"Amarra!"
"Amarra.. wake up!"
"She's still breathing-- please open your eyes, Amarra."
Nahihilo ako. Kanina ko pa naririnig ang tawag ng mga kaibigan ko ngunit hindi ko pa magawang imulat ang mata ko kahit na ang magsalita ay hindi ko rin magawa. Nanghihina ang katawan ko.
"Maybe you should give her some air."
"How?"
"Andrei.. you know how to CPR?"
"What? Hindi naman siya nalunod ah?"
"Argh! You're so dumb. Ako na lang nga!"
"No, let me do it."
"Ako na lang. Baka mamatay pa muna yan bago mo gawin."
Gusto kong matawa sa pag-uusap nila. Masyado silang nag-aalala sakin. Imbes na tumawa ako ay nagawa kong imulat ang mga mata ko.
"A-amarra! Are you okay? May masakit ba sayo?" usisa ni Sab sa akin.
Umiling ako. "I'm okay." pero nagtaka ako kung bakit makati ang katawan ko. Ginalaw ko ang kamay ko at naramdaman kong nakahiga ako sa damuhan. Dahan dahan ay tumayo ako. Inalalayan naman ako ni Andrei sa pag-upo.
"W-where are we?" tanong ko matapos igala ang paningin sa isang lugar na hindi ko kilala.
Gubat..
"Ang alam ko.. nasa library tayo ng museum. Bakit nasa gubat tayo?"
Nagkatinginan pa muna silang tatlo bago magsalita. "H-hindi rin namin alam, Amarra. Nagising lang rin kami na andito na tayong lahat." paliwanag ni Tim.
"Paano nangyari yun?" naguguluhan pa rin ako.
"Magpapahinga muna tayo dito. Mayamaya ay lalakad na tayo para hanapin ang palabas ng gubat na ito." si Andrei.
"P-pero.. diba naaalala niyo pa ang huling nangyari sa atin bago tayo mapunta dito?" tanong ni Keia. Napaisip naman ako. Kung ano ang nangyari kanina. Sa museum. Library. Libro.. nahulog. Libro.. malakas na hangin.. madilim. Nakakatakot.
H-hinigop kami ng libro!
"H-hindi maaari." si Tim ulit ang nagsalita.
"So tama nga ako? Hindi ko panaginip ang mga iyon?!" nangangambang tanong ni Sab.
"Oo.. at sa tingin ko--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Andrei at nagsalita na agad ako.
"Nasa loob tayo ng libro." Hindi lang ako kundi, bakas sa aming lahat ang takot at pangangamba.
"M-makakalabas pa naman s-siguro tayo hindi ba?"
"Paano? Wala ang mahiwagang libro na iyon dito."
Nasapo ko nalang ang noo ko dahil wala akong maisip na paraan para makalabas kami dito.
"Hindi pwedeng maupo lang tayo dito at maghintay ng milagro." sagot ko at tumayo.
"Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni Andrei sakin.
"Hahanap ng paraan.. kahit wala akong idea kung anong mundo ang kinaroroonan natin ngayon."
*PLASSSK!*
Natigil kami sa pag-uusap nang biglang may dumaang pana sa pagitan namin ni Andrei at tumama iyon sa puno.
"A-ano yun? Saan galing yun?!"
*PLASSSK!*
"Ahhhh!!" sigaw nila Keia at Sab sabay yuko sa damuhan nang may panibagong pana nanaman ang lumipad at tumama kung saan.
"Hindi tayo ligtas dito. Kailan natin makahanap ng paraan. Tara na--" natigilan sa pagsasalita si Andrei. Maging ako ay napatulala sa nakikita ko ngayon.
"B-bakit?" natatakot na tanong ni Tim. Walang may kakayahang magsalita sa amin ni Andrei para sabihin sakanila ang nakikita namin. Si Andrei ay unti-unti namang tinaas ang kanang kamay at dahan dahang tinuro ang nasa likuran nilang tatlo nina Tim, Keia, at Sab.
Palapit ng palapit. Pataas ng pataas ang tingin namin ni Andrei.
"M-may.." Nauutal na turan ni Andrei habang nakaturo sa likod nila.
"A-anong meron?" si Sab na takot na rin at hindi magawang lumingon.
"M-may.. a-ano," biglang natigilan si Andrei sa pagsasalita at pilit na lumingon ang tatlo sa likod nila.
"H-higante!"
"M-may h-higante sa likod natin!"
"T-takbo!!" Sigaw ni Andrei at nagsimula na silang magsitakbo palayo pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Walang boses na lumalabas sa bibig ko.. hindi ko alam ang gagawin. Nakatingala lang ako sa higanteng papalapit nang papalapit sa direksyon namin.
"Amarra! Ano pang ginagawa mo diyan?!"
"Amarra! Mamaya kana mamangha sa nakikita mo! Save yourself! God."
"Amarra tumakbo kana!"
Malapit na malapit na siya. Isang hakbang nalang ay matatapakan na niya ako at--
Tinaas na niya ang isang paa at maaapakan na ako! Maaapakan kana Amarra ano ba?! Gumalaw ka naman!
"Amarra!!" Para akong nagising sa katotohanan nang hilahin ni Andrei ang kamay ko.
"Please, Amarra. Run faster!" sigaw ni Andrei sakin. Pareho na kaming tumakbo ngayon pero halos ang benteng hakbang namin sa pagtakbo ay kalahating hakbang palang nung higante.
"H-hindi ko kaya, Andrei. Natatakot ako!" sigaw ko sakanya. Ang mga kasama namin ay nakatakbo na ng medyo mas malayo kesa sa amin.
"Do you want me to carry you?" nag-aalalang tanong niya sakin.
"No! Mauna kana please?"
"Hindi pwede. Hindi kita iiwan dito. Bilisan nalang natin!" hinihingal na kaming pareho. Dinig na dinig namin ang mga hakbang na ginagawa ng higante. At sa kagustuhan naming makatakas doon ay buong lakas kong binilisan ang pagtakbo ko. Nagagawa ko nang sabayan ang mabilis na pagtakbo ni Andrei.
"Andrei! Amarra! Guys, over here!" sigaw ni Sab at natanaw namin sila na nakatago sa naglalakihang bato malapit sa sapa. Binilisan pa namin ang pagtakbo at sinadya ni Andrei na dumaan kami sa nagtataasang mga puno para hindi kami makita kaagad ng higante na magtungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan namin.
Hingal na hingal kaming lahat. Walang nagsasalita. Naririnig parin namin ang mga hakbang ng higante. Papalapit sa kinaroroonan namin.
Sumenyas si Tim na manahimik kami.
Nakaupo ako habang nakasandal sa malaking bato na pinagtataguan namin. Nakikita ko sa anino na nagmumula sa araw na nakahinto na ang higante sa mismong pinagtataguan namin.
"Naglalakad siya palapit dito." bulong ni Keia habang nanginginig sa takot.
Tinignan ko muli ang anino at halos mapasigaw ako sa takot nang makitang naglalakad ito papunta sa amin.
Napapikit ako at pilit na isinuksok ang sarili sa pinakasulok ng bato.
"Aah!--mm" napamulat ako nang biglang marinig ang pagsigaw ni Sab na hindi rin natuloy dahil tinakpan ni Tim ang bibig niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahinto ang higante sa mismong gilid namin. Pigil na paghinga ang ginawa ko para hindi ito makalikha ng ano mang ingay. Si Tim ay hindi parin inaalis ang kamay sa bibig ni Sab.
Humakbang muli ang higante. Hindi ko na magawang tigan ito at pinili nalang na ipikit ang mga mata. Ilang hakbang pa ang narinig ko bago magsalita si Tim.
"Tara.. n-nakalayo na siya." bulong ni Tim sa amin at dahan dahan ko namang iminulat ang mga mata ko. "Kailangan natin sundan ang sapa. Baka may makita tayong posibleng daan."
Tahimik naman kaming tumayo at umalis sa pwesto namin. Hindi kami gumawa ng ingay dahil ilang hakbang lang ng higante ay paniguradong maaabutan nito kami.
"Dahan dahan. Madulas ang bato." bulong ni Andrei sa amin at inalalayan naman niya ako sa paglalakad para hindi madulas.
"Ahhh!" napalingon kami sa gawi ni Keia na ngayon ay nakabagsak na sa batohan.
"Keia." agad na tinulungan ni Tim si Keia para makatayo. Saktong pagkatayo ni Keia ay nabaling naman sa higante ang paningin ko. At ganun na lamang ang gulat ko nang makitang nakaharap na ito mismo sa samin.
"f**k!"
"Takbo!" tanging nasigaw nalang ni Andrei at hinila ulit ako para makalayo doon.
"Are you okay, Kei? Kaya mo pang tumakbo?" tanong ko
"Oo. Pwet lang yung masakit sakin. Tara na takbo!" sigaw niya at sabay sabay na kaming tumakbo ulit.
Agad kaming naalarma nang marinig na pabilis din nang pabilis ang paghakbang ni higante.
"s**t! Tumatakbo na rin siya! Bilisan pa natin!" sigaw ko sakanila at sa tingin ko ay wala nang mas ikabibilis pa ang pagtakbong ginagawa kong iyon.
*PLASSSK!*
Sabay sabay kaming napahawak sa ulo namin at napayuko habang tumatakbo. Ayun nanaman ang pana.
*PLASSSK!*
*PLASSSK!*
*PLASSSK!*
Tatlong tunog ng pana ang narinig namin at nagawa ko pang lingunin ang higante. Nagulat ako nang makita kong ang higanteng iyon ang tinatamaan ng pana.
Napahinto kami sa pagtakbo nang may humarang na isang sasakyan sa harapan namin.
Bakit may sasakyan sa gubat? Isang sobrang lumang sasakyan.
"Sakay na, bilisan niyo!" sigaw ng isang lalaking nagmamaneho doon. Hindi na kami nagdalawang isip pa na sumakay dahil sa takot at sa higanteng papalapit na rin sa gawi namin. Pinauna kaming pasakayin sa likod ng sasakyan bago sumakay sa harapan si Andrei. Hindi ko rin alam kung paanong nagkasiya kaming apat sa likod ng sasakyan.
Pagkasakay naming lahat ay pinaharurot kaagad ng lalaki ang sasakyan. Hindi nito ininda ang napakalubak na daanan. Napapalingon din ako sa likod at sinisigurado na hindi na kami nasundan pa nung higante.
"Who are you?" tanong ni Andrei sa lalaki kaya napatingin din kami sa lalaking nagmamaneho nun. Nakita kong sumulyap pa ito sa amin sa rear view mirror bago sumagot.
"Tao rin ako katulad niyo."
"Alam mo ba kung nasaan tayo?" tanong ni Tim.
"Alam ko na.. bago niyo pa nalaman. Anong nilabag niyo?" tanong nung lalaki sa amin.
"Nilabag?"
"Sa museum. Sa loob ng library to be exact." sagot nito at nagkatinginan naman kaming lahat bago binalik ang atensiyon sa lalaki.
"A-alam mo? K-kasama ka ba namin doon sa library?" tanong ko. Tinignan muli ako nito sa rear view mirror bago magsalita.
"Nauna akong dumating sa inyo dito." sagot niya at inihinto ang sasakyan. "Magpapahinga na muna tayo dito. Malapit nang dumilim at delikado na sa labas." Isa-isa naman kaming bumaba ng sasakyan at isang maliit na kweba ang pinasukan namin. May mga siga na rin na nakapalibot doon sa loob kaya hindi na gaanong madilim.
"Taga-rito ka ba?" mayamaya ay tanong ni Keia sa lalaki. Nakapalibot na kami ngayon sa isang siga.
"Oo."
"So ibig-sabihin hindi ka namin katulad? Are you a vampire? A ghost? Or a witch?!"
"Sabrina, stop it." suway ni Tim.
"It's okay." natatawang sagot ng lalaki.
"Do you understand English? You know how to speak English?!" gulat na tanong ni Keia. Maging ako man ay nagulat kung paanong may alam siya.. hindi lang sa language kundi pati ang tungkol sa museum.
"Sabi ko naman sa inyo kanina.. tao ako katulad niyo." sagot niya at ngumiti. "Anong nilabag niyo?" yun din yung tanong niya kanina.
"T-teka, may alam ka ba? Anong alam mo?" taka kong tanong.
"Lahat, alam ko." nagkatinginan kaming lima. Nagtataka. Nagtatanong. "Anong taon na ba bago kayo makapasok sa mundong ito?"
"Year 2000." si Andrei ang sumagot.
"Really? Three years ago na pala." sagot niya at mapait na ngumiti.
"A-anong meron noong three years ago?" tanong ni Sab.
"I'm only seventeen years old when my teacher in history decided to visit the museum for our project." pag-uumpisa niya. "I'm originally from Laguna. Bago kami pumasok sa library na iyon sa museum ay inorient muna kami ng librarian kung ano ang mga hindi dapat gawin sa loob. Siyempre nasa rule #1, ang bawal mag-ingay. Rule #2, do not open the restricted book. Rule #3, No one is allowed to stay inside the library when the clock turns at exactly twelve noon. When the clock turns at exactly 12:12 at may tao pa sa library, lahat ng iyon ang mga magiging bagong biktima ni zĕbhūbh. Prinsipe ng mga demon. Anak siya ni Satan."
"Prinsipe ng mga demon?!"
"Biktima?"
"Satan?!"
Naguguluhan at natatakot na tanong ng mga kaibigan ko. Maging ako ay iyon din ang mga katanungang tumatakbo sa isipan ko. Wala akong maintindihan sa nangyayari.
"A-anong klaseng libro ba itong napasukan n-natin?" naguguluhang tanong ni Tim.
"Kung hindi niyo nabasa.. ang title ng librong ito ay.."
"Pandemonium." sabay naming sinabi iyon ng lalaki.
"Nabasa mo rin pala ang title." nakangiti nitong sabi sakin.
"Oo pero hindi ko alam ang meaning nun." pagsasabi ko ng totoo.
"Pandemonium is a kingdom of devil inside the Lost Paradise. Nasa Lost paradise tayo ngayon at ang Pandemonium ay matatagpuan sa pinakahuling chapter ng librong ito."
"K-kingdom of devil?!" kilabot ang hatid ng sinabi niya sa amin. So nasa impyerno kami ngayon kung ganon.
Posible pa kaya kaming makaligtas dito? Nang... Buhay?
"I'll explain it later. So back to the rules tayo. Ang tatlong binanggit ko kanina ay ang golden rules. Lahat kami ng buong section ko ay nasa loob ng library nang labagin ko ang rule number two. Dahil sa curiosity ay binuksan ko ang i***********l buksan na libro. Laking gulat ko nalang nang bigla itong umilaw. Namatay ang mga ilaw at nagsigawan lahat ng mga kaklase ko doon. Humangin ng napakalakas hanggang sa tangayin pati kami. At namalayan nalang namin na isa-isa na kaming hinihigop ng libro." Nakatutok lang ang buong atensiyon namin sakanya habang nagkukwento siya.
"Nangyari yun ay taong 1997. Lahat ng tao sa library nang mga oras na iyon ay napasok sa librong ito."
"Nasaan na sila ngayon? Bakit mag-isa ka nalang?" hindi na napigilang magtanong pa ni Keia.
"Chapter one palang ay marami na ang namatay sa mga kasama ko."
"Namatay?!" sabay naming tanong dahil sa gulat. Tumango lang ang lalaki at nagpatuloy sa pagkukwento.
"Gaya sa nangyari sa inyo kanina. Unang araw palang namin noon sa mundong ito ay inatake na kami ng kakaibang mga nilalang. Maswerte kayo kanina dahil higante lang yung nakaharap niyo."
"Higante lang?! Are you out of your mind?!" galit na sigaw naman ni Tim.
"Don't get me wrong dude. Napakaswerte niyo parin. Dahil ang umatake sa amin noon ay mas delikado pa sa higante. Isa silang mga demonyo. May mga kapangyarihan sila."
"Kapangyarihan?"
"Sila?!"
"Oo. Marami sila. Ang librong ito ay nagbabago kung gaano karami ang chapters. Napunta kami sa chapter two ay kakaunti nalang kaagad kaming mga natira. Walang nagtagumpay sa aming makatapos sa chapter kaya kung ano ang nakaharap namin noon. Ganun rin ang makakaharap niyo ngayon."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"May pag-asa pa kayong makalabas sa librong ito. Yun ay kung matatapos niyo ang buong chapter na ito ng.. buhay."
Kinabahan ako sa sinabi niya. Kahit maging sa una pa lang ay takot na talaga ako. At sa bawat nalalaman ko ay mas lalo akong natatakot.
"Bakit buhay ka parin?"
"Kasi sumuko ako. Hindi ko na sinubukan pang labanan ang mga makapangyarihan na mga character sa mga sumunod na kabanata ng kwentong ito. Pero ang mga kasama kong ninais makalabas ay sumubok lumaban.. pero, namatay sila sa pakikipaglaban. Tinanggap ko nang hindi ko sila matatalo kaya tinanggap ko narin na habang buhay na akong makukulong sa librong ito."
"H-hindi! Makakalabas kami dito. Makakalabas tayong lahat dito ng buhay!" pagkontra ko sa sinabi niya.
"Amarra, hindi natin kaya ang kalaban." salungat naman ni Andrei.
"Anong ibig mong sabihin? Na sumuko na lang tayo kaagad? Hindi pa nga natin sinusubukan eh."
"Ayos." biglang sabat ng lalaki. "'Yan ang unang kailangan sa mundong ito para makaabot ka sa huling kabanata. Ang magkaroon ng tibay at lakas ng loob. Tiwala sa sarili."
"Ayaw ko lang na may mangyaring masama sa iyo, Amarra.. sa ating lahat."
"Kaya mas pipiliin mo nalang na makulong sa impyernong ito?" sagot ulit ng lalaki.
"Ang sabi mo, narating mo na ang mga sumunod na kabanata? Bakit ka nandito sa chapter one?" tanong ko.
"Dahil dumating kayo."
"What?"
"After namin makapasok sa mundong ito ay wala nang sumunod pang nakapasok dito sa loob ng tatlong taon. Kayo palang."
"Pano mo nalaman na andito kami?" kunot noong tanong ni Andrei.
"Dahil dito." sagot niya sabay pakita ng libro.
"Ang mahiwagang libro!" sigaw ni Keia sabay agaw ng libro sakanya. Binuksan niya ito ngunit pareho kaming nagulat nang walang makitang sulat sa loob.
"Ang naunang kwento ay kusang nabubura sa libro kapag may bagong character na darating. At ang lahat ng mapagdadaanan niyo ay kusang nasusulat diyan." paliwanag niya. "Nalaman ko lang na may mga bagong character na dumating nang bigla itong umilaw kanina. At lahat ng napagdaanan namin noon ay nabura at napalitan ng mga napagdaanan niyo kanina bago ako dumating. Nasa unang pahina pa lang tayo ng unang kabanata. Kasama niyo na ako sa paglalakbay niyo patungo sa Pandemonium."
"Kung mananalo tayo.. makakalabas ka rin sa librong ito?" tanong ko.
"Kung papalarin tayo, oo." sagot niya at nginitian ako.
"Kakayanin natin. Pagtutulungan natin ito at walang maiiwan dito. Makakalabas tayo, magtiwala lang tayo sa kakayahan natin." sagot ko at binigyan ko silang lahat ng ngiti para patatagin ang loob nila.
"I like that attitude. Sana ganyan kayong lahat. Madali ko kayong matuturuan sa pakikipaglaban."
"Sorry, I'm not like Amarra. Guys, I'm scared." si Keia.
"Natatakot rin ako, Kei. Pero wala tayong choice kundi ang magpakatatag para makaligtas tayo."
"Amarra is right. I'm scared too, Kei. But we need to fight for our lives." pagsang-ayon ni Sab sakin.
"So your name is Amarra?" tanong niya na nasa akin ang tingin.
"Yes. I'm Amarra Leanne Rivera." pakilala ko sabay abot ng kamay sakanya.
"You have a beautiful name. Just like you." nakangiti niyang sabi sabay abot ng kamay ko. "I'm Klev Ares Alejaga." pakilala niya at nakatingin lang sakin habang nakangiti. Medyo nakaramdam naman ako ng pagkailang dahil matagal bago niya bitawan ang kamay ko.
"Ehem." pag-aagaw pansin ni Andrei. "I'm Klint Andrei Macavinta." pakilala niya rin kay Klev at inabot ang kamay dahilan upang bitawan niya ang kamay ko.
"Hi, Mr. Handsome! I'm Sabrina Shein Morgan."
"Hello."
"Hi Klev. I'm Keia Ylisha Verano."
"Timothy Bradley Cipriano."
"Nice to meet you all." Nakangiti niyang sabi. "Hope to have a good relationship with you" dagdag niya pa pero nasakin lang ang paningin. Iniwas ko nalang ang tingin ko at nagpanggap na may iniisip.
"Alright! Rest well everyone. We'll start our journey tomorrow." yung lang ang sinabi niya at nagsi-pwesto na kami sa kanya kanyang hihigaan para magpahinga.