilid at binigyan agad ako ng grade na 85 nina Coach kahit na dapat 90 pataas din ako tulad nina Bea pero dahil nagkaroon ako ng violation na pagiging maingay 'daw', edi ang baba ng grade ko. Nakakaasar lang talaga. Nang matapos ang klase namin sa PE, naglakad na kaming laaht pabalik sa kaniya-kaniyang classroom. Katabi ko si Akiko at si Bea na nagkukwentohan tungkol sa make-up kaya hindi na ako nakisali.  Napadaan kami sa may tapat ng comfort room na may malaking salamin sa labas na nakakabit sa dingding kaya napalingon ako at nakita kong sobrang oily na ng mukha ko. Naiwan ko pa naman ang panyo ko sa bag kaya sa sleeves nalang ako ng shirt ko nagpunas ng mukha. Nakasabay namin sina Mikko sa paglalakad at nasa gitna nila si Lincoln na basang-basa ang buhok. Siguro dahil tumakbo din sila sa buong oval kaya basang-basa siya ng pawis. Ang gwapo ni Lincoln lalo na kapag basa-basa ang buhok nito. Pero ubod naman ng sama ng ugali kaya huwag nalang din purihin pa. "Bakit nakatingin ka? Mahal mo na 'ko?" mayabang na tanong ni Lincoln sa akin at iniwasan ko siya ng tingin. Sira na ang araw ko, huwag na niya lalo sirain. "Ang snob mo naman. Akala mo naman ang ganda mo." sabi ni Lincoln at sinamaan ko naman siya ng tingin ngayon. "Wala na ba talagang preno ang bibig mo? Daig mo pa ang ilang bading na maiingay sa kalye!" asar na sabi ko at nauna na maglakad sa kaniya. Narinig kong tumawa sina Mikko at narinig kong nagmura si Lincoln. Humarang siya sa gitna lalong-lalo na sa dadaanan ko kaya hindi ako nakalakad agad. Ang tangkad pa naman ng lalaking 'to kaya hanggang balikat lang niya ako dahilan na  nakatingala ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. "Alis nga!" galit na sabi ko at itinulak siya pero bigla niyang hinawakan ang wrist ko. "A-Anong problema mo?" seryosong tanong ko at pilit na umaalis sa pagkakahawak niya. "Anong sabi mo kanina? Bakit ako maingay?" tanong niya at natigilan ako dahil parang gusto niya ipaulit sa akin ang sinabi ko kanina. "Sabi ko ang ingay mo para kang bading." asar na sabi ko at bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Tumingin siya sa labi ko at napaatras ako pero hinawakan niya ang bewang ko. "Do I look gay to you Aya?"  Umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko nang marinig ko ang tono ng boses niya. Biglang naging bedroom voice ang boses ni Lincoln at gusto ko na magpumiglas sa kaniya dahil kinakabahan na ako ng sobra. Bukod sa sobrang dami na ng estudyante na nakatingin sa amin ay hindi ko na kaya ang init na lumalabas sa katawan niya. May narinig din akong capture sound ng camera kaya nagpumilit akong lumayo sa kaniya. "A-Ano ba? Bitawan mo nga ako!" sabi ko at pilit na bumitaw sa pagkakahawak niya. Binitawan niya ako at inilayo niya ang mukha niya sa akin. "Mahina!" sabi niya sabay kindat at nilayasan ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Tumatawa sila ng mga kaibigan niya habang naglalakad palayo sa amin. Naramdaman ko si Akiko at si Bea sa gilid ko at nakatingin kina Lincoln na nagtatawanan. "Buhay ka pa ba girl?" natatawang tanong ni Bea at tumango ako. "H-HAAAAAAAAAA! NAKAKAINIS KA TALAGA LINCOLN GONZALES!" malakas kong sigaw at alam kong narinig nila ako kaya lumingon sa akin si Lincoln at ang mga kaibigan niya. "Noted, Aya!" nakangising sabi ni Lincoln sabay kindat bago sila nagpatuloy maglakad. Umirit ng umirit si Bea at si Akiko sa gilid ko kaya napatakip ako sa tenga ko. Ang ingay nilang dalawa. Ano bang problema nila?! Anong nakakakilig don?! NAKAKABWISIT KA TALAGA LINCOLN! Ang g**o na ng mundo ko dahil sa 'yo! "Tara na nga! Tama na 'yan!" sabi ko at nauna na mag-lakad. Hindi tumigil sina Bea sa kakiligan na nararamdaman nila at patuloy silang napapalakpak ni Akiko habang naglalakad kami pabalik sa floor namin. Magpapalit na kaming lahat ng department shirt dahil napawisan ang pangitaas namin. Magkasabay kami ni Bea na pumasok ng comfort room at pinili ko ulit ang dulong cubicle.  "Aya, tapos na ako magbihis kaya uuna na ako sa labas. Hintayin nalang kita." sabi ni Bea at narinig ko ang pinto ng mismong comfort room na sumara. Naupo ako sa kubeta at nagsimulang umihi nang may marinig ako na kaluskos at nagtatawanan na babae. Hindi ako gumagalaw dahil baka gumawa ako ng kahit anong ingay pero hindi ako natuwa sa pinag-uusapan nila. Mabuti nalang hindi ako maingay umihi. "Akala naman niya hahalikan siya ni Link! Duh! Ang pangit-pangit kaya niya!"  "Asa siya! Diring-diri nga sa kaniya si Link eh. Yikes!"  "Kung ako sa kaniya, titigilan ko ang pagtira sa bahay nila kasi baka magkagusto lang ako kay Link. Sa pangit niyang 'yon, walang pag-asa!" natatawang sabi niya. Lumabas na sila ng CR pagkatapos nila akong laitin. Lumabas na rin ako ng cubicle at naghugas ng kamay. Nakita ko si Bea na naka-upo sa bench kaya naglakad ako papalapit sa kaniya. Tumayo siya agad at naglakad kami pabalik ng classroom. Hindi ako nakikipag-usap kay Bea kahit na sobrang daldal niya sa akin at may ichinichismis na naman siya. Wala ako sa mood at mukhang naubos na din ang energy ko. Palagi nalang ako tapunan ng tukso dito sa school simula nang madapa ako sa harapan ni Lincoln noong first year at natapon sa ulo ko ang juice na hawak niya. Instant celebrity! ***  Nakauwi ako ng matiwasay sa bahay at nagsimulang gumawa ng trabaho ko. Inilagay ko sa laundry lahat ng damit ng mga amo ko kasama ng akin. Naglinis din ako sa kusina at sa dining hall bago ako magluto. Tumingin ako sa ref at manok na lang pala ang naiiwan na pagkain. Siguradong kailangan na mamalengke bukas.  Inilabas ko ang manok sa fridge at hinugasan ito. Adobo nalang muna ang lulutuin ko dahil sina Akiko lang naman ang nandito sa bahay. Umalis na si Ma'am Lynne noong isang araw dahil babalik na siya sa ibang bansa. May business kasi sina Akiko sa ibang bansa kaya laging wala ang Mama nila. Sa pagkakatanda ko sa kwento ni Tita Gemma, nagsimulang umalis-alis ng bansa si Ma'am Lynne noong mamatay ang asawa niya. Kaya siguro lalong lumayo ang loob nina Lincoln sa kaniya. "Aya, may gagawin ka ba mamaya?"  Napalingon ako kay Akiko na kakapasok lang sa kusina at ngumiti ako sa kaniya. "Hindi naman. May kailangan ka ba?" tanong ko at sumimangot si Akiko. "Nagpapatulong kasi si Alexander, kaso hindi ko naman alam kung paano gumawa nung pinapagawa niya." sabi ni Akiko at napakunot ang noo ko. "Ano ba 'yun?" tanong ko. "DNA Helix model, hindi ako magaling sa crafts eh pero kaya ko sagutan ‘yun mga activities." sabi ni Akiko kaya tumango ako. "Gawan mo na ng sketch sa papel, 'yun tamang sagot. Ako na ang bahala sa model." sabi ko at ngumiti naman si Akiko sabay alis. Nagsaing ako at nagluto ng ulam. Inihain ko na rin ang pagkain nila saka ko sila tinawag para kumain. Dumating agad sina Arjo sa dining hall dahil gutom na daw sila. Hindi ko naman nakita si Lincoln na umuwi kasabay nina Akiko kaya hindi ko na siya tinawag. Marahil ay nasa practice ng banda si Lincoln. Sumabay ako kina Akiko kumain at nagkukwentohan sila kaya nagtaka ako. Kapag kasi nandito si Ma'am Lynne ay sobrang tahimik nila, pero ngayong hindi nila kasama ang ina ay madami kang maririnig na kwento mula kina Arjo. "Alexander, sinasabi ko sa 'yo! Maging mabait ka sa crush mo kung ayaw mong bugbugin kita!" striktong sabi ni Akiko at napangiti naman ako. "Crush mo pala ang inaway mo noong isang araw?" natatawang sabi ko at sumimangot si Alexander. Natapos ang hapunan na may mga ngiti sa labi sina Alex. Iniwanan na nila ako sa salas na nanggagawa ng project ni Alex samantalang natulog na sina Akiko dahil pagod ang mga ito. Sumapit ang alas dose at nagliligpit na ako ng mga kalat na nagawa ko habang ginagawa ang project ni Alex nang pumasok si Lincoln. Nakasuot nalang siya  ng sleeveless na kulay itim na itinerno sa jogging pants namin. "Kakain ka ba?" tanong ko nang makapasok siya sa loob ng bahay pagkatapos isara ang pinto. Umiling siya sa akin sabay kuha ng cellphone sa bulsa niya. Aakyat na sana siya nang magsalita ulit ako. "Kumain ka, ipinagtira kita ng pagkain. Late ka daw kasi uuwi sabi ni Akiko." sabi ko at nagmadaling tumayo.  Naglakad ako papasok sa kusina at inihanda ang pagkain ni Lincoln. Mabuti nalang ininit ko ulit ang kanin at ulam kanina bago ako gumawa ng project ni Alex. Naglapag ako ng plato at kubyertos sa lamesa kasama ng ulam at kanin. Nakita ko si Lincoln na naglalakad papasok ng dining hall. "Bakit gising ka pa panget?" tanong ni Lincoln at sumimangot ako dahil okay na ako kanina, tinawag na naman niya akong panget. "Nagpatulong si Alex sa project niya kaya gising pa ako." sabi ko. "Ipaggawa mo rin ako ng project." seryosong sabi niya at napanganga ako. Ang kapal talaga ng mukha nito.  "Project? Anong project?" kunot noong tanong ko dahil pare-parehas lang naman ng guro sa mga asignatura ang lahat ng fourth year kaya napatanong ako kung anong project dahil mukhang may nakaligtaan akong anunsyo. "Wala. Hindi ka kasali, bawal ang pangit." sabi niya at nagsimulang kumain. Kinuha ko ang project ni Alexander at naupo ako sa katapat ni Lincoln na tahimik na kumakain. Lalagyan ko ng plastic cover ang project ni Alex para hindi ito mabasa kung sakaling umulan sa Lunes at pasahan na. "Ipaggawa mo ako ng lyrics ng kanta na kakantahin sa School Trip." Natigilan ako nang magsalita si Lincoln at napanganga na rin at the same time. Sino bang tanga ang susunod sa pinapagawa niya? "Ha? Malay ko kumanta. Ako pa papagawin mo. Sa tula nga hirap na hirap na ako." sabi ko at napaisip ako kung anong project ang sinasabi niya. Mukhang hindi naman ‘yon para sa academics dahil sabi niya ay para sa school trip ito. Siguro tutugtog sila sa araw na ‘yon. "Gawin mo na. Hindi din pwede na hindi ka kasama sa school trip ng fourth year. Required 'yon sa grades." sabi niya at napasimangot ako. "Hindi ako sasama." sabi ko at kumunot ang noo niya. "Edi bagsak ka, ako pa naman ang committee sa attendance." mayabang na sabi niya at lalo akong napasimangot dahil gagawa talaga ng paraan si Lincoln na bumagsak ako once na hindi ako umattend sa school trip na gaganapin pagkatapos ng exam. "Oo na." mahinang sabi ko at nagsimulang gumupit ng plastic cover. "Aasahan ko sa Thursday 'yun lyrics ah, pumayag ka na." sabi niya at bigla akong nilayasan. "Hoy! Hindi ako pumayag don!" asar na sabi ko. Sino bang tanga ang susunod sa pinapagawa niya? Baka ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD