***
[AYA]
Maaga akong gumising dahil araw ng Lunes at maaga ang pasok ko. Magluluto din ako ng almusal nina Akiko para ngayong umaga ay makakain sila bago pumasok. Kahit na maaga akong gumising ngayong umaga, late na din ako natulog kagabi dahil ianral ko pa lahat ng files na ibinigay sa akin ni Ma’am Lynne tulad ng mga personal information ng mga anak niya. Lalong-lalo na kung saan allergic sina Akiko para maiwasan kong maglagay ng ano man pagkain na bawal sila sa mga lulutuin ko.
Hindi ko pa din binubuksan hanggang ngayon ang chocolates na nakita ko kagabi dahil mukhang prank ang mga ito para sa akin. Pero dahil hindi ko na din napigilan ang sarili ko, binuksan ko ang wrapper at alam ko na agad sa sarili ko. Hindi ako nagkamali, na-disappoint ako.
Ang akala kong tsokolate ay kalamansi pala ang laman.
Nakasimangot akong nag-asikaso ng sarili at nagluto ng almusal. Pagkatapos ko magluto, nauna na ako kumain sa kanila dahil ayoko sila sabayan. Naiinis kasi ako ngayon at ayokong ipakita sa kanila na bad mood ako.
"Good morning Aya!" nakangiting bati sa akin ni Akiko nang makita niya akong nakatayo sa dining hall.
"Good morning, kumain ka na." nakangiting sabi ko.
Nagsimulang kumain si Akiko at agad naman na sumunod ang magkapatid na Alexander at Arjo na nakabihis na rin ng uniporme. Napatingin ako sa may pinto ng kusina dahil umaasa ako na makikita ko si Lincoln. Sampung minuto nalang ang natitirang allowance time namin bago makarating sa school kaya’t maaaring ma-late siya kung hindi agad makapag-almusal.
"Hindi naga-almusal si Lincoln, huwag mo na asahan." sabi ni Akiko at napatingin ako sa kaniya.
"E si Ma'am Lynne, hindi din ba?" tanong ko at umiling naman si Akiko.
"Much better na ipagtabi mo nalang ng pagkain si Mommy dahil hindi pa ‘yun kakain ngayon. Mamaya pa siyang alas nueve.” sabi niya at tumango naman ako.
Gaya nga ng sinabi ni Akiko, ipinagtira ko ng pagkain si Ma'am Lynne dahil mamaya pa siya kakain. Hindi na ako nakapagpaalam kay Ma’am Lynne na papasok na ako. Sinabi naman sa akin ni Akiko na automatic na ‘yon at alam ng Mommy nila na nasama ako sa school.
Sumabay ako kina Akiko papasok dahil dumating na ang driver nila na stay out. Magkakasama kami sa sasakyan at sa tabi ako ng driver sumakay. Nakarating kami sa school at nagpaalam ako kay Akiko na mauuna na ako. Hindi ko siya kaklase dahil matalino si Akiko kumpara sa akin. Section D ako samantalang si Akiko ay Section A at si Lincoln ay Section B.
"How was your first day siz?!" malakas na sabi ni Bea at agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Huwag kang maingay!" sabi ko at tiningnan ko ang paligid kung mayroon bang nakarinig sa sinabi ni Bea.
Walang nakakaalam sa school na naging housemaid ako kina Lincoln. Sinamaan ko naman ng tingin si Bea at hinigit siya papasok sa loob ng room. Mabuti na lang at tanghali pumasok ang mga kaklase ko at wala pa gaanong tao sa loob ng classroom.
Inilapag ko ang bag ko sa upuan ko sabay upo at agad na tumabi sa akin si Bea. Kaibigan ko si Bea since first year high school dahil parehas kami palagi ng grades. Bagsak palagi sa major subject kaya nasa Section D.
"Ano? Kumusta? Kayo na ba ni Lincoln?" natatawang sabi ni Bea at hinampas ko siya sa balikat dahil sa mga biro niya.
"Sira ulo ka ba? Hindi lovelife ang ipinunta ko dun!" reklamo ko at nagkibit balikat naman si Bea.
"Aba! Malay natin biglang magbago ang ihip ng hangin." sabi pa niya.
Umiling ako at sinamaan ko siya ng tingin dahil sa mga kalokohan niya. Si Bea lang ang nakakaalam na nagtatrabaho ako bilang kasambahay kina Lincoln. Syempre, siya lang naman ang nagi-isa kong kaibigan.. Natural siya lang ang may alam.
"Pero ano ngang nangyari?" pangungulit niya at umiling ako.
"Edi kung anong ginagawa ng kasambahay niyo sa bahay." sabi ko at napanguso si Bea dahil hindi niya ako napilit.
Bilang trabahador sa pamamahay ng mga Gonzales, duty ko na maging confidential ang ano man na nangyayari sa loob ng pamamahay nila bilang respeto na rin sa privacy nila.
Nag-alarm ang ringing bell ng school, tanda na magsisimula na ang flag ceremony. Nagmadali na kami ni Bea papunta sa sports field dahil doon ginaganap ang flag ceremony. Nakasalubong namin si Lincoln kasama ang mga kaibigan niya nang maglakad kami papunta sa linya ng Section D.
Kinindatan ako ni Lincoln kaya napakunot ang noo ko sabay iwas ng tingin.. Sira ulo talaga ang impaktong 'yon!
Nagsimulang umawit ng Lupang Hinirang ang mga na-assign sa flag ceremony kaya't tumimo na rin kami. Pagkatapos ng Lupang Hinirang ay panunumpa at panata. Nagkaroon ng exercise exhibition bago bumalik sa classroom. Nakakatamad talaga ang Monday dahil laging may ganito tapos may exercise pa. Mabuti nalang nasa hulihan ako palagi ng linya, hindi nakikita ng mga teacher na hindi ako gumagalaw.
"Huy! Alam mo ba, narinig ko lang sa chismis ng Section C." sabi ni Bea at tiningnan ko siya na nakakunot ang noo.
Kapag tungkol samga chismis, ang lakas ng signal ng antenna ni Bea. Pwede na 'to maging host ng mga talk show.
"Ano na naman ang nasagap ng sungay mo?" walang ganang sabi ko at inakbayan si Bea.
"Nililigawan pala ni Lincoln si Hanna." sabi ni Bea at wala akong ibinigay na reaksyon.
"Okay." sabi ko at nauna na maglakad papasok ng classroom.
Dumating agad ang homeroom teacher namin at nag-announce ng ilang events at isa sa mga hindi ko ikinatuwa ay ang School Trip. Gastos na naman tapos required pa. Paano kung wala ka pambayad ng fees? Hay nako!
Natapos ang buong umaga na wala akong naintindihan sa mga teacher ko na nagtuturo. Ewan ko ba? Honor student naman ako noong elementary ako pero bakit ngayong high school hindi ko na alam kung anong nangyayari sa academics ko? Sabagay, noong elementary ako tatlo lang kaming magka-kaklase sa probinsya tapos ako ang Top 1.
"Anong kakainin mo for lunch?" tanong ko kay Bea nang makalabas kami sa classroom.
Naglalakad na kami papunta sa canteen at tinitingnan ko ang mga schoolmate ko na nangdidiri sa akin. Hay naku! Inggit lang kayo dahil may mga pimples ako samantalang kayo wala. Hmp.
"Giniling and rice." sabi ni Bea at sinamaan ko siya ng tingin dahil 'yun na naman ang kakainin niya.
"Wala ka bang sawa sa pagkain na 'yan?" inis na sabi ko at tumawa siya.
"Joke lang ito naman! Baka mag-adobo nalang ako." sabi niya at tumango ako.
Nakarating kami sa canteen at napagkasunduan namin ni Bea na siya ang bibili ng pagkain namin at ako naman ang maghahanap ng pupwestohan. Nakakita ako ng lamesa na pang-dalawang tao kaya't binilisan ko ang lakad ko patungo sa pwestong 'yon dahil baka maagawan kami. Lunch break pa naman ngayon at sobrang daming estudyante.
Naupo ako at huminga ng malalim. Tiningnan ko ang phone ko dahil baka mayroong text message si Tita Gemma sa akin at hindi nga ako nagkamali.
Kumusta ka na dyan? Huwag mo kakalimutan kumain ah.
Napangiti ako nang mabasa ang message niya sa akin. Napakamaalalahanin talaga ni Tita Gemma. Nagtatype ako ng irereply ko kay Tita nang dumating si Bea at may dalang tray ng pagkain namin. Parehas kami ng ulam dahil 'yun naman ang sinabi ko sa kaniya.
'Kung anong sa 'yo, 'yun ang akin.'
"Sasama ka ba sa school trip?" tanong ko at tumango naman si Bea.
"Oo kasi required 'yun, para naman mahigit ang palakol kong grade." natatawang sabi niya at umiling ako.
Kumunot ang noo ni Bea at ibinaba ang kutsarang hawak niya sabay tingin sa akin. "Hindi ka na naman sasama?" tanong niya at umiling ako.
"Gastos lang 'yun." sabi ko at nagsimulang kumain pagkatapos magreply kay Tita Gemma.
"Sumama ka na! Kahit ako na ang magbayad ng fee mo." sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.
Anak mayaman si Bea dahil anak siya ng abogado pero kahit na ganoon, baliw pa din ang babaeng 'yan. Lagi niya akong ipinagbabayad sa mga biglaang bayarin at hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya dahil nahihiya na ako ng sobra. One time, pinilit ko siyang bayaran ang utang na 'yon sa kaniya pero ayaw niya. Bayad nalang daw ang pagiging mabuting kaibigan ko sa kaniya. Napailing ako dahil sa mind set na meron si Bea pero hindi na ako umangal dahil hindi rin naman siya magpapatalo.
Nagpatuloy kami magkwentohan at hindi ko pa man nauubos ang pagkain ko ay tumingin sa akin si Bea ng seryoso.
"Aya, sigurado ka ba na hindi malalaman ng school na housemaid ka kina Lincoln?" tanong niya at napakunot ang noo ko sabay tango.
"Oo naman bakit?" tanong ko na nagtataka at napailing siya sabay turo sa likod ko.
"Aya, sa tingin ko hindi matutuloy ang nasa plano mo." aniya.
"Umuwi ka ng maaga mamaya at iuwi mo ito sa bahay."
Parang tumigil ang mundo ko nang maglapag ng maraming folder at cartolina sa bakanteng lamesa na nasa pwesto namin ni Bea si Lincoln. Ini-announce lang naman niya sa lahat ng estudyante na nasa canteen na sa bahay nila ako nakatira.
Napahinga ako ng malalim at hinampas ng malakas ang lamesa sabay tingin ng masama kay Lincoln na nakangisi. Hayop talaga! Ano kayang iniisip ng lalaking 'to?!
Tumayo ako at hinigit si Lincoln. Hinawakan ko siya sa braso hanggang makalabas kami sa canteen at makarating sa school grounds na medyo walang tao dahil lunch break. Sinamaan ko siya ng tingin at huminga ako uli ng malalim bago ako nagsalita.
"Nababaliw ka na ba?! Bakit mo ginawa 'yun?!" sigaw ko at napakunot ng noo si Lincoln sabay ngisi.
"Anong masama dun? Inutusan lang naman kita dahil housemaid ka namin diba?" sabi niya pa at napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis sa lalaking nasa harapan ko.
"Ahh! Nakakainis ka naman! Alam mo naman na hindi alam dito sa school na housemaid niyo ako!" seryosong sabi ko at nagkibit-balikat ang tangang kausap ko.
"Edi instant celebrity ka. Diba 'yun naman talaga ang gusto mo kaya pumayag ka na pumalit kay Nanay Gemma?" sabi niya at hindi ko napigilan ang sarili ko.
*pak*
"What the f*ck?!" galit na sabi niya at tiningnan ako ng masama.
"Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang kasamaan ng ugali mo pero sana nirespeto mo 'yun privacy ko!" asar na sabi ko at nilayasan siya pagkatapos ko siyang sampalin.
Naglakad ako pabalik sa canteen at napailing ako sabay tungo dahil lahat sila nakatingin sa akin. Nakatingin sa akin si Bea na nag-aalala at ngumiti lang ako. Kinuha ko ang folder at cartolina na iniwan ni Lincoln sa lamesa pati na rin ang cellphone na katabi ng pagkain ko. Nawalan na ako ng gana kaya hindi ko na naubos ang pagkain lalo na at mukhang hindi naman talaga nagalaw 'yun.
Naglakad kami paballik ng classroom at napapailing ako sa inis dahil ang bilis kumalat ng balita. Kahit na hindi malinaw sa kanila kung bakit kina Lincoln ako nakatira, kalat na kalat naman sa school na nasa iisang bahay nga kami.
"Anong plano mo?" tanong ni Bea nang makarating kami sa classroom.
"Wala, maiinis lang ako pero ‘di naman mababago ‘yun dahil totoong nasa bahay nila ako." mahinang sabi ko at umub-ob.
***
[AKIKO]
"Uy Akiko!" sigaw ni Faye at agad akong napatingin sa kaniya dahil humahangos siya papalapit sa akin.
"Bakit?" tanong ko at itinapon sa basurahan ang stick ng lollipop na kinakain ko kanina.
"Totoo ba na sa inyo nakatira 'yung panget ng Section D?" tanong niya at nagpanting ang tenga ko dahil narinig ko na naman ang binansag nila na pangalan kay Aya.
"Sa amin nakatira si Aya, anong problema niyo?!." asar na sabi ko at iniwanan si Faye.
Naglakad ako papunta sa classroom ng section D at hindi ko nakita si Aya pati na rin ang kaibigan niya na lagi niya kasama. Napanguso ako. Saan kaya pumunta sina Aya? Mahaba ang lunch break namin dahil every 1:30 nagre-resume ang afternoon classes kaya malaya akong nakakagala sa loob ng school premises.
Nakasalubong ko si Lincoln na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya kaya hinarangan ko siya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Nasaan si Aya?!" tanong ko at napatingin sa akin sina Calvin dahil sa itinanong ko.
Sinamaan naman ako ng tingin ng magaling kong kapatid kaya pinitik ko siya sa noo. Kahit na mas matangkad sa akin si Link e kayang-kaya ko parusahan ang lalaking ito. Takot nalang niya sa Ate niya!
"Aray! Ate ano ba?!" galit na sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw pa talaga ang galit? Kung anu-ano na naman ginawa mo kay Aya! Kahapon ka pa!." sabi ko at napailing naman sina Calvin.
"So totoo nga na nasa bahay niyo pala si Aya?" sabat niya at tumango ako.
"Bakit nakatira sa inyo si Aya?" tanong ni Calvin.
"Kasambah-"
"Inampon na siya ng Mama ko." sabi ko at pinigilan ang sasabihin ni Link.
Hindi maganda na sabihin niyang housemaid sa bahay si Aya dahil pagpipyestahan ito lalo dito sa school. Sobra na ang pangbu-bully ng mga schoolmate ko kay Aya dahil sa acne problem niya kaya't hindi na maganda kung daragdag pa ang issue na kasambahay siya sa bahay.
"O-Oh." mahinang sabi ni Calvin at parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
Lumingon ako kay Link at hinigit ko siya nang walang paalam kina Calvin. Nakarating kami sa harap ng locker room kung saan walang tao dahil wala naman PE kapag Monday. Walang ganang nakatingin sa akin si Link kaya sinamaan ko siya lalo ng tingin.
"Mag-sorry ka kay Aya," sabi ko at napakunot ang noo sa akin ni Link. "Humingi ka ng sorry sa kaniya dahil sa ginawa mo." dagdag ko pa.
"Siya nga dapat ang mag-sorry sa akin!" sabi niya at nagpameywang ako sa harap niya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Ikaw ang mag-sorry kay Aya! Ipinagkalat mo lang naman sa school na nasa bahay natin siya!" sabi ko at tumutol si Link.
"Matapos niya akong sampalin? No. I wouldn't." seryosong sabi niya at napatawa ako.
Tingnan mo nga naman! Ang kapatid ko na ubod ng yabang sa katawan, sinampal ng isang Aya? Gosh! The following days will be more interesting for me.
"Problema mo 'yun! May mali ka kaya mag-sorry ka pa din." sabi ko at umiling si Link sa akin.
"Hindi ko alam kung kanino ka kampi, ako ang kapatid mo for God's sake." galit na sabi niya at iniwanan ako.
Nakangiti akong bumalik sa classroom namin dahil hindi ako makapaniwala na nasampal na agad ni Aya ang kapatid ko. Kahit nga ako hindi ko magagawa 'yun kay Link, si Aya pa? Gosh!
The first time I knew her, alam ko na unique siya. I knew Aya from our camping last summer sa Phoenix at siya ang nakasama ko sa tent dahil random picking ang ginawa ng teachers. Luckily, I've got to know a strong girl like her.
Naglalakad ako sa quadrangle dahil malapit ang building namin rito nang makakita ako ng commotion. Nagtatawanan silang lahat at parang may pinapanood sa gitna. Ipinilit kong isiksik ang sarili ko sa dami ng estudyante na nasa gitna at nagulat ako nang makitang nasa gitna si Aya.
Basang-basa ng tubig si Aya at the same time binabato din siya ng itlog ng mga kaibigan ni Hanna. Sobrang dumi ni Aya at nalungkot ako. Lalapitan ko sana si Aya para pigilan ang mga nang-bubully sa kaniya nang may isang lalaking biglang sumulpot sa gitna. Hindi ko inaasahan na siya pa in all of people.
Lincoln, tinamaan ka na ba?