Kabanata 1
"Sigurado ka ba sa dinadaanan mo Andrei?" tanong ni Keia habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Si Andrei naman na katabi ko ay busy sa pag mamaneho sa malubak na daan at pasulyap-sulyap sa phone niya kung saan nandoon yung map na sinusundan niya.
"Of course I am. If you don't trust me, pwede ka nang bumaba." iritang sagot ni Andrei dito. Natatawa nalang kami kasi kanina pa kuda ng kuda si Keia kung baka naligaw na raw kami.
"Kung bakit kasi na'late ng gising ang iba diyan. Tapos mandadamay pa. Tss." pagpaparinig ni Sab na alam ko namang ako ang tinutukoy.
"Psh! Sinabi ko namang sumabay na kayo sa school service hindi ba? Kaya ko naman actually pumunta mag-isa doon kung labag sa kalooban mo. Lakas makasisi." inis na sagot ko at pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib ko at tinuon ang tingin sa bintana.
"Hey, guys? Ginusto naman natin lahat ito right? Tsaka wag na nga kayo nagtatalo. Ang mahalaga ay magkakasama tayong pupunta doon. Walang naiwan." nangangaral na turan ni Tim.
"Yeah, right. Tsaka hindi naman ako makapapayag na mag-isa kang pumunta doon." sang ayon ni Andrei at sinulyapan ako ng mabilis at tinuon ulit ang focus sa pagmamaneho.
"Fine. I'm sorry Amarra.. natakot lang kasi ako na baka naliligaw na tayo at hindi tayo makarating doon. I'm really sorry." kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay halatang nakanguso siya sa tono ng pananalita niya.
"It's okay." sagot ko sabay hinga ng malalim. "Alam ko naman na Excited ka lang kasi sa tanda mong iyan, ngayon ka lang pinayagan ng parents mo mag-out of town." dagdag ko pa habang tumatawa.
"Andrei oh! Inaaway ako ng Amarra mo!"
"What? I'm not his property, Sabrina." natatawa ko namang sagot.
"Whatever, Amarra Leanne! You're so numb. You're hurting Andrei."
nilingon ko siya sa backseat at tinitigan ng masama. "I am not a numb, Sabrina Shein! It is just I don't want to assume. We're friends. Andrei and I were bestfriends for heaven's sake!" natawa na lang tuloy sa amin yung dalawang lalaki.
"Guys, ano ba? You're old na tapos away pa kayo ng away." kumento ni Keia.
"Kei, ano ba ang conyo mo."
"Paki hanap ng pake ko sabsab!"
"Ano ba Keia! Wag mo nga sabi inuulit ulit ang nickname ko. Ang baduy mo naman."
"Girls? Enough. Okay? You're too loud." mayamaya ay suway ni Tim na Pinagigitnaan ng dalawang bungangera.
"Anyways, guys. Do you have any idea about the museum?" bigla ay pagiiba ng topic ni Andrei. Nabaling naman sakanya ang atensiyon ng lahat.
"Well.. aside from the word museum which means, a building in which interesting and valuable things are collected, ay wala na akong alam." sagot ni Keia.
"Me too. It's just a typical museum that I know." si Tim.
"How about you Amarra?" baling ni Andrei sakin.
"It's a museum of course." natatawa kong sagot. "And a historical place." dagdag ko pa.
"Yes. You're all right. But I just heard it somewhere that the original name of the museum before was, Mouseion Apo Agonia."
"Cool! What does it mean?" intresadong tanong ni Sab.
"It's a Museum of Agony."
Parang bigla ay may isang malamig na hangin ang dumampi sa balat ko nang sabihin iyon ni Andrei. At nakasisiguro akong hindi iyon hangin na nagmumula sa Aircon ng sasakyan. At iyon ang ikinatindig bigla ng mga balahibo ko. Hindi ko maintindihan.
"That.. was so creepy. Parang ayaw ko na tuloy pumasok diyan." niyakap ni Keia ang sarili.
"It's just a name of the museum before. Don't be paranoid. Let's just enjoy the trip."
"Yeah. We are supposedly enjoying right now with our classmates. Denise texted me that they are already starting." si Sab habang hawak ang cellphone.
"Ayaw mo nun? Bonding tayo together."
"Oh, yeah! I like it."
"We're here! Are you guys ready?" tanong ni Andrei na malapad ang ngiti. Isa-isa naman kaming nagbabaan sa sasakyan.
"Wow! Halatang may bahid ng nakaraan." nasabi ko sa sarili ko sa sobrang pagkamangha sa disenyo ng museum. Nakita ko namang kausap na nina Tim at Andrei ang guard na nakabantay.
"What's wrong?" tanong ko nang makalapit sakanila.
"Kanina pa raw nakapasok ang mga kasama natin. Wala nang available na staff para iguide tayo." sagot ni Tim.
"So, what are we going to do?" nangangambang tanong ni Keia.
"Baka hindi na tayo makapasok." problemado namang sagot ni Andrei.
"What? No. This trip was included to our final examination. It's all my fault." nasapo ko ang aking noo sa sobrang pagka-badtrip at napasulyap sa guard. "Wait. Let me handle it." sagot ko at kinausap ang guard na nagbabantay doon.
Nakiusap ako na kailangan lang talaga naming makita ang historical library na puno ng iba't ibang makalumang libro na galing sa iba't ibang panahon at lugar. Dahil doon nakabatay ang final examination namin sa History subject namin. Hindi nagtagal ay binigyan na rin kami ng guard ng instructions kung saan ang tamang daan papunta doon.
"Amarra, lead the way." hinila ako ni Keia paharap para pangunahan ang daraanan namin.
"Shocks! Its so beautiful in here." si Sab na iginagala ang mga mata sa paligid.
"Hurry up guys. Sabi ni kuyang guard, nasa second floor daw yung library sa pinakadulong hallway." sabi ko sakanila. "Baka maabutan pa natin sila doon."
"Amarra is right. Let's go." pagsang-ayon naman ni Tim at binilisan na namin ang paglalakad at umakyat na sa second floor ng museum.
"Guys?" tawag ni Keia habang tinatahak namin ang hallway papunta sa pinakadulo. "Correct me if I'm wrong. We're at the museum right?"
Nilingon namin siya. "Oo naman." natatawang sagot ni Andrei sakanya. "Ano bang nakain mo, Keia?"
"No. I mean, look!" ikinumpas pa niya ang mga kamay kasabay sa paggala ng paningin sa buong museum. "Para tayong nasa haunted house."
"OMG! You're right Kei. Let's go home na lang kaya?" si Sab na nahawa na kay Keia.
"Psh. Ano ba kayo? Mga praning. Tara na nga." sagot ko at binilisan ang paglalakad.
"Tinatakot niyo lang ang mga sarili niyo." si Andrei. "We must hurry. Malapit na mag-lunch time."
"Tara." Si Tim at pilit na inakay si Keia na natatakot na.
Mayamaya pa ay narating na namin ang historical library na pakay namin.
"Wow.." namamangha kong turan nang mabungaran namin ang loob ng pinakahuling pintuan ng hallway. Isa itong napakalawak na room na may nagtataasang apat na row ng shelves na may dalawang column. Maging ang dingding nito ay napupuno rin ng mga libro.
"Pwede ba tayong pumasok? Walang tao sa information desk." si Tim. Tinignan ko naman ang table na nasa left side namin kung saan ang information area. Wala ngang nakabantay doon.
"Wala ring tao? Nasaan na kaya yung mga classmates natin?" takang tanong ni Andrei.
"Okay lang yan. Tara na." sagot ni Sab at hinila na kaming dalawa ni Keia. Nag-aalangan man ay sumunod nalang rin sa amin sina Andrei at Tim.
"Ang ganda pala dito-- wow! Look guys, I've found a rare copies of some novel of our heroes!" sigaw ni Sab.
"Shh! Sab, keep quiet. We're at the library." pabulong na sita ko.
"What are we looking here again?" tanong ni Andrei na biglang sumulpot sa likod ko.
"Isulat niyo lang yung mga iba't-ibang parts na makikita dito sa loob." sagot ko.
"Like what?"
"Ahh.. Tim," tawag ko kay Tim na agad namang lumapit sa amin. "Kayo ni Keia ang sa Literary. Kami naman ni Sab at Andrei sa Musical at Arts tutal magkalapit lang ang shelves ng mga iyon."
"Sure. Sige, tara na Kei." baling ni Tim kay Keia at pumunta na sila sa naka assign sakanila. Kami namang tatlo nila Sab at Andrei ay pumunta sa likod sa pinaka last na shelves dahil nandoon ang mga books tungkol sa musical at Arts mula sa iba't-ibang taon.
"Ako na lang sa Arts! Excited na akong makita ang mga iyon." Sabi ni Sab sa amin at pinangunahan kami sa area kung nasaan ang mga books tungkol sa Arts. Nasa right side iyon ng pinakadulo ng library samantalang yung sa musical naman ay nasa left side.
"Andrei, tignan mo 'to oh?" turo ko sa nag-iisang libro na nakapatong sa maliit na table.
"What's with that?"
"Ewan ko. Para siyang isang novel. Sayang kasi bawal buksan." sagot ko habang nakatingin parin doon. Malalamang bawal talaga siyang buksan kasi sa isang maliit na paalala na nakasulat sa may bandang gilid nito. Dahil nga hindi rin naman namin mababasa ay pinagpatuloy na namin ang ginagawa.
Inabot din kami ng ilang minuto sa pagiikot at sa pagtitingin ng mga importanteng information na makakalap namin sa section na iyon. Mayamaya pa ay lumapit na sa amin si Sab dala ang notebook kung saan niya sinulat ang mga nalaman. Hindi rin nagtagal ay pinuntahan na kami nila Keia at Tim dala rin ang mga notebooks nila.
"So kamusta?" tanong ko.
"Tapos na kami ni Keia. Kayo?"
"Tapos na rin." sagot ni Andrei.
"Yeah. And I took some pictures of their art works. Grabe! They're all breathtaking! Wanna see it guys?" masayang kwento ni Sab sa amin.
"Later na. Tsaka wag ka ngang sumigaw. Baka pagalitan pa tayo." suway ko.
"Nagtataka nga ako kung bakit wala pa ring bantay dito eh." si Sab.
"Baka lunch time na nila?"
"Edi dapat close muna ito ngayon kung ganun. Eh open pa naman."
"Anong oras na ba?"
"Oh! 12:03 na pala?" sagot ni Tim na nakatingin sa relo niya.
"Hindi na natin namalayan ang oras. Tara na." Aya ni Andrei.
"Wait, I'm gonna took some pictures pa muna ng buong library. Sayang naman. Baka hindi na ako makabalik pa dito." Si Sab sabay labas ng cellphone niya. "Oh, wait. May message si Denise sakin." Hindi na namin gaanong pinansin si Sab at nagkanya-kanya nalang rin kami ng tingin sa mga books na nadoon.
"OMG!" biglang sigaw ni Sab at agad naman kaming nagpanic palapit sakanya.
"What happened?" tanong ni Andrei.
"Its D-denise." nauutal niyang sagot.
"What about her?" ako naman ang nagtanong.
"I.. I don't know kung pinaglalaruan lang niya tayo. B-but I told her na we're at the library right now. A-and h-here's w-what she told m-me.." nanginginig niyang inabot sa akin ang cellphone niya at binasa naming tatlo ang text message ni Denise sakanya.
From: Classmate-Denise
What the f**k are you guys doing there at this time?! You should be out of there as soon as possible, Sabrina. God! 12:12 is the cursed time of evil living inside that library. That is why exactly 12 noon ay wala nang tao sa second floor. Please tell them. You're all in danger!
Nagkatinginan kaming lahat matapos basahin ang message na iyon na nakapagpatayo ng balahibo ko sa katawan. Aaminin ko nakaramdam ako ng takot.
"W-what time is it?" tanong ko sakanila. Hindi ko na nagawang tignan pa ang oras sa cellphone ni Sab dahil pinangunahan na ako ng sobrang kaba at takot na nararamdaman ko. Tinignan ko ang pintuan ng library at halos manghina ang tuhod ko nang makita kung gaano kami kalayo doon.
H-hindi kami makakalabas ng mabilis kahit tumakbo pa kami.
Nakita ko ang takot sa mata nilang lahat ng makita ang oras. Ayaw kong marinig iyon. Ayaw kong marinig dahil.. alam kong, lagpas 12noon na.
"Its.. 12:12" mas lalo kong narinig ang malakas na t***k ng puso ko. Wala na akong ibang naririnig kundi ang nakakabingi at nakakatakot na katahimikang bumalot sa aming lima sa loob ng library at nagpapakiramdaman kung ano ang gagawin.
"B-bininibiro lang siguro tayo n-nung si Denise." pangungumbinsi ni Andrei sa amin na halatang natakot din siya doon. "Tara na--"
*BLAG!!*
"Whaaaaaa!!!!!" napasigaw kami nina Keia at Sab sa sobrang kaba nang may marinig kaming lumagabog. Libro pala na nahulog mula sa shelves.
"H-hindi mo s-siguro nabalik ng maayos kanina, S-sab." nauutal na turan ni Keia. Doon kasi nahulog iyon sa part kung saan naka assign si Sab.
"S-siguro nga. Guys.. let's go na.." natatakot na aya samin ni Sab. Maglalakad na sana ulit kami nang may malaglag nanamang isang libro mula sa shelves.
"I-imposibleng.. h-hindi ko rin nabalik ng m-maayos ang isang yun." nanginginig na sabi ni Sab.
"Guys.. I'm sacred. We should go na. Please.." pakiusap ni Keia na nakayakap na ngayon sa braso ni Tim.
*BLAG!!*
*BLAG!!*
*BLAG!!*
"Waaaaaahhhhhh!!!!" sigaw ulit namin sa tatlong sunod sunod na pagkahulog ng mga libro at napatakip na lang ang mga kamay sa dalawang magkabilang tenga ko. Naramdaman ko namang niyakap ako ni Andrei gamit ang isang kamay niya at sa kabila naman ay pinapatahan si Sab na umiiyak na.
"Mommy.. huhuhu. I'm so scared. I want to go out na. Please." si Keia naman ay nakatakip rin ang dalawang kamay sa magkabilang tenga niya at nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Tim.
*BLAG!!*
*FLASSK!*
"Mommy!!!"
"Whaaaaa!! Ayoko na. Tama na please!"
"f**k! What's happening?!"
Mas lalo akong nakaramdam ng takot, kaba, at panic sa pagkahulog ng isa pa nanamang libro mula sa pinakamataas na shelves kasabay ang pagkamatay ng mga ilaw sa loob ng library. Mas napayakap ako kay Andrei nang marinig namin ang isa pang malakas na kalabog sa biglang pagsasara ng pinto. Wala na kaming makita.. wala na kaming iba marinig kundi ang mga hikbi naming tatlong mga babae samantalang puro pagsasabi naman ng mga kung ano-anong cursed words ang dalawang lalaki. Ramdam kong natatakot at kinakabahan din silang dalawa gaya namin. Dahil sa ngalang sila ang mga lalaki dito ay pinili nilang magpakatatag.
Mayamaya pa ay may naaninag kaming isang maliwanag sa ibabaw ng mesa.
"A-ano nanaman ang isang yan?" takot na tanong ni Keia.
"It's a glow in the dark book." sagot ni Tim kaya tinignan ko na rin ng mabuti ang libro na iyon.
Teka..
"Hindi ba.. yan yung tinuro ko sayo kanina na libro, Andrei?" natatakot na tanong ko.
"O-oo. Yan nga."
Unti-unti kaming lumapit doon sa libro na iyon na umiilaw para mapagmasdan ito ng malapitan. Mamamangha na sana ako sa pag glow in the dark ng libro na iyon nang bigla itong bumukas ng kusa at napakabilis na paglilipat-lipat ng mga pahina kasabay ang napakalakas na hangin.
"Who the hell opened the fan!" sigaw ni Keia.
"The f**k, Kei. Walang fan dito kundi aircon!"
"s**t! A-anong nangyayari? A-andrei, natatakot ako." gusto ko na rin isigaw ang pangalan ni mommy sa sobrang takot pero alam kong wala na iyong magagawa pa.
Habang tumatagal ay palakas ng palakas ang hangin sa loob ng library. Mas lalo pa kaming nagyakapan lahat nang isa isang nagliparan ang mga libro sa shelves dahil sa lakas ng hangin. Malapit na lang ay pati kami liliparin na rin.
"S-sab! Where's your phone?!" pasigaw na tanong ni Tim sakanya.
"H-here!"
Ilang saglit lang ay may kaunting liwanag na sa loob. Galing iyon sa flashlight na nagmula sa cellphone ni Sab. Sapat lang ang ilaw para makita namin ang isa't-isa at ang nangyayari sa loob ng library.
Agad kaming napaatras nang biglang lumakas ang ilaw na nagmumula sa librong nakabukas. Tumigil na ito sa paglilipat ng mga pahina ngunit ang mas nakakatakot ay hinihigop ng librong iyon ang mga libro sa shelves pati ang iba pang mga gamit sa loob ng library.
"S-subukan nating buksan ang pinto! Baka may makarinig sa atin at pagbuksan tayo!" sigaw ko sakanila. Kahit hindi sila sumunod sakin ay tatakbo parin ako palapit sa pintuan.
"Amarra!" sigaw nilang lahat. Hindi pa man ako nakakalingon sakanila ay naramdaman ko nang umaangat ako sa kinatatayuan ko kaya napahawak ako sa katabi kong shelves.
Unti-unti ay nilingon ko ang mga kasama ko at ganun na lang ang takot na naramdaman ko nang makita kung paano sila higupin ng libro.
"H-hindi!!" bumagsak nang kusa ang mga luha ko. Naubusan na ako ng lakas sa pagkakakapit sa hinahawakan ko at namalayan ko nalang na isa na rin ako sa mga hinihigop ng librong iyon.