Klev's Point of View
Madaling-araw pa lang ay gising na kami para maghanda sa pag-alis namin. Ako ang kinakabahan sa mga kasama ko kahit na alam kong kaya naman na nilang depensahan ang mga sarili nila sa mga bandido. Ang ikinakatakot ko ay ang makaharap nila sina Satan at ang Prinsipe nitong anak na si zĕbhūbh na madalas dumalaw sa bayan. Hindi ko rin alam kung makakayan nilang makita ang kalagayan ng bayan.
"Wear this." sabi ko sakanila at inilapag ang bag na naglalaman ng mga damit na kinuha ko kahapon sa bayan.
"Woah! This is cool, Klev." may kislap sa matang sinabi ni Sabrina habang nakatingin sa hawak na damit.
Matapos isuot nila Tim at Andrei ang mga damit na binigay ko ay lumabas na muna kaming para makapagbihis ang mga babae sa loob.
"Anong meron sa bayan?" mayamaya ay tanong ni Andrei sakin.
"Mamaya niyo malalaman."
"Bakit hindi mo pa sabihin? Para makapag handa kami." sabat naman ni Tim.
"Mahirap ipaliwanag. Mamaya na kayo magtanong kapag nakarating na tayo doon. Sasagutin ko lahat."
"Ang cool talaga ng pormahan dito noh?-- Bagay ba sakin Tim?" biglang lumabas ang tatlong babae sa kweba. Tapos na silang magbihis.
Napatingin naman ako sa suot nila. Isa iyong simpleng armor suit. Ang damit ay gawa sa puting makapal na nylon fitted na sleeveless na may paikot sa leeg nito at asul naman ang linings. Ganon din ang sa shorts nila. Pinatungan iyon ng gray armor suit mula sa ilalim ng dibdib nila hanggang sa tiyan. Ang sa paa naman ay white leather boots na may nakapalibot na metal at maging sa kamay nito ay meron ding nakapalibot na metal para pang protekta.
"Mukha kang diyosa." sagot ni Tim dito.
"Talaga?"
"Oo. Diyosa ng kamatayan." dagdag ni Tim at nagtawanan naman silang lahat. Napapangiti na lang ako dahil sa ugaling meron sila.
"Oww. That's gross." kumento ni Sab.
"Ang kapal mo! Ikaw nga diyan mukhang unggoy na dinamitan eh." ganti naman ni Keia kay Tim.
"You're beautiful." napatingin naman ako kay Andrei na katabi ko nang magsalita siya. Si Amarra pala ang kausap. Napatingin naman ako sa kabuoan ni Amarra at masasabi kong nababagay sakanya ang suit. Nakasabit sa kaliwang balikat niya ang pana at hawak naman niya sa kanang kamay niya ang sandata. Lumilitaw rin ang ganda niya dahil tinali pa nito ng ponytail ang ga-bewang niyang brownish hair.
'Kung pormahan lang talaga sana ang pag-uusapan dito.' napailing nalang ako sa iniisip ko.
"Binobola mo nanaman ako, Andrei."
"Kahit kailan ay hindi ko ginawa sayo yun, Amarra. Look at you. You're so precious. Ang mga katulad mo ay iniingatan."
"Ehem." Tumikhim ako para agawin ang atensiyon nila. "Mamaya na ang purihang 'yan. May malaking problema pa tayong haharapin." sagot ko at nagpatiuna sa sasakyan.
Naging tahimik ang biyahe namin patungo sa bayan at inabot kami ng kalahating oras bago marating iyon.
Nakakapagtaka.. inabot na sila ng isang linggo dito pero bakit walang nangyayaring masama? Dapat ko bang ikatuwa ito dahil narating na namin ang ikalawang kabanata na hindi manlang sila nagagalusan? O dapat kong ikabahala ito dahil hindi ko alam kung mas may panganib pa palang naghihintay samin dito?
Natanaw ko na ang gate ng bayan kaya inihinto ko na kaagad ang sasakyan.
"Andito na tayo?" tanong ni Andrei.
"Nasa loob ng gate na iyan ang bayan." turo ko sa mataas na gate na gawa sa bakal.
"Bakit natatago?"
"Para sana protektahan ito kay Satan at zĕbhūbh pero wala ring nagagawa."
"I-ibig sabihin.. n-narito ang mga demonyo?!" Si Keia.
"Wala. Sa tingin ko hindi na sila pupunta dito. Hindi pumaparito ang mga demonyong iyon ng walang dahilan." sagot ko at bumaba na ng sasakyan. "Kailangan nating maglakad papunta doon. Tara na. Maghanda kayo. Maging alerto."
Sumunod naman sila sa sinabi ko. Isa-isa silang bumaba ng sasakyan at sinabayan ako sa paglalakad.
Huminto lang kami nang harangin kami ng mga gwardiya na nakabantay sa gate.
"Verbum?" tanong sakin ng isa sa mga gwardiya. Agad ko naman itong sinagot. (Password)
"Solidus." (Soldier)
"Verus." sagot nito at binuksan ang gate. (Verified)
"H-hoy, Klev. A-anong language yon? Alien ba mga tao dito?" dinig kong bulong ni Sab.
"May mga ilang lingwahe lang silang iba pero nagtatagalog din sila dito."
"Eh anong pinag-usapan niyo ng ermitanyo na yun kanina?"
"Gwardiya yun. Hindi ermitanyo."
"Whatever. Ano nga pinag-usapan niyo?"
"Tinanong niya lang ang password." Sagot ko at pinag-patuloy ang paglalakad.
"Bayan ba talaga ito? Ang tahimik." si Andrei.
"Parang walang nakatira." dagdag naman ni Tim.
"Natatakot na silang lumabas--"
"Inimicus!"
"Inimicus!"
"Inimicus!"
"W-what's that?!" gulat na tanong ni Keia.
Shit!
"Inimicus! Maghanda kayo! Inimicus!"
"Hindi sila inimicus! Mga kasama ko sila." sigaw ko sa mga taong pumalibot sa amin. Tinanaw ko naman ang mga kasama ko at bakas ang takot sa mga mata nila.
"Bakit ka pumarito at nagdala ng inimicus!"
"Sinasabi ko na nga bang walang magandang dulot ang nilalang na iyan sa ating bayan!"
"Baka marahil ay isa rin siyang inimicus."
"What the hell are you talking about?! You, aliens!" nagulat naman ako sa biglang pagtataas ng boses ni Keia. Tinuro pa nito ang mga taong nakapalibot sa amin. "What do you mean by inimicus!"
"Kei, stop it. We don't know them." pagpigil naman ni Amarra sakanya.
"Anong lengwahe ang iyong gamit at hindi namin ito maunawaan? Isa kang inimicus!" sigaw ng isang lalaki at hindi ko kaagad namalayan ang pagbato nito ng maliit na karayom gamit ang maliit na parang bow ng pana at kaagad na tinamaan si Keia sa paa.
"Keia!" nag-aalalang tanong ko nang bigla itong napaluhod at nawalan ng malay.
"Kei!"
"Oh my gosh! What did you do to her! You f*****g asshole!" sigaw ni Sab sa mga tao.
"s**t! Kei, wake up!"
"H-hindi siya magigising kaagad. May lason ang karayom na gamit nila dito." pagsasabi ko ng totoo.
"H-hindi pwede! A-anong lason ang pinagsasabi mo, ha?" naiiyak na tanong ni Amarra sakin habang inaakay nila ang kaibigang walang malay.
"Lason na madaling kumalat sa katawan ng kung sino man ang tatamaan nito. Wag kayong mag-alala. Hindi yan nakamamatay."
"f**k this world!" rinig kong sagot niya bago ibalik ang atensiyon kay Keia na buhat na ngayon ni Tim.
"Akala ko ba mga kakampi ang mga taga rito. Pero bakit ganito ang nadatnan namin?" inis na tanong ni Tim.
"Alalahanin niyo, nasa libro tayo. Tayong anim ang tunay na magkakampi dito at wala nang iba." madiin kong sagot sakanila. "May mga kapanig tayo dito, oo. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nila tayo sasaktan. Mga totoong character sila ng librong ito at hindi natin sila kailanman magiging katulad." dagdag ko at hindi na ako nakarinig pa ng kahit na anong sagot pa mula sakanila.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" napaangat ako ng tingin dahil sa isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"Sovran." sabi ng mga tao sabay yuko. Iniluhod ko rin ang kanang tuhod ko at ang isa naman ay naka tukod sabay yuko bilang paggalang.
"Ikaw pala taga-labas." alam kong ako ang tinutukoy niya kaya napaangat ako ng tingin sakanya. Sinenyasan niya akong tumayo at ginawa ko naman bago magsalita.
"Sovran.. narito ako upang ipakilala sa inyo ang mga bagong taga-labas na at nabiktima rin sa kapangyarihan ng Prinsipe ng Pandemonium." paliwanag ko sa lalaki na siyang namumuno sa bayang ito.
"Ikinalulungkot ko. Ngunit ano ang nangyari sa isang 'yan?" tanong na si Keia ang tinutukoy.
"G-gawa po ng isa sa mga mamamayan." nakayuko kong sagot.
"Ipagpaumanhin niyo ang nagawa ng aking nasasakupan sa inyong kasaman. Dalhin siya sa palasyo upang magamot." sagot nito at lumakad na paalis. Tinignan ko naman ang mga kasama ko at bakas sa mukha nila ang pagtataka.
"Tara.." aya ko sakanila at isa-isa naman silang sumunod sa akin. Ilang minuto pa ang nilakad namin bago namin marating ang open field na kinatatayuan ng palasyo.
"Kanina ko pa napapansin.." nilingon ko si Amarra na biglang nagsalita. "Nagkalat dito ang mga estatwa ng hindi kilalang mga tao. At nawiwirduhan lang ako sa mga posisyon nila." nagtataka niyang tanong habang inililibot ang mata.
Nagkalat ang mga ganon dito sa bayan. Iba't-ibang posisyon at iba't-ibang klase. May bata, may matanda, may lalaki at meron ding babae. May naglalaro, may nagtatago, may natatakot at meron ding may mga hawak na armas.
Napahiga muna ako ng malalim bago sumagot. "Mga mamamayan din sila ng bayan na ito noon." sagot ko at binigyan nila ako ng nagtatanong na tingin.
"Mga mamamayan na ginawang bato ng Prinsipe ng Pandemonium." dagdag ko.
"This can't be." bulong ni Sab.
"Ganoon ka-delikado dito?" si Andrei.
"Pumasok na tayo. Marami pang sasabihin sainyo ang Sovran."
"A-ano nga pala ang ginagampanan ng Sovran dito?" tanong ni Tim habang akay-akay parin niya si Keia.
"Ang Sovran ay siyang namumuno o ang hari sa bayang ito. Kailangan natin siyang galangin." sagot ko. Tumuloy na kami sa paglalakad at maya-maya ay nakapasok na kami sa loob ng palasyo. Agad kaming pinatuloy ng mga kawal na nagbabantay doon. Kinuha nila si Keia at dinala sa silid kung saan siya gagamutin.
"G-gano katagal bago magising si Keia?" nag-aalalang tanong ni Tim.
"Kapag naubos na ang lason na kumalat sa katawan niya."
"Mga taga-labas." tawag ng isa sa mga kawal samin. "Pinapatawag kayo ng Sovran sa tanggapan."
"Pupunta kami." sagot ko at inaya ko na silang sumama sakin para harapin ang Sovran.
Pagkarating namin sa tanggapan ay nakaupo ang Sovran sa kanyang trono. Tumayo naman kami sa harap nito at yumuko bilang galang.
"Nasaan na ang inyong kaibigan?" tanong nito.
"Ginagamot na ho, Sovran."
"Mabuti. Sa oras na magising ang inyong kasama ay kailangan niyo nang lisanin ang bayang ito."
"What?!" si Sab.
"Sab." awat sakanya ni Andrei.
"Sorr-- ah.. p-paumanhin, Sovoro." sagot ni Sab. At gustuhin ko mang tumawa sa sinabi niya ay hindi ko magawa.
"Sovran, hindi Sovoro." bulong ko.
"Ah! P-paumanhin, Sovran." natataranta naman nitong sagot. Maging ang mga kaibigan nito ay pinipigilan ding matawa. Napailing nalang ako at tumingin sa Sovran.
"Saan naman ho kami pupunta?"
"Hindi na ligtas dito sa bayan. Wala na akong kapangyarihang hinahawakan. Wala nang saysay ang pagiging hari ko dahil naging bato na rin ang asawa at anak ko." paliwanag nito na ikinagulat ko.
"A-ang Reyna at ang Prinsesa?!" gulat kong tanong at tumango lang ito bilang sagot.
"A-ano po bang kaharian ang meron kayo at bakit may kaharian ng Pandemonium?" tanong ni Amarra.
"Ang kaharian dito noon ay iisa lang. Ang mga magulang namin ang namumuno." paliwanag ng Sovran. "May dalawa silang anak. Ako, at ang nakatatanda kong kapatid. Hanggang sa dumating na ang pasahan ng trono at ang buong akala ng kapatid ko ay siya ang papalit sa pamumuno ng bayan gunit nabigo siya nang sakin ipasa ng aming ama ang posisyong inaasam niya."
"A-anong nangyari sa kapatid mo? Nasaan na siya?"
"Gumawa siya ng sarili niyang kaharian kung saan siya ang naging hari."
"Ang kaharian bang tinutukoy niyo ay ang Pandemonium?" takang sabat naman ni Tim.
Tumango lang ang Sovran at bakas sa mukha niya ang lungkot. "Wala pa siyang nasasakupan at mamamayan noon. Kaya ninakaw niya ang kapangyarihan ng aming ina at pinaslang ito. Hindi pa siya nakuntento at ganun rin ang ginawa niya sa aming ama. Napatay niya ang aming mga magulang sa magkaibang araw ngunit nasa parehong oras. Eksaktong alas dose ng madaling araw at iyon ang ginamit niya upang mabuksan ang lagusan patungo sa ibang dimension ng mundo. At doon siya kumukuha ng kaniyang magiging tauhan at gagawing tagasunod."
"At kami ang taong iyon?" tanong ni Andrei.
Tumango ulit ang hari. "At nakasisiguro akong sa mga oras na ito ay alam na niyang may bago nanaman siyang tagasunod at hinahanap na kayo. Kaya sa lalong madaling panahon ay kailangan niyo nang umalis rito at tumakas."
"It's not that easy!" biglang sigaw nanaman ni Sab. Kumunot naman ang noo ng hari. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Amarra.
"Hindi yun ganoon kadali, Sovran. Ang pagtakas at pagtatago namin ay walang saysay at magiging dahilan lang iyon upang makulong kami sa mundong ito."
"Hindi na kayo makakalabas pa dito. Hindi niyo hawak ang kapangyarihan ng kapatid ko."
"'Yun na nga eh.. Hindi namin hawak ang kapangyarihan niya ngunit makakalabas kami dito sa oras na mapaslang namin siya." seryosong sagot ni Amarra dito.
"Mahihirapan kayo. Dadaan muna kayo sa libong bilang ng mga bandidong hawak niya bago niyo siya malalapitan."
"Hayaan niyo muna kaming mamalagi dito, Sovran. Kailangan namin ng tulong niyo." pakiusap pa ni Amarra.
"Paumanhin ngunit hindi ko iyon magagawa. Wala na akong laban dahil wala na akong kapangyarihan."
"Hindi ito tungkol sa kapangyarihan lang, Sovran! May magagawa ka pa! Ikaw ang hari dito hindi ba? Bakit ganun na lang kadali sayo magdesisyon na sumuko at itago ng paulit-ulit ang mga nasasakupan mo kung pwede naman kayong lumaban!" nagtaas na ng boses si Amarra ngunit hindi rin niya iyon napanindigan dahil unti-unting nababasag ang boses niyo dahil sa pag-hikbi.
"Amarra.. it's okay. Hayaan na lang natin siya. Gagawa nalang tayo ng iba pang paraan." sagot ko at hinimas ang likod niya para pakalmahin.
"No." sagot niya sakin at binaling muli ang tingin sa hari. "Gusto mo bang bumalik ang asawa't anak mo? Gusto mo bang bumalik sa normal ang mga mamamayan ng bayang ito na naging bato? Dahil kung oo tutulungan mo kami. At sa oras na manalo tayo ay babalik sila sa normal at makakalabas na kami sa pesteng mundong ito!" sigaw niya at padabog na tinalikuran ang hari. Sinundan naman nila Sab, Tim at Andrei ang kaibigan. Ako naman ay humarap saglit sa hari at humingi ng tawad bago sila sundan palabas.
"A-marra sandali!" sigaw ko habang habol sila palabas. Huminto sa paglalakad si Amarra at hinarap ako.
"Ano? Sasabihin mo bang mali ako, ha?!" umiiyak na talaga siya. Alam kong nahihirapan na siya sa nangyayari at sa sitwasyon namin at hindi na niya maitago ang nararamdaman nito.
"Klev, may karapatan tayong magalit at magreklamo dahil tayo ang biktima dito." madiin niyang katwiran.
"I understand. Sorry kung wala akong nagawa para ipaglaban ang kagustuhan mo. Hari siya at wala tayong laban sa desisyon niya."
"Kung iyon ang gusto niya, sa oras na magising si Keia ay aalis tayo agad."
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Andrei.
"Edi sa impyerno." sagot nito at tuluyan nang lumabas ng palasyo. Sumunod nalang kami sakanya.
"Magsipasok kayo!"
"Magsipasok kayo!"
"Itago niyo ang hari!"
Nagulat kami nang biglang nagtakbuhan ang mga kawal sa labas ng palasyo at pumasok sa loob.
"What the hell is going on again?" tanong ni Sab. Hinarangan ko ang isang kawal at tinanong kung ano'ng nangyayari.
"Dumating nanaman ang mga bandido!" sigaw nito at tumakbo papasok sa loob ng palasyo.
"Gaano ba kalakas ang mga bandidong 'yan at kailangan pang protektahan ang hari?" tanong ni Andrei.
"Magaling sila sa pakikipaglaban ngunit wala silang kapangyarihan." sagot ko.
"Tsk. Useless king." sagot ni Amarra at naglakad ng tuluyan paalis sa palasyo.
"Amarra, where are you going?!" sigaw ko.
"Amarra! It's dangerous! Come back here!" si Sab.
"Amarra!" tawag rin nila Tim at Andrei ngunit hindi manlang niya kami nilingon. Wala na kaming choice kundi ang sundan siya.
Pagkarating namin sa sentro ay nagkakagulo na ang mga bandido laban sa iilang kawal na meron ang bayan.
Dehado.
Lagi namang lamang ang kalaban. Pero lakas laban sa lakas. May laban kami.
Nakita naming huminto si Amarra at pinanood ang dalawang grupo na nagkakagulo.
Mukhang naagaw ng leader ng mga bandido ang presensya namin kaya sumenyas ito na magsi-tigil. Unti-unti ay humupa ang g**o nang bahagyang umaatras ang kalaban.
"Nandito na ang ating pakay. Hulihin ang mga taga-labas at dalhin sa pinuno at sa prinsipe!" utos nito. Dahan-dahan namang lumapit sa amin ang mga bandido. Wala nang nagawa pa ang mga kawal kundi magbigay daan.
"A-amarra.. I think.. w-we need t-to run?" natatakot na turan ni Sab habang dahan-dahang humakbang paatras.
"Bakit tayo tatakbo kung pwede naman tayong lumaban?" sagot nito na ikinagulat naming lahat maging ang mga kawal at mga bandido.
"Ano pa'ng saysay ng pag-eensayo kung hindi tayo susubok?" dagdag pa nito.
Amarra..
Hindi ko inakala na magiging ganito siya katapang. Bagay na hindi ko kailanman nakita sa sarili ko.
"Matapang ka. Hindi mo ba nakikila kung sino ang kaharap niyo ngayon?" tanong ng leader ng mga bandido at lumapit sa amin.
"Wala akong panahon upang kilalanin ang mga nilalang na kasing pangit niyo."
"Ang lakas ng loob mo. Anong laban mo?" nakangising tanong nito.
"Bakit hindi niyo subukan? Dahil ako, may pinaglalaban. 'Yun ay ang kalayaan. Eh kayo? Lumalaban para sa pinuno niyo? Napakababa naman pala ng antas na kinaroroonan niyo kung gano'n. Mga utusan!" palaban na sagot ni Amarra dito at nginisihan din ang kausap.
"Gusto mo na yatang mamatay. Maghintay ka at ipapakita ko sayo."
"Pakibilisan dahil naiinip na ako." sagot nito.
"Wag kang pakampante taga-labas. Dahil ipapakita ko sa inyo kung ano ang tunay na kahulugan ng bayan ng Gehenna na kinatatayuan mo! Paslangin ang mga 'yan!" sigaw nito at walang anu-ano'y hinugot ni Amarra ang sandata sa lalagyan at inunahan na ang mga bandido sa pagsugod.
"Amarra!" sigaw ko at kinuha na rin ang aking sandata upang tulungan siya sa pakikipaglaban. Hindi ko na rin napansin pa kung anong ginagawa nung tatlo pa nitong kaibigan. Basta ang alam ko lang ay nakikipag-p*****n na rin ako.
Magiging m****o ang unang labanan...