Kabanata 3

2505 Words
Amarra's Point of View *PLASSSK!* Nagising ako nang marinig nanaman ang nakakarinding tunog ng pana na tumama sa kung saan. Dahan-dahan akong naupo at nakita ko si Klev na naka-focus sa pag asinta ng mga prutas na nakahilera sa di kalayuan at mahigpit na nakahawak sa kanyang bow. Tahimik ko lang itong pinanuod hanggang sa maubos niya itong asintahin lahat. Wow! Walang kahirap-hirap para sakanya ang paggamit ng ganoong bagay. Sanay na sanay. "Gising ka na pala." hindi ko namalayan ang paglapit niya sakin at naupo sa harapan ko at inaayos ang mga pana niya. Maging ang bow nito ay sinusuri niya kung matibay pa ito. Napatingin ako sa mga kasamahan kong mahimbing parin sa pagkakatulog bago ako sumulyap muli sakanya at nagsalita. "Saan ka natuto niyan?" tanong ko habang nginuso ang panang hawak niya. "Pinag-aralan ko. Hindi lang ito ang alam kong hawakan." sagot niya at tumayo upang kunin ang isang malaking bag at isa-isang inilabas ang iba't-ibang klase ng sandata mula roon. "Saan naman galing ang mga iyan?" taka kong tanong. "Nakuha namin ito sa mga ilang nakalaban namin." sagot nito at hindi naman ako nakaimik. Saglit pa akong nag-isip at nag-aalangang magsalita. Na cu-curious ako. "N-nakapatay kana ba sa.. pakikipaglaban mo dito?" "Oo. At sigurado akong yun din ang gagawin niyo habang tumatagal ang pamamalagi niyo rito." "Killing is not my.. thing." napayuko ako nang sabihin ko iyon. Hindi ko ma'imagine ang sarili kong pumatay. Kahit sabihin pa nating kalaban o maging demonyong nilalang man iyon. "Ganoon naman tayong lahat. Tayo na nanggaling sa totoong mundo." "H-hindi ko kaya." "Kailangan mong matutong lumaban at pumatay para lang mabuhay. Dahil kung hindi mo sila papaslangin, ikaw.. ang tiyak na mapapaslang nila." Napatitig akong muli sa panang hawak niya. "Ikaw ba ang pumana sa higante na iyon kahapon?" "Ako nga." Niligtas niya kami sa kapahamakan. "Salamat." "Wala yun. Gusto mo matuto?" tanong niya at pinakita sakin ang pana. Umiling ako. "Hindi ako magaling umasinta." sagot ko pero tumawa siya. "Kaya nga tinatanong ko kung gusto mong matuto. Tuturuan kita." "N-natatakot ako gumamit ng.. k-kahit na anong patalim." "You need to be brave. Kung kinakailangang maging ibang Amarra ka muna ngayon.. gawin mo. Kailangan mo yun sa sarili mo para mabuhay ka dito." seryoso niyang sabi sakin. "Wag mo nang hintayin na may mapahamak pa muna na isa sa inyo bago kayo magdesisyong lumaban. Wag kang matakot. Fight for your life." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama siya. Kailangan ko talagang maging matatag. Kailangan kong maging isang palaban na Amarra. Buhay namin ang nakasalalay dito at gagawin ko ang lahat para hindi mapahak ang mga kaibigan ko. Pero paano? Mahina ako. Wala akong alam sa pakikipaglaban. Kung utak lang ang labanan ay malaki ang posibilidad na manalo ako. Pero.. sa pisikal na lakas ay wala akong binatbat. "Hindi ko kayo bibiglain. Mananatili muna tayo dito hanggang sa maging handa na kayo. Sabihin niyo lang sakin at magpapatuloy na tayo sa pagsuong sa impyerno." "Kahit kailan ay hindi kami magiging handa para harapin ang kamatayan namin. Lalo na ang impyernong tinutukoy mo. Walang saysay ang paghahanda kung alam natin sa sarili nating lamang ang kakayahan nila. Sabihin mo sakin.. marami kayo noon, pero ikaw nalang ang natira. Walang nagawa ang napakaraming bilang niyo kumpara sa bilang na mayroon tayo ngayon." puno ng pag-aalinlangan ang isip ko. Hindi ko matanggap. Wala akong ibang maisip. Alam kong hindi maganda pero, hindi pa man nag-uumpisa ay nawawalan na ako ng pag-asa. "Alam mo ang salitang tiwala?" tanong niya sa akin at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Napakalaki na ng epekto nun sa pagkapanalo natin, Amarra. Oo natalo kami noon.. kasi wala kaming alam sa mga nagaganap. Pare-pareho kaming nangangapa sa dilim at naghahanap ng kasagutan kung paano makalaya. Nakagawa kami ng mali at padalos-dalos na desisyon dahil wala kaming alam. Pero iba na ngayon.. kahit wala kayong alam ay nandito ako. Marami akong nalalaman na hindi niyo pa alam at kung magtitiwala kayo sakin, magagawa nating makaalis dito. Andito ako. Hindi ko kayo pababayaan. Hindi ko na hahayaang magaya kayo sa mga kasama ko at wala akong nagawa para iligtas sila." sagot niya at tinapik pa ang balikat ko bago tumayo. "Stay here. Wag mo silang hayaang lumabas at delikado sa labas. Maghahanap lang ako ng pagkain." sagot niya at naglakad palabas ng kweba. "Klev." natawag ko nalang ang pangalan niya na habang pinapanood siyang maglakad palayo. Wala akong masabi. Masyado niya akong napahanga sa tibay ng loob niya. Gusto niyang makalabas. Gusto rin naman naming makalabas. Kailangan niya ng tulong namin para makipaglaban at ganun din kami sakanya.. kailangan namin ang isang katulad niya. Hindi pwedeng maging pabigat lang kami. Kailangan din naming kumilos na naaayon sa mundong ito. Makikipaglaban kami.. madugong labanan. "Amarra.." lumingon ako sa tumawag sakin. " How are you feeling? Nakatulog ka ba?" tanong ni Andrei at tumango naman ako. "Andrei.. are you scared?" kumunot ang noo nito at tumabi sakin. "I'm scared, Andrei. I really am." mababakas ang takot sa pananalita ko. Hinagod naman niya ang likod ko. "To be honest, yes. I am too. Pero kung iisipin ko ang kaligtasan nating lahat.. nawawala ang takot sakin at nangingibabaw ang kagustuhan kong lumaban." "Kahit i-ikapahamak mo?" "Oo. Amarra, we need to survive. Kailangan natin makalabas dito." "Alam ko yun." sagot ko at ngumiti sakanya. "Handa na akong harapin ang kapahamakan dahil alam kong hindi ako nag-iisa. Dahil alam kong andiyan ang mga kaibigan ko. Andiyan kayo." "Of course, hindi natin papabayaan ang isa't-isa. 'yun naman lagi ang ginagawa natin noon pa man hindi ba?" "Oh, yeah. Right." sagot ko nang nakangiti at dumapo naman sa paningin ko ang mga sandatang inilabas ni Klev kanina. "Andrei?" "Hmm?" tumingin ako sakanya. "Ano nga ulit yung sports na nilalaro mo noong high school tayo?" tanong ko at saglit naman siyang nag-isip. "Basketball?" "No. Hindi yan." "Ang alin ba?" "Yung may kahoy! Nakalimutan ko kung anong tawag doon eh." Bahagya pa siyang natawa. "Arnis?" "Oh, yeah! That's it." sagot ko na mas napalakas pa ang tawa niya. "What's funny, Mr. Macavinta?" tinignan ko siya ng matalim. "You're cute." "I know right. Pero hindi mo ako mabobola." "No I'm not. So what about it?" "Teach me how to fight." "Fight? Gamit ang Arnis?" taka niyang tanong. "Hindi. Kumain gamit ang Arnis!" inis kong sagot. Ngayon ay ramdam ko na ang madalas nararamdaman ni Sab sa tuwing kausap niya ito. Ewan ko ba at bakit crush ko ang mokong na'to eh! Oh, yeah. Crush lang naman. At sa tingin ko ganun din siya sakin. We are more on actions pero never namin napag-usapan ang tungkol dito. "Joke lang. Ang pikon nito. Haha. Fine, diyan ka lang at maghahanap ako ng kahoy." sagot nito at aktong lalabas nang pigilan ko siya. "Hintayin na lang natin si Klev. Delikado sa labas." "I know how to fight." "Gamit ang Arnis?" tinaasan ko siya ng kilay. "Yeah." sagot niya at pareho kaming tumawa. "Wow. Nakukuha niyo pang magtawanan kahit ganito na ang sitwasyon natin." pareho kaming napalingon kay Sab. "S-sorry." sagot ko at lumapit sakanya. Gising na rin sina Tim at Keia. "Kidding. Walang mangyayari kung iiyak tayo dito. We need to fight." sagot niya sabay tayo at pumunta sa mga sandatang nakaipon. "Buti nalang at tinuruan ako dati ng lolo ko mag-self defense. Hindi ko na-try gumamit ng patalim pero sa tingin ko ay makakatulong na ang sapat na kaalaman ko sa mga kilos at galaw." dagdag niya at umakto pa siyang ihahampas sa hangin ang isang sandata. "Me too! OMG, guys. I think magagamit ko dito ang pag-aaral ko ng Taekwondo." sabat naman ni Keia kaya nakangiti akong tumingin sakanya. "Tama yan. Hindi yung sakin mo nilalabas ang pagiging black belter mo." sagot naman ni Tim na ikinatawa namin. Lagi kasing ginagamitan ni Keia si Tim ng Taekwondo thingy niya sa tuwing inaasar siya nito. "Siguro magpaturo ka na rin kay Klev na humawak ng pana. You're good at shooting right?" tanong naman ni Andrei kay Tim. "Yun nga rin ang balak ko eh." sagot ni Tim dito. Isa-isa ko silang pinagmasdan. Masaya ako dahil kahit papaano ay nagkaroon na sila ng kompiyansa sa sarili upang lumaban. Nagkaroon na sila ng mga sarili nilang dahilan para huwag matakot. Masaya ako. Pero sa kabila ng saya na nararamdaman ko ay agad din akong napanguso at nalungkot. Ang galing nila. May mga naisip na silang paraan para makatulong sa pakikipaglaban samantalang ako, wala. Wala akong maipagmamalaking kakayahan gaya nila. Mahina ba ako? Anong maitutulong mo Amarra? Hindi ka pwedeng maging pabigat sa mga kasama mo. Hindi pwede. "Bakit ang lungkot mo?" bulong na tanong sakin ni Andrei. Dahil nahihiya akong magsabi ay umiling na lang ako. Mayamaya pa ay dumating na si Klev dala ang mga prutas at iba pang mga pagkain. Maging ang tubig ay meron din siya. "Saan galing ang mga ito?" tanong ni Sab. "Sa sibilisasyon." napaangat naman ako ng tingin sakanya. "May bayan rito?" si Tim ang nagtanong. "Oo. Pero hindi iyon basta-bastang bayan lang." "Bakit hindi pa tayo pumunta roon?" "Dadalhin ko rin naman kayo doon. Kailangan lang muna natin maging handa." "Handa na kami!" biglang sagot ni Sab habang kumakain ng tinapay. "Hindi pa tayo handa. Magtiwala kayo sakin. Mananatili pa muna tayo ng ilang araw dito at ang pananatiling iyon ay ilalaan natin sa matinding pagpaplano at pag-eensayo." "Sang-ayon ako sayo." sagot ni Andrei. "Bilisan niyo diyan at mag-uumpisa na tayo ngayong araw. Mahalaga ang bawat segundo dito." sagot niya at lumabas ng kweba. Nagkatinginan naman kaming lima at mabilis na tinapos ang pagkain. Pagkatapos mag-ayos ay kanya-kanya na sila ng dampot sa sandata. Naiwan naman akong nakatulala at hindi malaman ang gagawin. "Amarra, let's go!" sigaw ni Keia kaya napailing nalang ako at pikit-matang dumampot ng sandata. Hindi ako nagmadaling lumabas dahil natatakot ako. At maging ako ay hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung saan ba ako natatakot. Naduduwag ako. Pagkalabas ko ay nakita kong nagsisimula na sila. Si Keia ay tinuturuan ni Andrei sa tamang paghawak ng sandata. Kahoy ang hawak ni Andrei pang-demo at sandata naman ang kay Keia habang ginagaya ang mga galaw na ginagawa ni Andrei. Napatingin naman ako sa sulok kung saan tinuturuan ni Klev si Tim sa tamang posisyon at paghawak ng pana. Si Sab naman ay busy sa pag-eensayo mag-isa ng Taekwondo at ginagawang mga obstacle ang mga sanga ng punong kahoy. Napatingin nalang ako sakanila habang nakatayo ako sa di-kalayuan at hawak ang sandata ko. Gusto kong matuto. Gusto kong lumaban. Nakita kong may sinabi si Klev kay Tim at tumango naman ito. Mayamaya pa ay nakita ko na itong naglalakad papunta sa direksyon ko. "Ready?" "S-saan?" "Gusto mong matutong pumana?" tanong niya at bumaba ang tingin nito sa kamay kong may hawak na sandata. "Pero pwede rin kitang turuan humawak niyan." "Marunong ka?" "Oo. Marami akong alam dahil tinuruan ako sa bayan." "Bakit hindi nalang tayo doon mag-ensayo?" "Dahil wala nang magtuturo satin." "Bakit?" "Tara na. Anong gusto mong unahin kong ituro sayo?" tanong niya at naglakad pabalik sa mga kasama namin. Sumunod naman ako sakanya. "Ang sandata." sagot ko at lumingon siya sakin. "Ready?" "I'm-- I'm ready." sagot ko at nakita kong kumuha siya ng sandata na nakakabit sa likod niya. Tumabi siya sakin at dinemo kung paano ang tamang pagkakahawak nun. "Kapag may hawak kang sandata, isipin mo na parte na ito ng katawan mo at susunod sa galaw na naaayon sa naiisip mo." pag-uumpisa niya. "Kung ikaw ang susugod hindi ka lang basta-basta susugod. Palagi mong babantayan ang depensa na gagawin ng kalaban sa bawat pagsugod mo at palagi mong tatandaan na pagkatapos ng depensa at makakuha siya ng tiyempo ay siya naman ang aatake sayo." paliwanag niya at wala na akong ibang ginawa kundi ang tumango sa mga sinabi niya. "Watch my move. Sumugod ka sakin Amarra." sabi niya at bahagyang lumayo at humarap sakin. "Wag kang matakot hindi mo ako masasaktan." "W-wag mo muna ako susugurin ha." paninigurado ko at tumawa lang siya. "Don't worry. Hindi ko gagawin yun" nakangiti niyang sagot. At walang ano-ano ay sinugod ko siya ng sinugod. Sinunod ko ang mga sinabi niya kanina. Lahat ng mga pagsugod na ginawa ko ay nasasangga niya. Well, ano pa nga ba ang ine-expect ko sakanya? Ilang taon siyang nabuhay na ganito ang ginawa niya. "Nice. I didn't expect na ganiyan na agad ang performance mo." sabi niya. "Next thing na ituturo ko naman sayo ay ang pagsangga. Kailangan mo yun matutunan." dagdag pa niya at tumango lang ulit ako. Marami siyang itinuro sa'king mga techniques sa pag-atake at sa pagdepensa. Buong araw ay iyon ang ginawa namin. Nag-focus siya sa pagtuturo sakin sa pagsasanay sa paghawak ng sandata at sa pag-guide kay Tim sa paggamit ng pana. Sa sumunod na araw naman ay ako naman ang tinuruan niya sa pagpapana at si Tim naman ang tinuruan niya sa paghawak ng sandata. Sabi niya ay maganda raw na alam namin lahat ang nalalaman ng bawat isa. Sa sumunod naman na nagturo sakin ay si Andrei. "Nahirapan akong turuan si Sab dito. Kaya inaasahan ko nang mahihirapan din ako sayo." natatawa niyang sabi at pabatong inabot sakin ang dalawang pares ng makapal na sanga ng punong kahoy. "Anong akala mo sakin, ha? Slow learner?!" sagot ko at iwina-siwas ang kahoy sa hangin. "H-hey.. hindi kasi ganyan." "Kaya nga tuturuan mo ako diba? Kasi hindi ako marunong." sagot ko sabay simangot. "Yeah, right. At alam mo bang ikaw ang pinakapaborito kong turuan kahit magiging mahirap sakin yun?" "Psh. Puro ka satsat diyan Andrei. Just teach me!" sigaw ko para itago ang saya na dulot sakin ng sinabi niya. Tatawa-tawa naman siyang umayos at sinimulan na akong turuan. Ang pinakahuling nagturo sakin ay si Keia na black belter sa Taekwondo. Hindi naging madali para sakin ang isang iyon. Gawin mo pang seryoso talaga sa pagtuturo sakin si Keia. Nung araw din na iyon ay hindi ko siya nagawang biruin dahil terror ang dating niya. Ganun din ang reklamo ni Tim noong siya na ang tinuruan ni Keia. Sa huling araw ng ensayo namin ay napuno ng tawanan at saya kahit pa pagod at masakit ang mga katawan namin. Sa huling araw na pag-eensayo ay pinagsama-sama namin lahat ng natutunan namin. Hinati kami sa dalawang grupo ni Klev at naglaban. Magkakampi kami nina Tim at Andrei laban kina Klev, Keia at Sab. Nahirapan kami nila Tim at Andrei dahil sa galing nung tatlo sa pag-atake. Pero sa huli ay naisahan namin sila dahil sa plano naming pagtutulungan muna si Klev bago ang dalawang babae at sa huli ay kami ang nanalo. "Whaaaa!!! Ang galing!" sigaw ko habang nagtatalon sa tuwa. "Nice teamwork!" puri ni Klev samin na abot-tenga ang ngiti. Ngayon ay mas naging matibay na ang loob ko. May laban na kami. Hindi na kami nangangapa. May nalalaman na kami sa pakikipaglaban. Kinagabihan ay nagpahinga na kami para sa paghahanda. Bukas ng umaga na kami pupunta sa bayan na tinutukoy ni Klev kung saan napakalapit na nun sa kapahamakan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD