Chapter 1

4539 Words
***  "Tita, huwag ka na mag-alala. Magtiwala ka lang sa akin." sabi ko at hinaplos ang balikat ni Tita Gemma. ''Magpakatatag ka! Huwag mo hayaan na pahirapan ka nina Lincoln sa bahay. Mababait naman ang mga ‘yon!" payo ni Tita Gemma at tumango lang ako. Iniwan ko sa kwarto si Tita Gemma at naglakad ako papunta sa kusina. Mamayang hapon ang nakatakdang pag-alis ko at paghihiwalay namin ni Tita Gemma dahil simula ngayong araw, kina Lincoln na bahay na ako titira. Kung hindi lang siguro humingi ng pabor ang aking tiyahin ay hindi naman ako papayag na doon ako manirahan. Ulila na akong lubos simula ng mapunta ako sa puder ni Tita Gemma. Noong pitong taong gulang ako, namatay ang ina ko dahil sa isang sakit samantala ang tatay ko naman ay may iba ng pamilya at hindi na ako gusto ampunin pa. Kaya, kinupkop ako ni Tita Gemma at itinuturing na anak kahit na hindi niya ako kadugo. Nakapag-aral ako sa tulong ng amo ni Tita Gemma na sina Mr. at Mrs. Gonzales, pinaaral nila ako sa Phoenix kung saan doon din napasok ang mga anak nila na sina Akiko. Ngayon, isa siguro sa rason ‘yan kung bakit mapupunta ako sa puder nina Akiko.. ‘Yon ay ang pagbabayad ng utang na loob. Napabuntong-hininga ako at nagsimulang mag-impake ng mga damit ko. Hindi ako sigurado sa pinasok ko at kung bakit ko gagawin ito dahil hindi ko naman kasundo ang mga Gonzales lalong-lalo na ang ikalawang anak nila na lalaki na nasa Class 4B.  Maswerte siguro ako kung magiging kaibigan ko ang Ate nila na si Akiko na nasa Class 4A. Kung hindi man ako makatiis sa loob ng bahay nila ay hahayaan ko nalang na tumigil ako sa pag-aaral at maging online seller nalang din tulad ng iba kaysa makisama sa lalaking sobrang conceited. Nakakainis man isipin pero si Tita Gemma ang most trusted person ng pamilya nila kaya siguro ako ang napagpasahan. "Aya, bilisan mo na! Susunduin ka daw ng anak ni Ma'am Lynne sa Waltermart!" sigaw ni Tita Gemma at napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Lumipas ang isang oras at tiningnan ko ang mga gamit na dala ko. Isang backpack at isang malaking bag na pinaglalagyan ng mga damit ko. Kinakabahan ako na isinukbit ang bag at humalik sa pisngi ni Tita Gemma.  "Tita sumama ka nalang kaya?" nalulungkot na sabi ko at yumakap sa kaniya. "Anak, alam mo naman na hindi pwede dahil sa sakit ko." naiiyak na sabi niya at mas humigpit ang yakap ko. "Mamimiss kita Tita kaya dapat magpagaling ka, huwag mong kakalimutan uminom ng gamot!" sabi ko at hinaplos niya ang buhok ko. Sumakay ako ng trike at malungkot na nakamasid kay Tita Gemma na kumakaway sa akin bilang paalam. Umiiyak ako habang nasa byahe dahil ayaw ko na iwanan si Tita na nag-iisa sa bahay lalo na at may sakit itong tuberculosis. Madalas pa naman ito makalimot na uminom ng gamot.  Ibinaba ako ng tricycle na nasakyan ko sa terminal na malapit sa Waltermart at nagbayad ako ng 15 pesos kay Manong. Naglakad ako papunta sa unahan ng Waltermart at umaasa na makita kung sino man ang poncio pilato na susundo sa akin sa lugar na ito. Naupo ako sa hagdan at inilapag ang gamit ko. Nakasimangot na naghihintay na baka may lumapit sa akin. Mahigit isang oras na rin ako nakaupo at medyo naiinis na din ako dahil sa gutom na din. Sigurado ako na si Lincoln ang nautusan na sumundo sa akin at hindi ako susunduin nun. Napakaarte pa naman ng lalaking ‘yon lalo na kapag nakakasalubong ko siya sa school, ang sama ng tingin sa akin at para bang diring-diri sa akin. Bwiset! Kumalam ang tyan ko at hindi ako mapakali dahil nagugutom na ako kakahintay sa susundo sa akin. Ano ba? Lord? Ikaw na ba ng susundo sa akin? Bakit po ang tagal? Ahh!  ***  After four hours. Nakayuko ako nang imulat ko ang mga mata ko at hindi pa din ako nakakaalis ng Waltermart. Malapit na din magsara ang mall at hanggang ngayon ay hindi pa dumadating ang susundo sa akin.  Huminga ako ng malalim at napatingin sa pulang bubuyog na nasa supot na hawak ng babaeng naghihintay ng jeep. Hindi ko magalaw ang pera na meron ako dahil allowance ko na ‘to hanggang sa susunod na buwan kasama ang pamasahe. Mababawasan ‘to ng malaki bago pa makaabot sa sahod. Sana naman dumating na 'yun susundo sa akin at yayakapin ko na talaga siya. Magiging mabait na po ako Lord, please. "Ang pangit mo maghintay dyan. Tara na!" masungit na sabi ng lalaki. Napatingala ako at napatingin sa lalaking matangkad na nasa harapan ko. Nakasuot ito ng itim na pants at white na hoodie na tinernohan ng puting sapatos. Ang gwapo sana pero pinaghintay ako. "Sa wakas!" sigaw ko at hindi napigilan na yakapin ang lalaking nasa harapan ko at huli na nang ma-realize ko na ang tanga ko sa sitwasyon na 'to. "Kadiri! Pwede ba lumayo ka?!" inis na sabi niya at tinulak ako palayo kaya muntik na ako matumba. Hinawakan niya ako sa braso sa takot na mahulog ako sa hagdan kaya't natigilan kaming dalawa dahil sobrang lapit ng katawan niya sa akin. "S-Stupid girl! Tara na nga!" masungit na sabi niya at dinampot ang malaking bag na dala ko na nasa sahig. Dali-dali naman akong sumunod sa kaniya at patakbo akong bumuntot dahil sa laki ng hakbang niya at nagmamadali pa. Nakarating kami sa isang red na sasakyan at agad niyang inilagay ang bag ko sa likod sabay sakay sa loob. Napahinga ako ng malalim dahil mukhang matagal-tagal na gyera ang papasukin ko. Binuksan ko ang pinto sa likod at agad kong sinalubong ang nag-aapoy na mga mata ni Lincoln dahil sobrang sama ng tingin niya sa akin. "I’m not your driver so don’t sit there, idiot!" inis na sabi niya at dali-dali naman akong sumakay sa tabi niya dahil mukhang papatayin na ako ng mahal na prinsipe. Ikinabit ko ang seat belt ko at narinig ko nalang ang signal na inilock niya ang mga pinto ng sasakyan. Tahimik lang kami sa byahe at naramdaman ko na mainit ang ulo niya. Siya pa talaga ang mainit ang ulo? Ako nga itong pinaghintay niya ng higit sa apat na oras. Hindi ko na talaga maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking 'to! "Pagkarating natin, ayosin mo ang mga gamit mo tapos ipagluto mo na kami ng pagkain. My siblings didn’t take any food today so you better serve us good food since you’re earning from us.." seryosong sabi niya at nagpanting ang tenga ko. Wala talagang manners ang lalaking 'to! Hindi man lang ako tanongin kung kumusta ako at kung okay lang ba ako? Sabagay hindi naman kasi ako talaga ka-close ng tangang ito.  "Are you mute?!" asar na sabi niya at napakunot ang noo ko. "Ang init ng ulo mo. Huwag mo nalang ako kausapin." asar na sabi ko at napanganga ang bibig niya hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Wala ka talagang kwenta. Hindi ko alam bakit walang taste ang Mom ko at ikaw pa talaga ang kinuha." seryosong sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.  Ang bastos ng bunganga ng lalaking 'to. Ang sarap tirisin talaga na parang kuto! "Pasalamat ka nagmamaneho ka, kung hindi sinakal na kita." bulong ko at nauntog ako sa may dashboard ng sasakyan dahil biglang prumeno si Lincoln, the devil. "Ano ba?!" galit na sabi ko at nilingon siya na nakangisi sabay tuloy ng pagmamaneho. "Malakas ang panrinig ko, huwag mo ako gawing bingi." aniya. Tumahimik ako buong biyahe at hindi na siya kinausap pa. Naririnig-rinig kong kumakanta si Lincoln at hindi ko mapigilan na ma-amaze dahil maganda ang boses niya. Sikat si Lincoln sa school dahil siya ang vocalist ng nsum o ensemble kung bubuohin. Isang high school band na binuo ng Chamber Winds at may planong gawing under management ng Nano Entertainment. Sikat na sikat sila sa school kaya alam ko ang ilang detalye ng banda nila lalo na at ka-batch ko din sila. Napapailing ako dahil sa mga naiisip ko na pangyayari sa loob ng isang buong araw. Tingnan mo nga naman ang tadhana kung paano maglaro. Hindi ko inakala na magiging kasambahay ako ng mga nagpapaaral sa akin at kasama ko pa sa bahay ang vocalist nila na sobrang sama ng ugali. Kanino ba nagmana si Lincoln? E ang bait-bait ng kapatid niyang si Akiko. Ampon siguro ang lalaking ‘to. "Bumaba ka na at buksan mo 'yun gate para maipasok ko 'tong sasakyan." sabi ni Lincoln at napalingon ako sa kanan ko nang makitang nasa tapat kami ng isang malaking bahay.  Ganoon na lamang ang ikinagulat ko at napanganga talaga ako dahil hindi ko akalain na sobrang ganda pala ng bahay ng mga Gonzales kung saan nagsilbi si Tita Gemma ng mahigit 20 taon. "Ano na? Ang bagal mo naman kumilos." reklamo ni Lincoln at napasimangot ako. Bumaba ako ng sasakyan niya at binuksan ang malaking gate nila na kulay itim. Tumabi ako dahil mukhang may balak talaga si Lincoln na banggain ako nang ipasok niya ang sasakyan sa loob ng garahe. Bumukas ang lahat ng ilaw sa garahe pati na rin sa maliit na hardin ng bahay kaya't nagulat ako nang lumabas si Akiko mula sa loob ng bahay. Kinuha naman ni Lincoln ang bag ko sa compartment at ang backpack ko na nilagay ko sa likod na upuan. "Aya!" Napatingin ako sa babaeng sumigaw at humahangos papalapit sa amin. Si Akiko, ang babaeng naging kasama ko sa tent noong camping. "H-Hello Akiko." pagbati ko at ngumiti siya sa akin sabay hawak sa kamay ko. "Welcome home!." nakangiting sabi niya at hinigit ako kaya't hindi na ako nakalingon pa kay Lincoln na naiwan namin sa labas. Pumasok kami sa loob at kung gaano kaganda ang labas ng bahay nila ay ganoon din ka-elegante ang loob ng bahay. Mababakas mo na mayaman ang pamilya nina Lincoln. Pumasok kami sa dining room at may pinasukan na isa pang silid si Akiko kaya sumunod ako sa kaniya kung nasaan ito pala ang kusina.   May hallway na papasok sa katabing pinto ng backyard door kaya sumunod ako kay Akiko na naglalakad papunta doon. May pinto siyang binuksan at ipinakita niya sa akin ang kwartong pagi-stayan ko. Sakto lamang ang laki ng kwarto para sa akin. May isang kama at dresser na nasa loob. May lamesa din at upuan na maaaring magamit ko sa tuwing mag-aaral ako.  May bintana ang kwarto kaya't nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang magiging maaliwalas naman ang pagtira ko sa bahay nila. "Gusto mo tulungan na kita mag-unpack ng mga gamit mo?" masayang tanong ni Akiko at tumanggi ako dahil nakakahiya sa kaniya. "N-Naku! Huwag na. Nakakahiya." mahinang sabi ko at ngumiti lang siya sa akin. "Mamaya nandito na si Mommy kaya bilisan mo na ang pag-aayos ng gamit mo. Puntahan mo nalang ako sa kwarto ko pagkatapos mo dyan." nakangiting sabi niya at iniwanan ako. Lord, ito na nga ang simula ng pagbabayad. Sana matiis ko na kasama ko si Lincoln sa bahay na ito at ang dalawa niyang kapatid na lalaki na walang ibang ginawa kundi ma-report sa Principal's Office ng Phoenix Highschool Department. Sana kayanin ko. Tumingin ako sa paligid ko at napansin ko na wala pa ang mga gamit ko. Hawak nga pala ni Lincoln ang isa kong bag na malaki kaya wala pa rito. Inilapag ko ang backpack ko sa lamesa at binuksan ko ang pinto nang biglang sumulpot si Lincoln sa harapan ko. "Ang bigat ng gamit mo. Ako pa talaga ang pinagdala mo. Oh heto!" inis na sabi niya at biglang inihagis ang bag ko kaya sa sobrang panic ko ay nasalo ko ito at natumba sa harapan niya. "Noob." panglalait niya at umalis sa harapan ko. Napailing ako dahil hindi ata matatapos ang araw na ito na hindi ako nabibwisit sa lalaking 'yon! Gustong-gusto ko na siya gulpihin! Bumangon ako agad at kinuha ang bag. Nagsimula agad akong ilagay ang mga damit ko sa dresser. Samantala, ang mga libro ko at ang mini lampshade na moonlamp na niregalo sa akin noon ay inilagay ko sa ibabaw ng lamesa. Napatingin ako sa sapatos ko na nasa bag. Isang para sa formal uniform at isang PE shoes. Napailing ako at napahinga ng malalim nang makitang may kaunting sira na ang sapatos ko. Kapag nagkasahod ako sa pagiging alipin ko dito sa bahay nina Lincoln, mapapalitan ko na ang sirang sapatos na meron ako. Kailangan ko lang talaga tiisin ang pagiging magulo ng magkakapatid at mabubuhay ako sa mundong ito. Huwag lang sana kumalat sa school na naging kasambahay na ako nina Lincoln dahil lalo akong pagpipyestahan. ***  Nang maalala ko na pauwi na ang Mommy nila, agad akong nagluto sa kusina. Sinigurado ko na masarap ang mga ulam na ihahanda ko dahil hindi ko pa nakikita ng personal si Ma’am Lynne na lalong dumagdag sa kaba na mayroon ako ngayon. Naghain ako ng pagkain sa malaking lamesa nila at hindi ko maiwasan na mag-fan girl sa bahay nila dahil puro gold at white ang nakikita ko sa loob. Napaka-elegante talaga ng bahay nila. Masama lang talaga ang nakatira lalo na 'yun Lincoln ang pangalan. "Ang bango!"  Napatingin ako sa lalaking nakasuot ng sando at naka-pajamas na blue. Sa palagay ko ito ang bunso sa magkakapatid pero hindi ko sigurado kung anong pangalan niya. "Hello, ikaw ba ang bagong maid namin?" sabi niya at hindi ako natuwa sa nakakalokong ngiti niya. "Y-Yup. Ako si Aya, ikaw? Anong pangalan mo?" tanong ko at inilahad ko ang kamay ko sa kaniya bilang pago-offer ng shakehands. "I'm Arjo and my cockroach is happy to meet you!" sabi niya at hinawakan ang kamay ko at huli na nang makita kong may ipis sa palad ko. "Ahhhhh!!!"  Pinagpag ko ang kamay ko sa beywang ko at nagtatalon ako dahil sa takot.. Hindi ko akalain na sa unang araw ko na ito ay nadalawahan na agad ako ng magkapatid. Grabe talaga! "Aya!" sigaw ni Akiko kaya't napatigil ako. "Anong nangyari?!" gulat na tanong ni Lincoln at dali-dali itong bumaba ng hagdan. Napaiwas ako ng tingin at tumalikod sa kanila. Ano bang nangyayari sa bahay na ito? Biglang sumulpot si Lincoln na naka-tapis lamang ng puting twalya at basa-basa pa ang buhok nito. Gago! Kahit naman na masama ang ugali ng lalaking 'yan, ubod naman ng gwapo 'yon! Nakakainis! "Link! Magbihis ka nga muna!" sermon ni Akiko at narinig ko na tumatakbo paakyat ng hagdan si Lincoln. "Ano bang nangyari? Bakit ka sumisigaw Aya?!" nagtatakang tanong ni Akiko at napahinga ako ng malalim. "May ipis sa kamay ko kanina dahil sa kapatid mo!." sumbong ko at napasampal naman sa noo niya si Akiko. "Van Arjo!" sigaw ni Akiko at napatimo naman bigla ang kapatid niyang tawang-tawa sa gilid. "S-Sorry ate!" natatawang sabi niya at sinamaan ko naman ng tingin si Arjo. "Pasensya ka na Aya, ipagpatuloy mo na 'yung ginagawa mo. Ako na bahala sa pasaway kong kapatid." sabi niya at ngumiti sa akin. Buti nalang talaga mayroong nage-exist na Akiko sa bahay na ito. Kung wala siguro, kanina pa ako namatay. "VAN ARJO! GO BACK HERE OR ELSE-!" sigaw ni Akiko at sinundan ang kapatid na tumakbo pataas ng hagdan. Napailing ako dahil parang warzone ang bahay na ito dahil sa mga kapatid niya. Hanga ako kay Akiko, saan niya kaya nakuha ang mahabang pasensya para sa mga kapatid niya? Napailing ako at bumalik sa kusina. Kukuha ako ng kubyertos at baso para ilagay sa lamesa dahil malapit na mag-alas siyete. Naglalagay ako ng mga kubyertos sa tray nang may sumulpot sa likod ko. Hindi ko siya nilingon dahil sigurado akong isa lang 'yun sa magkakapatid. "May kailangan po ba kayo?" tanong ko at isinara ang drawer. "So I guess you are Aya." she said with pure elegance. Napatigil ako sa ginagawa ko at dali-daling lumingon. Ang tanga mo Aya!! Bakit ba kasi hindi ka lumingon? "H-Hello po Ma'am. Ako po si Aya, tama po." mahinang sabi ko at nginitian niya ako sabay iling. "Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong niya at tumango naman ako. "Tara na, ilagay mo na 'yan sa lamesa at kumuha ka na din ng plato at kubyertos na para sa 'yo. Dine with us." aniya. Lumabas si Ma'am Lynne ng kusina at agad na umupo sa upuan na nasa dulong gitna ng lamesa. Hinubad niya ang coat niya na puti at inilagay ito sa sandalan ng upuan. Mukhang naghihintay siya at wala pa rin ang mga anak niya sa lamesa. Napailing ako dahil mukhang magkakaroon ng humiliya mamaya. "Ma'am, saglit lang po. Tatawagin ko lang sila." sabi ko at akmang lalabas ng dining hall nang pigilan niya ako. "Please be seated, Aya." seryosong sabi niya kaya't napaupo ako agad dahil sa kaba ko. Napakasopistikada ng tindig ni Ma'am Lynne kaya hindi mo mapipigilan na hindi sumunod. Bawat galaw niya, napakagraceful. Maganda din si Ma'am Lynne kaya hindi maipagkakaila na anak niya nga sina Akiko dahil maganda din si Akiko at ang mga anak niyang lalaki na pasaway ay may itsura rin. "Aya, nakapag-explore ka na ba dito sa loob ng bahay?" tanong niya at napalingon ako sa kaniya. “H-Hindi pa po masyado Ma’am. Late na din po kasi ako nakarating dito sa bahay, nagluto po ako agad ng hapunan.” sabi ko at napailing naman si Ma’am Lynne kaya napaiwas ako ng tingin. “Did Lincoln---”  “Ah! Na-traffic daw po kasi si Lincoln kaya ano po..” mahinang sabi ko at pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil mukhang mapapagalitan si Lincoln kapag sinabi ko ang totoo na apat na oras akong naghintay sa lalaking ‘yon kanina. “M-Mom!” gulat na sabi ni Akiko nang makita niya si Ma’am Lynne na nakaupo na sa harap ng hapag-kainan. Dali-daling tumakbo pabalik sa itaas si Akiko at pinagkakatok ng malakas ang mga pinto ng kwarto na sa palagay ko ay kwarto ng mga kapatid niya. May narinig akong mabibilis na yabag ng paa at napatawa ako ng mahina nang makitang sunod-sunod na dumating ang mga anak niya sa may pintuan at mukhang mga nagmadali. "When will all of you learn that when it’s 7:15 PM, you should eat already.”" sermon ni Ma'am Lynne at nagulat ako dahil hindi ko akalain na napakastrikto niya pala sa oras. "S-Sorry mom." mahinang sabi ni Alexander at ni Arjo. "S-Sorry Ma, nag-lecture lang ako kina Arjo.." paumanhin naman ni Akiko. Tiningnan namin lahat si Lincoln na nagse-cellphone. Inaabangan kung ano ang isasagot niya sa Mama niya. Kinakabahan ako dahil mukhang walang gagawin si Lincoln. Hayop talaga ng lalaking 'to! "Lincoln Gonzales!" sigaw ni Ma'am Lynne at napalayo ako sa kaniya dahil sa takot. Grabe ang tono ng pananalita niya. Parang gustong isako si Lincoln. "Okay." mahinang sabi ni Lincoln at napakunot ang noo ko dahil hindi man lamang siya humingi ng paumnahin dahil sa ginawa niya. Nakakadisappoint talaga ang lalaking ‘to. "Let’s eat, Aya you should join us too." seryosong sabi ni Ma'am Lynne at umupo ako sa tabi ni Akiko.  Nasa kabilang dulo si Lincoln samantalang si Arjo at si Alexander naman ay nasa harapan ko. Si Akiko na nasa tabi ko at tahimik na kumakain. Walang nagsasalita at hindi ako sanay dahil sanay ako na kakwentohan ko si Tita Gemma kapag kumakain kami sa bahay. "S-Sorry po pero pwede magtanong?" sabi ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napatigil sa pagkain ang apat at tiningnan naman ako ni Ma'am Lynne na nakataas ang kanang kilay niya kaya't nasamid ako dahil sa kaba. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kaniya. "Hindi po ba dapat nag-uusap kayo dahil nagsalo-salo kayo sa hapag kainan? Ang tahimik po kasi ng pamilya niyo." seryosong sabi ko at kinurot naman ako ni Akiko sa binti kaya napatingin ako sa kaniya. "You shouldn't have said that." bulong ni Akiko kaya napalingon ako kay Lincoln na umiiling. "Sa palagay mo ija, kung masaya ang mga anak ko na nandito ako, tahimik ba kami?" tanong niya at natigilan ako dahil hindi ko nada-digest ang sinasabi niya. "Don't tell her too much about that, bobo ang babaeng 'yan. Hindi ka niya maiintindihan." kumento ni Lincoln at uminom ng isang basong tubig. Ang sama talaga ng ugali ng taong 'to. Malapit na maging red alert ang signal ko pagdating sa kaniya! "Lincoln, stop saying nonsense." seryosong sabi ni Ma'am Lynne at agad kong iwinagayway ang kamay ko bilang pagpigil sa kaniya. "N-Naku Ma'am, hayaan niyo na po." mahinang sabi ko at napatungo. "I'm done eating. I should head to my room now." mahinang sabi ni Ma'am Lynne at tumayo sabay kuha ng coat niya na nakasabit sa sandalan ng upuan. Naglakad siya paalis ng hapag kainan pero bago siya lumabas ng pintuan ay tumigil siya at nagsalita. "Aya, meet me in my room after finishing the dishes." seryosong sabi niya at naubos na lamang ang dugo ko sa sobrang kaba ko dahil sa sinabi niya. Umalis si Ma'am Lynne ng dining hall at natahimik kaming lahat. Pagkalipas ng tatlong minuto, inilapag ni Lincoln ng malakas ng baso sa lamesa at sinamaan ako ng tingin. "Next time, know your limits. Huwag ka nanghihimasok ng buhay ng mga amo mo. You should know when you should stop talking." galit na sabi niya at padabog na umalis. Tiningnan ko naman si Alexander at si Arjo na tapos na din kumain. Nakaiwas ang tingin ng mga ito sa akin at dali-dali rin na umalis ng silid. Napahinga naman ako ng malalim dahil mukhang na-offend nga sila sa ginawa ko. Pero out of curiosity ko lang naman talaga naisipan na sabihin 'yun sa kanila. "Aya!" mahinang sabi ni Akiko kaya't napalingon ako sa kaniya na nakangiti. "Thank you!" masayang sabi niya kaya't napakunot ang noo ko. "Huh? Anong thank you? Nawalan kaya ng gana ang lahat kumain." sabi ko at umiling siya. "Nope! Sa totoo niyan ay mukhang tinamaan si Mommy sa sinabi mo.." aniya. Umiling ako at ngumiti lalo si Akiko dahil gusto niyang ipagpilitan ang naisip niya. "Akiko, hindi pa ako tumatagal sa trabaho ko sa inyo e mukhang masesesante na ako mamaya." biro ko at natawa naman siya. "Baliw! Maniwala ka lang, masungit man si Mom pero mabait 'yon." sabi niya at ngumiti ako. Nagkwentohan kami ni Akiko hanggang matapos siyang kumain. Niligpit ko na din ang hapagkainan at nagsimulang maghugas ng mga nagamit na pinagkainan. Niligpit ko na din mga pinaglutuan para hindi ipisin at langgamin ang kusina.  Hindi pa ako nakakaakyat sa taas kaya hindi ko alam kung alin ang kwarto ni Ma'am Lynne. Pumunta ako sa salas at nakita ko si Arjo na naglalaro ng PS4. "Arjo." tawag ko at nag-hmm lang siya sa akin. "Saan ang kwarto ng Mommy mo?" tanong ko at hindi man lang ako nilingon ni Arjo para sagutin. "Ikalawang pinto sa kaliwa." sabi niya kaya iniwan ko na siya at umakyat na ako sa white marble na hagdan nila na may kulay gold na railings. Tiningnan ko ang hallway at ang daming pinto. Siguro nasa anim ito. Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko ang ikalawang pinto na sinasabi ni Arjo. Kumatok ako at nagsalita. "M-Ma'am?" sabi ko at pinihit ang door knob. "WHAT THE f**k?" sigaw ni Lincoln at nanglaki nalang ang mata ko dahil naabutan ko siya na nagpapalit ng damit at tanging boxers lang ang suot. "S-Sorry!" sabi ko at tumalikod sa kaniya. Isinara ko ang pinto at napahawak ako sa dibdib ko. Lord? Ano ba? Ano ba talagang trip mo? Pagod na ako ngayon araw sa sobrang dami ng nangyari. Dagdag pa sa iisipin ko kung bakit madalas ko na makita si Lincoln na h***d o kaya naman bagong ligo. Nakakaasar! "Aya? Anong ginagawa mo sa labas ng kwarto ni Lincoln?" Napalingon ako at nakita si Akiko na kakalabas lamang sa kwarto niya. May dala itong tumbler at mukhang pupunta sa kusina. "H-Hinahanap ko ang kwarto ng Mama mo, hindi ko kasi makita. Itong pinto na 'to ang itinuro ni Arjo." sabi ko at napailing ako dahil mukhang naisahan na naman ako ng bunso nila. Tangina na naman oh! "Ha? Dulong pinto sa kaliwa ang kwarto ni Mama." sabi niya at dali-dali ko siyang iniwan dahil mukhang kanina pa ako hinihintay ni Ma'am Lynne. Kumatok ako sa pinto niya at pinihit ang door knob. Nakita ko si Ma'am Lynne na nakaupo sa mini sofa niya at may binabasa na libro. "M-Ma'am." sabi ko at tiningnan niya ako. "Aya, sit down." aniya at umupo ako sa upuan na nasa harapan ng sofa. "P-Pasensya na po kayo kanina, na-offend ko po kayo." sabi ko at ngumiti siya sa akin. "Don't be too worried about it Aya. Natutuwa nga ako dahil na-open mo 'yan. It might be an eye opener for all of us." sabi ni Ma'am Lynne kaya napatingin ako sa kaniya na nakakunot ang noo ko. "A-Ano po?" hindi ko makapaniwalang sabi. Ang inaasahan ko na sasabihin niya eh sesante na ako sa trabaho ko. "It's been a year since we had a good conversation. Simula nang mawala ang asawa ko ay hindi na ako kinakausap ng maayos ng mga anak ko." kwento niya at tiningnan ko siya dahil nabakas ko ang lungkot sa mukha niya. Hindi ko inaasahan na wala na palang tatay sina Lincoln. Kaya siguro ganoon nalang katigas ang ulo nila dahil walang nagdidisiplina at tumatayong ama sa kanila. "S-Sorry po Ma'am." mahinang sabi ko at ikinumpas niya ang kamay niya bilang pagtutol sa sinabi ko. "Don’t be sorry about it Aya, instead you should help me nalang.." seryosong sabi niya. Hindi ko inaasahan na hihingian ako ng tulong ni Ma'am Lynne kaya napahinga ako ng mabigat dahil mukhang mabigat nga ang pinasok kong trabaho. Hindi lang pala kasambahay ang kailangan ni Ma'am Lynne, kundi disciplinarian din. "Please make your patience more longer than it is right now." paghingi niya ng pabor at napailing ako dahil hindi ko alam kung magagampanan ko ba ang gusto niya mangyari. Ngayon pa nga lang na ang dami na nangyari sa loob ng isang araw naiiyak na ako. Sa mga kasunod pa kayang panahon? Hay. "Please be patient.. especially in Lincoln." sabi ni Ma'am Lynne kaya napalingon ako sa kaniya dahil narinig ko ang pangalan ng pasaway niyang anak. "Lincoln is the closest child of my husband among all of them." "A-Ah?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Kaya humihingi ako sa 'yo ng pabor na sana habaan mo ang pasensya sa anak ko dahil maaaring hindi pa siya nakakamove-on sa nangyari. My husband died 4 years ago and I guess he hasn’t moved on yet.." aniya. ***  Tumagal ako ng ilang oras sa loob ng kwarto ni Ma’am Lynne. Napag-usapan din namin ang tungkol sa sahod ko monthly at kung ilang beses ako pwedeng mag-leave o umabsent. Napapailing ako habang iniisip ko ang mga napag-usapan namin. Mabigat ang responsibilidad na tinanggap ko.  Naglakad ako pababa at papasok na sana sa kwarto na binigay sa akin ni Akiko nang makita ko si Lincoln na naghahalungkat sa kusina. "M-May kailangan ka ba?" tanong ko at napatingin sa akin si Lincoln na nakakunot ang noo. Dali-dali siyang lumapit sa akin at nanglaki na lamang ang mata ko nang ikulong niya ako sa bisig niya. Napasandal ako sa pader at akmang itutulak siya nang biglang niya hawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ko at ipinako sa dingding. "Hanggang kailan mo ko kaya pagsilbihan?" bulong niya. Lahat ng dugo ko umakyat sa mukha ko at biglang naginit ang pakiramdam ko. Hindi ako makagalaw. Sobrang lalim ng mga mata niya at nakakalunod ito. "T-Teka lang hindi lang ikaw ang amo ko." seryosong sabi ko at ngumisi siya. "But among all of us, I should be the special." aniya at biglang kinagat ang tenga ko kaya napasigaw ako na agad niyang tinakpan ng kamay ang bibig ko. "Bakit ka ba nangha-harass?" sabi ko nang tanggalin niya ang kamay sa bibig ko. "Trip ko lang." aniya. Binitawan niya ako at sunod-sunod ang paghinga ko dahil mukha akong nakulong kanina. Walang hangin na dumadaloy sa akin dahil sa init ng katawan ni Lincoln. Haaaa! Ano ba naman itong bahay na ito? Puro abnormal ang mga tao! Nagdadabog ako papasok ng kwarto ko at binuksan ko ang ilaw nang mapatingin ako sa kama. May nakapatong na chocolate. Napatingin ako sa kusina nang maalala ko si Lincoln. Sa kaniya ba galing ‘to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD