Chapter 8

2431 Words
***  [AKIKO] Dry goods ang nakuha ko sa listahan ni Aya kaya naglakad ako papunta sa section ng mga gatas dahil ito ang unang nakalista sa papel at ito nalang ang hindi ko pa nakukuha.. Kanina ko pa ito hinahanap at nakailan balik na din ako sa pushcart namin. Hindi naman ako makapagtanong sa mga staff kasi nahihiya ako. Nakakita ako ng 3 in 1 na cafe sa nilalakaran ko at nilapitan ko ito. Hahawakan ko palang sana ang kape nang may marinig akong sumigaw. "Aya!" Dali-dali akong lumabas sa section na napuntahan ko  dahil narinig ko ang pangalan ni Aya at nakita ko sa 'di kalayuan na nadulas si Aya at sinalo lahat ng kapatid ko ang mga nabitawan na pagkain. Napangiti ako dahil kasama si Aya sa mga sinalo niya.  Hindi ako lumapit sa kanilang dalawa dahil moment nila 'yon. Ayoko maging momentum wrecker. Baka kasi magka-inlovean na sila tapos bigla akong sumulpot.  Nakakunot noo na naman ang kapatid ko habang nakatingin kay Aya na umiiwas ng tingin pagkatapos niya bitawan ito. Hawak ng kaliwang kamay niya ang apat na supot ng pagkain at nakatungo ito dahil mas maliit si Aya sa kaniya. Hindi ko maintindihan anong sinasabi ni Lincoln pero sa tingin ko nagse-sermon na naman ang magaling kong kapatid kaya lumapit na ako sa kanilang dalawa. "Oh." sabi ko at umiwas ng tingin si Lincoln. Kinuha naman ni Aya ang supot na hawak ni Lincoln at nagmamadaling umalis papunta sa push cart namin malapit sa fruit section. "Anong nangyari?" tanong ko. "Let’s have a stroll in department store later." asar na sabi niya at iniwanan ako. I was left dumbfounded. Ano nangyari sa dalawang 'yun? Napapailing ako na naghanap ng gatas at sa wakas nahanap ko na din nang makita ko si Calvin na nakatayo sa harap ng stocks ng mga Nido. "Calvin." tawag ko at napalingon siya sa akin sabay ngiti. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at napahawak siya sa batok niya. Nahihiya na naman siguro 'to sa akin. Hindi na nasanay. Apat na taon n na niya ako nakikita dahil friends sila ni Lincoln. "Naghahanap ako ng gatas para sa bata." sabi niya at napakunot naman ang noo ko. "Para saan?" tanong ko at napangiti siya. "Nautusan ako ng Mom 'ko, para sa kapatid ko sana. Kaso hindi ko kasi siya ma-contact kaya 'di ko matanong uli kung ano." kwento niya at tumango ako. Inipit ko sa underarm ko ang sachet ng gatas at agad na kinuha ang phone ko sa sling bag dahil kanina pa ito tunog ng tunog..  "Hello, bakit?" tanong ko sa kapatid kong mainitin ang ulo. "Where the hell are you? Aya is done, ikaw nalang ang hinihintay dito sa cashier." galit na sabi niya at nailayo ko ang cellphone sa tenga ko. Ang sakit talaga pakinggan ng boses ni Link kapag nagagalit. "Papunta na, anong cashier number ba kayo?" tanong ko at nagsimulang maglakad. Kumaway ako kay Calvin at ngumiti lang siya sa akin. Binilisan ko ang lakad ko dahil mainit na ang ulo ng kapatid kong lalaki. "Fifteen. Bilisan mo na!" Hindi na ako nakasagot kay Lincoln kasi bigla akong binabaan ng magaling kong kapatid. Hinanap ko ang number 15 na kahera at nakita ko si Aya na nagse-cellphone samantalang ang kapatid ko naman ay nakasimangot at naka-cross arms na pinapanood si Aya. Bakit kasi hindi nalang aminin sa sarili niya na gusto niya ang kaibigan ko? "Tara na, magbayad na tayo." sabi ko at itinulak ang push cart palapit sa cashier na naghihintay. Inilagay namin lahat ng pinamili namin at saka nagbayad na inabot ng mahigit apat na libo. Pang-isang linggo na namin na pagkain ito at mamimili uli kami sa susunod na Sabado. Pinabuhat namin kay Lincoln ang kahon ng grocery at hawak naman ni Aya ang supot na pinaglagyan ng mga sabon. Naglakad kaming tatlo palabas ng grocery at napakunot ang noo ko dahil sa iba pumupunta si Lincoln, imbis na papunta kami sa exit na papuntang parking ng mall ay hindi siya doon pumunta. "Ihabilin muna natin 'to saglit, may bibilhin ako." sabi ni Lincoln at nagkatinginan kami ni Aya. "T-Teka! Uuwi na kami ni Aya kasi magluluto pa siya ng pagkain." sabi ko at pinangliitan ako ng mata ni Lincoln. "Sige, magcommute ka." seryosong sabi niya at napasimangot ako. "Ang sama mo talaga! Tara na nga Aya!" sabi ko at akmang kukuhain ang kahon kay Lincoln nang ilayo niya ito sa akin. "Umuwi ka mag-isa, isasama ko si Aya!" galit na sabi ni Lincoln at natigilan kaming dalawa ni Aya sa kaniya. "A-Ano?" tanong ni Aya at lumabas sa mukha niya ang mukhang nagtataka sa sinasabi ni Lincoln. "Ate, you should head home first and cook food for us." sabi ni Lincoln at sinamaan ko siya ng tingin. Nakatigil kaming tatlo sa harap ng department store ng mall at napanguso ako sa kaniya. Ano kayang problema ng kapatid kong 'to? "Bakit pinapauwi mo na ako? Saan ba kayo pupunta ni Aya?" tanong ko at bumuntong-hininga naman si Lincoln sa akin. "Pwede ba bilisan niyo na?." sabi niya at kinuha ang supot na hawak ni Aya sabay lapit sa baggage counter. "Anong problema ng kapatid mo?" tanong ni Aya at nagkibit-balikat ako. "Ewan ko ba dyan. Ang init na naman ng ulo." sabi ko at sinamaan ko ng tingin si Lincoln na naglalakad palapit sa amin. "Oh, heto." iniabot sa akin ni Lincoln ang baggage number at hindi na ako nakasagot  dahil bigla niyang hinawakan sa braso si Aya at hinigit papasok ng store. "Teka lang hoy!" sigaw ko dali-daling humabol sa dalawa. Parang bata na hinatak ni Lincoln si Aya at hindi na inisip kung nasasaktan ba si Aya sa pagkakahawak niya. Nakakaasar na talaga 'tong si Link! Lagot siya sa bahay mamaya! Nakarating kami sa shoes section at napakunot ang noo ko nang itulak bigla ni Lincoln si Aya paupo sa couch. Hindi ako lumapit sa kanilang dalawa at pinanood ko kung anong gagawin ni Lincoln. Minsan talaga, hindi ko na alam anong nasa utak ng kapatid ko at bigla nalang niyang ginagawa ang pinapakita niya. "Anong size ng paa mo?" tanong ni Lincoln at napanganga ako. Seryoso ba 'to? Tinawagan ko agad si Bea dahil hindi ko kinakaya ang nakikita ko. Ang kapatid kong wala naman sineryoso sa lahat ng nilagawan niya, nandito sa mall at binibilhan ng sapatos si Aya. Plus the fact that he’s not courting Aya and no feelings attached as of today. "Hello."  "What?! Kakagising mo lang ba?" tanong ko at umungol si Bea sa kabilang linya.  "Bakit ano bang meron? Puyat ako eh." "Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero ito talaga ang nakikita ko ngayon!" masayang-masaya na sabi ko. "What’s with you? May boyfriend ka na ba?" tanong niya at napanguso ako. "Earlier, Lincoln gone mad to Aya and right now, we’re here inside a department store.." sabi ko at huminga ng malalim. Nakangiti akong nanonood kay Lincoln at kay Aya na nagsasagutan sa 'di kalayuan mula sa ‘kin. "So what’s the connection of the department store sa dalawa?" aniya. "Lincoln is buying a pair of shoes for Aya." tuwang-tuwa na sabi ko at narinig ko si Bea na nag-sisigaw sa kabilang linya kaya nailayo ko ang phone ko sa sarili ko. "What?! Is that legit? What’s happening ba?! Nakakaloka!" sobrang sayang sabi niya at nagpaalam na kaming dalawa sa call dahil baka mahalata na ako nina Aya na wala na ako sa tabi nila. "May size 8 ba kayo na ganito?" tanong ni Lincon at tumango naman ang sales lady. Pinapanood ko si Lincoln na nakikipag-usap sa saleslady at mahahalata mo na mainit ang ulo niya. "Give me one pair." sabi ni Lincoln at biglang yumuko sa harapan ni Aya. Maingat niyang tinanggal ang slippers na suot ni Aya at hinaplos ang paa nitong nadulas kanina. Ang gwapo ni Lincoln sa sitwasyon na ito. Hindi tala niya napapansin na sila nalang ni Aya ang magkasama at wala na ako sa paligid nila. Minsan talaga hindi ko alam bakit biglang bumabait ang kapaitid kong ni minsan naman ay hindi niya magawa sa akin. Kahit nakakatanga kausap si Lincoln minsan, sa palagay ko plus points ‘to kay Aya! "Wear the sandals I will give you everytime na aalis kayo ni Ate Akiko, don't use that slippers." seryosong sabi niya at napangiti ako ng sobra. Nakangiti akong lumapit sa dalawa at nakayuko lang si Aya, sigurado ako na sobrang kinakabahan 'to at naguguluhan dahil sa ikinikilos ng kapatid ko. Hello? Si Lincoln Gonzales lang naman 'yan, ang lalaking ubod ng sama ng ugali at walang ibang maganda na lumalabas sa bibig niya! Binayaran ni Lincoln ng cash ang sandals na pinili niya para kay Aya at suot na ni Aya ngayon ang sandals. Sobrang ganda ng sandals sa paa ni Aya dahil maputi siya at hindi katangkaran. Nude color ang sandals na napili ni Lincoln kaya nagmukhang elegante ang paa ni Aya. Nakakakilig!   The last time I checked, ang huling regalo sa akin ni Lincoln ay MAC na make up kit at noong 16th birthday ko pa ‘yon! Napanguso ako dahil napakaswerte talaga ng magiging girlfriend ni Lincoln kapag nagkataon. Nakangiti akong nakabuntot kay Lincoln na naka-pamulsa habang naglalakad at nasa gilid naman niya si Aya na nakayuko lang.. Ahh! Mas nakakakilig pa ang loveteam na 'to kaysa sa mga sikat na LT ngayon sa TV.  Kinuha muna namin ang grocery sa baggage counter  at saka kami lumabas ng mall. Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil mukhang nagmamadali ang kapatid ko siguro dahil sa ginawa niya kanina.. He's embarassed, for sure. "Akiko, anong gusto mong ulam?" tanong ni Aya habang hawak ang supot. Naglalakad kami papasok ng bahay dahil kakababa lang namin ng sasakyan matapos maipark ni Lincoln ang sasakyan sa labas. "Menudo!" masayang sabi ko at ngumiti sa akin si Aya. "Sige, gusto mo ba maraming hotdog?" natatawang sabi niya at tumango ako. "Magbibihis lang ako tapos tutulungan kita sa kusina." sabi ko nang makapasok kami sa loob ng bahay. Nagmamadali akong pumasok ng kwarto ko dahil hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko. Lord, kung totoo man ang nangyari kanina, sana magpatuloy pa! *** Pagkababa ko ng hagdan, naamoy ko na agad ang niluluto ni Aya. Naglakad ako papasok ng dining hall dahil ito muna ang madadaanan mo bago makarating sa kusina. Nakita ko si Lincoln na naka-upo sa kitchen counter at nakaharap sa laptop niya na nakapatong sa kitchen counter namin na nasa gitna ng kusina. "Bakit nandito ka?" tanong ko at napakunot ang noo ko kay Link. "Bahay ko din ito." pilosong sagot niya at napanguso ako. "Aya, mayroon ka pa ba kailangan ipaayos?" tanong ko kay Aya na nakatalikod sa amin dahil abala siya sa pagluluto. "Wala pa tayong sinaing kaya magsaing ka nalang sana." sabi niya at napasampal ako sa noo ko. "Aya! Tamang-tama ka ng nilapitan na tao!" masayang sabi ko. Sa wakas, mayroon din nagsabi sa akin na magsaing ako! "Don't you dare to cook rice for this lunch! Kung ayaw mo na walang kumain!" reklamo agad ni Link at sinamaan ko siya ng tingin. "Ang epal mo dyan!" asar na sabi ko at kinuha ang rice cooker nang magsalita si Lincoln, ulit. "Ya! Ate, huwag ka na mag-saing. I prefer na ulam lang ang kakainin namin ngayon lunch kaysa kainin angsinaing mo!" sabi niya at pinangliitan ko siya ng mata. "Hindi ba marunong mag-saing si Akiko?" sabat ni Aya at agad ko naman siyang nilingon at umiling ako. "Hoy! Marunong ako!" pagtatanggol ko at tumawa si Link. "Marunong na ano? Huwag na baka lalo kaming walang kainin. Susunugin mo lang ang bigas." sabi niya at ngumuso ako. "Ah. Sige ako na, magtimpla ka nalang ng juice Akiko kung gusto mo tumulong." nakangiting sabi sa akin ni Aya at napasimangot naman ako. "Ah! That's so unfair. Akala ko may papayag na magsaing ako!" reklamo ko. "Next time, tuturuan nalang muna kita." sabi ni Aya at niyakap ko siya sa tuwa. "Ah! Ang bait mo talaga Aya! Hindi katulad ng iba dyan!" parinig ko kay Lincoln at binelatan ko siya. "Ang ingay mo." sabi niya at ibinalik ang atensyon niya sa laptop niya. Pinanood ko si Aya sa pagsasaing niya at naamaze ako na daliri lang ang ginagamit niya bilang panukat ng tubig. Samantalang ako, gumagamit ako ng measuring cup para sure na tama ang tubig. Hehe. "Aya, sigurado ka ba na hindi ka sasama sa akin mamaya?" tanong ko.  Aalis kami ni Bea mamaya at napagpasyahan namin na mag-shopping sa mall dahil nabanggit niya sa akin na bibili siya ng pang-skin care ni Aya. Pinipilit ni Bea si Aya na pagalingin na ang acne problem niya para hindi na siya binubully pero ayaw ni Aya. "Hindi, magre-review kasi ako." sabi niya at inilagay ang bigas sa rice cooker para maluto ito. "Nagrereview ka pala? Mukhang hindi totoo eh."  Sinamaan ko ng tingin si Link dahil sa sinabi niya. "Ayaw mo talaga?" tanong ko uli kay Aya at umiling siya sabay ngiti. "Kayo nalang ni Bea, unang labas niyo kasing dalawa kaya hindi muna ako sasama." nakangiting sabi niya at ngumuso ako. Sa tingin ko kaya ayaw ni Aya pagalingin ang acne problem niya, iniisip niya kasi ang gastos sa pambili ng products which is medyo pricey ang mga ito tulad ng pang-exfoliate, moisturizer, cleanser, at iba pa. Pumunta ako sa salas at nakita ko si Alexander na pababa ng hagdan. "Saan ka papunta? Bakit nakabihis ka?" tanong ko at tiningnan ako ng kapatid ko. "Bibili lang ako ng pang-stationary." sabi niya at napakunot ang noo ko. "Para saan na naman?" kunot-noong tanong ko. "May ipapagawa kasi ako kay Ate Aya!" sabi niya at napanguso ako. "Asus! Mayroon ka na naman nililigawan ano?!"pangungulit ko at sumimangot ang kapatid ko. "Oo at hindi mo ako tutulungan, kaya kay Ate Aya nalang." sabi niya at tumawa ako. Alam na alam na talaga ng kapatid ko na hindi siya dapat lalapit sa akin sa mga ganitong bagay dahil alam lang niyang lalaitin ko lang siya. "E bakit kay Lincoln? Ayaw mo lumapit?" tanong ko at umiling naman ang kapatid ko na si Alex. "Huwag na. Baka agawin pa siya sa akin ni Kuya." sabi niya at lumabas ng bahay.  Natawa ako dahil sa sinabi ni Alexander kaya nakangiti akong bumalik ng kusina dahil narinig ko si Lincoln na sumisigaw. "Kakain na, bumaba na kayo!" sabi niya. Umupo ako sa madalas na inuupuan ko at si Lincoln naman sa kabisera ng lamesa. Nagsimula na maghain ng pagkain si Aya sa ibabaw ng lamesa at tuwang-tuwa ako dahil ang bango ng menudo na niluto niya. May kanin, juice, buko pandan, at menudo sa ibabaw ng lamesa. Nakagawa na agad ng dessert si Aya kaya nakakatuwa. Palagi siyang ready sa tuwing papakainin niya kami.  "Arjo, kain ka na." sabi ni Aya at napatingin ako kay Arjo na hawak ang PSP niya. "Wow! May buko pandan!" tuwang-tuwa na sabi ni Arjo, ang batang mahilig sa pandan. "Thank you, Ate Aya!" nakangiting sabi ni Arjo na ikinatingin namin ni Lincoln sa isa't-isa. Hindi kasi nagte-thank you si Arjo at wala din galang ang kapatid ko na 'yan kahit sa akin kaya nakakagulat. Unti-unti na tuloy akong nagkakaroon ng magaan na pakiramdam.  Si Aya. Si Aya ang nawawalang parte ng pamilya namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD