Chapter 9

1894 Words
***  "Aya."  "Bakit?" "Huwag mo kalimutan 'yun pinapagawa ko sa 'yo."  Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Link. Pinaalala niya sa akin ang lyrics na inuutos niya noong nakaraan. Umalis na siya sa harapan ko at nagsimula naman ako magligpit ng pinagkainan.  Pumasok ako sa kwarto ko pagkatapos ko maghugas ng pinggan at tiningnan ko ang kabuohan nito. Napahinga ako ng malalim dahil ang kalat ko pala.  Inayos ko ang kama ko na katabi ng pinto. Nagpalit ako ng kobrekama at pinalitan ang minimalist na itsura nito. Inilagay ko ang Dora na pillow case ko na dala ko nang dumating ako dito sa bahay. Inayos ko naman ang desk ko pagkatapos ko magligpit ng kalat sa kama. Inilabas ko din ang mga libro ko dahil kailangan ko na magreview. Lumabas ako ng kwarto dala-dala ang kobrekama at pumasok sa laundry room. Bigla kong naalala na may mga damit nga pala ako na inilagay kanina at marahil ay tapos na ito.  "Ate Aya." May tumawag sa akin at hindi ko nilingon dahil sigurado akong si Alexander ang nasa likod ko. Kinukuha ko kasi ang mga damit na nalabhan na para maitupi ko na ito sa loob ng kwarto ko. "Anong kailangan mo Alex?' tanong ko. "Pwede ba ipagsulat mo ako ng love letter?" tanong ni Alex at natigilan ako. Love letter? Ako pa talaga. "Kailan mo ba kailangan 'yan?" lumingon ako sa kaniya at tinanong ko siya agad na instantly na ikinangiti ni Alexander sa akin. "Kahit kailan, ang mahalaga may maibigay ako." sabi niya. "Sige. Ipaggagawa kita pero kailangan ko ng description ng babaeng pagbibigyan mo." sabi ko at tumango si Alex.  Umalis si Alex na may ngiti sa mukha niya. Tumakbo siya palayo at sa tingin ko gagawin niya na kaagad ang sinabi ko. Napapailing ako na inilalagay ang kobrekama ko sa washing machine nang matigilan ako dahil naalala ko ang iniutos ni Lincoln kaninang umaga. Binuhat ko ang basket na may malilinis na damit  kailangan ko itupi mamaya at dinala ko ito sa kwarto ko. Pagkatapos, lumabas ako ng kwarto ko at umakyat ng hagdan para makapunta sa kwarto ni Lincoln. Kukuhain ko ang bedsheet at pillow case niya na iniutos niya kanina. Nag-hesitate pa ako sa una pero pinigilan ko ang sarili ko na matense. Papasok lang naman ako sa kwarto ng isang Lincoln Gonzales. "L-Lincoln." sabi ko at kumatok sa pinto niya. Walang sumasagot kaya huminga ako ng malalim at kumatok uli. "Lincoln, kukuhain ko lang ang bedsheet at pillow case mo." sabi ko. In instant, biglang bumukas ang pinto at tumambad sa harapan ko si Lincoln na bagong ligo. May nakalagay na twalya sa leeg niya at nakasuot ito ng shorts na kulay itim. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at dahil pang-ilang beses na ito na nakita ko siyang ganito ang itsura. Nananadya ka ba tadhana? "Pasok." sabi niya at mas niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makadaan ako. Napatigil ako sa paglalakad papalapit sa kama niya nang mapansin kong sobrang linis ng kwarto ni Link at ang bango pa. Tanging asul, puti, at itim lang ang nakikita kong kulay sa loob. May sariling bathroom si Lincoln sa kwarto niya at malapit dito ay mini closet niya na malapit sa overlooking na bintana. Nasa gitna rin ang kama niya at may cute siyang lampshade na soccer ang design. Sa kabilang bahagi naman ng kwarto ay ang desk niya na nasa ibabaw ang isang computer setup. Katabi nito ang piano niya na nasa gilid. Sobrang laki ng kwarto ni Lincoln at kaya pa siguro ilagay ang gamit ko dito kung nagkataon.  "Ano? Gusto mo na ba tumira dito sa kwarto ko? Tulala ka na naman!" sigaw ni Lincoln kaya natigilan ako at dumeretso sa paglalakad. Lumapit ako sa kama niya at nagsimulang tanggalin ang bedsheet at pillow case niya. Nakaupo si Lincoln ngayon sa single couch at itinaas nito ang paa niya sa mini sofa. "Pagkatapos mo, palitan mo ang curtains at bedsheet ng kwarto ko. Bumalik ka agad." sabi niya at tumango lang ako. Pagkatapos ko tanggalin ang bedsheet at pillow case ni Lincoln, bumalik ako sa kusina dala-dala ito kasi ilalagay ko pa sa washing machine kasabay ng akin. Ini-operate ko muna ang machine para magsimula na sa paglalaba. Bumalik ako sa kwarto ni Lincoln at nakita kong wala na siya sa pwesto niya kanina. Kinuha ko ang sofa na pinagpapatungan niya ng paa niya kanina at tinungtungan ko ito para makuha ko ang kurtina niya. Aabutin ko na sana ang kurtina niya nang biglang mapamali ako ng tapak kaya nag-panic ako dali-daling bumabawi sa balanse ng katawan ko. "Aya." Napangiwi ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Buhat ako ni Lincoln at tumagal kami sa ganoong posisyon. Iminulat ko ang mata ko at nagpumiglas sa kaniya kaya bigla niya akong binitawan at napatama ng malakas ang pwet ko sa sahig. "A-Aray!" asar na sabi ko at sinamaan ko siya ng tingin. Hindi talaga maingat lang lalaking 'to! Nakakainis!  "Mag-ingat ka nga. Palagi ka nalang nahuhulog!" naiinis na sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.  Nakasimangot ako na iniayos ang upuan na tinutungtungan ko kanina at nagsimulang gawin ang mga gagawin ko. Hindi ko na pinansin si Lincoln dahil magtatagal ako sa loob ng kwarto niya kapag pinansin ko siya. Abala ako sa pagtatanggal ng kurtina na sobrang hirap tanggalin dahil naka-attach ng mahigpit sa bakal nito ang tela. Narinig ko na gumalaw ang isang upuan at napatigil ako nang biglang kumanta si Lincoln habang tumitipa ang mga kamay niya sa piano na katabi ng desk niya. "Don't you know that I want to be more than just your friend Holding hands is fine but I've got better things on my mind You know it can happen if you'll only see me in a different light Baby, when we fin'lly get together, you will see that I was right" Napatingin ako sa kaniya at hindi ko mapigilan na manood sa lalaking nasa harapan ko ngayon at kumakanta. Napakaganda ng boses ni Lincoln. Kahit na sinong makikinig sa kaniya ay mahuhulog ang loob at iisipin na hinaharana siya ng gwapong lalaki na ito. Say you love me (just say you love me) You know that it could be nice (could be nice) If you'll only say you love me (say you love me) And don't treat me like I was ice, hoh Bigla akong naalala ang nangyari kanina sa supermarket. Automatic na nag-flash back sa akin lahat. Ano ‘to? "Aya!"  Sinalo lahat ni Lincoln ang hawak ko na pagkain pati na din ako. Ang kanang kamay niya na nakasalo sa likod ko at ang kaliwang kamay niya na hawak lahat ng supot na dala-dala ko kanina. Itinayo niya ako ng maayos at tiningnan ako ng masama. "Hindi ka nagbabasa. Nakalagay na nga sa signage na wet floor diba?" galit na sabi niya at napakamot ako sa ulo ko. "Sorry." sabi ko. "Ang pangit mo na nga, clumsy ka pa Mag-iingat ka sa susunod.." sabi ni Lincoln at napanguso ako. Kahit kailan talaga, walang maganda na nakakabit sa katawan nito pero biglang nagsabi na mag-ingat ako. Nilalagnat na ata ang lalaking ‘to. Kinuha ko ang mga supot na hawak niya at lumakad ako papunta sa push cart na masama ang loob. Minsan talaga, kikiligin ka na dapat pero mauuwi ka lang sa inis kasi kupal ang kausap mo. "Aya!"  Napatingin ako kay Lincoln na nasa harapan ko na at nakakunot ang noo nito sa akin.  "Bakit?" naguguluhan tanong ko at hinawakan niya ang kamay ko. "Anong ginagawa mo sa kurtina? Bakit parang pupunitin mo na?" sabi niya at napatingin ako sa kamay ko at sa kurtina.  Nagkaroon ng maliit na sira ang kurtina dahil sa akin. Shocks! "Papabawasan ko ang sahod mo." masungit na sabi niya at binitawan ako sabay higa sa kama niya na walang cover. "Ano? Wala naman akong ginawa ah?!" pagtatanggol ko sa sarili ko at nakita kong ngumisi siya. "Ibinili kita ng sandals para hindi tsinelas ang suot mo, nadudulas ka tuloy. Saka, sinira mo ang kurtina ko." sabi niya at napasimangot ako. "Edi sana hindi mo na ako binilhan, ibabawas mo naman pala sa sahod ko." inis na bulong ko at hindi ko na siya pinansin. Lumiwanag lalo sa kwarto ni Lincoln dahil tinanggal ko lahat ng kurtina sa kwarto niya. Ito ang kasunod na lalabhan ko dahil magabok na at kailangan na din magpalit ni Lincoln ng kurtina. Habang tinutupi ko ang mga kurtina, napatingin ako kay Lincoln na nagkakamot ng braso niya. Napailing ako dahil nahiga siya sa kutson ng kama niya na walang cover. Nakatulog na ata siya kaya lumapit ako. "Hoy! Gumising ka." sabi ko at tinapik ang braso niya. "Hmm."  "Bumangon ka dyan!" sabi ko at hihigitin ko sana siya pero ang bigat niya. Hinawakan ko siya sa braso at iniangat ko ito. "Bumangon ka! Lalagyan ko ng bagong bed shee-"  "Ang ingay mo." sabi niya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa ni Lincoln. Sobrang lapit namin sa isa't-isa at ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa ulo ko. Hinigit ako ni Link kaya napahiga ako sa ibabaw niya. Ginamit ko ang buong lakas ko para makaalis sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin. "H-Hoy bastos!" sabi ko at itinutulak ko ang sarili ko palayo. "Ahhh! What a good scene!" Napabalikwas si Lincoln at naitulak niya ako kaya nahulog ako sa sahig at napatama na naman ang pwet ko. Agad akong napahaplos sa likod kasi ang sakit. Hayop talaga ni Link! Nakakaasar! "Ate Akiko ang ingay mo!" sigaw ni Lincoln at napailing ako dahil mukhang nakita ni Akiko ang itsura namin dalawa. "Paanong hindi ako sisigaw?! Hello! Nakapatong kaya sa 'yo si Aya! Nasa kama pa kayo!" sabi ni Akiko at parang tuwang-tuwa pa. "A-Ah mali ka ng iniisip! Hinigit kasi ako ng kapatid mo!" sabi ko at ipinagtanggol ko ang sarili ko. "Huh? Kaya pala hinawakan mo ang braso ko." sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin para tigilan niya ang sinasabi ko. "Kayo ah! Nagkakadevelopan na pala kayo hindi niyo ako iniinform!" sabi ni Akiko at sinamaan ko siya ng tingin. "Nakakadiri ka Ate, umalis ka na nga!" asar na sabi ni Lincoln at umupo sa harapan ng laptop niya. Bumalik naman ako sa ginagawa ko at nagsimulang itupi ng mabilis ang mga kurtina para makalabas na ako sa kwarto ni Lincoln. Grabe! Hindi ko na talaga kinakaya ang mga nangyayari ngayong araw. "Girl, hindi ka talaga sasama?" tanong ni Akiko at umiling ako. "Hindi. Marami akong gagawin." sabi ko pa at nauna na lumabas sa kwarto ni Lincoln. Naramdaman ko na nakasunod sa akin si Akiko. Nakabihis na siya at masasabi kong maganda talaga si Akiko. Nakasuot siya ng pink na blouse at nakaputing pants. Nakasuot din siya ng heels na kulay brown na bumagay sa kaniya dahil lalo siyang pumuti. "Sige, bibigyan nalang kita ng pasalubong." nakangiting sabi niya at ngumiti ako. "Ang bait mo talaga, hindi ka katulad ng kapatid mo." malakas na sabi ko dahil nakita ko si Lincoln na nilagpasan kami at mas mabilis ang lakad sa 'min. Nauna siya bumaba ng hagdan at lumabas ito ng pinto. "Bye Aya! Ihahatid lang ako ni Link." sabi ni Akiko at nagpaalam sa ‘kin. Pumasok ako sa laundry room at ang kurtina naman ni Lincoln ang kasunod ko na isinalang. Dinala ko ang bedsheet at pillow case na bagong laba sa kwarto ko at nagsimula akong magtupi ng mga damit nila kasama ang bed sheet. Napatingin ako sa sandals na nasa ilalim ng desk ko. Napangiti ako nang maalala si Lincoln na nakasimangot kanina habang tumitingin ng mga sandals na ibibili niya sa akin. At the same time, napapailing ako dahil kahit papaano ay nakakatuwa ang ginawa niya.. kahit na bawas sa sahod ko ang ipinambayad niya. Ang galeng! Mayroon pa rin palang 0.1% na kabutihan sa puso ng lalaking 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD