CHAPTER ONE (OFW)
Kristine's POV
2013
"You may now kiss the bride," Narinig kong sabi ng Pari. Napangiti ako, kinikilig pa rin akong mahalikan ni James, ng partner ko na ngayon ay asawa ko na.
Hinalikan niya ako sa labi, dampi lang pero punong puno ng pagmamahal.
May isa na kaming anak, pero ngayon lamang kami nagpakasal dahil na rin sa hirap ng buhay. Warehouseman lamang siya sa isang maliit na kumpanya at ako ay kahera lang din sa isang gasolinahan. Pero nang ipanganak ko si Andrei ay pina tigil na niya ako sa aking trabaho.
Nangungupahan lamang kami sa isang maliit na apartment dito sa Baguio, sapat lamang ang kinikita niya para sa aming pang araw-araw na gastusin.
Isang araw na galing siya sa trabaho ay nabanggit niyang unti-unting humihina ang benta ng kanilang kumpanya kaya naman nagbabawas sila ng tao. Napa-isip siya, paano kung mangibang bansa na lamang daw siya?
"Mahal, ano kaya kung mag-apply na rin ako sa Qatar? Nandoon na si pareng Vince malaki raw ang sahod doon," sabi niya sa akin.
"Ikaw, kung ano ang makabubuti hindi naman ako kokontra," sabi ko naman, pero ang totoo ayaw ko sa binabalak niya. Tatlong taong gulang pa lamang ang anak naming si Andrei at parang hindi ko kayang magkakahiwalay kaming tatlo.
Mabilis nga siyang nag-ayos ng mga papeles. Nag loan pa siya para gamitin sa pagkuha ng mga kailangan dokumento.
Ngunit nang nasa huling proseso na ay sinabi ng kaniyang agency na kailangan pang mag-aral o training ng anim na buwan. Kapwa kami pinanghinaan ng loob at nawalan ng pag-asa. Magsisimula na ang hulog sa loan niya at kailangan niyang magpatuloy sa trabaho. Ang mga pangarap namin ay maglalaho na lamang bang parang bula?
"Mahal, ikaw na lang kaya ang mag-abroad, balita ko ay mabilis lamang daw maka-alis ang mga babae," isang gabi ay sabi niya sa akin.
Hindi ako naka sagot. Takot ako at hindi ko kayang iwanan ang anak ko.
"H-ha," nauutal kong sagot.
"Huwag mong alalahanin si Andrei, papupuntahin ko rito si Nanay para alagaan siya," dagdag pa niya. Mukhang naka plano na ang lahat.
"S-sige, susubukan ko," sabi kong pilit na ngumiti. Hindi ko sukat akalaing uutusan niya ako sa ganoong bagay.
Nag-loan siya ulit para naman sa akin, nagsimula akong mag-ayos ng aking mga papeles, tulad ng sabi niya ay mabilis lamang ang proseso.
"Mahal, sabi ng agency sa susunod na linggo na raw ang ang flight ko," sabi ko kay James.
"Talaga mahal, malapit na!" Hindi ako sigurado pero tuwa ba ang nakikita ko sa kaniya? Hindi perpekto ang pagsasama namin pero alam ko at sigurado akong mahal namin ang isa't isa.
Nalulungkot at natatakot ako, pero para sa pamilya ay susubukan ko. Hindi ako natatakot sa magiging trabaho mahirap man ito, ang ikinatatakot ko ay ang malayo sa aking anak.
Undergraduate lamang ako sa kursong business administration at magiging domestic helper lamang sa bansang pupuntahan ko. Sa halagang labinlimang libong piso kada buwan ay ipagpapalit ko ang aking pamilya sa loob ng dalawang taon na kontrata.
"I love you Kristine," bulong sa akin ni James, isang madaling araw. Nagulat ako, hindi naman siya dating nagigising sa ganoong oras para lamang sabihin na mahal niya ako.
"Hmm, I love you too, matulog ka muna, maaga pa," sagot ko. Dahil may pasok siya kinabukasan.
Niyakap niya ako mula sa likuran, dahil ugali kong matulog nang naka talikod sa kaniya.
Nagsimulang maglakbay ang kaniyang kamay, patungo sa aking tiyan, sa dibdib. Ang isa naman ay bumaba sa aking puson, at humahanap ng landas doon. Ramdam ko ang mainit niyang palad sa aking katawan. Nitong mga nakaraan at nagiging mapusok si James. Dahil siguro nalalapit na ang pag-alis ko.
Mabilis din akong nag-init, napahawak ako sa braso niya. Gustong gusto ko ang ginagawa niya, alam niya ang mga kiliti ko.
Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda at seksi naman ako, may ilang stretch marks ako sa tiyan dala ng aking pagbubuntis pero hindi iyon naka bawas sa taglay kong karisma.
Tuluyan niyang inalis ang bestidang pantulog na suot ko.
Bahagya kong ibinuka ang aking mga hita upang bigyang daan ang mga daliri niyang naghahanap. Nagsimula niyang hagkan ang aking balikat habang abala ang dalawang kamay sa maseselang parte ng aking katawan. Napasinghap ako nang ipasok niya ang gitnang daliri sa aking kaselanan.
Hinawakan ko siya sa leeg habang patuloy na humahalik sa aking balikat.
Walang katumbas na ligaya ang kaniyang ginagawa, humarap ako sa kaniya at hinagkan niya ako sa noo.
"I love you," usal niya.
Hindi ako sumagot dahil iniimpit ko ang aking ungol na dulot ng sensasyong dala ng kaniyang romansa.
Mamaya pa pina talikod niya akong muli at ipinalit niya ang naghuhumindig na p*********i sa kanyang daliri na naglalabas masok sa aking kaselanan.
"Ahhh.." impit akong napaungol sa takot na magising ang aming anak na nasa kabilang kama lamang, at tanging manipis na kurtina ang pagitan niyon sa aming kama.
Ramdam na ramdam ko ang napakatigas at napakalaking alaga ng aking asawa kahit na mula sa aking likuran siya kumakanyod ay dama ko ang sagad na pasok niyon sa aking kaibuturan. Ang aking katawan ay para lamang sa kaniya.
Halos sabay kaming nakarating sa rurok
ng kaligayahan dulot ng pisikal na pagmamahal.
Nakatulog kaming magka yakap at may ngiti sa mga labi.
Araw ng aking pag luwas sa Maynila para sa aking flight paalis ng bansa kinabukasan.
Hindi mapatid ang luha sa aking mga mata, lalo na nang mahigpit akong yakapin ng aking tatlong taong gulang na anak. Napakasakit na iwanan ang wala pang muwang na bata, hindi ko sigurado kung makikilala pa ba niya ako sa aking pag uwi.
Hilam sa luha ang aking mga mata na niyakap ko ang aking mag-ama, ang huling yakap na babaunin ko sa dalawang taong pag layo.
Napaka bigat ng aking dibdib at patuloy pa rin ako sa pag hikbi habang palayo ang sinasakyan kong taxi sa noon ay kumakaway kong mag-ama.
Matiwasay naman ang aking biyahe mula sa Baguio hanggang sa Maynila.
Kinabukasan ay inisa-isang siniyasat ng tauhan ng agency ang aming mga bagahe, kinumpiska ang lahat ng mga electronic gadgets at mga baong biscuits, sabi ay bawal raw doon dahil mahigpit daw ang mga agency na sasalo sa amin sa bansang Kuwait.
Wala na kaming nagawa dahil ito raw ang kanilang patakaran.
Halos sampung oras din ang eroplano sa himpapawid, nang sa wakas ay lumapag na ito sa Kuwait International Airport.
Nanibago ako sa klima, nang lumabas kami mula sa air-conditioned area ay tila sinisilaban ako sa sobrang init. Noon ko lamang naranasan ang ganoong klima, nasanay ako sa malamig na klima ng Baguio.
Dinala kami sa agency, Filipina ang asawa ng may-ari nito kaya mabait naman, tinanong pa niya kung bakit hindi kami nagdala ng cellphone. Napa-iling na lamang siya nang sabihin naming ipina-iwan ito ng aming agency sa Maynila.
Kinabukasan ay isa isa kaming sinundo ng aming mga magiging amo. Ako ang pinaka huling nasundo dahil napaka layo pala ng bahay ng magiging employer ko.
"Good afternoon Sir," bati ko sabay tayo nang makita ko ang matangkad at guwapong Arabo na magiging amo ko.
"Good afternoon," sagot naman niya.
Pagkatapos niyang makipag-usap sa tauhan ng agency ay sinenyasan na niya akong sumunod sa kaniya. Hindi pa man ako nakakapag pasalamat sa mabait na madam na umasikaso sa amin dito ay nagkukumahog na akong sumunod sa kaniya hila ang mabigat kong maleta. Ako rin ang bumuhat para isakay sa kaniyang kotse.
Dito ko na naramdamang mag-isa na ako sa bansang ito, at walang ibang makakatulong sa akin kung hindi ang sarili ko lamang. Natatakot ako, nangungulila. Gusto kong umiyak ng umiyak pero nandito na, kailangan ko na lang magpakatatag para sa pangarap naming mag-asawa na magkaroon ng sariling bahay at makabayad na rin ng mga utang.
"So Kristine is this your first time to work here?" Basag ni Sir Ahmed sa katahimikan, nasa biyahe pa rin kami noon.
"Yes Sir," seryosong sagot ko.
"Good," sabi niya,
"I have four kids, three of them going to school, and the youngest will stay with you at home. You have to take care of him," mahabang sabi niya na paminsan minsan nililingon ako sa rear view mirror.
"Yes Sir," sagot ko ulit.
"Don't worry, your Ma'am will help you," sabi pa nito.
Halos isang oras din ang naging biyahe namin. Narating namin ang kanilang inuupahang flat. Naka pantalong maong at t-shirt lamang ako. Sa palagay ko naman ay disente ito dahil hindi naman bakat ang aking katawan sa suot ko. Naka ponytail ang aking mahabang buhok.
Pagpasok namin sa malaking pintuan ay sinalubong kami ng isang babae, may dala itong hidjab at agad na ipinasuot sa akin. Siya pala ang magiging Madam ko. Maliit na babae siya kumpara sa taas kong 5'7". Kasama nito ang tatlong anak, hindi ko pa matandaan ang mga sinabi niyang pangalan dahil noon ko lamang narinig ang mga iyon.
Inutusan ako ni Madam na ilagay ang aking bagahe sa isang maliit na silid, halos isang dipa ko lamang ang lawak. May maliit na cabinet sa dulo at tulugang kutson na noon naka sandal sa pader. Sinabihan din pala akong magbihis ng uniporme, binuksan ko ang cabinet at naroon ang maayos na naka sabit na mga unipormeng iba't ibang kulay. Hinanap ko ang kakulay ng hidjab na ipinasuot niya sa akin. Kulay violet iyon, maluwang ang uniporme, para lamang itong naka hanger nang isuot ko.
"Perfect!" nagulat pa ako nang paglabas ko ay hinihintay pala niya ako!
Pilit akong ngumiti kahit kinakabahan. Naalala ko ang sinabi sa PDO'S na ang daan ng magandang employee-employer relation ay magsisimula sa iyong Madam. Please her, be friend to her, love her children like yours.
Iginiya niya ako sa kitchen, ang katapat na pinto lamang pala ng aking silid.
mabilis na umikot ang aking paningin sa kabuuan, malinis naman, maayos, at maraming supplies.
Tinuruan niya ako ng ilang mga basic na Arabic tulad ng kung ano ang tawag nila sa baso, kutsara pinggan at iba pa. Hindi ko rin naman natandaan. Tinuruan niya ako kung ano at paano hinahanda ang hapunan para sa mga bata. Madali lang naman kaya mabilis kong natutunan.
Paglipas ng mga araw, unti unting lumalabas ang tunay na ugali ng amo kong babae. Binigyan niya ako ng oras ng tulog at oras ng gising. Halos anim na oras lamang ang aking tulog at pahinga, de numero ang lahat ng galaw, ang napaka luwang na bahay at dapat laging malinis to think na mayroong batang nagkakalat.
Akala ko madali, akala ko kaya ko. Ilang araw pa lamang ay gusto ko nang sumuko. Tanging larawan ng aking asawa at anak ang pumapawi sa pagod ko sa maghapong pagiging alipin ng pamilyang ito. Hindi rin ako pinayagang magkaroon ng cellphone man lamang. Hindi rin ako nakakalabas, ang pagtatapon lamang ng basura ang tanging paraan ko para maka langhap ng sariwang hangin sa labas.
Palagi akong sinisigawan, kahit ng mga bata. Napakasakit na nag-aalaga ka ng anak ng iba pero ang anak mo hindi mo manlang makausap. At ang bastusin at maltratuhin ka ng bata ay walang katumbas na pagtitiis at pagpapakumbaba.
Gabi-gabi kong ipinagdarasal na sana ay haplusin ng panginoon ang kanilang mga puso at ituring naman ako kahit bilang tao lang. Iyong bigyan ng kaunting respeto ay sapat na sana.
Ikatlong linggo na nang magkaroon ako ng lakas ng loob na hilingin kay Madam na tumawag man lang sana ako sa Pilipinas para makausap ang asawa at anak ko.
"Madam, can I call my husband I just want to tell them I'm fine so they're not going to worry about me," mahaba kong pakiusap sa kaniya.
"Okay, but only 3 minutes," sabi niyang inabot ang kaniyang cellphone.
Natuwa naman ako. Miss na miss ko na ang mag-ama ko.
"Hello," sabi ko nang marinig ko ang answer button sa kabilang linya.
"Hello," ang asawa ko.
"Mahal..." sabi ko, at nagsimula na akong humikbi. Nakatingin lamang sa akin ang Madam kong bruha.
"Maayos naman ako dito, kumusta si Andrei?" sabi kong halos hindi maintindihan ang salita ko dahil may kasamang iyak.
"Maayos naman siya, huwag mo kaming alalahanin. Alagaan mo ang sarili mo d'yan ha?" sagot ni James na umiiyak na rin. Narinig ko pa ang anak kong nakikipag agawan sa cellphone.
"Hello mommy miss na kita," lalo akong napaiyak.
Sumenyas ang Madam ko na tapos na raw ang tatlong minuto. Alam ko naman kung gaano katagal ang 3 minutes, halos isang minuto pa lamang ang nagagamit ko.
Wala na akong nagawa kundi magpaalam.
"Sige na, naki tawag lang ako sa amo ko. I love you, mag-iingat kayo diyan," sabi kong mabigat na mabigat ang dibdib.
Ibinalik ko ang cellphone ni Madam at nagpasalamat.
Hindi siya pumayag na bumili ako ng sarili kong cellphone dahil baka raw mapabayaan ko ang aking trabaho.
Lumipas ang isang buwan, dalawa tatlo. Minsan isang buwan lamang ako pinapatawag sa aking pamilya, tuwing magpapadala lamang ako ng pera.
Pakiramdam ko ay palayo ng palayo ang agwat ko sa aking pamilya. Hindi man lamang ako nagkakaroon ng panahong makausap ang aking anak. Si James naman at tila laging yamot kapag kausap ako. Baka raw naiistorbo ako at marami akong trabaho. Hindi ko pinansin iyon dahil miss na miss ko sila.
Nagpatuloy pa rin ang masamang ugali ng aking among babae, hindi siya nananakit physically ngunit lahat ng pang- iinsulto ay naranasan ko sa kaniya, ang mga mapanakit niyang mga anak.
Napuno lang talaga ako nang duraan ako sa mukha ng kaniyang labindalawang taong gulang na panganay na anak at duruin at sabihan akong haiwan o hayop, dahil lamang hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi sa kanilang lenggwahe.
Mag-iisang taon na akong nagtitiis sa kanila, kinausap ko sila na kung hindi nila ako kayang pauwiin dahil mahal ang airticket ay ibalik na lamang ako sa aking agency dahil willing naman silang tanggapin akong muli at maghanap nga bago kong magiging employer.
Hindi ako ibinalik sa aking agency, bagkus ay ibinenta nila ako sa ibang pamilya na nangangailangan ng kasambahay. Sa halagang 1200 Kuwaiti Dinar ay kinuha ako ng aking bagong amo.